Ano ang Diyornal? Isang uri ng nakalimbag na pablikasyon na kung saan ay may kinalaman sa partikular na paksa na nauukol sa mga tampok na artikulo o balita. Ano ang Dyornalist? Sila ang mga mamamahayag o sumusulat ng mga balita at opinion ukol sa mga impormasyong nakalap sa mga pangyayaring naganap sa ating komunidad. Ano ang Diyornalistik na pagsulat? Isang uri ng pagsulat na kung saan ay kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o dyornalist na nakabatay sa layuning… * Maiharap ang impormasyong batay sa katotohanan Halimbawa: Magasin, Balitang Isports, Kolum * Makabuo ng kongklusiyong nakabatay sa katotohanan. Halimbawa: Editoryal/Pangulong Tudling, Lathalain Ito ay isinaalang-alang ang mga sumusunod na mga mungkahi: a. Kunin agad ang punto ng istorya b. Iwasan ang mga mahahabang pangungusap hangga’t maaari c. Sumulat ng malinaw d. Isulat ng tuwiran at wala ng paligoy-ligoy pa e. Panatilihing simple f. Sumasagot sa 5W’s at 1H’s