2. Mga Tauhan:
• Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo
ng paaralan upang matiyak
ang magandang kinabukasan
ng mga kabataan ng San
Diego.
• Elias
Piloto at magsasakang
tumulong kay Ibarra para
makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito.
3. Mga Tauhan:
• Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-
Binondo; ama-amahan ni
Maria Clara.
• Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na
napalipat ng ibang parokya matapos
maglingkod ng matagal na panahon
sa San Diego.
4. Mga Tauhan:
• Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre
Damaso, nagkaroon ng lihim na
pagtatangi kay Maria Clara.
• Maria Clara
Mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego
na inihimatong anak ng kanyang
ina na si Doña Pia Alba kay Padre
Damaso
5. Mga Tauhan:
• Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo
ng marurunong na mamamayan ng
San Diego.
• Sisa
Isang masintahing ina na ang
tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya
at malupit.
6. Mga Tauhan:
• Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa;
sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San
Diego.
• Sisa
Isang masintahing ina na ang
tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya
at malupit.
7. Mga Tauhan:
• Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego
• Donya Victorina
Babaeng nagpapanggap na
mestisang Kastila kung kaya abut-
abot ang kolorete sa mukha at
maling pangangastila.
8. Mga Tauhan:
• Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating
labandera na may malaswang
bibig at pag-uugali.
• Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang
napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang
kapalaran; napangasawa ni Donya
Victorina.
9. Mga Tauhan:
• Alfonso Linares – malayong
pamangkin ni Don Tiburcio at
pinsan ng inaanak ni Padre
Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.
• Don Filipo – tenyente mayor na
mahilig magbasa ng Latin Señor
Nyor
10. Mga Tauhan:
• Juan – namahala ng mga gawain
sa pagpapatayo ng paaralan.
• Lucas – kapatid ng taong madilaw
na gumawa ng kalong ginamit sa
di-natuloy na pagpatay kay Ibarra
11. Mga Tauhan:
• Tarsilo at Bruno – magkapatid na
ang ama ay napatay sa palo ng
mga Kastila.
• Tiya Isabel – hipag ni Kapitan
Tiago na tumulong sa pagpapalaki
kay Maria Clara
12. Mga Tauhan:
• Tarsilo at Bruno – magkapatid na
ang ama ay napatay sa palo ng
mga Kastila.
• Donya Pia Alba – masimbahing
ina ni Maria Clara na namatay
matapos na kaagad na siya’y
maisilang.
13. Mga Tauhan:
• Inday, Sinang, Victoria, at
Andeng- – mga kaibigan ni Maria
Clara sa San Diego
• Kapitan-Heneral–
pinakamakapangyarihan sa Pilipinas;
lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.
14. Mga Tauhan:
• Don Rafael Ibarra – ama ni
Crisostomo;
• Don Saturnino – lolo ni Crisostomo;
naging dahilan ng kasawian ng nuno
ni Elias
15. Mga Tauhan:
• Balat – nuno ni Elias na naging
isang tulisan
• Don Pedro Eibarramendia – ama ni
Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
16. Mga Tauhan:
• Mang Pablo – pinuno ng mga
tulisan na ibig tulungan ni Elias.
• Kapitan Basilio – ilan sa mga kapitan
ng bayan sa San Diego
17. Mga Tauhan:
•Kapitan Valentin; ama ni Sinang.
Tenyente Guevarra – isang matapat na
tenyente ng mga guwardiya sibil na
nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.
19. Ang Mga Taong Nag-
impluwensya Kay Jose Rizal
“Ang mga pangyayari na isinulat ko sa nobela
ay pawang katotohanan lamang…
Mapatutunayan ko iyan.”
- Jose Rizal
20. Jose Rizal
Ang kumakatawan kay Rizal ay si Crisostomo
Ibarra. Si Ibarra ay tipo ng isang Pilipinong nag-
aral sa ibang bansa. Ang kaniyang ugali ay
mapagkumbabang taong humihingi ng
pagbabago. Kadalasan ang kaniyang mga kilos,
ugali at pagbabago at ang mga bagay-bagay na
makasarili ay tulad ng kay Rizal.
21. Leonor Rivera
Si Leonor Rivera ang inspirasyon ni Rizal sa
karakter na Maria Clara na mahinhin at malapit
sa Diyos. Pero salungat ng karakter ni Maria
Clara sa nobela, si Leonor Rivera ay naglilo at
nagpakasal sa isang Ingles.
22. Paciano Mercado
Si Pilosopo Tasio naman ay si Paciano na
nakakatandang kapatid ni Rizal. Kung inyong
babalik- aralan, kay Pilosopong Tasyo humihingi
si Crisostomo ng mga payo. Maraming
pagkakaparehas ang buhay nilang dalawa.
23. Padre Antonio Piernavieja
Ayon sa mga Rizalista, si Padre Bernardo Salvi
si Padre Antonio Piernavieja, ang kinapopootang
paring Agustino sa Kabite na napatay ng mga
rebolusyunaryo noong panahon ng himagsikan.
24. Kapitan Hilario Sunico
Si Kapitan Tiago, gaya ni Kapitan Hilario
Sunico ng San Nicolas, ay isang Pilipinong
nagpapasakop noon sa mga Espanyol at walang
siyang sariling desisyon.
25. Donya Agustina Medel de Coca
Si Donya Agustina Medel de Coca, isang
mayamang nag-mamay-ari ng Teatro Zorilla at
iba pang mga lupain na ayaw tanggapin ang
kanyang pagka-Pilipina kaya’t siya ay
nagpapanggap na Espanyol sa paggaya ng mga
kilos at salita nila. Siya ay kumakatawan kay
Donya Victorina.
26. Crispin at Basilio Crisostomo
Ang magkapatid na Crisostomo ng Hagonoy ay
sina Crispin at Basilio sa nobela.
27. Mga Paring Pransiskano
Si Padre Damaso ay lumalabas na siya’y
kumakatawan sa mga prayle noong
kapanahunan ni Rizal. Mapanghamak at
laging malupit lalo sa mga Pilipino.
28. Mga Tauhan at Ang Kanilang
Simbolismo sa Nobela
• Juan Crisostomo Ibarra – idealismo ng mga kabataang
nakapag-aral
• Maria Clara – ideal na babae ni Rizal
• Sisa – larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa at kung
paano ito inabuso ng mga Espanyol
• Doña Pia Alba – sumisimbolo sa Pilipinas na walang tigil na
nagpapasakop sa ibang bansa
• Kapitan Tiago – papet na indio ng istruktura ng lipunang
binuo ng mga Kastila sa Pilipinas
• Doña Victorina at Doña Consolacion - larawan ng mga
indiong may kaisipang kolonya
29. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Panuto: Piliin sa mga tauhang nakasulat sa loob ng kahon ang inaakala
mong nagsabi ng mga sumusunod na pahayag.Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
________1. “Hindi ka nagkakamali . Ngunit di-ko naging kaibigang matalik ang
iyong ama”.
________2. “Nakikita mo ba yaong mga ilaw sa kampanaryo? Naroroon sina
Basilio at Crispin ngunit di ko dinadalaw si Crispin dahil sa may sakit ang
Kura” .
________3. “Kung ako po ay inyong minamahal ay huwag ninyo akong
pabayaang maging sawi habang buhay. Ibig ko pong magmongha”.
_______4. “Kahit ako’y kalimutan ng aking bayan, sa lahat ng sandali’y inaalala
ko siya”.
_______5. “ Humatol upang makagawa ng mabuti at hindi masama; upang
makabuo at hindi makasira, sapagkat sa sandaling makagawa ng
kamalian hindi na malulunasan ang kasamaan niyang nagawa
30. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 : Ibigay ang katangian ng tauhan batay sa
sumusunod na pahayag.
1. “ Gaganahan silang mabuti sa pagkain. Malayo ang kanilang pinanggalingan”
Katangian ni Sisa: _________________________________
1. “ Hamunin mo siya sa isang paglalaban ngayon din, at kung hindi ay
ipagtatapat ko sa lahat kung sino ka”.
Katangian ni Donya Victorina: ____________________________
1. “ Bakit Isabel, kahibangan bang ipakasal ang kaisa-isa kong anak kay
Linares? Tandaan mong bukod sa Espanyol ang binatang iyan napakayaman
na ay may mga koneksyon pa”. Katangian ni Kapitan Tiago:
____________________________
4. “ Kung ako’y malaki-laki na ay ipamamanhik ko sa kanilang ako’y
pagkatiwalaan ng isang maliit na lupa upang aking linangin”. Katangian ni
Basilyo: ____________________________
5. “ Aalis na ako. Ipagtabi mo ako ng pansugal ko”.
Katangian ni Pedro: ____________________________
Notas do Editor
Sinasabi nilng baliw at ang iba ay matalino
Hindi pinagtapos ng ina dahil baka malaimit sa Diyos
Pumayag si Padre Damaso na makasal si Linares sa kanyang anak na si Maria Clara upang hindi makatuluyan ng dalaga ang kalaban niyang si Crisostomo Ibarra.
Don Filipo- Handa niyang isakrpisyo ang mataas na tingin sa kanya ng mga tao para maisakatuparan ang sa tingin niya tamang reporma.
Kapitan-Heneral. Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas.
itinitiwalag o itinatakwil mula sa relihiyon
Don Rafael- nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.