1. Union Elementary School
Mankilam, Tagum City
Ikatlong Markahang Pagsusulit
EsP V
PANGALAN: ___________________________________ BAITANG/SEKSYON: ___________________
GURO:________________________________________ PETSA:______________________________
Test I: Basahin at unawain ang bawat tanong,isulat ang tamang sagot sa patlang.
________ 1. Sina Earl at Vinz ay mga batang masunurin sa mga batas ng bansa. Ipinakikita nila ito sa?
a. Pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong kahoy sa kanilang paligid
b. Pagpuputol ng mga maliliit na punongkahoy
c. Pagbubunot at paglalaro ng mga tanim
d. Pamimitas ng mga bulaklak sa parke upang ibigay sa guro
________ 2. Napatunayang si Arnel ay lumalabag sa batas dahil?
a. Hindi siya nakisama sa mga masamang barkada
b. Nakisama sa mga barkadang may bisyong ipinagbabawal ng batas
c. Tumutulong siya sa mga magulang kung walang pasok
d. Isinuplong niya sa pulis ang kanyang ama na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamut
________ 3. Kinulong sa piitan ng mga pulis sina Angelo at Kevin dahil?
a. Masunurin sila sa batas ng bansa
b. Lumalabag sila sa batas ng bansa
c. Iginagalang nila ang batas ng bansa
d. Umiiwas sa mga ipinagbabawal
________ 4. Ang isang pamayanan ay mapayapa at maunlad kung ang mga tao ay?
a. Suwail sa mga batas
b. Masunurin sa batas
c. Hindi sumusunod sa batas
d. Wala sa pagpipilian
________ 5. Nagsusugal ang mga kaklase ni Pepito nang siya’y dumaan. Kung ikaw si Pepito, ano ang gagawin
mo?
a. Pabayaan lang sila c. Isumbong sila sa guro
b. Sasali sa kanila d. Pumusta din sa isang kaibigan
_______ 6. Naglalaro si Jose sa plaza. Gusto niyang manguha ng magagndang bulaklak ngunit may nakita
siyang babalang “Huwag mamitas ng bulaklak”. Ano ang gagawin ni Jose?
a. Huwag niyang pansinin ang babala at manguha siya ng bulaklak
b. Tingnan kung walang taong nakatingin at manguha
c. Huwag manguha ng bulaklak
d. Kumuha ng bulaklak at ibenta ito.
________ 7. Namatay ang biik nina Aling Sepa. ANong gagawin ni Aling Sepa sa biik?
a. Maghukay at ilibing ang namatay na biik
b. Itapon nalang ang biik kahit saan
c. Itapon ang biik sa ilog
d. Katayin ang biik at gawing lechon de leche
________ 8. Naglalakad sina Aisles at Rose May sa daan. Gusto nilang tumawid sa kabilang daan. Ano ang
gagawin nila upang maiwasan ang sakuna sa daan?
a. Tumakbo ng mabilis sa kabila
b. Maghintay ng senyas ng pulis bago tumawid sa dapat tawiran
c. Tumawid sa kahit saang bahagi ng daan
d. Baliwalain ang batas trapiko at tumakdo sa gitna ng daan
SCORE
2. ________ 9. Kung may nagsasalita ang mabuting gawin ay?
a. making ng mabuti c. gumawa ng ibang bagay
b. hindi makinig d. hindi pansinin
________ 10. Ang magalang na bata ay?
a. hindi nagsasalita kahit tinutukso c. hindi sumasagot
b. naghihintay ng pagkakataon sa pagsagot d. hindi nakiki-alam kahit kasama sa usapan
________ 11. Ang batang hindi nakikinig sa guro ay?
a. matalino at magaling sa klase c. nakakasagot sa tanong ng guro
b. hindi makasagot d. walang pakialam
________ 12. Naglalaro ang mga bata ng Luksong Tinik. Ano ang gagawin nila upang mahusay ang paglalaro at
lahat makasali?
a. humanay at maghintay ng pagkakataon c. nmag-agawan sa paglukso
b. magalit kung natalo d. huwag sumali sa paglalaro
________ 13. Ang dapat sa manlalaro ay?
a. tamad b. isport c. magalit sa iba d. palasigaw
________ 14. Saan dapat naglalaro ang mga bata?
a. sa plaza b. sa tindahan c. sa palengke d. sa loob ng silid aralan
________ 15. Ang mga bagay na hiniram ay dapat?
a. pabayaan b. itago c. ingatan d. angkinin
________ 16. Dapat isauli ang mga hiniram sa?
a. may-ari b. kapatid c. kaibigan d. kalaro
________ 17. Kung hindi pag-iingatan ang hiniram, ano ang mangyayari?
a. mawawala ito b. masisira ito c. lahat ng nabanggit d. magagalit ang may-ari
________ 18. Sino sa mga sumusunod ang nagapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
a. ang bumili ng boto c. ang nagwala ng hiniram
b. ang nag-ingat sa hiniram d. ang nagalit sa naghihiram
________ 19. Kung ang mahalagang bagay ay pinapahiram mo at nasira, alin ang gagawin mo?
a. pagbayarin b. pagalitan c. ipakulong d. huwag nang pahiramin uli
________ 20. Si Dr. Perez ay isang manggagamot. Ginamot niya ang isang matandang maysakit kahit wala
itong pera. Anong katangian ang ipinakikita niya?
a. pagkamatulungin c. pagtitipid
b. liksi at pagkamaagap d. pagkamagalang
________ 21. Sa pamamahay ni G. Gomez may araw ng pamamahinga ang lahat ng katulong. Anong ugali ang
ipinakikita ni G. Gomez?
a. katapatan b. maramot c. mahinahon d. kagandahang loob
________ 22. May bisitang dumating sa bahay nina Rosa. Wala ang kanyang nanay sapagkat pumunta siya sa
Palengke. Ano ang gagawin niya?
a. paalisin ang bisita c. bigyan ng upuan
b. paghintayin sa labas d. huwag pansinin
________ 23. Sa pagsakay ninyo sa sasakyan ay may nakasakay kayong isang matanda. Binigay mo ang iyong
upuan sa matanda. Anong ugali ang ipinakikita mo?
a. katatagan b. mabuting loob c. pakikiisa d. kababaang loob
________ 24. Kung makakita ka ng isang bulag, ano ang magiging damdamin mo ukol sa kanya?
a. maawa b. maiinis c. masisiyahan d. mayayamot
3. ________ 25. An gaming kapitbahay ay namatay. Maraming tao ang dumalo nang ilibing ito. Anong katangian
ang ipinapakita ng mga tao?
a. pakikiramay b. pagtitipid c. katapangan d. pagdadalamhati
Test IIA: Isulat sa patlang ang SS kung ang pangungusap ay sumusunod sa batas at LB kung lumalabag sa
batas.
________ 26. Ang barkada ni Rodny ay humihitit ng marijuana at umiinom ng bawal na gamut.
________ 27. Iniiwan ni Jim ang mga barkadang may masamang bisyo, katulad ng sugal, paglalasing,
barumbado at pag-iinom ng bawal na gamot.
________ 28. Sumali si Arthur sa paglalaro ng basketbol sa halip na magbarkada sa mga batang may
masamang bisyo.
________ 29. Nagtitinda ng mga diyaryo at balut sa palengke si Dario kung walang klase.
________ 30. Tumatawid si Mario sa pedestrian at maingat nyang pinagmamasadan ang ilaw sa trapiko
Test IIB: Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung mali ito.
________ 31. Pumalakak kahit hindi pa tapos ang bilang
________ 32. Pakinggang mabuti ang lahat ng bilang
________ 33. Tatawa sa kapansanan ng iba
________ 34. Pumalakpak ng malakas at matagal kung maganda ang palabas
________ 35. Sumigaw ng malakas kung hindi maganda ang palabas
________ 36. Pagtawanan ang isang bulag na kumakanta
________ 37. Suwayin ang bilin ng mga magulang
________ 38. Makipag-away sa kaklase kung ikaw ay nasaktan nito
________ 39. Bantaan ang guro kapag ikaw ay dinidisiplina nito
________ 40. Ipadama sa iyong guro kung gaano sila kahalag sa buhay mo sa pamamagitan ng pag bigay
galang.
Test III: Basahin at ipaliwanag ang mga sumusunod. (2 puntos bawat bilang)
41-42. Kung sakaling Makita mo ang iyong kaibigang bulag na tinutukso ng iba, ano ang gagawin mo? Bakit?
43-44. Ang kapansanan ba ng isang tao ay isang hadlang para sa kanyang kaunlaran? Bakit?
45-46. Dapat bang pagtawanan ang mga kaklaseng mahihirap? Bakit?
47-48. Anu-ano ang mga katangian ng taong may kagandahang loob?
49 – 50. Kung ikaw ay natalo sa laro, magagalit kaba? Bakit?
Kasiyahan Nawa Kayo ng Diyos, Manigong Bagong Taon!
Inihanda ni:
Mrs. Jeanibe Embalsado
Mrs. Rosalinda Hangad
Mrs Merazon Boiser
Ms. Melissa Barco
Mr. Lynard Bobby Asirit