3. • Ang mga pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda ng mga pariralang
pinanggagamitan.
• Dalawa ang anyo ng pang-angkop: (1) ang +na at (2) ang -ng.
Magkaiba ang paggamit ng mga pang-angkop na ito.
• Ang simbolong (+) sa +na ay nangangahulugan na ang pang-angkop
na na ay hindi ikinakabit sa salitang inaangkupan. Ang na ay
ginagamit kapag ang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n.
• Ang simbolong (-) naman ay nangangahulugan na ang pang-angkop
na -ng ay ikinakabit sa salitang inaangkupan. Ginagamit ang -ng kung
ang inaangkupan ay nagtatapos sa tunog na patinig o sa ponemang
/n/. 3
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
4. Halimbawa:
Ang babaeng nagluluksa ay ina ni Jose.
May mga bagong kalihim na hinirang ang pangulo
Napakagandang tignan ang bughaw na langit.
Ang matuling sasakayan ang nabunggo.
Kailangang maging higit na malaki ang produksyon ng
pagkain para sa matatag na ekonomiya.
4
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
6. • Ang mga pangatnig ay mga kataga o salitang gamit sa pag-
uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala, sa kapwa
parirala, at sugnay sa kapwa sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap. Ang mga pangatnig ay maaaring panimbang o
pantulong.
6
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
7. 1. Pangatnig na panimbang ito kapag nag-uugnay ng dalawa o
mahigit na salita o lipon ng mga salitang magkatimbang sa uri at
kahulugan. Ito ay binubuo ng at, pati, saka, ngunit, datapawat,
subalit, o, ni, man, maging.
Halimbawa:
• Mabait ang matanda ngunit madaldal.
• Nalilito si Randy kung siya ay dadalo o hindi sa palatuntunan.
• Aalis sana si Ana subalit biglang sumakit ang kanyang tiyan.
• Ang ina maging ang anak ay handa ng umalis.
7
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
8. 2. Pangatnig na pantulong ito kapag nag-uugnay ng isang
sugnay sa pangunahing sugnay. Ito ay binubuo ng kapag, kung,
pag, samantala, habang, sapagkat, samakatwid, upang,
nang.
Halimbawa:
• Kung sakaling Makita ninyo si Rolando, maaari bang bilinan
ninyo siyang makipagkita sa akin.
• Nagluluto ang ina ng pagkain habang ang anak ay nanonood
ng telebisyon.
• Kailangan ang pagtutulungan upang umunlad ang bayan.
• Ang mga bata ay masisigla sapagkat malulusog sila.
8
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
10. 1. Pandagdag/Adisyon
- Ito ay nagsasaad ng diwa ng pagpupuno o pagdaragdag ng
impormasyon. Ang mga pangatnig na at, saka, at saka, ni, o, man,
at pati.
2. Pagbibigay-Ekspresyon
- Ito ay nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay o pagsasali
tulad ng maliban sa, puwera, huwag lang, kundi lang, bukod sa,
at lamang.
3. Pagbibigay-sanhi/Dahilan
- Pinag-uugnay ng pangatnig ang mga lipon ng salita upang
magbigay katwiran at magsabi ng kadahilanan tulad ng dahil sa,
sapagkat, palibhasa, kasi, kaya, at mangyari.
10
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
11. 4. Paglalahad ng bunga/resulta
- Ito ay nagsasaad ng kinalabasan o kinahihinatnan tulad ng
kaya, tuloy, at bunga.
5. Pagbibigay-Layunin
- Nagsasaad ng hangarin o naisin tulad ng ganoon/gayon,
nang, upang, at para.
6. Pagbibigay-kondisyon
- Nagsasaad ng kondisyon o panubali tulad ng kapag,
kung, sakaling, sandaling, at basta.
11
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
12. 7. Kontrast/Pasalungat
- Nagsasaad ng pag-iiba, pagkontra, o pagtutol tulad ng
pero, ngunit, sa halip, datapwat, bagamat, at samantala.
8. Pagbibigay-kongklusyon
- Nagsasaad ng panghuling pananaw o opinion tulad ng
samakatuwid, kung, kaya, kung kaya, kung gayon, at
anupa’t
9. Pagpapatotoo
- Ito ay nagsasaad ng pagpapatunay tulad ng sa totoo lang,
sa katunayan.
12
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
14. • Ang mga pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagapakilala sa
pangngalan. Ito ay tinatawag na article sa Ingles.
DALAWANG URI NG PANTUKOY
1. Pantukoy na Pambalana
- Ito ay tumutukoy pangngalang pambalana tulad ng “ang”
at “ang mga”.
Halimbawa:
Ang mga prutas na dala ni Lola ay matamis.
Ang bata sa kalsada ay matuling tumatakbo.
Ang mga ibo na lumilipad ay mahal ng Diyos.
14
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
15. 2. Pantukoy na Pantangi
- Ito ay tumutukoy sa pangngalang pantangi o tiyak na
ngalan. Ito ay ang si, sina, ni, nina, kay, kina.
Halimbawa:
Si Luis ay nagtatanim ng halaman.
Handa na ang damit nina Jose at Luis para sa Linggo.
• Tandaan na ang “ang”, “si”, “ni”, at “kay” ay mga pantukoy
na ginamit kung ang tinutukoy nito ay pang-isahan.
• Ang “ang mga”, “sina”, “nina” at “kina” ay ang mga
pantukoy na ginamit kung ang simuno ay pangmaramihan.
15
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
17. • Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan o paghalip at sa ibang salita sa loob ng pangungusap.
Ang mga pang-ukol ay ang mga katagang iniuugnay sa lugar,
direksyon, at kinauukulan.
• Ang mga halimbawa ng pang-ukol ay sa, para sa/kay, ukol
sa/kay, ayon sa/kay, hinggil sa/kay at iba pa.
• TANDAAN: kapag ang tinutukoy ay tao, ang sa ay napapalitan ng
kay.
Halimbawa:
Ang kanilang handa ay para sa lahat.
Ayon kay Pangulong Arroyo, dapat tayong magtulungan tungo
sa pag-unlad ng ating bayan.
17
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
18. PARIRALANG PANG-UKOL BILANG
PANGNGALAN
- Ang pariralang pang-ukol na ginagamit na pangngalan ay
maaaring paksa ng pangungusap o kaya’y layon ng pandiwa.
Halimbawa: (Paksa ng Pangungusap)
Inilihim ni Luisa ang ukol sa kanyang kalagayan.
Nararapat sundin ang alinsunod sa batas.
Ang para sa inyo ay dadalhin ko sa Linggo.
Halimbawa: (Layon ng Pandiwa)
Nagsasaliksik siya hinggil sa wikang Filipino.
Bumibili si Angel ng pasalubong para kay Marilyn.
Ang nanay ay magdadala ng regalo para sa iyo.
18
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
19. PARIRALANG PANG-UKOL BILANG PANG-URI
- Ang pariralang pang-ukol na ginagamit na pang-uri ay
maaaring tuwirang nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip at
maaari rin namang kaganapang pansimuno o kaya’y panaguring
pang-uri.
Halimbawa:
Mababasa sa mga pahayagan ang mga balita hinggil sa kriminalidad.
Ang kotse sa tapat ng karinderya ay kay Adolfo.
Ang tatay ay humiram ng pera para sa kasal ng anak.
19
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/
20. PARIRALANG PANG-UKOL BILANG PANG-ABAY
- Ang pariralang pang-ukol na tumutukoy sa pang-abay ay
malimit na nagbibigay-turong sa pandiwa at pang-uri at kung minsan
ay sa pang-abay na panlunan at pamanahon.
Halimbawa: (bilang pang-abay na panlunan)
Sina Claire ay nagbakasyon sa Baguio.
Sa likod ng bahay pumasok ang mga magnanakaw.
Halimbawa: (bilang pang-abay na pamanahon)
Tayo ay maghahanda sa kapistahan ng bayan.
Ang malawakang welgang bayan ng mga drayber ng dyip ay
idaraos sa Lunes.
20
行业PPT模板http://www.1ppt.com/hangye/