1. Daily Lesson Plan
Name of Teacher: Date: _JUNE 6, 2023________
Subject: ESP 4 Time: _7:40 -8:10_____________
I. Layunin:
A.. Nauunawaan at naipapakita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa
mga likha
B. Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at nga material na bagay tulad ng Halaman:
Pangangalaga sa mga halaman gaya
II. Paksang Aralin:
Pangangalaga sa Kapaligiran, Tanda ng Paggalang sa Diyos na Lumikha
Kagamitan: Laptop, Projector, aklat, Mga larawang nagpapakita ng Pangangalaga at pagpapahalaga sa mga likha tulad
ng halaman
Sanggunian: Learner’s Material, pp 273-278
Integrasyon: (Araling Panlipunan ) Pangangalaga sa kalikasan
III. Pamamaraan:
A. Balik aral sa nakaraang aralin:
magbalik-aral sandali tungkol sa buod ng nakaraang aralin
B. Pagganyak:
1 Alam ba ninyo na ayon sa mga nakakatanda, ang pagsagip sa Inang Kalikasan ay nangangahulugang
pagsagip sa buhay?
2. Pakinggan ang awiting Masdan Mo Ang Kapaligiran
3. Pagtatanong sa mga bata kung ano ang kanilang nararamdaman habang inaawit ang awitin.
4. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig sa atin ng awitin?
5. Magpakita ng larawan ng kapaligiran natin noon at ngayon.
A . Kapaligiran Noon
Ngayon
2. C. Paghahabi ng layunin:
a. Mahalaga ba ang mga puno at halaman sa ating kapaligiran?
b. Paano ito nakakatulong sa atin?
C. Bilang mag-aaral ano ang maari nating gawin upang mapangalagaan natin ang ating kapaligiran?
D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
A . Ipabasa ang tulang Halaman… Karugtong ng buhay
B. Naniniwala ba kayo na ang halaman ay karugtong ng ating buhay
C. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa ang tula?
D. Nakasali na rin ba kayo sa pagtatanim ng puno o halaman sa inyong lugar?
E. Ano-ano ang kabutihang dulot ng pagtatanim ng puno at mga halaman?
F. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy na makakalbo ang mga kagubatan at hindi tayo magtatanim ng mga
puno’t halaman?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1.
1. May mga proyekto ba sa inyong barangay/paaralan tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran? Ano-ano ang mga ito?
F. Pagtalakay ng bagong Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2.
1.. Talakayin ang sumusunod ( powerpoint presentation)
Pag-usapan ang mga gawaing makakatulong upang mapangalagaan ang kalikasan
2. Pagpapakita ng mga larawan kaugnay sa aralin
2. Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Sabayang pagbigkas sa una at ikalawang saknong ng tula bilang paghanga sa mga biyaya ng Diyos tulad ng
mga halaman.
Pangkat 2 – Iguhit ang larawang diwa na nais ipahiwatig ng ikatlong saknong.
Pangkat 3 – Gumawa ng panalangin ng pasasalamat Sa bigay ng Diyos na biyaya katulad ng mga halaman.
IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung tama ang gawi at ekis ( x ) kung mali.
1._______wasakin ang kalikasan
2._______diligan ang mga halaman
3._______magsawalang kibo sa mga proyekto ng komunidad
4._______hayaang mainitan ang mga halaman ng mahabang panahon
5._______isaayos ang mga sirang paso na may halaman
V. Karagdagang Gawain
Magtanim ng dalawang uri ng halaman sa paso o sa lata ng gatas.