2. Layunin sa Pagkatuto:
•Pagkatapos ng makabuluhang aralin, ang mga
mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang
kahulugan at kahalagahan ng Pambansang
Pamahalaan.
3. PAUNANG PAGSUBOK
1. Sino ang katuwang ng pangulo sa pamumuno at pamamahala
ng pambansang pamahalaan?
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Kapitan B. Alkalde
C. Tagapagsalita D. Pangalawang Pangulo
2. Ang pambansang pamahalaan ay kontrolado ng isang ____.
A. Pangulo B. Kalihim
C. Senador D. Pangalawang Pangulo
D
A
4. 3. Ang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na ______.
A. Gabinete B. Kagawaran
C. Local na Pamahalaan D. Pambansang Pamahalaan
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng
kahalagan ng pamahalaan?
A. Nagbibigay ng mga libreng gamot at mask sa mga mahihirap.
B. Naniningil ng mataas na buwis sa mga mamamayan sa panahon ng COVID-19
C. Naglalaan ng pondo para sa mga taong nagkaroon ng sakit na COVID-19
D. Namamahagi ng tulong sa mga taong nawalan ng trabaho sa panahon ng
COVID-19
D
B
5. 5. Ang pamahalaan ang _____ sa pagpapatupad ng mga
programa at proyekto para sa mga nasasakupan nito.
A. Namumuno B. Sumusunod
C. Iresponsable D. Sumasalungat
A
6. 1. Kilala niyo ba ang nasa larawan?
2. Sino ang nasa larawan?
3. Ano ang posisyon at tungkulin
niya sa ating bansa?
7. 4. Ano ang tawag sa opisyal na
tirahan ng pangulo?
5. Ano ang tawag sa pamahalaang
kanyang pinamumunuan?
6. May ideya ka ba kung ano ang
ibig sabihin ng
Pambansang Pamahalaan ?
7. Mahalaga ba ang Pambansang
Pamahalaan?
8. ANG PAMBANSANG PAMAHALAAN:
Ang Pambansang Pamahalaan ay
isang samahan o organisasyong
political na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at
mapanatili ng isang sibilisadong
lipunan.
9. ANG PAMBANSANG PAMAHALAAN:
Ang Pamahalaan ng Pilipinas, na
siya ring pambansang
pamahalaan ay isang uri o
sistemang presidensiyal at
demokratiko.
Pinamumunuan at
pinamamahalaan ito ng isang
Pangulo na siyang puno ng
bansa, katuwang ang
Pangalawang Pangulo.
10. Ang Pamahalaan ay may tatlong
magkakaugnay na mga sangay:
Tagapagbatas, tagapagganap, at
tagapaghukom.
Tinatawag din ang mga sangay
na ito na
Lehislatibo, ehekutibo, at
hudikatura.
11. KAHALAGAHAN NG PAMBANSANG PAMAHALAAN:
1. Nangunguna sa
pagbababalangkas ng
pamamaraan ng pamamalakad
at pamamahala sa bansa.
2. Namumuno sa pagpapatupad
ng mga programa at proyekto
para sa mga nasasakupan nito.
12. KAHALAGAHAN NG PAMBANSANG PAMAHALAAN:
3. Bumubuo ng mga programa sa
iba-ibang larangan na
karaniwang nababatay sa mga
pangunahing pangangailangan
ng mga mamamayan.
4. Tumitiyak na maunlad ang
ekonomiya ng bansa kung kaya,
ang pamahalaan din ang
nangangasiwa sa pambansang
badyet.
13. KAHALAGAHAN NG PAMBANSANG PAMAHALAAN:
5. Tumitiyak na ang karapatan ng
mga mamamayan ay
napangangalagaan sa
pamamagitan ng pagkaloob ng
mga serbisyong pangkabuhayan,
pangkalusugan, pangkultura,
pansibil, at pampolitika.
14. Pagsasanay 1
•Panuto: Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi tungkol sa ating
pamahalaan? Lagyan ng ( ) ang mga ito.
1. Tumutugon ito sa mga karapatang pantao.
2. Naglalaan ng malaking pera o pondo para sa mayayamang pamilya lamang.
3. Ito ay kontrolado ng pangulo ng bansa.
4. Nagbibigay proteksiyon ito sa mga pag-aari ng bansa para sa mga
sumusunod na henerasyon..
5. Ito ang nagpapanatili ng sibilisadong lipunan.
15. Pagsasanay 2
•Panuto: Isulat ang WASTO kung tama at DI-WASTO kung mali.
1. Ang pamahalaan ang tumitiyak na maunlad ang ekonomiya ng bansa.
2. Pinangangalaan ng ating pamahalaan ang karapatan ng bawat mamamayan.
3. Hindi pinapakialaman ng ating pambansang pamahalaan ang kapakanan ng
mga mamamayang nasa ibang bansa.
4. Pinamumunuan ng Pangulo ang Pambansang Pamahalaan.
5. Ang Pilipinas ay mayroong pamahalaang demokratiko.
WASTO
WASTO
DI-WASTO
WASTO
WASTO
16. PAGLALAHAT
•Sa pagtatapos ng araling ito, ating alamin ang inyong natutunan.
1. Ano ang pambansang pamahalaan?
Ang Pambansang Pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na
itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at
magpanatili ng isang sibilisadong lipunan
2. Ano ang kahalagahan ng ating pambansang pamahalaan?
Bumubuo ng mga programa sa iba-ibang larangan ng karaniwang nababatay
sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
17. PANAPOS NA PAGSUSULIT
•Panuto. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang pangunahing institusyong nagpapatupad ng mga batas at
kautusan upang maipatupad ang mga mithiin ng mga mamamayan.
A. Pamilya B. Simbahan
C. Barangay D. Pamahalaan
2. Ang Pambansang Pamahalaan ay nangunguna sa pagbabalangkas
at pagpapatupad ng mga programa para sa mga _________.
A. turista B. dayuhan
C. Namumuno D. mamamayan
D
D
18. 3. Ang ating bansa ay mayroong pamahalaang ____.
A. sibil B. politikal
C. komunismo D. demokratiko
4. Ang Pambansang pamahalaan ng Pilipinas ay pinamumunuan ng ____.
A. Pangulo B. Senador
C. Alkalde D. Kapitan
D
A
19. 5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pamahalaan?
A. Ito ay may mga kapangyarihan.
B. Ito ay nagpapayaman sa mga negosyante
C. Ito ay nakakakolekta ng mga buwis at pondo.
D. Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng bansa.
D