O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

AP Ekonomiks yunit 2 aralin 6 grade 9

11.255 visualizações

Publicada em

Ekonomiks

Publicada em: Educação
  • Entre para ver os comentários

AP Ekonomiks yunit 2 aralin 6 grade 9

  1. 1. Aralin 6: Ang Ugnayan ng Pamahalaan at Pamilihan
  2. 2. Ang Pamahalaan at Pamilihan Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo • Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailan ng mga mamamayan Ng nasasakupang teritoryo.
  3. 3. Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Artikulo II Seksyon 4 ng 1987- pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan
  4. 4. ‘ “Government can sometimes improve market outcomes’’
  5. 5.
  6. 6. ‘ Kinakailangan ang pakikialam o panghihimasok ng pamahalaan sa takbo ng pamilihan
  7. 7. Ang pagkontrol ng pamahalaan ay nahahati sa dalawang uri: 1.Price Ceiling- ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang produkto.
  8. 8. Ang ibig sabihin ng price ceiling ay ang pinakamataas na presyo na puwedeng ipataw ng merkado sa isang produkto o serbisyo. Kapag pinatawan ng price ceiling, hindi ito maaring mas taasan pa ng mga negosyante dahil may karampatang parusa ang sinumang lalabag sa pag-uutos na ito. Layunin nito na mabantayan ang presyuhan at maiwasan ang pananamantala.
  9. 9. Mga mahigpit na binabantayan. Pangunahing pangangailangan bigas itlog tinapaykape asukal instant noodles harina
  10. 10. Ipinatutupad ng pamahalaan ang price freeze upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto. Itinatakda ito kapag ang equilibrium price ay masyadong mataas
  11. 11. Ang price ceiling ay initanatakda na mas mababa sa equilibrium price. Labag sa Anti-Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo. Ito ay ipinatutupad ng pamamahalaan sa pangunguna ng Department of Trace and Industry (DTI), bilang pangunahing ahensya na
  12. 12. May tungkulin dito, sa tulong ng mga local na pamahalaan (barangay, bayan o lungsod) upang masigurong ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan ay naayon sa batas.
  13. 13. 30 60 90 Price Ceiling 15 Ekwilibriyong Presyo 20 Nagpapakita ng halimbawa ng price ceiling PRESYO DAMI
  14. 14. Ayon sa graph, Php20 ang equilibriyong presyo, subalit ang ang presyong ito ay maaaring mataas sa tingin ng mga konsyumer. Dahil dito, ang pamahalaan ay makikialam sa pamamagitan ng pagpapataw ng Php15 bilang price ceiling ng mga prodyuser.
  15. 15. Dahil ang presyong Php15 ay higit na mas mababa kaysa kaysa a ekwilibriyong presyo na Php 20, inaasahang magdudulot ito ng pagtaas ng quantity demanded na umabot sa 90 na dami. Sapagkat mas mahihikayat ang mamimili na bumili ng mga produkto at serbisyo kung mababa ang umiiral na presyo
  16. 16. Sa pamilihan kumpara sa ekwilibriyong presyo na Php20 sa 60 lamang na kabuuang dami. Sa kabilang dako, ang sitwasyong ito naman ay magpapababa ng supply sa pamilihan sapagkat ang mga prodyuser ay hindi mahihikayat magprodyus.
  17. 17. Ang pagkontrol ng pamahalaan ay nahahati sa dalawang uri: 2. Price Floor  Itinatakda ito ng mas mataas sa equilibrium price. Katulad ng price ceiling, isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan ang mg prodyuser.
  18. 18. Kabilang sa sistemang ito ang pagkakaloob ng tinatawawag na price support sa sector ng agrikultura at ang batas naman ang nauukol sa pagtakda ng minimun wage.
  19. 19. Halimbawa ng Price Floor: Kung masyadong magiging mababa ang equilibrium price ng mga produktong palay sa pamilihan, ang mga magsasaka ay maaring mawalan ng interes na magtanim dahil maliit naman ang kikitain mula rito.
  20. 20. Kung magaganap ang sitwasyong nabanggit, magdudulot ito ng kakulangan sa supply. Hindi makabubuti sa ekonomiya ang kalagayang ito kung kaya ang pamahalaan ay magtatakda ng price support/price floor o ang pinakamababang presyo kung saan maaring bilhin ang kanilang ani.
  21. 21. Maliban pa rito, maaring ang pamahalaan ang magsisilbing tagabili ng mg aning palay ng mga magsasaka upang masiguro na mataas parin ang kanilang kikitain at upang maiwasan ang kakulangan ng supply sa pamilihan.
  22. 22. Maliwanag na inaako ng pamahalaan ang malaking gastusin upang masiguro ang kapakanan ng mga magsasaka at ng mga mamayan.
  23. 23. Nagpapakita ng halimbawa ng price floor Presyo Price Floor 50 Ekwilibriyong presyo 15 90 90 100 DAMI Kalabisan

×