1. Pangalan: ________________________ Taon at Pangkat:___________ Iskor:__________
1. Ito ay pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga.
a. Pamana ng Kultura c. Pamilya at Pag-aaruga sa anak
b. Mga Kapwa Kabataan d. Guro at Tagapagturo ng relihiyon
2. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga
bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
a. Pambuhay na pagpapahalaga c. Ispiritwal na pagpapahalaga
b. Pandamdam na pagpapahalaga d. Banal na pagpapahalaga
3. Anong uri ng birtud ang nagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawain ng ating isip na makakamit sa
pamamagitan ng paghubog ng:
a. Intelektwal na birtud b. Moral na birtud c. Ispiritwal na birtud d. Sosyal na birtud
4. Kabilang ka sa group chat ng inyong klase. Dito ninyo ipinagpapatuloy ang inyong kaugnayan at komunikasyon matapos
ang oras sa paaralan. May mga kamag-aral ka na gumagamit ng mga salita tulad ng pagmumura, malaswa o bastos at
panlalait. Ang ilan pa nga sa kanila ay tuluyan nang nag-aaway. Ano ang gagawin mo?
a. Kakausapin ko ng personal ang mga nagmumura kong kamapg-aral upang sabihing ihinto na ito.
b. Sasabihin ko sa aking mga magulang ang nangyayari upang maaksiyunan nila ito.
c. Hahayaan ko ang class president na pagbatiin ang nag-aaway na mga kamag-aral.
d. Kukunsultahin ko ang aming gurong tagapayo kung ano ang pinakamabuting gawain.
5. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay at pinapahahalagahan ito upang masiguro ang
kaayusan at mabuting kalagayan.
a. Pambuhay na pagpapahalaga c. Ispiritwal na pagpapahalaga
b. Pandamdam na pagpapahalaga d. Banal na Pagpapahalaga
6. Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na ___________.
a. katarungan b. responsibilidad c. maingat na paghuhusga d. kapayapaan
7. Ang mga sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang pansarili, maliban sa:
a. Gamitin ng lubusan ang kalayaan
b. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos
c. Tanggapin ang kahihinatnan ng pasya at kilos
d. Magsikap na mag-isip at magpasya nang makatwiran
8. Ano ang unang hakbang sa paghubog ng mga birtud sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsasagawa ng kilos nang may
pagsisikap?
a. Gawi b. Kamalayan sa mga kahinaan c. Pagsasanay d. Pagsasabuhay
9. Ito ay kakayahang nagpapalakas sa paggamit ng tamang konsensiya.
a. Pagbuo ng moral na paghuhusga c. Pagbuo ng tamang pagpapasya
b. Pagbuo ng mabuting kalooban d. Pagbuo ng matalinong paghuhusga
10. Sinasanay ni Ade ang kaniyang sarili na gawin ang mabuti at iwasan ang masamang kilos. Sinisimulan niya ito noong
bata pa siya nang ipinaunawa sa kaniya ng kaniyang ina kung ano ang mga dapat gawin at kung paano isagawa ang mga
ito. Tinuturuan din siya na iayon ang kaniyang kilos sa tamang katuwiran. Kahit nahihirapan siya, ipinagpapatuloy pa rin
niya ang pagsumikap na gumawa ng mabuti. Anong uri ng birtud ang hinuhubog niya?
a. Sosyal na birtud c. Moral na birtud
b. Intelektuwal na birtud d. Teolohikal na birtud
11. Alin sa mga sumusunod ang nangungunang nagturo ng disiplinang pansarili sa isang bata?
a. Magulang b. Guro c. Sarili d. Kaibigan
2. 12. Isa sa maituturing na dahilan kung bakit nahaharap ang isang kabataan sa malaking posibilidad na maimpluwensiyahan
ng kanyang kapuwa kabataan ay:
a. Kulang pa ang kaniyang kakayahan sa pag-unawa kung ano ang tama at mali
b. Nais nilang maramdaman na sila ay tinatanggap at kinikilalang kabahagi
c. Hindi naging matibay ang mga itinurong halaga ng mga magulang at guro
d. Hindi pa sapat ang kakayahan ng mga kabataan sa paglaban sa mga negatibong impluwensiya ng kapuwa
kabataan
13. Ang pangunahing kailangan ng isang kabataan upang hindi sila maging mahina sa paglaban sa masamang
impluwensiyang dulot ng iba pang mga kabataan ay ___________________.
a. mataas na antas ng tiwala at pagkilala sa sarili
b. mataas na antas ng pakikihalubilo at pakikisangkot
c. sapat na kaalaman sa pagkilala ng masamang impluwensiya
d. sapat na kahandaan upang humarap sa iba’t ibang uri ng tao
14. Ang tungkulin ng mga pamilya sa paghubog ng mga pagpapahalaga ng kanilang anak
ay_____________.
a. ituro ang mga taong pakikisamahan at pagkakatiwalaan
b. ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa kapuwa
c. ituro ang mga prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang pansariling kaisipan, salita at ugali
d. gabayan ang isang bata na kilalanin, unawain isapuso, iangat at isabuhay ang pangkalahatang katotohanan
15. Alin sa mga birtud ang binibigyang halimbawa sa makabagong katagang, “Think before you
click”?
a. Katatagan b. Pagtitimpi c. Karunungan d. Maingat na Paghuhusga
16.. Ito ay mga epektibong edukasyon sa pagpapahalaga ng tahanan maliban sa:
a. Tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak
b. Nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na naisasabuhay ang parehong
halaga na kanilang itinuro
c. Walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagiging maingat sa kanilang mga
paghuhusga
d. May kalayaang gawin ang isang anak ang lahat ng gusto niya
17. Bilang kabataan, maraming pangyayari sa buhay mo ang hindi naayon sa iyong kagustuhan. Maraming pagkakataon
na ikaw ay nakakaranas ng kabiguan sa buhay. Anong birtud ang kakailanganin mo upang makayanan mo ang mga
pangyayaring ito?
a. Pagtitimpi b. Katarungan c. Katatagan d. Maingat na Paghuhusga
18. Si John ay nagbibinata na, marami siyang mga kaibigan na mahilig maglaro ng basketball. Ginagawa nila ito pagkatapos
ng pasukan pero siya ay umuuwi sa kanyang bahay sa takdang oras. Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng
kanyang mga magulang?
a. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
b. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
c. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
d. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad
19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na naaayon sa pagpapahalaga?
a. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi lang ang
halaga ang nasisira kundi pati ang taong hindi tumutugon dito.
b. Kahit pa napababayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa
pagtulong sa kapwa nanatili pa ring mabuti ang kanyang gawain
3. c. Ang sino man, bata man o matanda ay may sapat ng kakayahang bumuo ng kanyang sariling pagkatao at
magkamit ng mataas na antas ng halaga.
d. Ang lahat ng tao ay nagtatagumpay sa pagtugon sa bawat pagpapahalaga.
20. Ang mga sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng halaga maliban sa:
a. Mataas ang antas ng halaga kung tumatagal at hindi nababago ng panahon
b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang halaga
c. Mataas antas ng halaga kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
d. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito.
21. Ang tatay ni Ana ay umuwi sa Pilipinas matapos ang tatlong taon sa labas ng bansa, kaya naging masaya ang kanilang
pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?
a. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga halaga
c. Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito.
d.Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito mas mataas ang antas.
22. Si Pedro ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa ganitong kalagayan labis ang
suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito naniniwala
siya na hindi na niya kailangan magtrabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan,
uminom at magsugal. Sa anong antas ang halaga ni Pedro?
a. Pambuhay na pagpapahalaga c. Ispiritwal na pagpapahalaga
b. Pandamdam na pagpapahalaga d. Banal na pagpapahalaga
23. Si Jose ay laging handang tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na ano
mang kapalit. Anong antas ng pagpapahalaga ang ipinapakita ni Jose?
a. Pambuhay na pagpapahalaga c. Ispiritwal na pagpapahalaga
b. Pandamdam na pagpapahalaga d. Banal na pagpapahalaga
24. Si Lucy ay madaling makiangkop at makibahagi sa kaniyang mga kaklase. Anong antas ng pagpapahalaga ang
kaniyang isinasabuhay?
a. Pambuhay na pagpapahalaga c. Ispiritwal na pagpapahalaga
b. Pandamdam na pagpapahalaga d. Banal na pagpapahalaga
25. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na esensya ng kalayaan kung ___________.
a. nakilala ang tama at mali sa sariling paghuhusga.
b. sinusunod ng tao ang kanyang likas na kakayahan gawin ang tama at iwasan ang masama.
c. ginagawa niya ang mga bagay-bagay na na nais niyang gawin.
d. naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.
26. Sa kaarawan ni Erika, pinapili siya ng regalo ng kaniyang mga magulang, ang kumain sa restaurant kasama ang mga
kaibigan o ang magkaroon ng bagong sapatos. Pinili ni Erika ang bagong sapatos dahil magagamit niya ito ng matagal
kaysa sa pagkain sa labas ay panandaliang kasiyahan lamang. Anong naisip ni Erika?
a. Mas mahalaga kapag mas tumatagal c. Mas mahalaga kapag galing sa magulang
b. Mas mahalaga kapag bago d. Mas mahalaga kapag hindi pagkain