2. MORPOLOJI
- pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ang pagbubuo
ng mga sa salita. Matatawag din itong palabuuan.
MORPEMA
- pinakamaliit na yunit ng isang salitang nagtataglay ng
kahulugan
Hal.
Doktora
3. ANYO NG MORPEMA
ISANG MAKAHULUGANG TUNOG O PONEMA
-matatagpuan ang ponemang ito sa mga salitang kastila
tulad ng senador/senadora, gayundin sa mga salitang nagtat
apos sa a na nangangahulugang babae.
Hal.
Kutsero/Kutsera , barbero/barbera
4. PANLAPI
-may kahulugang taglay ang panlapi kaya matatawag
natin itong morpema
*panlaping makangalan -kapag ang nabubuong salita ay pang
ngalan
*panlaping makauri -kapag ang nabubuong salita ay pang-uri
*panlaping makadiwa -kapag ang nabubuong salita ay pandi
wa
Hal.
Kain + -an = kainan
Bibig + -an = bibigan
Punta + -han = puntahan
5. SALITANG-UGAT
-ito ay ang payak na salitang walang panlapi. Maaaring
pangngalan, pang-uri, at pandiwa.
Hal.
tao, bagay, bundok, langit
pangit, tamad, pula, puti
takbo, lakad, higa, ligo
6. URI NG MORPEMA
DALAWANG URI NG MORPEMA
1. LEKSIKAL - tulad ng marami, tao, EDSA
2. PANGKAYARIAN - tulad ng mga kataga
PAGBUBUO NG SALITA
-maaaring maging salitang-ugat lamang ang mga salita
ngunit maaari itong lagyan ng panlapi o kaya ay ulitin o dagd
agan ng isa pang salitang-ugat.
7. PAGLALAPI
-tinatawag na stem ang salitang nilagyan ng panlapi. Maaari
itong ilagay sa una, gitna, huli at magkabila.
Unlapi - panlaping nauuna sa salitang-ugat
Hal.
um + asa = umasa
Gitlapi - panlaping nasa gitna ng salitang-ugat
Hal.
b - in - iro = biniro
8. Hulapi - panlaping nasa hulihan ng salitang-ugat
Hal.
dami + han = damihan
Kabilaan - panlaping nasa unahan at hulihan
Hal.
ka + laya + an = kalayaan
Laguhan - panlaping nasa unahan, gitna at hulihan
Hal.
pag + sum + ikap + an = pagsumikapan
9. PAG- UULIT / REDUPLIKASYON
- maaaring ulitan lamang ang unang pantig ng salitang-ugat
o ang buong salitang-ugat.
Di - Ganap o Parsyal na Pag - uulit
-inuulit lamang ang unang pantig ng salitang-ugat
Isang titik lamang ang inuulit kapag ang unang pantig ay pati
nig.
Hal.
asa = aasa
10. Dalawang titik kapag ang unang pantig ay binubuo ng tatlong
titik.
Hal.
takbo = tatakbo
Kung dalawang titik ang unang pantig inuulit ang dalawang ti
tik.
Hal.
lima = lilima
11. Ganap na Pag - uulit
-kapag inuulit ang buong salitang-ugat
Hal.
araw = araw-araw
Magkahalong Di - Ganap at Ganap na Pag - uul
it
-kapag inuulit ang isang bahagi at ang kabuuan ng salita
Hal.
sa + sayaw-sayaw = sasayaw-sayaw
12. PAGTATAMBAL
-nabubuo ang ibang salita sa pagtatambal ng dalawang salit
ang-ugat. Maaaring may linker o wala ang salitang ugat.
Walang linker sa Pagtatambal
Hal.
hampas + lupa = hampaslupa
May linker sa Pagtatambal
Hal.
dalaga + ng bukid = dalagang-bukid
13. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
8 URI NG MORPOPONEMIKO
1. ASIMILASYON
-pagababaging kinapapalooban ng mga panlaping
nagtatapos sa ng dahil sa inmpluwensya ng kasunod na katini
g nito.
Napapaloob dito ang tinatawag na alomorp ng morpema.
Nangangahulugan itong maaaring magbago ang anyo ng morp
ema dahil sa impluwensya ng kapaligiran.
Ang morpemang pang ay may alomorp na [pang] , [pam]
at [pan]. Ang mang ay may [mang], [mam] at [man]. Ang kasi
ng ay may [kasing], [kasim] at [kasin]. Kung nauuna sa mga s
alitang-ugat na nagsisimula sa /d,l,r,s,t/.
14. 2 Uri ng Asimilasyon
*Asimilasyong Parsyal o Di-Ganap
-asimilasyong nagaganap sa pailong na /ng/ sa pinal na
posisyon ng isang morpema. Nagiging /n/ o /m/ ang tunog n
a /ng/ dahil sa sumusunod na tunog.
Hal.
pang + sayaw = pansayaw
sing + pula = simpula
15. *Asimilasyong Ganap
-asimilaayong nagaganap matapos na maging n at m
ang ng dahil sa pakikibagay sa sumusunod na titik. Nawawala
ang unang titik ng salitang-ugat na nagsisimula sa /d,l,r,s,t,b
,p/.
Hal.
mang + tahi > mantahi > manahi
pang + bato > pambato > pamato
16. 2. PAGLALAPI NG /-an/ o /-in/
-nangangahukugan ito ng paglalaping /-in/ at /-an/ na
nagiging /hin/ at /han/ batay sa salitang-ugat na hinuhulapi
an.
Hal.
Salitang-ugat na nagtatapos patinig
takbo /takboh/ + /-in/ > /takbuhin/ > takbuhin
Salitang-ugat na nagtatapos sa impit/glotal
basa /basa?/ > /basa?/ + /-in/ > /basa?in/ > basain
17. 3. PAGPAPALIT NG TITIK
Pagpapalit ng /d/ at /r/ - ito ang pagpapalit ng /r/
sa /d/ kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /d/ ay inuu
nlapian at kapag nagtatapos sa /d/ ay hinuhulapian.
Hal.
ma + dunong = marunong
lakad + -an = lakaran
18. Pagpapalit ng /h/ at /n/ - nagkakaroon ng palitan ng /h/ at
/n/ sa ilang pagkakataon tulad ng:
Hal.
tawa + an > /tawah/ + /an/ > /tawa.nan/ > tawanan
Pagpapalit ng /k/ at /g/ - nagkakaroon ng palitan sa ilang pa
gkakataon
Hal.
halik + an > halikan > hagkan
19. Pagpapalit ng /e/ at /i/ - nagpapalit ang e at i kapag inuulit
ang pantig na may /e/ sa pakikibagay. Nagiging i ang titik na
e at nagkakaroon ng linker.
Hal.
Babae + -ng + babae = babaing-babae
Pagpapalit ng /o/ at /u/ - nagpapalit ang o at u kapag nauuli
t ang oantig na may /o/ sa pakikibagay. Nagigung /u/ ang na
unang titik na /o/ at nagkakaroon ng linker.
Hal.
puno + -ng + puno = punung-puno
20. 4. METATESIS
-ito ay ang paglilipat ng ponema. Kapag ang salitang-
ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginigitlapian ng -in. Nagk
akalapit ang posisyon ng /i/ at /n/ kaya nagiging /ni/.
Hal.
-in + luto = niluto (hindi linuto)
21. 5. PAGKAKALTASNG PONEMA
-ito ay ang pagkawala ng isang ponema sa gutna o
hulihan ng salita.
Hal.
Sa unahan
ipaki+ abot > ipakiabot >pakiabot
Sa gitna
bukas + an > bukasan > buksan
Sa hulihan
tingin + an > tinginan > tingnan > tingni
22. 6. PAGSUSUDLONG O PAGDARAGDAG
-ito ay ang pagdaragdag ng isa pang hulapi gayong
mayroon ng hulaping inilagay sa isang salitang-ugat. Ang idin
adagdag na hulapi ay ang dalawa ring uri ng hulaping -in at -
an.
Hal.
/totooh/ + /-an/ > totoohan > totohan
totohan + /an/ > totohanan
23. 7. PAG - IISA NG DALAWANG SALITA O PAG -
AANGKOP
- ito ay ang pagsasama ng dalawang salita at nagpapa
hayag ng kabuuang diwa ng dalawang salita.
Hal.
tingnan + mo = tamo
24. 8. PAGLILIPAT - DIIN
- ito ay ang pagbabago ng diin kapag hinuhulapian.
Maaaring malipat ang diin sa huli o sa penultima ang diin.
Hal.
/ta.pos/ + /-in/ > /tapu.sin/ > tapusin
Maaaring maiba ang kahulugan ng salita dahil sa pagba
bago ng diin.
Hal.
/magna.na.kaw/ - kukuha ng bagay na di kanya
/magnana.kaw/ - kawatan