O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

Barayti ng Wika

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Próximos SlideShares
Batas ng wikang filipino
Batas ng wikang filipino
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 37 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Semelhante a Barayti ng Wika (20)

Mais recentes (20)

Anúncio

Barayti ng Wika

  1. 1. MGA KONSEPTO AT TEORYA: WIKANG PAMBANSA AT BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA Mga Kaugnay na Konsepto sa Pag-aaral ng Barayti ng Wika
  2. 2. Bakit may Barayti ng wika? Bawat lipunan ay may kani-kanyang wika katulad ng Ingles, Filipino, Hapon, kastila at iba pa na may sariling ponolohiya, morpolohiya at sintaksis. Ang mga wikang ito ay nagkakaroon ng barayti o pagkakaiba. Nagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Dahil sa pagkakahati sa pulo ng ating lugar na kinasasakupan tayo ay nagkaroon ng iba’t ibang uri o baryasyon ng wika. Iisang bansa man ang ating ginagalawan, tayo ay nahahati o nauuri pa rin ayon sa wikang ating ginagamit. Maraming lahi rin ang sumakop sa atin na nakapagbigay ng impluwensya sa uri ng ating pananalita, dagdag ang pagpapapalit-palit ng henerasyon sa ating lipunan, mga aspetong nagbigay ng dahilan ng pagkakaroon ng barayti ng wika.
  3. 3. Wikang Filipino Bilang Konsepto Ayon sa WIKArambulan bigkasin ang tunog upang mabuo ang salita: TUG – GOAL – LOG FEE – LEE – PIE – KNOW PEA – LEE – PEE – KNOW
  4. 4. 1937 - Ang wikang pambansa ay batay sa isang wika. TAGALOG – ang naging batayan nito ayon sa Executive Order 134 (Pang. Manuel L. Quezon) 1959 - Tinatawag itong PILIPINO batay sa Dept. Order No. 7 ni Sec. Romero ng Department of Education. 1973 - Sa sumunod na pagbabago ng Konstitusyon, hindi na isa kundi lahat ng Wika ng Pilipinas kasama ang Ingles at Espanyol ang batayan ng Wikang Pambansa sa pagbabago ng Konstitusyon noong 1987 pinalitan ang pangalang PILIPINO bilang FILIPINO. POLITIKAL ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng wikang pambansa kaya may mga di-tagalog na umaalma sa pangunguna ng Tagalog pagdating sa komunikasyon at edukasyon.
  5. 5. MGA BATAS, KAUTUSAN, MEMORANDUM AT SIRKULAR NA MAY KINALAMAN SA WIKANG PAMBANSA  Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika…”  Batas Komonwelt bilang 184 (1936) Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.  Kautusang tagapagpalaganap blg. 134 (1937) Ipinahayag na ang tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
  6. 6.  Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 (1940) Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan,pambayan man o pribado.  Batas Komonwelt blg. 570 (1946) Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.  Proklama blg. 12 (1954) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.  Kautusang Pangkagawaran blg. 7,s.1959 Nillagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinatagubilin na kailaman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.
  7. 7.  Kautusang Pangkagawaran blg.24,s.1962 Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulan sa taong –aralan 1963- 1964. Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa wikang Filipino.  Kautusang Tagapagpaganap blg. 60 s. 1963 Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.  Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 s. 1967 Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edipisyo,gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.  Memorandum Sirkular blg. 172 (1968) Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag- uutos na ang mga “letterheads” ng mga tanggapan ng pamamahalan ay isulat sa Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino gagawin.
  8. 8.  Memorandum Sirkular blg. 199 (1968)  Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba‟t ibang purok linggwistika ng kapuluan.  Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 (1969) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalan na gamitin ang wikang Fillipino hanga‟t maari sa Linggo ng Wikang pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.  Memorandum Sirkular blg. 384 (1969) Pinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawan, kawanihan ,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.
  9. 9. Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 (1971) Nilagdaan ng Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ngwikang pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito. Atas ng Pangulo blg. 73. (1972) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng maylimapung libong (50,000) mamamayan alinsunod sa probidyon ng Saligang Batas Artikulo XV Pangkat 3. Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong baylingwal.
  10. 10. Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin sa mga guro Ang mga bagong tuntunin sa ortogapiyang Pilipino. Memorandum ng MECS blg. 203 (1978) Accelerating the Attainment of the Goals of Bilinggual Education. Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978) Paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa wikang Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
  11. 11. Kautusang blg. 52 (1987) Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987 Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987) Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987. Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987) Ang Alpabeto at patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino. Kasaysayan ng Wikang Pambansa.
  12. 12. 1935 – Ang Seksyon 3 ng Artikulo XIV ng saligang-Batas ng Pilipinas ay nagtatadhana ng “ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansang batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” 1936 (Okt 27) – sa mensahe ng Pangulong Manuel Quezon sa kapulungang pambansa ay itinatagubilin niya ang pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag- aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang pambansang wikang panlahat na batay sa isa mga wika sa kapuluan.
  13. 13.  1936 (Nob. 13) – Bilang pagtupad ng itinadhana ng saligambatas at pag- alinsunod sa mensahe ng pangulong Quezon, pinagtibay ng Kongreso ang batas Komonwelt blg. 184 na nagtatag ng isang Pambansang Surian ng Wika at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito. Sa pagpili ng gagamiting wika ay itinatadhana ng batas na hirangin ang wika na may higit na kaunlaran sa kaniyang pagkakabuo, mekanismo, pampanitikan at siyang tinatanggap at ginagamit ng lalong malaking bilang ng mga Pilipino.  1937 (Enero 12) – Hinirang ng Pang. Manuel Quezon ang mga kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa: Jayme C. de Veyra (Samar-Leyte) -tagapangulo, Santiago A. Fonacier (Ilukano) – kagawad, Filemon Sotto (Cebu) – kagawad, Casimiro F. Perfecto (Bikol) -kagawad, Felix S. Salas Rodriguez (panay) – kagawad, Hadji Buto (Muslim) - kagawad, Cecilio Lopez (Tagalog) - kagawad
  14. 14. 1937 (Nob 9) – Bunga ng pag-aaral na ginawa ng SWP, pinagtibay ng pangulo ng Pilipinas na ang wikang Tagalog ang gamiting saligan ng wikang pambansa. Seksyon 7 ng Batas Komonwelt 333, na nagsususog sa ilang Seksyon ng Batas Komonwelt Blg. 184. Isa sa mga susog, ang pangalang pambansang Surian ng Wikang Pambansa ay ginawang Surian ng Wikang Pambansa, at tiniyak ang pagkabuo ng Surian na ang bawat kagawad ay kakatawan sa isang pangunahing wika sa kapuluna. 1940 (Abril 1) – sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang talatinigan at isang balarila ng Wikang Pambansa, at itinatakdang mula Hunyo 19, 1940 ay sinimulan nang ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pansarili.
  15. 15. 1940 (Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang kautusan pangkagawaran; ito‟y sinundan ng sirkular Blg. 26,s 1940 ng Patniugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sisimulan sa mataas na paaralan at sa mga paaralang normal. 1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana na ang pambansang wikang Filipino ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.
  16. 16. 1954 (Marso 26) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon kasaklaw ang kaarawan ni Balagtas (Abril 2). 1955 (Set 23) – Nilagdaan ng Pang.Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 ng 1954. na sa pamamagitan nito‟y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 ng Agosto hanggang ika 19 ng Agosto. Saklaw nito ang kaarawan ng pangulong Manuel Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa.
  17. 17. 1959 (Agosto 13) – Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad ng kailanma‟t tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin. 1967 (Okt 24) – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang kautusang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din ang mga ulong-liham ng mga kagawaran at mga tanggapan,at mga sangay ng pamahalaan ay naraaapat na nakasulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang salin sa Ingles, iniatas din na ang mga panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay gagawin sa Filipino.
  18. 18. 1968 (Agosto 6) – Nilagdaan ng pang. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-aatas na gamitinnhangga‟t maaari sa lahat ng kagawaran, kawanihan at iba pang sangay ng pamahalaan ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wika at gayun din pagkaraan nito sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. 1971 (Hulyo 19) – Pinalabas ng Kalihim TagapagpaganapAlejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 488 na nagbibigay diin sa Proklamasyon Blg. 186, s. 1955 na nag-aatas sa lahat ng tanggapang pampamahalaan na magdaos ng mga palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.
  19. 19. 1974 (Hunyo 19) – Pinalabas ng kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang kautusang pangkagawaran Blg. 25, 2. 1974 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingual. 1976 – Nilagdaan ng kalihim Juan Manuel ang Memoramdum pangkagawaran Blg. 194, s.1976 na nagsasaad ng binagong mga tuntunin sa ortograpiyang Pilipino na nagragdag sa 20 titik ng Abakada ng mga titik C, CH, F, J, LL, ñ, Q, RR, V, X, Z.
  20. 20. 1979 – Nilagdaan ng Minister ng Edukasyon ng Kultura ang Kautusang pangministri Blg. 47 na nagtatakdang ang mga mag-aaral na dayuhan sa mga dalubhasaan at pamantasan sa Pilipinas ay kailangang makakuha at maipasa ang anim (6) nay unit ng Pilipino upang makatupad sa mga pangangailangan sa pagtatapos sa anumang kurso. 1980 (Abril 28) – Ipinalabas ng Minister ng Edukasyon at Kultura, Onofre D. Corpuz, ang Memorandum Blg. 103 na nagtatatag ng mga sentro sa PNC at NTC na magsasanay sa mga guro sa dalubhasaan na gumamit ng Pilipino bilang wikang panturo.
  21. 21. 1986 – sa Saligang Batas ng 1986, ang wikang pambansa ay itinatadhanang tatawaging Filipino gaya sa nakasaad: Artikulo XIV, Sek 6 – “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,dapat masagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.
  22. 22. Konseptuwal na Batayan ng Filipino Ano ang ibig sabihin ng KONSEPTO? Ang isang konsepto ayon sa diksyunaryo ay “isang ideya o abstraktong prinsipyo kaugnay ng isang partikular na paksa o pananaw sa paksa. Lingua Franca at Karanasang Komon sa mga Filipino Lingua Franca - komon na wikang ginagamit ng taong magkaiba ng unang wika naging posible ito dahil sa tatlong pangunahing bagay na komon sa mga Filipino.
  23. 23. Pagkakahawig ng mga wika ng Filipinas at komon na katawagan sa mga bagay. Halos kalahati ng bokabularyo ng lahat ng katutubong wika ay magkakahawig. bigas Tagalog, Binignan Abra, Mangyan, Tiruray begas Batac Palawan, Cuyunen Palawan, Binukid bugas Dibabawon Davao, Samal, Subanon
  24. 24. Pangangalakal at Kolonisasyon ng mga dayuhan. Pangangalakal galing sa Tsino – hiram na salitang Intsik gaya ng siopao, hototay, siomai, kikiam, atbp. Kastila – hiram na salitang kalye (Calye), kanal (canal), pan de sal, karwahe (caruaje) atbp. Ingles – hiram na salitang beysbol (baseball), dyip (jeep), atbp. Paggamit ng wikang pambansa sa mass media (tv, radio, print, pelikula) at sa edukasyon (Filipino bilang wikang panturo sa eskwelahan), pag-unlad ng paggamit ng wikang pambansa (Pilipino).
  25. 25. Pluralidad Tungo sa Identidad: Ang Barayti ng Wikang Filipino sa Pagbuo ng Wika at Kamalayang Pambansa Wika – masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao para sa komunikasyon. Identidad – mga katangian at paniniwala ng isa tao pagkakakilanlan sa isang tao batay sa kinagisnang kultura. mga aspeto ng identidad ay nasyonalidad, edad, kasarian, estado, atbp.
  26. 26. Barayti kilala rin sa Ingles na “variety”, ito ang sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang uri ng pangkat etniko. Set ng mga lingguwistik aytem na may kaparehong distribusyon. Maliit na grupo ng pormal o makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangaing sosyo-sitwasyunal. Halimbawa: Wikang ginagamit ng mga estudyante, manggagawa, mga tambay sa kanto, mga tinder at anumang grupo.
  27. 27. Baryasyon - Iba’t ibang manipestasyon ng wika. Halimbawa: Ang Filipino at ang ibang wika sa Pilipinas.
  28. 28. Mga Uri ng Barayti at Baryasyon ng Wika Idyolek - Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita. Halimbawa: “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro “Hoy Gising” - Ted Failon “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez “Na diumano” – Jessica Soho
  29. 29. Dayalek – Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan. Halimbawa: Tagalog – “Mahal kita” Hiligaynon – “Langga ta gd ka” Bikolano – “Namumutan ta ka” Tagalog – “Hindi ko makaintindi” Cebuano – “Dili ko kasabot”
  30. 30. Sosyolek / Sosyalek – Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo. Ito ay nabubuo batay sa dimensyong sosyal at ang barayting ito ng wika ay nakabatay sa katayuan ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang kinabibilangan. Halimbawa: Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo) Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
  31. 31. Etnolek - Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko. Halimbawa: Palangga – Sinisinta, Minamahal Kalipay – saya, tuwa, kasiya Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan Vakuul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan.
  32. 32. Ekolek – Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata at matanda. Halimbawa: Palikuran – banyo o kubeta Papa – ama/tatay Mama – nanay/ina
  33. 33. Pidgin – Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”, “Nobody’s Native Language”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa. Halimbawa Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo. Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta. Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
  34. 34. Creole – Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika. Halimbawa: Mi nombre – Ang pangalan ko Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano? I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa gubatan.
  35. 35. Register – tawag sa espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina. Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May tatlong uri nito: (Estilo) A. Field o Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito B. Mode o Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon? C. Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap
  36. 36. Halimbawa: Mga salitang Binaliktad Mga salitang Pinaikli sa teks Mga salitang gingamit ng ma iba’t ibang propesyon gaya ng doktor
  37. 37. Jargon tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon, partikular na trabaho o gawain ng tao. “salitang balbal”, “salitang kalye” o “salitang kanto”. Ito ay grupo ng mga salita na hindi mo mauunawaan kung hindi ka parte ng isang grupo o kung wala kang konteksto sa nagaganap. Halimbawa: Chaka – hindi maganda Japorms – porma Kano – Amerikano Yosi

×