Anúncio

HEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdf

Teacher em Department of Education
6 de Nov de 2022
Anúncio

Mais conteúdo relacionado

Apresentações para você(20)

Anúncio
Anúncio

HEALTH 4 - MGA NAKAHAHAWANG SAKIT ALAMIN KUNG BAKIT.pdf

  1. HEALTH JAY CRIS S. MIGUEL SECOND QUARTER
  2. PANIMULANG GAWAIN Suriin ang mga larawan sa mga sumusunod na slides at tukuyin kung anong mga salita ang ipinapahiwatig ng mga ito. Isaayos ang mga letra sa ibaba ng mga larawan upang mabuo ang angkop na mga salita.
  3. U B O
  4. P S O N I
  5. A S K T I A S A T B A L
  6. R S O E Y S E E
  7. R O O C V I N A U S R A S E D S E I
  8. MAHAHALAGANG KATANUNGAN: NARANASAN MO NA BA ANG ALINMAN SA MGA SAKIT NA IPINAKITA NG MGA LARAWAN SA PANIMULANG GAWAIN? ANO-ANO ANG IYONG MGA GINAWA UPANG HINDI NA LUMALA PA ANG SAKIT NA ITO? PAANO MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON MULI NG GANITONG SAKIT?
  9. MGA NAKAHAHAWANG SAKIT: ALAMIN KUNG BAKIT? ARALIN 1
  10. LEARNING COMPETENCY The learner describes communicable diseases H4DD-IIa-7
  11. ANO NGA BA ANG IBIG SABIHIN NG SAKIT? Ang sakit ay hindi normal na kalagayan ng kalusugan ng isang tao. Ito ay maaaring sanhi ng hindi maayos na kondisyon ng mga selyula (cells) o bahagi ng katawan. Maaari din itong sanhi ng mga mikrobyong nagdudulot ng sakit.
  12. DALAWANG URI NG SAKIT Nakahahawang Sakit (Communicable Diseases) Hindi Nakahahawang Sakit (Non-communicable Diseases)
  13. HINDI NAKAHAHAWANG SAKIT HINDI NAKAHAHAWANG SAKIT (NON-COMMUNICABLE DISEASE) (NON-COMMUNICABLE DISEASE) Ang hindi nakahahawang sakit ay hindi naisasalin mula sa isang tao papunta sa ibang tao. Ito ay maaaring nakuha mula sa nakagawian at maling paraan ng pamumuhay (lifestyle).
  14. HINDI NAKAHAHAWANG SAKIT HINDI NAKAHAHAWANG SAKIT (NON-COMMUNICABLE DISEASE) (NON-COMMUNICABLE DISEASE) Ilang halimbawa ng mga hindi nakahahawang sakit ay ang mga sumusunod: asthma, cancer, diabetes, ulcer, sakit sa puso, at appendicitis.
  15. KATANUNGAN: MALIBAN SA MGA NABANGGIT, ANO- ANO ANG IBA PANG HALIMBAWA NG HINDI NAKAHAHAWANG SAKIT?
  16. NAKAHAHAWANG SAKIT NAKAHAHAWANG SAKIT (COMMUNICABLE DISEASE) (COMMUNICABLE DISEASE) Ang nakahahawang sakit ay naipapasa ng isang tao, hayop o bagay sa iba pang tao. Ito ay nagmumula sa mga mikrobyo na pumapasok at sumisira sa mga selyula (cells) ng katawan.
  17. NAKAHAHAWANG SAKIT NAKAHAHAWANG SAKIT (COMMUNICABLE DISEASE) (COMMUNICABLE DISEASE) Nangangailangan ito ng dagliang pagsugpo at masusing pag-iingat upang maiwasan ang paglaganap nito.
  18. NAKAHAHAWANG SAKIT NAKAHAHAWANG SAKIT (COMMUNICABLE DISEASE) (COMMUNICABLE DISEASE) Ilan sa mga halimbawa ng nakahahawang sakit ay ang mga sumusunod: ubo, sipon, sore eyes, at coronavirus disease.
  19. Ayon sa RiteMed, ang cough o ubo ay isang reaksyon ng katawan upang alisin ang sipon, plema at iba pang bagay na nakakairita sa baga at mga daanan ng hangin. Dahil ito ay produkto ng iba’t- ibang sakit, allergy at iritasyon sa respiratory system, maraming maaaring maging sanhi ang ubo. UBO UBO
  20. Virus Impeksyon Paninigarilyo Paglanghap ng alikabok, usok, at kemikal Pagharang ng isang bagay sa lalamunan at daluyan ng hangin Kabilang sa mga maaaring sanhi ng ubo ay ang mga sumusunod: UBO UBO
  21. Ayon naman kay Dr. Willie Ong, isang kilalang doktor sa ating bansa, ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flu), sipon (common colds), allergy, sigarilyo (smoker’s cough), pulmonya (pneumonia), namamagang tonsils (tonsillitis) at tuberkulosis. UBO UBO
  22. Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis lang ang nangangailangang inuman ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin. Ang tuberculosis naman ay ginagamot ng anim na buwan ng TB medicines. UBO UBO
  23. Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, tulad ng trangkaso, sipon at allergy, puwede nating gawin ang mga posibleng lunas sa mga susunod na slides. UBO UBO
  24. 1. Uminom ng 8-12 basong tubig –— Ayon sa mga pulmonary experts, tubig lang talaga ang pinakamabisang gamot sa ubo. Pinapalabnaw kasi ng tubig ang ma­ ­ didikit na plema. Kapag lumabnaw na ang plema, mas madali natin ito mailalabas.
  25. 2. Uminom ng mainit na salabat o sabaw — Malaki ang tulong ng salabat at luya para ma­ gin­ ­ - hawahan ang lalamunan natin. May panlaban din ito sa bacteria at nakaaalis ng kati ng lalamunan. Ang pag-inom naman ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag din ng mga tubo natin sa baga.
  26. 3. Umiwas sa nakaka- allergy na bagay — Mara­ - ming ubo ang nanggagaling sa allergy. Puwedeng magka-allergy sa usok, sa balahibo ng pusa at aso, sa matata­ pang na pabango, at sa mga pollen ng mga halaman. Umiwas sa mga bagay na ito. Puwede rin uminom ng gamot para sa allergy. 4. Gamot para sa ubong may plema — Nagbibigay ang mga doktor ng gamot tulad ng carbocisteine o ambroxol para lumabnaw ang plema.
  27. 5. Gamot para sa tuyong ubo (dry cough) —– Para sa nakaiistorbong ubo, yung tipong hindi ka patutulugin, kumonsulta sa doktor at magpa-reseta ng gamot. Tandaan: Kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot. 6. Magpahinga — Huli sa lahat, ang kaila­ ngan ng ating katawan ay pa­ hinga. Kapag kompleto ang tulog natin ay dahan-dahang lalakas ang ating katawan. Tanggal ang ubo.
  28. Ayon kay Doc. Willie Ong, ang common cold o sipon ay isang impeksyon na sanhi ng virus sa pang itaas na bahagi ng respiratory tract, sa ilong at lalamunan. Kadalasan ito ay hindi naman nakasasama. Ang palatandaan nito ay sipon, masakit na lalamunan at ubo at kung minsan naman nagluluhang mata, pagbahing at baradong ilong. SIPON SIPON
  29. Ayon sa RiteMed, walang pinipiling panahon ang pagkakaroon ng common cold o sipon. Marami ang nagkakasakit kahit bata o matanda lalo na kung mahina ang resistensiya sa katawan. SIPON SIPON
  30. Baradong ilong Masakit na lalamunan Paulit-ulit na pagsinga Lagnat Pagkabangag o lutang na pakiramdam sa ulo Pag-ubo Pananakit sa ilang bahagi ng katawan Ilan sa mga sintomas ng sipon ay ang mga sumusunod: SIPON SIPON
  31. Maaari kang mahawaan ng sipon kapag ikaw ay nabahingan o nakahawak ng gamit ng may sipon. At kahit malayo ka sa taong may sipon, maaari ka pa ring mahawaan dahil kumakalat ang rhinovirus sa hangin o sa pagtalsik ng likido gaya ng laway at uhog. SIPON SIPON
  32. Hindi basta-basta kakalat ang virus kung gagamit ng tissue at pagkatapos ay itatapon agad. 'Di katulad kapag panyo ang gamit, ang virus ay maaaring kumalat sa iyong mga gamit at paligid. Regular na maglinis ng mga gamit lalo na kung may kasama sa bahay na may sipon. Magandang ipaalala rin na kapag nababahing, gamitin ang siko pangtakip kaysa sa nakagawiang pagtakip gamit ang kamay. Narito ang ilang mga gamot sa sipon, home remedy at mga simpleng paraan para maiwasan ito ayon sa RiteMed.
  33. Ayon sa mga eksperto, mas mabuting sa siko bumahing dahil kapag sa kamay ay may pagkakataon pang kumalat ang bacteria kapag may nahawakang bagay ang may sipon at maaaring mahawakan pa ng iba. Hugasan nang maigi ang kamay gamit ang tubig at sabon. Maaari ring gumamit ng hand sanitizer o alcohol bago at pagkatapos kumain o humawak ng mga gamit. Ang paghihiram ng mga gamit na nalawayan o nasingahan ng may sipon ay nakakahawa lalo na sa mga taong mahina ang immune system. Linisin nang mabuti ang mga gamit at huwag muna manghiram sa iba.
  34. Tulad ng paggamit ng kanilang bagay, pinapayo rin na umiwas muna sa kanila upang hindi ka mahawa. Regular na mag-ehersisyo, kumain ng may pampalakas ng immune system, uminom ng walo hanggang pitong baso ng tubig, magpabakuna at magkaron ng sapat na oras na pagtulog. Uminom ng bitaminang mayroong sodium ascorbate o ang Vitamin C na mineral. Ito’y mainam na panlaban sa sipon at lagnat. Safe itong inumin dahil ito ay stomach-friendly lalo na sa mga nakararanas ng acidity.
  35. Ayon sa RiteMed, ang conjunctivitis, tinatawag ring pink eyes, ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng sore eyes dahil sa pamamaga ng membranes na bumabalot sa mga puting parte ng mga mata at loob ng eyelids. CONJUNCTIVITIS O SORE EYES CONJUNCTIVITIS O SORE EYES
  36. Ang conjunctivitis ay sinasamahan ng itchy eyes dahil sa posibleng impeksyong natamo. Kadalasan, mapapansin din na ang batang may conjunctivitis ay nakakaranas ng teary eyes. Ang pagluluha na ito ay isang natural na reaksyon lamang ng katawan para tulungang mailabas ang impeksyon. CONJUNCTIVITIS O SORE EYES CONJUNCTIVITIS O SORE EYES
  37. Discomfort sa mga mata; Pakiramdam na parang may buhangin sa mga mata; Eye discharge; Red eyes; Pamamaga at pananakit ng mga mata; Pamamaga ng mga talukap; at Pangangati ng mga mata. Ang iba pang mga senyales na dapat bantayan para malaman kung conjunctivitis ang nararanasan ay ang mga sumusunod: CONJUNCTIVITIS O SORE EYES CONJUNCTIVITIS O SORE EYES
  38. Makakatulong para maibsan ang discomfort na nararamdaman kung lilinisin nang dahan-dahan ang gilid ng mga mata gamit ang maligamgam na tubig at bulak. Gawin ito para matanggal ang mga namumuong discharge na nagpapadikit sa mga talukap. CONJUNCTIVITIS O SORE EYES CONJUNCTIVITIS O SORE EYES
  39. Narito ang ilan sa tips upang mapangalagaan ang ating eye health. 1. Magkaroon ng eye-healthy diet. Ang nutrients gaya ng lutein, omega-3 fatty acids, zinc, at Vitamins C at E ay nagpapababa ng risk sa pagkakaroon ng problema sa paningin o vision. Ilan sa mga halimbawa nito ay green leafy vegetables, mga oily fish gaya ng tuna at salmon, mga pagkaing mayaman sa protein tulad ng eggs, beans, at nuts, at citrus fruits.
  40. 2. Ugaliing maghugas ng kamay. Para makaiwas sa kahit anong sakit, patuloy na paalala ng mga eksperto ang frequent handwashing. Sa ganitong paraan, mapipigilan ang paglipat ng virus at bacteria na nagdadala ng sore eyes. Mahalagang gawin ito lalo na kung gustong magkusot ng mga mata o kaya naman ay matapos humawak ng mga gamit ng mga taong pinagkakamalang may conjunctivitis.
  41. Ayon sa RiteMed, ang COVID-19 ay sakit na galing sa SARS-CoV-2 na isang coronavirus. Ang coronavirus ay pamilya ng mga virus na tinatarget ang respiratory system ng mga mammals kasama ang tao. May apat na uri ng coronavirus: alpha, beta, delta, at gamma. Karamihan ng mga coronavirus ay napapabilang sa mga hayop. Pero may ilang alpha at beta types na naipapasa sa tao. CORONAVIRUS DISEASE CORONAVIRUS DISEASE
  42. - Pagubo - Kahirapan sa paghinga o shortness of breath - Pagkapagod o fatigue - Sakit ng ulo o headache - Baradong ilong - Runny nose - Lagnat o fever - Muscle pain - Sore throat - Nilalamig o chills - Pagkawala ng panlasa o pang amoy - Pagkahilo at pagsusuka - Diarrhea Ayon sa Center for Disease Control or CDC, ang mga sintomas ng COVID-19 ay: CORONAVIRUS DISEASE CORONAVIRUS DISEASE
  43. Ayon sa mga eksperto kumakalat ang virus sa pamamagitan ng respiratory droplets na kadalasang lumalabas kapag bumabahing o umuubo. Upang maiwasan mahawaan ng virus at para mapabagal ang pagkalat nito may ilang reccomendations ang mga expert: - Social distancing o ang pagtayo ng 2 meters mula sa ibang tao - Regular at wastong paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon - Pagsusuot ng face mask pati face shield kapag lumalabas - Pag-iwas sa mataong lugar at kaganapan
  44. KATANUNGAN: MALIBAN SA MGA NABANGGIT, ANO- ANO ANG IBA PANG HALIMBAWA NG NAKAHAHAWANG SAKIT?
  45. PAGGAWA NG COMIC STRIP THINK-PAIR-SHARE
  46. Humanap o pumili ng iyong kapareha. Kumpletuhin ang comic strip template na ibibigay ng guro. Gamitin ang inyong mga natutunan mula sa aralin ngayong araw sa mga dayalogong ilalagay sa comic strip.
  47. Magandang araw po doktora. Dalawang araw na po akong nakararanas ng matinding sipon at ubo. Ano po kaya ang maaari kong gawin upang mabilis na gumaan ang aking pakiramdam?
  48. Nakahahawa po ba ang sipon at ubo doktora?
  49. Ano-ano po ang mga maaari kong gawin upang hindi mahawa sa akin ang aking mga kasamahan sa bahay?
  50. Maraming salamat po doktora. Gagawin ko po ang inyong mga payo.
  51. PAGSASADULA PANGKATANG GAWAIN
  52. Bumuo ng pangkat na mayroong 3 hanggang 4 na miyembro. Bawat pangkat ay bubuo ng isang maikling dula na nagpapakita ng mga paraan kung paano maiiwasan ang mga nakahahawang sakit gaya ng ubo, sipon, sore eyes, coranavirus disease, at iba pa.
  53. Ang maikling dula na ipakikita ng bawat pangkat ay dapat na 2 hanggang 3 minuto lamang. Gagamitin ng guro ang mga pamantayan sa pagbibigay ng puntos na nasa susunod na slide.
  54. Kaugnayan ng istorya sa paksang ibinigay - 30 puntos Tono at boses - 20 puntos Pagkakaganap ng tauhan / Ekspresyon ng mukha - 30 puntos Teamwork at partisipasyon - 10 puntos Kasuotan at props - 10 puntos PAMANTAYAN PARA SA MAIKLING DULA-DULAAN KABUUAN: 100 PUNTOS
  55. Ang hindi nakahahawang sakit ay hindi naisasalin mula sa isang tao papunta sa ibang tao. Ito ay maaaring nakuha mula sa nakagawian at maling paraan ng pamumuhay (lifestyle). Ang nakahahawang sakit ay naipapasa ng isang tao, hayop o bagay sa iba pang tao. Ito ay nagmumula sa mga mikrobyo na pumapasok at sumisira sa mga selyula (cells) ng katawan. Ilan sa mga halimbawa ng nakahahawang sakit ay ang mga sumusunod: ubo, sipon, sore eyes, at coronavirus disease. TANDAAN:
  56. PAGTATAYA
  57. TUKUYIN ANG NAKAHAHAWANG SAKIT NA INILALARAWAN NG BAWAT PANGUNGUSAP SA MGA SUSUNOD NA SLIDES. ISULAT ANG SAGOT SA IYONG KUWADERNO.
  58. 1. Ito ay isang impeksyon na sanhi ng rhinovirus na tinatarget ang pang itaas na bahagi ng respiratory tract tulad ng ilong.
  59. 2. Ito ay isang reaksyon ng katawan upang alisin ang sipon, plema at iba pang bagay na nakakairita sa baga at mga daanan ng hangin.
  60. 3. Ito ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng pamumula sa mata dahil sa pamamaga ng membranes na bumabalot sa mga puting parte ng mga mata at loob ng eyelids.
  61. 4. Ito ay kondisyon ng mata na sinasamahan ng itchy at teary eyes dahil sa posibleng impeksyong natamo.
  62. 5. Ito ay sakit na galing sa pamilya ng mga virus tulad ng alpha, beta, delta, at gamma na tinatarget ang respiratory system ng mga mammals kasama ang tao.
  63. KARAGDAGANG GAWAIN
  64. Kumpletuhin ang graphic organizer na nasa susunod na slide.
  65. Mga Gagawin Ko Upang Makaiwas sa Anumang Sakit
  66. https://www.facebook.com/jaycris.miguel migueljaycris119@gmail.com
  67. HEALTH 4 CURRICULUM GUIDE Edukasyong Pangkalusugan – Ikaapat na Baitang Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/cough https://www.ritemed.com.ph/colds/gamot-sa-sipon https://www.ritemed.com.ph/infections/3-tips-para-alagaan-ang- mga-mata-ng-bata https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/covid-19 SANGGUNIANG MATERYALES Alternative Delivery Mode Kwarter 2 – Modyul 1: Nakahahawang Sakit, Bakit? Unang Edisyon, 2020 Kagamitan ng Mag-aaral ONLINE RESOURCES
Anúncio