Ang pabula ay isang akdang naglalaman ng mga pangyayaring kapupulutan ng aral na sadyang ginawa upang makapagbibigay aliw sa mga mababasa lalo na ang mga bata
2. Ang Pabula ay kwento na may mga tauhang
ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita at
nag-iisip na tulad ng tao. Habang lumilibang sa mga
mambabasa, nagbibigay naman ito ng hindi
matatawarang aral. Masasalamin sa pabula ang
kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat
ipagmalaki at pahalagahan
3. TUKLASIN:
Ang pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” na
isinakomiks ni Dr. Jose P.Rizal ay unang nailathala noong
1885 sa Trubner’s Record, isnag magasing panliteratura
sa Europa. Ang orihinal na manuskrito nito ay nakalagak
ngayon sa Pambansang aklatan ng Pilipinas.
4. 1. Isalaysay sa klase ang pabula at ipatutukoy ang mga
katangian nina Matsing at Pagong na dapat tularan at
di-tularan.
2. Ibahagi ang mahalagang aral na natutuhan sa pabula.
5. •Ang pabula ay isa sa pinakamatandang uri ng panitikan
na hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa maraming
bansa sa daigdig. Noon pa mang ikalima at ikaanim na
dantaon bago si Kristo, may itinuturing nang pabula
ang mga taga-India. Ang kanilang mga pabula ay
karaniwang tungkol sa buhay ng itinuturing na
dakilang tao ng mga sinaunang Indian, si Kasyapa. Ang
mga kwentong ito ang naging batayan naman ng mga
sinaunang Budista.
6. •Si Aesop, isang aliping Griyego na nabuhay noong
ikaanim na dantaon ang tinaguriang “Ama ng mga
sinaunang Pabula” (Father of Ancient Fables )noong
panahong 620-560 BC. Si Aesop ay kuba at may
kapansanan sa pandinig mula sa pagkabata. Lumaki
siya at nagkaisip na isang alipin sa Isla ng Samos,
subalit dahil sa kanyang kasipagan, katapatan at talino
ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo.
7. •Naglakbay si Aesop sa maraming lugar sa Greece at
pinalaganap ang mga tinipong pabula sa pamamagitan ng
pagkukwento. Ang kanyang mga pabula ay tungkol sa
buhay ng kalikasan ng tao at kalagayan ng lipunan noong
kapanahunan niya. Tinuruan niya ang mga tao ng tamang
pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Upang magawa ito,
ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang
mga pabula dahil bilang isang alipin, wala siyang
karapatang punahin ang mga tao, lalo na kung ang mga ito
ay nabibilang sa mataas na antas sa lipunan. Tinatayang
nakalikha si Aesop ng mahigit 200 pabula bago siya
namatay.
8. •Pagkatapos ng panahon ni Aesop, marami nang mga
manunulat ng pabula ang nakilala. Kabilang sa mga ito
sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates,
Phalacrus at Planudes. Nakilala din si Odon ng
Cheritan noong 1200; si Marie de France noong 1300;
si Jean La Fountaine noong 1600; si G. E. Lessing
noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.
9. •Pagkatapos ng panahon ni Aesop, marami nang mga
manunulat ng pabula ang nakilala. Kabilang sa mga ito
sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates,
Phalacrus at Planudes. Nakilala din si Odon ng
Cheritan noong 1200; si Marie de France noong 1300;
si Jean La Fountaine noong 1600; si G. E. Lessing noon
at si Amnrose Bierce noong 1800.
10. •Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba’t
ibang panig ng daigdig hanggang makarating sa ating
kapuluan. Bago pa man dumating ang mga Espanyol at
sakupin ang ating bansa, nakalikhana ng mga pabula
ang ating mga ninuno at pinagyaman ang mga ito
kasama ng iba pang uri ng panitikan. Dahil ang pabula
ay tumatalakay sa magagandang aral tulad ng tama,
patas, makatarungan at makataong pakikisama sa
kapwa, mabilis itong lumaganap sa iba’t ibang bahagi
ng bansa at nagkaroon pa ng mga rehyunal na
bersyon.
11. •Katulad ng tao, ang hayop ay may kanya-kanya ring
likas na katangian. Dahil dito, mabisang mailalarawan
ang aral na ibig ipabatid ng manunulat. Sapagkat
noong unang panahon ay nahahati ang mga
mamamayan sa tribu o lipi, ginamit na tauahan ang
mga hayop upang maiwasan ang pag-aakala ng ilang
lipi o tribo na sila ang pinapatutungkulan ng pabula. Sa
ganitong paraan, maiiwasan ang pag-aaway at
pagtatalo ng mga tao sa pamayanan.
12. •Tulad ng iba pang kwentong-bayan, sa simula ang mga
pabula ay nagpasalin-salin lamang sa bibig n gating
mga ninuno. Subalit nang magkaroon sila ng sistema
ng pagsulat, ang ilan sa mga ito ay nagawa nilang
maiukit sa malalaking bato at balat ng mga
punongkahoy. May ilan ding naisulat sa papel, na sa
paglipas ng panahon ay nailathala at lumaganap
hanggang sa kasalukuyan.
13. •Sa kasalukuyan, muling binabalikan ang kahalagahan
ng pabula. Ilang pabula ang tumatalakay ukol sa
tamang pakikipagkapwa at samahan ng mga tao tulad
ng mga taong nakatataas ng antas sa lipunan o mga
taong nasa posisyon, mga empleyado, mga taong
nanunungkulan sa gobyerno, mga magulang at anak at
iba pa.
14. Ang Pabula ng Maranao.
“Maituturing na kayamanan ng isang tao ang siya’y
mapagkatiwalaan ng kanyang kapwa.”
“ANG PUSA AT ANG DAGA”
Ni Donato B. Sebastian
15. •Isang umaga, napansin ng inang pusa na nilalagnat ang
kaisa-isa niyang anak na si Kuting. Sa pakiwari ng inang
pusa ay may kabigatan ang karamdaman ng anak
kaya’t dapat tumawag ng manggagamot. Matapos
makapaghanda ng pagkain, ang inang pusa ay
tumungo sa bahay ng inang daga na kanyang kaibigan.
16. •“Magandang umaga, kaibigan,” ang bati ng inang pusa.
“Magandang umaga naman. Aba, kaibigan, maagang-
maaga ka!” ang salubong ng inang daga. “Oo nga.
Nilalagnat kasi ang anak kong si Kuting. Tatawag ako ng
doctor, ngunit wala akong mapag-iiwanan sa kanya.
Maaari bang doon na muna kayo sa amin ng iyong
anak na si Bubuwit habang hindi pa ako dumarating?”
“Iyon lamang pala! Ako’y nakalaang tumulong sa iyong
pangangailangan.”
17. •Noon din ay ginising ng inang daga ang kanyang anak
na si Bubuwit. “Gumising ka na, anak. Dadalawin natin
si Kuting.” “Ayaw ko pang bumangon. Inaantok pa
ako.” “May pagkain doon,” ang gayak ng ina sa anak.
“Masarap daw ang pagkaing inihanda ng ina ni
Kuting.” Nang marinig ni Bubuwit ang masasarap na
pagkain ay agad nang bumangon at sumama sa
kanyang ina.
18. •Si Kuting ay tawag nang tawag sa kaniyang ina nang
ang tatlo’y dumating ng bahay. “Narito ako, anak” ang
masuyong aliw ng inang pusa sa naglalambing na
anak. “Aalis muna ako sandali upang tumawag ng
manggagamot.” “Wala akong kasama rito. Huwag mo
akong iwan.” At umiyak ang maysakit na si kuting.
Magiliw na niyakap ng inang pusa si Kuting. “Narito
sina Bubuwit at ang kanyang ina. Maiiwan sila rito
habang ako’y wala. Maglaru-laro kayo ni Bubuwit at
nang ikaw ay malibang,” ang aliw ng ina.
19. •“Ayaw ko kay Bubuwit. Siya ay magnanakaw,” ang tutol
ni Kuting. “Ssss! Masama iyon,” ang saway ng inang
pusa. “Huwag kang magsasalita nang ganoon.”
Sa wakas ay nahimok na rin si Kuting kaya’t pumayag
nang paiwan. Hindi pa nakalalayo ang ina ay naidlip
nang muli si Kuting.
20. Ang malikot namang si Bubuwit ay nagtungo agad sa kusina.
Maraming lutong pagkain siyang nakita. At saka may gatas,
tinapay at itlog. May mainit na lugaw na marahil ay para kay
Kuting.
“Nanay! Nanay!”, ang masiglang tawag ni Bubuwit.
“Tingnan mo! Tingnan mo!”
Tuwang-tuwa rin ang inang daga nang makita ang kaysarap
na pagkain. Nakaramdam siya ng gutom kaya’t noon din ay
ininom ang kalahaitng basong gatas. Ang kalahati’y itinira sa
anak na si Bubuwit.
.
21. •“Masarap ang itlog! Ang wika ni Bubuwit at kinain ang
lahat ng nasa pinggan. “Masarap din ang tinapay na
iyon!”ang wika ng inang daga. Inubos ng dalawa ang
lahat ng pagkain, pati lugaw. Busog na busog ang mag-
ina. Maingay ang mag-ina kaya’t nagising si Kuting.
Kahit na mabigat ang katawan dahil sa matinding
lagnat ay nag-inat-inat na ring tumungo sa kusina.
Nakita niya na naubos ng dalawa ang lahat ng pagkain.
22. “Matatakaw!Matatakaw!” ang sigaw ni Kuting sa mag-
ina.
Nagulat ang dalawa. Si Bubuwit ay nagalit sa sinabi ni
Kuting. Lumapit si Bubuwit sa may sakit na si Kuting at
kinagat iyon sa paa. Lumaban naman si Kuting at
kinalmot si Bubuwit. Nakita ng inang daga na nadadaig
ang kanyang anak. Sumugod siya at dagli niyang kinagat
si Kuting. Pagkatapos ay madaling tumakas ang mag-
ina. Sila’y takut na takot na humukay ng malalim na
lungga at doon nagtago.
23. •Tahimik sa bahay nang dumating ang inang pusa. Siya
ay malungkot na malungkot sapagkat hindi siya
nakasundo ng manggagamot. Pumanhik siya. Wala si
Kuting sa banig.
• “Kuting, Kuting!” ang malakas na tawag niya. “Saan
ka naroon?”
• Nang ilingap niya ang kanyang paningin sa may
kusina, nakita niya ang anak na nakaratay.
24. •“Kuting, aking anak!” ang pataghoy na tawag ng ina
nang makitang maraming sugat at halos hindi
humihinga ang kaawa-awang anak. Marahang nilinis
ng ina ang mga sugat ng anak. Mayamaya ay
nakapagsalita kahit paano si Kuting at isinalaysay ang
mga pangyayari. Galit ang nag-alab sa puso ng ina.
Matapos mapagyaman ang anak na halos panawan ng
hininga, ang inang pusa ay umalis upang paghanapin
kahit sa dulo ng daigdig ang taksil na mag-inang daga.
25. •Nakita ng inang pusa ang kahuhukay pa lamang na lungga.
Naghihiyaw na tinawag ang itinuring niyang kaibigang hindi
naging karapat-dapat sa pagtitiwala niya.
• “Daga! Daga! Lumabas ka! Ang galit nag alit na sigaw ng
pusa.
• Narinig ng mag-inang daga ang malakas na hiyaw ng
inang pusa, ngunit hindi sila lumabas ng lungga. Noon din
ay tinawag ng inang pusa ang lahat ng kanyang mga
kamag-anak at ibinalita ang ginawa ng mag-inang daga sa
kanyang si Kuting.
26. •“Hanapin natin sila,” ang pagalit na wika ng isang
pusang lalaki. “Sasama ba kayo?”
• “Oo! Sasama kami,’ ang sabay-sabay na sagot ng
ibang mga pusa.
• Dahil sa malaking takot nila, itinuloy nila ang
nahukay na lungga hanggang sa makalabas sa isang
dakong lingid sa kaalaman ng mga pusa. Patuloy ang
paghahanap ng mga pusa. Nang lumaki si Kuting ay
kasama na siya sa paghahanap. At patuloy…patuloy
ang paghahanap ng mga pusa sa kinapopootang daga.
27. Linangin:
Isa sa mga sangkap ng pabula na pumupukaw sa
interes at isipan ng mga mambabasa ay ang tagpuan o
setting. Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar kung saan
nagaganap at panahon kung kalian nagaganap ang mga
pangyayari sa isang akda, kabilang ang pabula. Ang likas
na kalagayan at panahon ng isang pook ay may
malaking kaugnayan sa daloy ng mga pangyayari sa
akda. Ito ang nagbibigay ng backdrop o kapaligiran sa
akda.
28. • Sa pamamagitan ng tagpuan, mabisang naikikintal sa
isipan ng mga mambabasa ang mga katangiang taglay ng
mga tauhan, maging ang dahilan ng kanilang mga ugali at
paniniwala. Ang isang epektibo at mahusay na tagpuan ay
may kakayahang dalhin ang isipan ng mga mambabasa sa
eksaktong lugar kung saan naganap ang tagpo.
• Bagamat may bahid ng mga hindi makatotohanang
pangyayari ang isinasalaysay sa pabula, ang mga pook o
tagpuang ginamit ditto ay angkop din sa ginagalawang
daigdig ng mga tauhang hayop. Dahil dito, mahalagang
elemento ang tagpuan sa kabuuan ng pabula.
29. • Sa pamamagitan ng tagpuan, mabisang naikikintal sa
isipan ng mga mambabasa ang mga katangiang taglay ng
mga tauhan, maging ang dahilan ng kanilang mga ugali at
paniniwala. Ang isang epektibo at mahusay na tagpuan ay
may kakayahang dalhin ang isipan ng mga mambabasa sa
eksaktong lugar kung saan naganap ang tagpo.
• Bagamat may bahid ng mga hindi makatotohanang
pangyayari ang isinasalaysay sa pabula, ang mga pook o
tagpuang ginamit ditto ay angkop din sa ginagalawang
daigdig ng mga tauhang hayop. Dahil dito, mahalagang
elemento ang tagpuan sa kabuuan ng pabula.
30. •Ano-ano ang uri ng modal?
•Paano ginagamit ang mga ito sa pagpapahayag?
•Sumulat ng iskrip para sa isahang pasalitang
pagtatanghal
31. •Pagtatanghal ng isahang pasalitang pabula
Pamantayan sa Pagtataya
Pagkakabuo at Orihinalidad ng akda - 60
Malikhaing pagtatanghal - 20
Malinaw na pagkakalahad ng mensahe - 15
Damdamin - 5
100