3. Komunikasyon
-Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na
nangunguhulugang “karaniwan” o “panlahat” .
-Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng
karaniwang simbolo.
- Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga
mensahe sa pamamagitan ng cues na maaring berbal
o di-berbal
4. -Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang
nagsasalita at isang nakikinig na kapwa
nakikinabang nang walang lamangan.(Atienza et.
Al. 1990)
-Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolo na maaaring
verbal o di-verbal.(Bernales et. Al.)
-Ayon sa isang Sikologo na si S.S Stevens, ang
komunikasyon ay ang napiling pagtugon ng
organismo sa anumang bagay na nangangailangan ng
pagkilos o reaksiyon.
5. -Intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang
simbolo upang makapagpadala ng katotohanan,
ideya, damdamin, emosyon mula sa isang
indbidwal tungo sa iba.
-Greene at Petty
(Debeloping Language Skills)
-Ito ay pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay
ng impormasyon sa mabisang paraan; isang
pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan (Webster).
6. -Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang
impormasyon sa isang paraang masining upang
maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao
ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa,
anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang
mapag-usapan (Verdeber, 1987).
8. Kahalagahang Panlipunan
Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng tao
ay nakasalalay sa paraan ng kanyang pakikipag-
unawaan. Pinatatag din ng pakikipag-unawaan ang
kalagayan at binibigyang-halaga ang pagkatao.
Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na
pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba,
nakagagawa siya ng desisyon tungkol sa anumang
bagay: sa kabuhayan, relihiyon, edukasyon at
pulitika.
10. Kahalagahang Pampulitika
Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng
pulitika sapagkat ito ang gamit ng tao upang
matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman
sa bayan at maipaabot sa kinauukulan. Kailangan
din ito upang maliwanag na masulat at
maipatupad ang mga batas. Maging ang pakikipag
ugnayan sa iba pang bansa ay hindi kailanman
magiging posible kung hindi dahil sa
komunikasyon.
11. Sa madaling salita, ang komunikasyon ay ang
paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang
tao, para tayo magkaintindihan. Natutugunan at
nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain
sa buhay. Napapataas at napapanatili ang
pagkakakilanlan sa sarili Nalilinang ang
kakayahang makipag-uganayan at
pakikipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao.