PAG-USBONG NG NASYONALISMO NG TIMOG ASYA: NASYONALISMO SA INDIA. NASYONALISMO SA INDIA. MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA. REBELYONG SEPOY. MGA PANGAKO SA MGA INDIANO. ANG ROWLATT ACT. AMRITSAR MASSACRE. ANG PAG-USBONG NG MGA NASYONALISTANG LIDER SA INDIA. MOHANDAS KARAMCHAND GANDHI. JAWAHARLAL NEHRU
2. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay-
daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo rito.
May iba't-iba mang wika at relihiyon ang mga Indian,
sila naman ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at
makabuo ng isang malayang bansa.
NASYONALISMO SA INDIA
3. Si Mohandas Karamchand Gandhi ang
nangunang lider nasyonalista sa India.
Siya ang nagpakita ng mapayapang
paraan ng paghingi ng kalayaan.
Pinakinabangan nang husto ng mga Ingles ang mga likas na
yaman ng India. Dahil sa pananakop ay naranasan din ng mga
Indian ang patakarang hindi angkop sa kanilang kultura,
tulad ng pagpapatigil ng mga Ingles sa suttee o sati at ang
pagsasagawa ng female infanticide.
4. Ang suttee ay parte ng kulturang India. Ito ay
pagpapatiwakal ng isang biyudang babae upang
makasama hanggang sa kamatayan ang asawa. Ito ay
ginagawa sa pamamagitan ng pagtalon ng babaeng
asawa sa apoy na pinagsusunugan sa labi ng lalakeng
asawa upang maging sakripisyo.
Ang female infanticide ay ang pagpatay sa mga
sanggol na babae. Ito ay isinagawa at isinasagawa ng
mga grupo patago man o hindi sa iba't-ibang mga
bansa na may sistemang patriarkal.
5. MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA
PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA
TIMOG ASYA
6. Nag-ugat ang pag-aalsang ito dahil sa
usapang pangrelihiyong nabaliwala ng
mga Ingles. Ang mga Sepoy ay
pinapagamit ng ripleng kinakailangan
nilang kagatin ang cartridge na
pinahiran ng langis o mantika na
nagmula sa taba ng baboy o baka.
REBELYONG SEPOY
7. Lingid sa kaalaman ng mga Ingles ang mga
sepoy ay binubuo ng mga Hindu at Muslim
na mayroong kani-kanilang paniniwala.
Unti-unting lumalaganap ang pag-aalsa ng malaman
ito ng iba pang kanilang kasamahang mga sepoy.
Tumatagal ng dalawang taon ang pag-aalsa at dito
nagpasya ang mga Ingles na direktang pamunuan
ang kolonya sa India.
8. Upang unti-unting mapahina ang
pag-aalsa ng mga Indiano sa mga
Ingles pinangakuan nila ang mga
Indiano na magkakaroon ng
pagkakataon na maari na silang
makilahok sa pulitika.
MGA PANGAKO SA MGA INDIANO
9. • Ang Indian Councils Act of 1861 ay nagbigay ng
pagkakataon sa mga Indianong makilahok sa
Executive Council, ang pinakamataas na konseho
sa kolonya.
• Gayumpanan patuloy pa rin naranasang diskriminasyon
ng mga Indianong nais makapag lingkod sa Indian
Counsils. Karamihan sa lanila ay walang pang-apat na
posisyon.
10. Ang Anarchical and Revolutionary Crimes
and Act of 1919 o Rowlatt Act ay isang
kautusan kung saan pinagkalooban ang
mga Ingles na supilin at ikulong nang
dalawang taon na walang paglilitis ang
sinaumang tutol sa patakaran ng Britanya.
ANG ROWLATT ACT
11. Sa panig ng mga Indianong nakapag-
aral, ang batas na ito ay isang tahakang
paglabag sa karapatang pantao at ito ay
nagresulta sa mga mararahas na kilos
protesta sa iba't-ibang panig ng India.
12. AMRITSAR MASSACRE
Sa isang pagtitipon bago ang maganap ang
malagim na Amritsar Massacre, may mga
layunin silang nais maisagawa, ilan sa mga ito
ay ang pag-aayuno, manalangin at makinig sa
talumpating politikal ng kanilang mga
nasyonalistang lider.
13. • Gayumpaman lingid sa kaalaman ng mga
dumalo sa pinapatigil ng mga Ingles ang
anumang uri ng pagtitipong pampubliko.
• Nang dahil dito ipinagutos ni Heneral Reginald Dyer
ang pagpapaputok ng riple nang walang anumang
babala sa tagal na sampung minuto.
• Pagkamuhi at galit ang naramdaman ng mga Indiano
sa mga Ingles at dahil dito sa loo lamang ng isang buong
magdamag milyong mga Indiano ang humiling ng
kasarinlan mula sa kamay ng mga Ingles.
15. Nanguna si Mohandas Karamchad
Gandhi sa layuning matamo ang
kalayaan ng India. Isang Hindu na
nakapag-aral. Nakilala siya sa kanyang
matahimik at mapayapang paraan o non
violence means ng pakikipaglaban para
sa kalayaan ng India.
16. Naideklara ang kalayaan ng India noong
Agosto 15, 1947, lumaya ito sa mga Ingles
at pinamumunuan ni Jawaharlal Nehru,
kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang
PAKISTAN na nabigyan din ng kalayaan sa
ilalim naman sa pamumuno ni Mohammad
Ali Jinnah.
18. Panuto: Bumuo ng isang salitang may kaugnayan sa
nasyonalismo batay sa pinaghalu-halong mga titik.
SAMHONAD IGHDNA
MARTIASR EASSACRM
EEBRYLNGO YOESP
OWLRTAT TCA
OMSILANOYSAN
1.
2.
ETSUTE
3.
4.
5.
6.
19. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Isang nasyonalista na nakilala bilang Mahatma o Dakilang
Kaluluwa.
A. Mohandas Gandhi
B. Mustafa Kemal
C. Ibn Saud
D. Jose Rizal
2. Ang pag-aalsa ng mga sundalong Sepoy bilang pagtutol sa
pagtatangi ng lahi.
A. Rebelyong India
B. Rebelyong Hindu
C. Rebelyong Sepoy
D. Rebelyong Ingles
20. 3. Ito ay pagpapakamatay ng mga bidyudang babae at pagsama
sa libing ng namatay na asawa.
A. Zionism
B. Suttee
C. Rebelyong Sepoy
D. Holocaust
4. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng Nasyonalismo?
A. Ang pagmamahal ng bayan.
B. Ang pag-unawa sa nararamdaman ng tao.
C. Ang pagtulong sa kapwa at komunidad.
D. Wala sa nabanggit.
21. 5. Ano ang tawag sa damdamibg makabayan na nagpapakita ng
matindiang pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang bayan.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Merkantiilismo
D. Nasyonalismo
22. 1. MOHANDAS GANDHI
2.AMRITSAR MASSACRE
3. REBELYONG SEPOY
4. ROWLATT ACT
5. NASYONALISMO
6. SUTTEE
SAGOT:
1 . A. MOHANDAS GANDHI
2 . C. REBELYONG SEPOY
3 . B. SUTTEE
4 . A. ANG PAG MAMAHAL
SA BAYAN
5 . D. NASYONALISMO