ANG MAKATAONG KILOS
ANG TAO AY SADYANG NATATANGI SAPAGKAT
IPINAGKALOOB SA KANYA ANG LAHAT NG
KAKAYAHAN UPANG HUBUGIN ANG KANIYANG
PAGKATAO AT UPANG MAGPAKATAO. PAANO NGA
NAHUHUBOG ANG PAGKATAO NG TAO?
Ayon kay Agapay, anumang uri ng indibidwal ang tao
ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga
sumusunod ay nakasalalay sa Kilos na kaniyang gnagawa
ngayon at gagawin sa mga sumusunod na nalalabing araw
ng kaniyang buhay.
DALAWANG URI NG KILOS NG TAO:
ito ang kilos na isinagawa ng tao nang
may kaalaaman, Malaya at kusa. Ito ay
ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
kapanagutan ang taong gumawa nito.
Halimbawa: pagtulong sa isang
matanda na tumatawid sa kalsada,
pagbibigay ng pagkain sa pulubi at
lahat ng kilos na ginagamitan ng isip
at kilos-loob.
ito ang mga likas na kilos na
nagaganap sa tao na ayon sa kaniyang
kalikasan.
Mga halimbawa nito ay ang mga
biyolohikal at pisyolohikal na kilos
tulad ng paghinga, pagtibok ng puso,
pagkurap ng mata, pagkaramdam ng
sakit mula sa isang sugat at
paghikab.
2. MAKATAONG KILOS / HUMAN ACT
1. KILOS NG TAO / ACTS OF MAN
PANANAGUTAN
ANG PANANAGUTAN AY NARARAPAT NA MAY
KAALAMAN AT KALAYAAN SA PINILING KILOS
UPANG MASABING ANG KILOS AY
PAGKUKUSANG KILOS / VOLUNTARY ACT. ANG
BIGAT / DEGREE NG PANANAGUTAN SA
KINAKAHARAP NA SITWASYON NG ISANG
MAKATAONG KILOS AY NAKABATAY SA BIGAT
NG KAGUSTUHAN O PAGKUKUSA.
ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon.
Ang gumagawa ng kilos ay may pagkaunawa
sa kalikasan at kahihinatnan nito.
ang kilos na may paggamit ng kaalaman
ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito
sa kilos na hindi isinagawa bagaman may
kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
Ang kilos na walang kaalaman kaya’t walang
pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay
hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya
alam kaya’t walang pagkukusa.
1. KUSANG-LOOB
1
2
3
2. DI- KUSANG-LOOB
3. Walang kusang loob
Tatlong Uri ng Kilos
Ayon sa Kapanagutan
MAKATAONG KILOS
AT OBLIGASYON
MAKIKITA SA LAYUNIN NG ISANG
MAKATAONG KILOS KUNG ITO AY MAS
MABUTI. DITO MAPATUTUNAYAN KUNG
BAKIT GINAWA ANG ISANG BAGAY. AYON
KAY ARISTOTELES, ANG KILOS O GAYA AY
HINDI AGAD NAHUHUSGAHAN KUNG
MASAMA O MABUTI ITO. HALIMBAWA: SA
PAGTULONG SA KAPWA, HINDI AGAD
MASASABING MABUTI AT MASAMA ANG
IPINAKITA MALIBAN SA LAYUNIN NG
GAGAWA NITO.
MAKATAONG KILOS
AT OBLIGASYON
ANG LAHAT NG BAGAY AY MAY LIKAS NA
LAYUNIN O DAHILAN. KUNG ILALAPAT SA
MGA SITWASYON, ANG BAWAT KILOS NG
TAO AY MAY LAYUNIN. ANG LAYUNING
ITO AY NAKAKABIT SA KABUTIHANG
NATATAMO SA BAWAT KILOS NA
GINAGAWA. ANG KABUTIHANG ITO AY
NAKIKITA NG ISIP NA NAGBIBIGAY NG
PAGKUKUSA SA KILOS-LOOB NA ABUTIN
TUNGO SA KANIYANG KAGANAPAN- ANG
KANIYANG SARILING KABUTIHAN O MAS
MATAAS MATAAS PANG KABUTIHAN.
MAKATAONG KILOS
AT OBLIGASYON
Ayon kay Santo Tomas, ang isang gawa o
kilos ay obligado. Lamang kung hindi
pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang
mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas
mataas na kabutihan- ang kabutihan ng sarili
at ng iba patungo sa pinakamataas na
layunin.
Kung sa kabuuan ng kanyang pakay ay nakikita ng tao
ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang
kapanagutan ng kilos.
Ang pamaraan ba ay tugma sa pag-abot
ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa
pag-abot ng naisin?
Ang pamamaraan na pinili ay mas nakabubuti
sa isang tao na na hindi isinasa-alang alang
ang kapakanan nito.
1. PAGLALAYON.
1
2
3
2. PAG-IISIP NG PARAAN NA MAKARATING SA LAYUNIN.
3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan.
Kabawasan ng Pananagutan:
Kakulangan sa Proseso ng
Pagkilos
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO
SA MAKATAONG KILOS
1. Kamangmangan
2. Masidhing Damdamin
3. Takot
4. Karahasan
5. Gawi