Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
PPT_PRESENTATION COT EPP V ICT- SEARCH ENGINE.pptx
1. Maraming tao ang nag se-surf sa web subalit may mga
pagkakataong may mga impormasyon silang hinahanap na kailangan
ng kaalaman sa search engine. Sa pamamagitan ng search engine, ang
paggamit ng mga titik ay hindi problema kagaya ng sa pangalan ng
tao at mga lugar, maaring gamitin ang lowercase. Halimbawa: Ang “
Pauline Jade Lee” at Pauline jade lee” ay walang pagkakaiba. Sa
pamamagitan ni George Boole , isang English mathematician,
gumawa siya ng mga salita para sa kompyuter na naging basehan ng
mga operator. Ang mga And, Or, at Not ay mga salitang ginamit sa
online researches.
2. Sa pamamagitan ng search engine, ipasok ang salita o
mga salita sa search box. Halimbawa , kung naghahanap ng
impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyo para sa
pananahi, gamitin ang salitang “produkto sa pananahi”. Sa
pamamagitan ng paghahanap sa google, maraming
makikitang nakalistang web page na may kasamang
keywords. Ang search engine ay magpapakita ng mga
listahang may kinalaman sa mga salitang inilagay mo. Ang
bawat keyword na lumalabas ay may link na kapag pinindot
ay lalabas ang web page na may kaugnayan sa iyong
keywords.
3. Ang Search Engine ay may
dalawang kategorya------ Ang
Directories at Index. Ang
Directories – ay gaya ng About at
Yahoo. Ito ay napakabuting
pagkilala sa mga impormasyon.
4. Ang index naman ay ginagamit para sa mga
tiyak na impormasyon gaya ng AtaVista at
Google. Dito makikita ang mga websites na
magtutugma sa iyong keywords.
Advance Web Searching
Ito ay ginagamit sa sensitibong impormasyon
5. Pagsave at Pagprint ng mga Impormasyon Online
Mag-right click sa webpage na nais i- save at pindutin
“ I –save bilang”. Ito ay magbubukas at lalabas ang
Webpage dialog box. Ang Save As Type sa ilalim ng dialog
box ay mga pagpipilian para mag save ng webpage.
Maaaring i-print ang web page . Pindutin ang file >Print o
pindutin ang Ctrl+P sa keyboard.
6. Ang pag bookmark ay nagsisilbing shortcut tungo sa
madalas na bisitahing website, at hindi naibabalik ang
anumang pagbabagong nangyari mula sa nakaraang
pagbubukas ng webpage na ito.
Maaaring gamitin ang Ctrl+D kung kailan ang mabilis na
pag bookmark. Maaari ring gumawa ng bookmark sa
pamamagitan ng sumusunod na hakbang.
1. Pumunta sa webpage na ibu-bookmark.
2 Pindutin ang star sa kanan ng address bar.
7. 3. Palitan ang pangalan ng bookmark
kung nais’
4. Pindutin ang mga Bookmark o mamili
ng folder sa menu kung saan mo ito
gusting i- save.
Pindutin ang OK.
8. Upang mabuksan ang ginawang bookmark,
sundin ang sumusunod.
1. Pindutin ang Mga Bookmark sa kanang
tuktok ng bar ng URL. Pindutin ang Menu at
magbubukas ang listahan ng mga bookmark.
2. Pindutin ang pangalan ng bookmark na
iyong ginawa upang buksan ito.
9. Kung hindi na kailangan ang bookmark, maari rin
itong tanggalin sa pamamagitan ng sumusunod;
1. Pindutin ang button ng Mga Bookmark sa kanang
tuktok ng bar ng URL.
2. I – right click ang tatangalin na bookmark.
3. Pindutin ang tanggali/ Delete.
10. E . Modelling :
Ipapakita ng guro ang paggamit ng
seach engine sa pangangalap ng
impormasyon. Ito ay ang mga Google
Search, Ang Yahoo, Ang BING, Ang
Ask.com at ang AOL.com.
11. F . Pinatnubayang Pagsasanay
Ipagawa sa mga bata ang mga sumusunod:
> Ipahanap sa search box ang impormasyon tungkol sa
serbisyo at produkto.
Buksan ang www.google.com.ph/_ at subukang gamitin ito.
I save ang web page.
Ang guro ay maaring magbigay , mag isip pa ng Gawain “
activity” kung paano makakamit ang pamantayang pagkatuto.
12. G . Pang isahang Pagsasanay
Gawin ang sumusunod gamit ang
kompyuter.
>Buksan ang
www.google.com.ph/advance_searc
h
>Gawin ang advance web
searching.
13. G . Paglalahat
Gaano kahalagang matutunan ng mag-
aaral ang paggamit ng search engine?
( Ang search engine ay isang
programang makatutulong na
mgahanap ng mga web page patungkol
sa paksa.)
14. H. Paglalapat
Paano makatutulong ang search engine sa
paghahanap ng impormasyon sa web?
Bisitahin ang www.Dictinary.com
I-type sa seach box ang produkto o serbisyong
gustog gusto mong pagkakitaan.
15. I – Pagtataya:
Isulat ang T sa linya kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali.
__________1. Ang search engine ay isang programang ginagamit sa pangangalap ng impormasyon.
__________2. Ang search engine ay ginagamit sa pagbuo ng mga dokumento.
__________3. Ana google ln gang ginagamit sa search engine.
__________4. Ang search bar ang pinakamahalaga sa search engine.
__________5. Ang web page ay isang kategorya ng search engine.
__________6. Ang indexes ay ginagamit para sa tiyak na impormasyon gaya ng AltaVista at Google.
__________7. Ang paggamit ng titik ay mahalaga sa search engine.
__________8. Ang Ctrl ay web page.
__________9. Ang mga impormasyong makukuha sa web page ay hindi maaaring i- print o i- save.
__________10. Ang search engine ang pinakamahalagang web site sa internet.