Kabuuan at Nilalaman
Ang chismis ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay ‘di tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakakilala magkakapalagayang loob.
Linalaman ng Tsismis
> maaaring totoo
> bahagyang totoo
> binaluktot na katotohanan
> dinagdagan/binawasang katotohanan
> sariling interpretasyon
> pawang haka-haka
> sadyang di-totoo o imbentong kwento
Tatlong Uri ng pinagmulan o pinanggalingan ng Tsismis:
> Obserbasyon ng unang tao/ grupong nakita o nakarinig sa itsinismis
> Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang puri sa kapuwa.
> Pabrikadong Teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o madla.
CHISMES
salitang Espanyol na pinaghanguan ng salitang Tsismis
> Sabi nga, kapag may usok, malamang may apoy. Tandaang ang tsismisan ay nagaganap hindi lamang sa Pilipinas. Nagaganap din sa mga bansang English ang bernakular na wika tulad ng United States at Australia, ito ay madalas katumbas ng gossip, rumor at iba pang kaugnay na salita gaya ng hearsay, scuttlebutt, o chatty talk na dumadaloy sa pamamagitan ng grapevine. May negatibong kahulugan ang tsismis sa ibang bansa at gayundin sa Bibliya (Tan,2016,pp.89;
Montelibano,2017).
> Ang tsismisan ay bahagi ng daynamiks ng interaksyon ng mga Pilipino sa kapwa at maaaring nakapagbibigay sa mga magkakausap ng sikolohikal na koneksyon at kultural na ugnayan sa lipunang ginagalawan.
Usisero – hindi siya kakilalang lumapit sa umpukan, manonood at makikinig lang, bawal sumabat at iisiping siya ay intrimitida, atribida o pabida.
UMPUKAN
Likas na sa umpukan ang kwentuhan kung saan may pagpapalitan, pagbibigayan, pagbubukas-loob at pag- uugnay ng kalooban. Kagaya ng tsismisan, walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan. Sa umpukan ng Pilipino’y madalas talagang maisingit ang biruan. Taal na sa atin na marami ang pikon dahil sa isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil sa pagbibiruan.
Nangyayari ang umpukan hindi lamang sa kalye at kanto, maging sa paaralan-mga magaaral, guro, opisina – mga empleyado, korte-hurado at mga manananggol, at batasan, mga kongresista at senador kapag break time.
Ang umpukan ay masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapwa.
Pinag aralan ni Petras(2010), ang salamyaan sa Marikina bilang pagpopook sa syudad sa kamalayang-bayan sa mamamayan nito. May kainan, kantahan, paglalaro ng Bingo. May tsismisan at umpukan din, talakayan, balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa silungang bayan o tambayan.
Marami pang ibang katuturan ang umpukan sa karanasan ng mga boluntir ng Ugnayan ng Pahinungod/ Oblation Corps (UP/OC), ang programang pamboluntaryong serbisyo ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos (UPLB), mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa isang komunidad ang pakikiumpok. Estratehiya ito ng mga boluntir na eksperto sa pagsasaka upang impormal na maipasok ang mga paksang pangkaunlaran sa pagsasaka.....
maraming salamat^^
2. TSISMIS
isang pagbabahaginan ng impormasyong
ang katotohanan ay ‘di tiyak.
isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng
dalawa o higit pang magkakakilala
magkakapalagayang loob.
6. Obserbasyon ng unang tao/ grupong nakita o
nakarinig sa itsinismis
Imbentong pahayag ng isang naglalayong
makapanirang puri sa kapuwa
Pabrikadong Teksto ng nagmamanipula o
nanlilinlang sa isang grupo o madla
9. Sabi nga, kapag may usok, malamang may apoy. Tandaang
ang tsismisan ay nagaganap hindi lamang sa Pilipinas. Nagaganap
din sa mga bansang English ang bernakular na wika tulad ng
United States at Australia, ito ay madalas katumbas ng gossip,
rumor at iba pang kaugnay na salita gaya ng hearsay, scuttlebutt, o
chatty talk na dumadaloy sa pamamagitan ng grapevine. May
negatibong kahulugan ang tsismis sa ibang bansa at gayundin sa
Bibliya (Tan,2016,pp.89;Montelibano,2017).
10. Ang tsismisan ay bahagi ng daynamiks ng
interaksyon ng mga Pilipino sa kapwa at
maaaring nakapagbibigay sa mga
magkakausap ng sikolohikal na koneksyon
at kultural na ugnayan sa lipunang
ginagalawan.
“
11. bilang isang Social Marketing
pagmanipula ng politikong pananaw
Maaring gamit ng tsismis:
13. Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit
pang mga magkakakilala para mag-usap ng
magkakaharap.
Sa pangkalahatan, ito ay hindi planado o nagaganap
nalang sa bugso ng pagkakataon
14. Mga nagiging kalahok sa Umpukan
Kusang lumapit para makiumpok
Mga di -sadyang nagkalapit- lapit
O mga niyayang lumapit
15. Usisero – hindi siya kakilalang lumapit
sa umpukan, manonood at makikinig lang,
bawal sumabat at iisiping siya ay
intrimitida, atribida o pabida.
16. Likas na sa umpukan ang kwentuhan kung saan may pagpapalitan,
pagbibigayan, pagbubukas-loob at pag- uugnay ng kalooban. Kagaya ng
tsismisan, walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan. Sa
umpukan ng Pilipino’y madalas talagang maisingit ang biruan. Taal na sa atin
na marami ang pikon dahil sa isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil
sa pagbibiruan.
Nangyayari ang umpukan hindi lamang sa kalye at kanto, maging sa paaralan-
mga magaaral, guro, opisina – mga empleyado, korte-hurado at mga
manananggol, at batasan, mga kongresista at senador kapag break time.
17. Ang umpukan ay masasabing isang ritwal ng mga Pilipino
para mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapwa.
Pinag aralan ni Petras(2010), ang salamyaan sa Marikina bilang
pagpopook sa syudad sa kamalayang-bayan sa mamamayan nito.
May kainan, kantahan, paglalaro ng Bingo. May tsismisan at
umpukan din, talakayan, balitaktakan, biruan at iba pa na
nagaganap sa silungang bayan o tambayan.
18. Marami pang ibang katuturan ang umpukan sa karanasan ng mga boluntir ng
Ugnayan ng Pahinungod/ Oblation Corps (UP/OC), ang programang
pamboluntaryong serbisyo ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos (UPLB),
mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa isang komunidad ang
pakikiumpok. Estratehiya ito ng mga boluntir na eksperto sa pagsasaka upang
impormal na maipasok ang mga paksang pangkaunlaran sa pagsasaka. Mas
nakakapagbahagi at nakakapagtanong ang mga magsasaka kumpara sa Seminar o
pagsasanay na nakakatakot sa mga kalahok. Sa gayon mas angkop, lapat at
makabuluhan sa mga kalagayan at karanasan ng mga kalahok ang diskusyon ng
mga paksa.
19. Isa pang halimbawa ng komunikasyong pangkomunidad kung saan tampok din ang
umpukan at iba pang kagawiang pagkomunikasyon ay ang ub-ufon ng mga tubong
Kadaclan sa Barlig, Bontoc Mt. Province na nanirahan sa Syudad ng Baguio sa
dahilang pang-ekonomik. Pagsasama-sama ng mga magkababayan para magkakilala,
mag-usap sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo, magresolba ng mga alitan, magturo
sa mas nakababata ng (custom/tradition), mag-imbita sa mga okasyon, magtulungan sa
mga problema kagaya ng pinansyal. Pwedeng maganap ang ub-ufon kahit saang lugar
at oras basta’t sila’y sama-sama at nakikita kita(Protectan,2012,p.30). Sa pamamagitan
nito patuloy silang nakakakonekta sa kanilang tinubuang pamayanan at sa mga
kababayan, at napapanatili ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan.
20. Sa pananaliksik naman, maaring gamitin ang umpukan
bilang dulog sa pagtatanong-tanong at pakikipag kwentuhan.
Puwede rin itong gawin sa mga impormal na pangkatang
talakayan, pagdalaw-dalaw, pakikipanuluyan at pakikilahok
para makakalap ng impormasyon sa pamamaraang angkop sa
kulturang Pilipino.