AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
1. Unang Markahan – Modyul 8
Ang Islam at ang mga Aral Nito
Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon
5
2. Araling Panlipunan - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 -Modyul 8: Ang Islam at ang mga Aral Nito
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay
sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module
Author: Carlito O. Catulag
Reviewers: Marjorie A. Sagario, Principal III
Letecia D. Tatoy, EPS-Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Ian Francis E. Veloso, PSDS
Illustrator and Layout Artist: Desi G. Aninao, PDO II
Ronald A. Catedral
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
Letecia D. Tatpy, EPS-Araling Panlipunan
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Fernando D. Sumondong, PSDS
Ian Francis E. Veloso, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
3. 5
Araling Panlipunan
Quarter 1 - Modyul 8
Ang Islam at ang mga Aral Nito
This instructional material was collaboratively developed and reviewed by
teachers, school heads and education program supervisors of the Department of
Education – Ozamiz City Division. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education – Ozamiz City Division at deped1miz@gmail.com.
We value your feedback and recommendations
Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon
4. Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita……………………………………………………………………………… i
Alamin…………………………………………………………………………………………i
Pangkalahatang Panuto………………………………………………………………….... i
Icons of this Module.………………………………………………………………………...ii
Aralin 1:
Ang Islam at ang mga Aral Nito
Alamin ………………………………………………………………………………...1
Balikan…………………………………………………………………………………1
Tuklasin ………………………………………………………………………………………2
Suriin …………………………………………………………………………………………3
Pagyamanin …………………………………………………………………………………..4
Isaisip …………………………………………………………………………………………4
Isagawa……………………………………………………………………………….. 5
Tayahin ………………………………………………………………………………………7
Sanggunian ……………………………………………………………………………….…7
Susi sa Pagwawasto …………………………………………………………………….…..8
5. Paunang Salita
Ang modyul na ito ay tugon ng Alternative Delivery Mode (ADM) na nagbigay tulong sa
edukasyon, para sa mga mag-aaral na mapunan ang kaalaman nila at naayon sa pangangailingan
ng mga bawat mag-aaral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon ng “New Normal” kung saan binigyang-diin
ang paglinang ng mga kakayahan at kasanayang magagamit sa araw-araw na pamumuhay, at higit
sa lahat ang paghubog ng isang Pilipino na kumikilala sa kanyang pinagmulan, binibigyang
halaga ang kasaysayan at kultura at aktibong nakibahagi sa mga gawaing makapagpaunlad sa
bansa para sa magandang kinabukasan. Layunin din nito na ihatid ang mga aralin sa paaralan sa
inyong mga tahanan at inaasahan na masasagot ninyo ang mga gawaing iniatas sa inyo.
Para sa mga facilitators, ang modyul na ito ay para pagtibayin ang mga kaalaman ng ating
mga mag-aaral. Inaasahang gagabayan at tutulungan natin sila sa kanilang pag-aaral upang
makamit nila ang kalidad na edukasyon at kasanayang pan 21 – siglo.
Alamin
Mayaman ang ating bansa sa kultura na ating minana mula pa sa mga sinaunang
Pilipino na sa hanggang ngayon ay may malaking impluwensya sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay, at isa na rito ang relihiyong Islam.
Sa araling ito, madadagdagan ang ating kaalaman kung paano nagsimula ang
relihiyong Islam at kung ano ang mga aral nito.
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
• Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
• Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
• Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
• Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
i
6. Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.
Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying
aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Balikan
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.
Tuklasin
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t
ibang Gawain
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat
mong matutunan upang malinang ang pokus na
kompetensi.
Pagyamanin
Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong
natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
kasanayang nililinang.
Isaisip
Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang
natutunan sa aralin.
Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang
iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.
Tayahin Ito ay nagsusuri sa antas ng iyong kaalaman pagkatapos
tinatalakay ang aralin.
Susi ng
Pagwawasto
Ito ay nagbibigay ng mga tamang sagot sa mga gawain ng
bawat bahagi sa modyul.
ii
7. 1
Aralin
Pag-usbong at
Paglaganap ng Islam sa
Pilipinas
1
Alamin
Ano ang Dapat Kong Malaman?
Pagkatapos matalakay ang araling ito, inaasahan na ang mga mag – aaral na:
Naipaliliwanag ang konsepto ng Islam at ang mga aral nito.
Balikan
Panuto: Piliin lamang ang titik na may tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Sino sa mga sumusunod ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas?
A. Rajah Baginda B. Tuan Masha’ika C. Karim-Ul-Makdum D. Abu Bakr
2. Anong taon dumating ang mga Arabong mangangalakal sa Pilipinas?
A. Taong 1210 B. Taong 1400 C. Taong 1390 D. Taong 1450
3. Si Shariff Kabungsuan ay nagtatatag ng pamahalaan sa Mindanao at siya ang
naging unang ___________.
A. Hari B. Sultan C. Alkalde D. Propeta
8. 2
4. Sino sa mga sumusunod ang nangaral ng Islam sa Sulu?
A. Abu Bakr C. Shariff Kabungsuan
B. Rajah Baginda D. Karim-Ul-Makdum
5. Bakit natuldukan ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas?
A. Dahil sa pagdating ng mga Espanyol
B. Dahil sa pagdating ng mga Tsino
C. Dahil ayaw ng mga katutubo sa Islam
D. Dahil sa iba pang mga dayuhan
Tuklasin
Panuto : Pag–aralan ang larawan sa ibaba.
Source: https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/two-muslim-kids-praying-at-
mosque-vector-16378562
Sagutin ang mga katanungan at isulat sa papel ang inyong kasagutan.
1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
2. Saan ba kadalasan makikita ang gawaing ito?
3. Kapareho ba sa iyong kasuotan ang isinuot na damit ng mga bata? Kung hindi, ano kaya
ang lahi ng mga batang ito?
9. 3
Suriin
Pag-aralan ang paksa sa ibaba at sagutin ang mga tanong ukol sa paksa.
Ang Islam at ang mga Aral Nito
Ang salitang Islam ay nangangahulugang “pagtutuon o paglalaan sa Diyos”. Ito ay
isang relihiyong may paniniwala sa iisang diyos, si Allah. Itinatag ito ng propetang si
Muhammad bandang 600 C.E. Itinuturing si Muhammad ng mga Muslim bilang isang sugo
ng diyos. Ayon sa paniniwalang Islamiko, sa kweba sa Mecca, sa buwan ng Ramadan nang
kanyang matanggap ang unang pahayag mula sa diyos.
Dalawa lamang ang dapat pinagkukunan ng batas ng Islam, ito ay ang Qur’an at
Hadith. Ang Qur’an ang tawag sa banal na aklat ng Islam, ang Hadith naman ay mga
tradisyon na may kaugnayan sa mga salita at gawa ni Muhammad.
Mosque ang tawag sa pook simbahan ng mga Muslim at ito ay pinamumunuan ng
isang Imam. Ang mga sumusunod ay mga aral ng Islam na nagsisilbing gabay sa buhay ng
mga Muslim:
1. Shahada – ito ay panunumpa na walang sinumang Diyos maliban kay Allah at si
Muhammad ay tao at sugo lamang niya.
2. Salah – ito ang tawag sa limang beses na pagdadasal sa isang araw.
3. Zakat – ito ay pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na kung buwan ng
Ramadan.
4. Sawm - ang tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
5. Hajj – ito ang tawag sa paglalakbay sa banal na lugar.
Source: https://www.slideshare.net/k60110804/ang-imperyong-islam-67915538
Mga Tanong:
1. Ano ang tawag sa isang relihiyong naniniwala sa iisang diyos na tinatawag na si Allah?
2. Sino ang propetang nagtatag ng relihiyong Islam?
3. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
4. Ano ang tawag sa pook simbahan ng mga Muslim?
5. Ano ang tawag sa limang beses na pagdadasal ng mga Muslim?
10. 4
Pagyamanin
Panuto: Tukuyin ang hinihinging konsepto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
2. Paglalakbay sa banal na lugar.
3. Dalawang pinagkukunan ng batas ng Islam.
4. Tawag sa iisang diyos ng mga Muslim.
5. Pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa buwan ng Ramadan.
Isaisip
Tandaan:
Ang Islam ay isang relihiyong naniniwala sa iisang diyos na tinatawag ng mga Muslim
na si Allah. Ito ay itinatag ng propetang si Muhammad.
Ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim ay Qur’an. Ang Hadith naman ay
naglalaman ng mga tradisyon na may kaugnayan sa mga salita at gawa ni
Muhammad.
Ito ay may limang aral na nagsisilbing gabay sa buhay ng mga Muslim: Shahada,
Salah, Zakat, Sawm at Hajj.
11. 5
Isagawa
Panuto: Ipaliwanag sa isang graphic organizer ang konsepto at aral ng Islam.
konsepto
Konsepto ng
Islam
Mga Aral ng Islam
12. 6
Pamantayan sa rubric sa gawain sa itaas.
Batayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 punto Puntos
Nilalaman
Naglalaman
ito ng mga
wastong
ideya.
May isang
mali sa
mga
ideyang
ibinigay.
May
dalawang
mali sa mga
ideyang
ibinigay.
May ilang
mali sa mga
ibinigay na
ideya.
Karamihan
sa ibinigay
na mga
ideya ay
mali.
Konteksto
Malinaw at
nauunawan
ang
pagkakaayos
ng mga
ideya. .
May isang
ideya ang
hindi
malinaw
ang
pagkaka-
ayos.
May 2 ideya
ang hindi
malinaw
ang
pagkaka-
ayos.
Hindi
gaanong
malinaw at
nauunawaan
ang
pagkaka-
ayos ng mga
ideya.
Hindi
nauunawaan
ang mga
ideyang
ibinigay.
Gramatika at
Pagbabaybay
Walang mali
ang
gramatika at
baybay ng
mga salitang
ginamit.
May isang
mali sa
gramatika
at baybay
ng mga
salitang
ginamit.
May 2 mali
sa gramatika
at baybay
ng mga
salitang
ginamit.
Mahigit sa 3
ang mali sa
gramatika at
baybay ng
mga salitang
ginamit.
Mahigit sa 4
ang mali sa
gramatika at
baybay ng
mga salitang
ginamit.
Kabuuang Puntos
13. 7
Tayahin: (Post-Test)
Paalala: Isulat ang tamang sagot sa ibang sagutang papel.
A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa relihiyong may iisang diyos na tinatawag na si Allah?
A. IFI B. Islam C. Seventh Day Adventist D. Kristiyanismo
2. Sino ang nagtatag ng relihiyong Islam?
A. Muhammad B. Abu Bakr C. Panginoong Diyos D. Jehovah
3. Ano ang tawag sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan?
A. Hajj B. Zakat C. Sawm D. Salah
4. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
A. Journal B. Bibliya C. Modyul D. Qur’an
7
5. Ano ang tawag sa limang beses na pagdadasal ng mga Muslim sa loob ng isang
araw?
A. Shahada B. Zakat C. Salah D. Hajj
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos bawat tanong)
1. Ano ang naging konsepto ng relihiyong Islam?
2. Anu-ano ang mga aral ng relihiyong Islam?
References
Gabuat, M., Mercado, M. and Jose, M., 2016. Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang
Bansa. Davao City: Vibal Group, pp.91
15. 9
For inquiries and feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
Website: deped1miz@gmail.com