SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 18
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay naksusuri ang iba’t ibang uri ng
binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng isang panimulang
pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Ang mag-aaral ay nakakukuha ng angkop na
datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat. (F11EP-IIId-36)
I. LAYUNIN: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay mahahasa ang
mga sumusunod na kakayahan:
a. nauunawaan ang mga pamantayan sa pagsulat ng tekstong argumentatibo.
b. nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat. (F11EP-IIId-36)
c. naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga impormasyong
nababasa.
II. PAKSANG ARALIN: Tekstong Argumentatibo
Sanggunian: Charliza M. (2020). Tekstong argumentatibo. Retrieved from
https://www.slideshare.net/CharlizeMarieDulaogo/tekstong-argumentatibo-217799985
Kagamitan: Laptop, PPT Presentation, Headphone, polleverywhere, nearpod
III. PAMAMARAAN: 4A’s Method
Gawaing Guro
Gawaing Mag-aaral
1. Paghahanda
Magandang Umaga, Grade 11!
Bago tayo magsimula ay manalangin muna
tayo. Maaari mo bang panguluhan ang ating
panalangin ______?
Maraming Salamat, ______.
Magandang Umaga po, Bb!
Opo Bb.
Magandang Umaga ulit, Grade 11!
Kamusta kayo sa umagang ito? Maaari ba
kayong pumili ng karakter na kumakatawan
sa inyong nararamdaman sa umagang ito. I-
comment ito sa message box. Simulan!
Mabuti naman kung karamihan sa inyo ay
nasa mabuting kalagayan.
Klas, anuman ang nararamdaman ninyo
ngayon sana ay hindi ito magiging hadlang sa
pagtuklas natin ng bagong kaalaman ngayong
araw na ito.
Dahil ito ang unang beses ko na magturo sa
inyo ay magpapakilala muna ako, ako nga
pala si Bb. Cecille Calme at maaari ninyo
akong tawaging Bb. Cecille.
Kagaya ng ibang guro klas, mayroon din
tayong mga alituntunin sa klaseng ito.
1. Huwag magsasalita kung ang inyong guro
ay nagsasalita pa. I-on lamang ang mikropono
kung ikaw ay tatawagin.
2. Makinig nang mabuti sa guro habang
nagtatalakay. Kung maaari i-on ang inyong
mga camera.
3. Ibigay ang inyong kooperasyon kung ito ay
hinihingi ng guro.
Maliwanag ba ang mga alituntunin, klas?
2. Pagbabalik-Aral
3. Pagganyak
Bago tayo magsimula klas, ay magkakaroon
muna tayo ng isang aktibidad.
Magandang Umaga po, Bb.
(Ginawa ng mga mag-aaral)
Maliwanag po Bb.
Panuto: Magbibigay ang guro ng mga
larawan na napapatungkol sa mga isyung
panlipunan. Tukuyin kung anong uri ng
isyung panglipunan ang nasa bawat larawan.
Maliwanag ba, klas?
Mga larawan:
Gagawin natin ang aktibidad sa
polleverywhere.
Link:
Magaling! Karamihan sa inyo ay nakakuha ng
malaking score.
Ano ba ang mga larawan na nasa ating
aktibidad, klas?
Tama! Ito ay mga isyung panlipunan.
Opo, Bb.
Mga inaasahang sagot:
1. Divorce
2. Abortion
3. Teenage pregnancy
4. Death penalty
Mga isyung panglipunan po, Bb.
Ito ang kadalasang mga proposisyon sa
tekstong ating tatalakayin ngayon.
4. Paglalahad ng layunin
Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang
tekstong argumentatibo.
Huwag kalimutan ang ating mga
alituntunin klas, nang sa gayon ay
makamit natin ang ating mga sumusunod
na layunin. Pipili ako sa inyo kung sino
ang magbasa sa sumusunod na layunin.
Simulan!
a. nauunawaan ang mga
pamantayan sa pagsulat
ng tekstong
argumentatibo.
b. nakakukuha ng angkop
na datos upang
mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat.
(F11EP-IIId-36)
c. naipapaliwanag ang
kahalagahan ng pagsusuri
sa mga impormasyong
nababasa.
Maliwanag ba ang ating mga layunin,
klas?
Mabuti naman.
A. Activity (Gawain)
Bago tayo magsimula, magkakaroon
muna tayo ng isang aktibidad.
Opo, Bb.
Magkakaroon tayo ng debate, pipili ako
ng dalawang estudyante gamit ang
gulong ng kapalaran na pinalolooban
ng lahat ng inyong mga pangalan.
Ang unang mapipili ay dedepensahan
ang pahayag na “mayaman ang
pilipinas”.
Habang ikalawang mapipili ay
dedepensahan ang pahayag na “hindi
mayaman ang Pilipinas”
Panuto: Depensahan ang pahayag sa
loob ng tatlongpung Segundo.
Gumamit ng mga proweba o ebidensya
kung maaari.
Maliwanag ba, klas?
Magaling! Pipili na ako ng dalawang
pangalan gamit ang gulong ng
kapalaran para tayo ay makapagsimula
na sa ating debate.
Magaling! Maraming salamat sa inyong
paglahok sa ating debate. Kayong dalawa ay
parehong makatwiran base sa inyong
ipinakitang debate kanina.
Alam ba ninyo klas, na ang inyong
ginawang debate o ang inyong
pangangatwiran sa ating aktibidad ay isang
halimbawa ng isang argumentatibo?
Okay! Atin iyang tatalakayin.
Pero bago ang lahat, ano ng aba ang tekstong
argumentatibo?
B. Analisis (Analysis)
Tekstong argumentatibo klas, ay isang uri ng
teksto na nangangailangan ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula
Hindi po, Bb.
sa personal na karanasan, kaugnay na mga
literature at mga pag-aaral.
Ang tekstong argumentatibo klas, ay isang
anyo ng diskurso o talakayan na nakatuon sa
pagbibigay ng isang sapat at matibay na
paliwanag ng isang isyu o panig.
Maliwanag ba, klas?
Magaling! Madalas malito ang karamihan sa
kaibahan ng tekstong argumentatibo at ng
tekstong persuweysib.
Magkapareho ang dalawang tekstong ito klas
dahil ito ay parehong gumagamit ng mga
ebidensiya para maging epektibo ang isang
teksto.
Ang kaibahan nila klas ay ang persuweysib ay
nanghihikayat ng mambabasa sa
pamamagitan ng emosyon. Habang ang
argumentatibo ay nanghihikayat ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng mga patunay,
ebidensya, at mga datos na magsusuporta at
magpapalakas sa mga pahayag sa isang
teksto.
Nasubukan na ba ninyong mangatwiran klas
dahil sa tingin ninyo ay tama kayo?
Siguro naman tayong lahat ay nakaranas na.
Ano naman ang iyong ginawa para mahikayat
at mapaniwala mo sila na ang sinasabi mo ay
tama?
Tama! Tuwing tayo ay nangangatwiran na
tama ang ating mga sinasabi, nagbibigay pa
tayo ng mga ebidensya at mga halimbawa
para mapatunayang tama ang ating mga
sinasabi.
Opo, Bb.
Nagbibigay po ako ng mga patunay at mga
halimbawa para mapatunayang tama ang
aking mga sinasabi.
Halimbawa: Sinasabing magkakaroon ng
isang araw na brownout pero ayaw nilang
maniwala sa iyo, kaya ipinakita mo sa kanila
ang screenshot ng impormasyon na
nanggaling sa meralco o moelci para
patunayang tama ang iyong sinasabi.
Ang argumentatibo klas ay lagi nating
ginagamit sa ating pang araw-araw na buhay.
Madalas ang mga simpleng sitwasyon ay
nangangailangan ng mahusay na
pangangatwiran tulad na lamang ng paghingi
ng permeso sa magulang, panghihiram ng
gamit sa kapatid, pamimili ng paksa o
konsepto sa mga gawaing panggrupo sa klase,
o kaya ay ang paghingi ng second chance sa
iniibig.
Mayroong dalawang element ang tekstong
argumentatibo, klas.
Ito ay ang proposisyon at argumento.
Proposisyon- Ito ay ang paksang
pagtatalunan. Isang bagay na
pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran
ng bawat panig.
Halimbawa: Dapat na ipasa ang divorce bill
para mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan.
Mayroon ba kayong naiisip na isang
halimbawa ng proposisyon, klas?
Ano iyon?
Mahusay! Iyan ay isang halimbawa ng
proposisyon.
Ano pa, klas?
Magaling! Ang mga sagot ninyo ay mga
halimbawa ng proposisyon.
Opo, Bb.
Pagpapaalis o pagbasura sa k-12 kurikulum.
Pagpapatupad ng martial law para sa pagpugsa
sa terorismo.
Ang pangalawang elemento ng
argumentatibo klas ay ang argumento.
Argumento- Ito ay ang paglalatag ng mga
dahilan at ebidensiya upang maging
makatwiran ang isang panig.
Pagkatapos makapili ng proposisyon o paksa
klas, ang susunod na gawin ay ang
paghahanda sa argumento. Kinakailangan na
makapagbigay ng mga ebidensiya, mga datos,
at mga dahilan para maging makatwiran ang
isang panig.
Ano sa tingin ninyo klas ang dapat gawin sa
pagpili ng mga ebidensiya, mga datos, at mga
impormasyon na ating isasali sa ating
pahayag argumento klas?
Mahusay! Dapat na magkaroon ng malalim na
pananaliksik at masinsinang pangongolekta
ng ebidensiya at impormasyon para sa
argumento. At dapat na masiguro na ang mga
ito ay tunay at totoo dahil maaaring ikahina
ng argumento kapag ang mga ebidensiyang
ginamit ay peke at gawa-gawa lamang.
Maliwanag ba, klas?
Value Integration
Sa panahon ngayon kung saan papalapit na
ang election klas, ay labis na kumakalat ang
maraming fake news at di totoong mga
impormasyon para mahikayat ang mga
bumabasa o manonood na bumoto sa isang
kandidato.
Ano ba ang inyong ginagawa klas para hindi
maloko o mauto sa mga kumakalat na fake
Dapat na magkaroon ng malalim na
pananaliksik at masinsinang pangongolekta ng
ebidensiya at impormasyon para sa
argumento. At dapat na masiguro na ang mga
ito ay tunay at totoo.
Opo, Bb.
Nagsasagawa po ng pananaliksik tungkol sa
mga impormasyong nasabi sa isang post.
news at disinformation?
Tama! Ano pa, klas?
Ekselente! Ngayong papalapit na ang election
klas, maraming kumakalat na fake news at
disinformation. Dapat lang na hindi tayo agad
maniwala sa mga impormasyong kumakalat
lalo na kapag hindi pa tayo nakakasigurong
ang mga impormasyong iyon ay totoo.
Mas mabuti na magsagawa muna tayo ng
pananaliksik upang pag-aralan kung totoo ba
ang mga sinasaad sa imppormasyong ating
nabasa.
Sabi nga ng iba ay, “Think before you click”,
pag-aralan muna natin kung totoo ang
impormasyong ating nabasa bago natin ito
ipagkalat para maiwasan nating makutya o
kaya ay makalabag ng isang batas.
Maliwanag ba, klas?
Mabuti naman kung ganoon.
Upang mahasa at magabayan kayo sa pagsulat
ng tekstong argumentatibo klas, ating
talakayin ang katangian at nilalaman ng isang
mahusay na tekstong argumentatibo.
Mayroong limang katangian ang isang
mahusay na tekstong argumentatibo, klas.
Atin itong talakayin isa-isa.
1. Mahalaga at napapanahong paksa.
Ano ba sa tingin ninyo bakit mahusay ang
mahalaga at napapanahong mga paksa, klas?
Huwag agad maniwala sa mga impormasyong
nakapaligid sa atin dahil ito ay maaaring
ikapahamak natin. At para maiwasang
maibash o makutya ay mas mabuting pag-
aralan muna ang mga ebidensiya bago ito
paniwalaan at ishare.
Opo, Bb.
Mahusay ang tekstong argumentatibo kung ito
ay makapagbibigay linaw sa kasalukuyang
kinakaharap na isyung panlipunan.
Tama! Magiging mahusay ang tekstong
argumentatibo kung ito ay makapagbibigay
linaw sa kasalukuyang kinakaharap na isyung
panlipunan.
Ito ay makakatulong sa atin sa paghikayat sa
mga tao na bumasa sa ating teksto lalo na
kapag ito ay kasalukuyang isyu sa lipunan.
Maliwanag ba, klas?
Magaling! Ating isunod ang pangalawa.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
Ano ba ang naintindihan mo sa ating
pangalawang katangian?
Tama! Dapat na huwag nating habaan ang
ating tekstong argumentatibo dahil maaaring
tamarin ang mga tao na basahin ang ating
teksto.
Dapat din na ipaliwanag natin ang konteksto
ng paksa sa pagtatalakay nito sa
pangkalahatan. Tinatalakay rin sa unang
talata kung bakit mahalaga ang paksa at kung
bakit kailangang makialam sa isyu ang mga
mambabasa.
Maliwanag ba, klas?
Kung gayoon ay pumunta na tayo sa ikatlong
katangian.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan
ng mga bahagi ng teksto.
Ano ba ang inyong naiintindihan sa ikatlong
katangian, klas?
Opo, Bb.
Dapat na huwag nating habaan ang ating
tekstong argumentatibo.
Opo, Bb.
Dapat na magkaroon ng magandang
transisyon o pagkasusunod-sunod ng mga
bahagi para makasunod ang mga mambabasa.
Mahusay! Transisyon ang magpapatatag ng
pundasyon ng teksto. Kung hindi maayos ang
pagkasusunod-sunod ng mga kaisipan,
maaaring hindi makasunod o mailto ang mga
mambabasa at hindi nila maintindihan ang
mensaheng nais ihatid ng manunulat.
Maliwanag ba, klas?
Magaling! Ito naman ang pang-apat na
katangian.
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng
argumento.
Ano sa palagay ninyo klas ang magiging
epekto kapag hindi maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga talatang
naglalaman ng mga ebidensiya, klas?
Korek! Ang pagkakasunod-sunod ng mga
talatang naglalaman ng mga ebidensiya ay
magbibigay-linaw at direksiyon sa buong
teksto para maintindihan ng mga mambabasa
ang daloy at mensahe ng tekstong
argumentatibo.
Naintindihan ba, klas?
Mahusay! Pumunta na tayo sa huling
katangian ng mahusay na tekstong
argumentatibo.
5. Matibay na ebidensiya.
Ano ba ang kahalagaan ng isang matibay na
ebedinsiya sa tekstong argumentatibo, klas?
Kapag hindi maayos ang pagkakasunod-sunod
ng mga talatang naglalaman ng mga
ebidensiya ay maaaring hindi ito maintindihan
ng mga mambabasa.
Opo, Bb.
Ang matibay na ebidensiya ay siyang lalong
magpapatibay sa ating tekstong
argumentatibo.
Tumpak! Ang matibay na ebidensiya ay
siyang lalong magpapatibay sa ating teksto.
Iwasan nating mag imbento ng ebidensiya at
tiyaking banggitin ang reference, source, o
pinagmulan ng mga impormasyon at
ebidensiya.
Maliwanag ba, klas?
Magaling! Maliwanag na ba sa inyo ang mga
katangian ng mahusay na tekstong
argumentatibo, klas?
Mabuti! Upang magabayan kayo sa pagsulat
ng isang tekstong argumentatibo klas, ay
tatalakayin nating ang mga maling uri ng
pangangatwiran.
Mayroong 8 uri ng maling pangangatwiran,
klas.
1. ARGUMENTATUM AD HOMINEM
- Ito ay ang pangangatwiran kung saan
umaatake sa personal na karakter o katayuan
ng kalaban at hindi sa isyung tinalakay.
Halimbawa:
 “Bakit ninyo paniniwalaan si Juan,
siya nga ay hindi marunong
magbasa.”
 “Hindi magiging mabuting lider ng
bayan si Pedro dahil siya ay isang
binabae.”
Ano sa palagay ninyo ang dahilan bakit mali
ang ganitong pangangatwiran, klas?
Korek! Mali ang ganitong pangangatwiran
dahil hindi naman ito ang napagkasunduang
proposisyon o paksa sa argumento.
Maliwanag ba, klas?
Opo, Bb.
Maliwanag na po, Bb.
Mali ang ganitong pangangatwiran dahil hindi
na ito ang pinagtatalunang paksa.
Opo, Bb.
Mabuti! Ito naman ang pangalawa.
2. ARGUMENTATUM AD BACULUM
- Ito ay ang pangangatwiran na gumagamit ng
pwersa o awtoridad.
Halimbawa:
 Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang
kita. Wala kang karapatang sabihin
iyan.
 Ako ang dapat na masunod dahil ako
ang president.
Ang pangangatwirang ito klas ay gumagamit
ng pwersa o awtoridad para maiwasan ang
isyu o para maipanalo ang argumenti.
Maliwanag ba, klas?
Ekselente! Ito naman ang pangatlo.
3. ARGUMENTATUM AD
MISERICORDIAM.
- Ito ay uri ng pangangatwiran kung saan
gumagamit ng awa at pagkampi ng mga
mambabasa o tagapakinig.
Halimbawa:
 Kailangan nating protektahan si Juan
dahil kawawa ang kanyang pamilya.
Ano na lamang ang kakainin ng
kanyang mga anak.
Ang pangangatwirang ito klas, ay piniling
umatake gamit ang damdamin at hindi sa
kaisipan.
Ano ba sa tingin ninyo ang dahilan bakit mali
ang ganitong pangangatwiran, klas?
Tama! Mali ang ganitong pangangatwiran
sapagkat ang tekstong argumentatibo ay
labanan ng ideya at mga ebedinsiya hindi ng
awa.
Opo, Bb.
Mali ang ganitong pangangatwiran sapagkat
ang tekstong argumentatibo ay labanan ng
ideya at mga ebedinsiya hindi ng awa.
Opo, Bb.
Maliwanag ba, klas?
Mabuti! Ito naman ang pang-apat na uri ng
maling pangangatwiran.
4. NON-SEQUITOR
- Sa wikang ingles ito ay “It doesn’t follow”.
Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng
mga walang kaugnayang batayan.
Halimbawa: Ang santol ay hindi namumunga
ng mangga. Masamang pamilya ang
pinagmulan niya.
Base sa halimbawang ito klas, ano ang
pangungusap na walang kaugnayan sa talata?
Tama! Ang pangungusap na ang santol ay
hindi namumunga ng mangga ay walang
kaugnayan sa konklusiyon sa talata. Ito ay
maling pangangatwiran dahil maaari itong
makapagpalito sa mga mambabasa.
Maliwanag ba, klas?
Magaling! Ngayon ay ating isunod ang
panglima.
5. IGNORATIO ELENCHI
- Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga
usaping barberya. Ito ay kilala sa ingles na
circular reasoning o paliguy-ligoy kaya
walang patutunguhan.
Halimbawa: Anumang bagay na
magpapatunay sa aking pagkatao ay
maipapaliwanag ng aking maybahay. Tiyak
ko naming paniniwalaan ninyo siya sapagkat
nagging mabuti siyang ina sa aking mga anak.
Ito ay maituturing na maling pangangatwiran
dahil marami na ang nasasangkot sa
pangangatwiran. Pinagpapasa-pasa na ang
impormasyon.
Maliwanag ba, klas?
Ang santol ay hindi namumunga ng mangga.
Opo, Bb.
Opo, Bb.
Mabuti! Isunod na natin ang pang-anim.
6. MALING PANGLALAHAT
- Ito ay ang pangangatwiran kung saan
nagbibigay ng isang konklusyong
sumasaklaw sa pangkalahatan.
Halimbawa: Ang artistang ito ay tiwali. Ang
artista naming iyon ay magnanakaw. Huwag
na nating iboto ang mga artista!
Ano ba sa tingin ninyo klas ang naging mali
sa halimbawang ito?
Tama! Sa ingles ito ay tinatawag na
stereotyping o panglalahat. Dahil lamang sa
ilang tiwaling artista, nagbigay na agad ng
konklusyon na lahat ng artista ay huwag ng
iboto kahit na mayroon namang mga artista na
tapat sa kanyang tungkulin at hindi
magnanakaw.
Maliwanag ba, klas?
Magaling! Isunod na natin ang pangpito.
7. MALING PAGHAHAMBING
- Ang uri ng pangangatwiran na ito ay
karaniwang tinatawag na usapang lasing
sapagkat mayroon ngang hambingan ngunit
hindi naman sumasala sa matinong
konklusyon.
Halimbawa: Bakit ninyo ako ipapakulong?
Kung kayo nga ay hindi nakukulong!
Ito ay isang maling paghahambing dahil ang
paghahambing na ginawa ay hindi naman
sumasala sa matinong ideya.
Maliwanag ba, klas?
Okay! Ngayon ay atin ng isunod ang huling
uri ng maling pangangatwiran.
Mali po sapagkat dahil lamang sa ilang artista
ay nadamay na ang lahat ng mga artista.
Opo, Bb.
Opo, Bb.
8. DILEMMA
- Ito ay uri ng maling pangangatwiran na
nagbibigay lamang ng dalawang opsyon o
pagpipilian na para bang iyon lamang at wala
ng iba pang alternatibo.
Halimbawa:
 Upang hindi ka mapahiya sa ating
argumento, ganito na lamang ang
gawin mo: huwag kanang pumunta o
kaya ay magsabmit ka ng papel na
nagsasaad ng iyong pag-urong.
Ano ba ang dalawang opsyon na binigay ng
may akda sa halimbawang ito, klas?
Tama! Sa tingin ba ninyo klas, ito lang ang
natatanging paraan para hindi mapahiya sa
isang argumento?
Kung ganoon, ano pa ang pwedeng gawin
para hindi mapahiya sa argumento?
Ekselente! Upang hindi mapahiya nararapat
lang na magsaliksik at mag-aral bilang
paghahanda nang sa gayun ay may panlaban
sa argumentong magaganap.
Maliwanag ba, klas?
Mayroon ba kayong mga katanungan?
Mahusay!
C. Abstraction (Paghahalaw)
Ano nga ulit ang dalawang elemento ng
tekstong argumentatibo, klas?
Ang dalawang opsyon ay huwag pumunta o
magsabmit ng papel na nagsasaad ng pag-
urong.
Hindi po, Bb.
Magsaliksik at mag-aral bilang paghahanda sa
argumento nang sa gayun ay may panlaban sa
argumentong magaganap.
Opo, Bb.
Wala na po, Bb.
Ang dalawang uri ng tekstong argumentatibo
ay proposisyon at argumento, Bb.
Tama! Ang dalawang elemento ng tekstong
argumentatibo ay ang proposisyon at
argumentatibo.
Sino dito ang makapagbibigay ng isang
katangian ng mahusay na tekstong
argumentatibo?
Tumpak! Isa pa.
Magaling! Ang inyong mga sagot ay ilan lang
sa mga katangian ng mahusay na tekstong
argumentatibo.
Ngayon naman klas, sino ang
makapagbibigay ng apat na uri ng maling
pangangatwiran?
Mahusay! Sino ang makapagbibigay sa iba
pang uri ng maling pangangatwiran?
Ekselente!
Mayroon ba kayong mga katanungan o
klaripikasyon, klas?
Magaling!
D. Application (Paggamit)
Ngayon klas magkakaroon ulit tayo ng
Gawain. Ang kailangan ninyong gawin ay
pumili ng paksa at ipaliwanag kung bakit
kayo sang-ayon o tutol sa pagpapatupad sa
napiling paksa.
Gawain2: Depensahan Mo!
Panuto: Pumili ng isang paksa at ipaliwanag
Ang mahusay na tekstong argumentatibo ay
may mahalaga at napapanahong paksa, Bb.
Ang mahusay na tekstong argumentatibo ay
may magandang ebidensya.
Ang mga uri ng maling pangangatwiran ay
Argumentatum ad hominem, Baculum,
Misericordiam at Non-sequitor.
Ang iba pang uri ng maling pangangatwiran ay
Ignoratio Elenchi, Maling paglalahat, Maling
paghahambing, at Dilemma.
Wala na po, Bb.
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang mga ibig ipahiwatig ng mga sumusunod na katanungan.
1. Anong uri ng maling pangangatwiran kung saan ang manunulat ay umaatake sa personal na
katangian ng kalaban?
a. Argumentatum ad hominem b. argumentatum baculum
c. Maling paghahambing d. Dilemma
2. Anong uri ng maling pangangatwiran ang kilala bilang “It doesn’t follow sa wikang ingles”?
a. Argumentatum ad hominem b. argumentatum baculum
c. Non-sequitor d. Dilemma
3. Ano ang dalawang elemento ng tekstong argumentatibo?
a. Naratibo at argumentatibo b. proposisyon at argumento
c. prosisyon at argumentatibo d. wala sa nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng mahusay na tekstonga argumentatibo, maliban sa.
a. Mahalaga at napapanahong paksa b. May matibay na ebidensiya
c. Maikli ngunit malaman d. May limit ang talata.
5. Ang mga sumusunod ay mga uri ng maling pangangatwiran, maliban sa.
a. Argumentatum ad hominem b. Estruktura
c. Maling paghahambing d. Dilemma
kung bakit ka sumasang-ayon o tutol sa
pagpapatupad sa napiling paksa. Lapatan ng
ebidensiya para mapalakas ang iyong panig.
Gawin ang aktibidad sa Nearpod sa loob ng
3 minuto.
Link:
Maliwanag baa ng aktibidad, klas?
Mabuti! Maaari na kayong magsimula.
Opo, Bb.

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Editorial cartooning
Editorial cartooningEditorial cartooning
Editorial cartooningronelcana
 
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docxDLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docxMARICELMAGDATO2
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikKokoStevan
 
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratiboModyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratiboParungoMichelleLeona
 
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalPagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalIrah Nicole Radaza
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoKriza Erin Babor
 
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraanMga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraanKareen Mae Adorable
 
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cgShs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cgRickson Saydoquen
 
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptxCOHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptxjerebelle dulla
 

Mais procurados (20)

Editorial cartooning
Editorial cartooningEditorial cartooning
Editorial cartooning
 
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docxDLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
 
Sanaysay at talumpati.pptx
Sanaysay at talumpati.pptxSanaysay at talumpati.pptx
Sanaysay at talumpati.pptx
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
 
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptxPagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
 
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratiboModyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
 
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalPagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
 
Programang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptxProgramang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptx
 
Pagsulat ng balita
Pagsulat ng balitaPagsulat ng balita
Pagsulat ng balita
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nito
 
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraanMga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cgShs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
 
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptxTEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
 
Sanaysay
Sanaysay Sanaysay
Sanaysay
 
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
 
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptxCOHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
COHESIVE DEVICE REFERENCE_2019.pptx
 
Debate ppt
Debate pptDebate ppt
Debate ppt
 
1. TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
1. TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx1. TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
1. TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
 

Semelhante a argumentatibo.docx

DLL_MTB3_Q3_W2.docx daily lesson plan in mob
DLL_MTB3_Q3_W2.docx daily lesson plan in mobDLL_MTB3_Q3_W2.docx daily lesson plan in mob
DLL_MTB3_Q3_W2.docx daily lesson plan in mobfloradanicafajilan
 
SLM_MET1_L3.-Tekstong-Persuweysib-at-Argumentatib.pdf
SLM_MET1_L3.-Tekstong-Persuweysib-at-Argumentatib.pdfSLM_MET1_L3.-Tekstong-Persuweysib-at-Argumentatib.pdf
SLM_MET1_L3.-Tekstong-Persuweysib-at-Argumentatib.pdfJeffersonMontiel
 
q2-cot-filipino-4-pang-uri.docx
q2-cot-filipino-4-pang-uri.docxq2-cot-filipino-4-pang-uri.docx
q2-cot-filipino-4-pang-uri.docxRechelleAlmazan
 
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Crystal Mae Salazar
 
Filipino sa Piling Larang akademik
Filipino sa Piling Larang akademikFilipino sa Piling Larang akademik
Filipino sa Piling Larang akademikAiram Viñas
 
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxJeffersonTorres69
 
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxJeffersonTorres69
 
370311908-TEKSTONG-PERSUWEYSIB.pptx
370311908-TEKSTONG-PERSUWEYSIB.pptx370311908-TEKSTONG-PERSUWEYSIB.pptx
370311908-TEKSTONG-PERSUWEYSIB.pptxLaLa429193
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Crystal Mae Salazar
 
ESP 9 Modyul 2 (session 3)
ESP 9 Modyul 2 (session 3)ESP 9 Modyul 2 (session 3)
ESP 9 Modyul 2 (session 3)andrelyn diaz
 

Semelhante a argumentatibo.docx (20)

Aralin-6.pptx
Aralin-6.pptxAralin-6.pptx
Aralin-6.pptx
 
Aralin-6.pptx
Aralin-6.pptxAralin-6.pptx
Aralin-6.pptx
 
DLL_MTB3_Q3_W2.docx daily lesson plan in mob
DLL_MTB3_Q3_W2.docx daily lesson plan in mobDLL_MTB3_Q3_W2.docx daily lesson plan in mob
DLL_MTB3_Q3_W2.docx daily lesson plan in mob
 
SLM_MET1_L3.-Tekstong-Persuweysib-at-Argumentatib.pdf
SLM_MET1_L3.-Tekstong-Persuweysib-at-Argumentatib.pdfSLM_MET1_L3.-Tekstong-Persuweysib-at-Argumentatib.pdf
SLM_MET1_L3.-Tekstong-Persuweysib-at-Argumentatib.pdf
 
q2-cot-filipino-4-pang-uri.docx
q2-cot-filipino-4-pang-uri.docxq2-cot-filipino-4-pang-uri.docx
q2-cot-filipino-4-pang-uri.docx
 
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
 
DLL_FIL4_Q1_W5.docx
DLL_FIL4_Q1_W5.docxDLL_FIL4_Q1_W5.docx
DLL_FIL4_Q1_W5.docx
 
Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
Filipino sa Piling Larang akademik
Filipino sa Piling Larang akademikFilipino sa Piling Larang akademik
Filipino sa Piling Larang akademik
 
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
 
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
 
GOODLUCK.pptx
GOODLUCK.pptxGOODLUCK.pptx
GOODLUCK.pptx
 
Es p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarterEs p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarter
 
Komunikasyon modyul
Komunikasyon modyulKomunikasyon modyul
Komunikasyon modyul
 
DLL_ESP-5_Q1_W1.docx
DLL_ESP-5_Q1_W1.docxDLL_ESP-5_Q1_W1.docx
DLL_ESP-5_Q1_W1.docx
 
370311908-TEKSTONG-PERSUWEYSIB.pptx
370311908-TEKSTONG-PERSUWEYSIB.pptx370311908-TEKSTONG-PERSUWEYSIB.pptx
370311908-TEKSTONG-PERSUWEYSIB.pptx
 
Lm esp grade10_q4
Lm esp grade10_q4Lm esp grade10_q4
Lm esp grade10_q4
 
Research.pptx
Research.pptxResearch.pptx
Research.pptx
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
 
ESP 9 Modyul 2 (session 3)
ESP 9 Modyul 2 (session 3)ESP 9 Modyul 2 (session 3)
ESP 9 Modyul 2 (session 3)
 

Último

mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptxJoelleG1
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralinIsang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralinErickaCagaoan
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxSundieGraceBataan
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 

Último (20)

mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralinIsang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 

argumentatibo.docx

  • 1. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay naksusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Ang mag-aaral ay nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat. (F11EP-IIId-36) I. LAYUNIN: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay mahahasa ang mga sumusunod na kakayahan: a. nauunawaan ang mga pamantayan sa pagsulat ng tekstong argumentatibo. b. nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat. (F11EP-IIId-36) c. naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga impormasyong nababasa. II. PAKSANG ARALIN: Tekstong Argumentatibo Sanggunian: Charliza M. (2020). Tekstong argumentatibo. Retrieved from https://www.slideshare.net/CharlizeMarieDulaogo/tekstong-argumentatibo-217799985 Kagamitan: Laptop, PPT Presentation, Headphone, polleverywhere, nearpod III. PAMAMARAAN: 4A’s Method Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral 1. Paghahanda Magandang Umaga, Grade 11! Bago tayo magsimula ay manalangin muna tayo. Maaari mo bang panguluhan ang ating panalangin ______? Maraming Salamat, ______. Magandang Umaga po, Bb! Opo Bb.
  • 2. Magandang Umaga ulit, Grade 11! Kamusta kayo sa umagang ito? Maaari ba kayong pumili ng karakter na kumakatawan sa inyong nararamdaman sa umagang ito. I- comment ito sa message box. Simulan! Mabuti naman kung karamihan sa inyo ay nasa mabuting kalagayan. Klas, anuman ang nararamdaman ninyo ngayon sana ay hindi ito magiging hadlang sa pagtuklas natin ng bagong kaalaman ngayong araw na ito. Dahil ito ang unang beses ko na magturo sa inyo ay magpapakilala muna ako, ako nga pala si Bb. Cecille Calme at maaari ninyo akong tawaging Bb. Cecille. Kagaya ng ibang guro klas, mayroon din tayong mga alituntunin sa klaseng ito. 1. Huwag magsasalita kung ang inyong guro ay nagsasalita pa. I-on lamang ang mikropono kung ikaw ay tatawagin. 2. Makinig nang mabuti sa guro habang nagtatalakay. Kung maaari i-on ang inyong mga camera. 3. Ibigay ang inyong kooperasyon kung ito ay hinihingi ng guro. Maliwanag ba ang mga alituntunin, klas? 2. Pagbabalik-Aral 3. Pagganyak Bago tayo magsimula klas, ay magkakaroon muna tayo ng isang aktibidad. Magandang Umaga po, Bb. (Ginawa ng mga mag-aaral) Maliwanag po Bb.
  • 3. Panuto: Magbibigay ang guro ng mga larawan na napapatungkol sa mga isyung panlipunan. Tukuyin kung anong uri ng isyung panglipunan ang nasa bawat larawan. Maliwanag ba, klas? Mga larawan: Gagawin natin ang aktibidad sa polleverywhere. Link: Magaling! Karamihan sa inyo ay nakakuha ng malaking score. Ano ba ang mga larawan na nasa ating aktibidad, klas? Tama! Ito ay mga isyung panlipunan. Opo, Bb. Mga inaasahang sagot: 1. Divorce 2. Abortion 3. Teenage pregnancy 4. Death penalty Mga isyung panglipunan po, Bb.
  • 4. Ito ang kadalasang mga proposisyon sa tekstong ating tatalakayin ngayon. 4. Paglalahad ng layunin Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang tekstong argumentatibo. Huwag kalimutan ang ating mga alituntunin klas, nang sa gayon ay makamit natin ang ating mga sumusunod na layunin. Pipili ako sa inyo kung sino ang magbasa sa sumusunod na layunin. Simulan! a. nauunawaan ang mga pamantayan sa pagsulat ng tekstong argumentatibo. b. nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat. (F11EP-IIId-36) c. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga impormasyong nababasa. Maliwanag ba ang ating mga layunin, klas? Mabuti naman. A. Activity (Gawain) Bago tayo magsimula, magkakaroon muna tayo ng isang aktibidad. Opo, Bb.
  • 5. Magkakaroon tayo ng debate, pipili ako ng dalawang estudyante gamit ang gulong ng kapalaran na pinalolooban ng lahat ng inyong mga pangalan. Ang unang mapipili ay dedepensahan ang pahayag na “mayaman ang pilipinas”. Habang ikalawang mapipili ay dedepensahan ang pahayag na “hindi mayaman ang Pilipinas” Panuto: Depensahan ang pahayag sa loob ng tatlongpung Segundo. Gumamit ng mga proweba o ebidensya kung maaari. Maliwanag ba, klas? Magaling! Pipili na ako ng dalawang pangalan gamit ang gulong ng kapalaran para tayo ay makapagsimula na sa ating debate. Magaling! Maraming salamat sa inyong paglahok sa ating debate. Kayong dalawa ay parehong makatwiran base sa inyong ipinakitang debate kanina. Alam ba ninyo klas, na ang inyong ginawang debate o ang inyong pangangatwiran sa ating aktibidad ay isang halimbawa ng isang argumentatibo? Okay! Atin iyang tatalakayin. Pero bago ang lahat, ano ng aba ang tekstong argumentatibo? B. Analisis (Analysis) Tekstong argumentatibo klas, ay isang uri ng teksto na nangangailangan ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula Hindi po, Bb.
  • 6. sa personal na karanasan, kaugnay na mga literature at mga pag-aaral. Ang tekstong argumentatibo klas, ay isang anyo ng diskurso o talakayan na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na paliwanag ng isang isyu o panig. Maliwanag ba, klas? Magaling! Madalas malito ang karamihan sa kaibahan ng tekstong argumentatibo at ng tekstong persuweysib. Magkapareho ang dalawang tekstong ito klas dahil ito ay parehong gumagamit ng mga ebidensiya para maging epektibo ang isang teksto. Ang kaibahan nila klas ay ang persuweysib ay nanghihikayat ng mambabasa sa pamamagitan ng emosyon. Habang ang argumentatibo ay nanghihikayat ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga patunay, ebidensya, at mga datos na magsusuporta at magpapalakas sa mga pahayag sa isang teksto. Nasubukan na ba ninyong mangatwiran klas dahil sa tingin ninyo ay tama kayo? Siguro naman tayong lahat ay nakaranas na. Ano naman ang iyong ginawa para mahikayat at mapaniwala mo sila na ang sinasabi mo ay tama? Tama! Tuwing tayo ay nangangatwiran na tama ang ating mga sinasabi, nagbibigay pa tayo ng mga ebidensya at mga halimbawa para mapatunayang tama ang ating mga sinasabi. Opo, Bb. Nagbibigay po ako ng mga patunay at mga halimbawa para mapatunayang tama ang aking mga sinasabi.
  • 7. Halimbawa: Sinasabing magkakaroon ng isang araw na brownout pero ayaw nilang maniwala sa iyo, kaya ipinakita mo sa kanila ang screenshot ng impormasyon na nanggaling sa meralco o moelci para patunayang tama ang iyong sinasabi. Ang argumentatibo klas ay lagi nating ginagamit sa ating pang araw-araw na buhay. Madalas ang mga simpleng sitwasyon ay nangangailangan ng mahusay na pangangatwiran tulad na lamang ng paghingi ng permeso sa magulang, panghihiram ng gamit sa kapatid, pamimili ng paksa o konsepto sa mga gawaing panggrupo sa klase, o kaya ay ang paghingi ng second chance sa iniibig. Mayroong dalawang element ang tekstong argumentatibo, klas. Ito ay ang proposisyon at argumento. Proposisyon- Ito ay ang paksang pagtatalunan. Isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran ng bawat panig. Halimbawa: Dapat na ipasa ang divorce bill para mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan. Mayroon ba kayong naiisip na isang halimbawa ng proposisyon, klas? Ano iyon? Mahusay! Iyan ay isang halimbawa ng proposisyon. Ano pa, klas? Magaling! Ang mga sagot ninyo ay mga halimbawa ng proposisyon. Opo, Bb. Pagpapaalis o pagbasura sa k-12 kurikulum. Pagpapatupad ng martial law para sa pagpugsa sa terorismo.
  • 8. Ang pangalawang elemento ng argumentatibo klas ay ang argumento. Argumento- Ito ay ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatwiran ang isang panig. Pagkatapos makapili ng proposisyon o paksa klas, ang susunod na gawin ay ang paghahanda sa argumento. Kinakailangan na makapagbigay ng mga ebidensiya, mga datos, at mga dahilan para maging makatwiran ang isang panig. Ano sa tingin ninyo klas ang dapat gawin sa pagpili ng mga ebidensiya, mga datos, at mga impormasyon na ating isasali sa ating pahayag argumento klas? Mahusay! Dapat na magkaroon ng malalim na pananaliksik at masinsinang pangongolekta ng ebidensiya at impormasyon para sa argumento. At dapat na masiguro na ang mga ito ay tunay at totoo dahil maaaring ikahina ng argumento kapag ang mga ebidensiyang ginamit ay peke at gawa-gawa lamang. Maliwanag ba, klas? Value Integration Sa panahon ngayon kung saan papalapit na ang election klas, ay labis na kumakalat ang maraming fake news at di totoong mga impormasyon para mahikayat ang mga bumabasa o manonood na bumoto sa isang kandidato. Ano ba ang inyong ginagawa klas para hindi maloko o mauto sa mga kumakalat na fake Dapat na magkaroon ng malalim na pananaliksik at masinsinang pangongolekta ng ebidensiya at impormasyon para sa argumento. At dapat na masiguro na ang mga ito ay tunay at totoo. Opo, Bb. Nagsasagawa po ng pananaliksik tungkol sa mga impormasyong nasabi sa isang post.
  • 9. news at disinformation? Tama! Ano pa, klas? Ekselente! Ngayong papalapit na ang election klas, maraming kumakalat na fake news at disinformation. Dapat lang na hindi tayo agad maniwala sa mga impormasyong kumakalat lalo na kapag hindi pa tayo nakakasigurong ang mga impormasyong iyon ay totoo. Mas mabuti na magsagawa muna tayo ng pananaliksik upang pag-aralan kung totoo ba ang mga sinasaad sa imppormasyong ating nabasa. Sabi nga ng iba ay, “Think before you click”, pag-aralan muna natin kung totoo ang impormasyong ating nabasa bago natin ito ipagkalat para maiwasan nating makutya o kaya ay makalabag ng isang batas. Maliwanag ba, klas? Mabuti naman kung ganoon. Upang mahasa at magabayan kayo sa pagsulat ng tekstong argumentatibo klas, ating talakayin ang katangian at nilalaman ng isang mahusay na tekstong argumentatibo. Mayroong limang katangian ang isang mahusay na tekstong argumentatibo, klas. Atin itong talakayin isa-isa. 1. Mahalaga at napapanahong paksa. Ano ba sa tingin ninyo bakit mahusay ang mahalaga at napapanahong mga paksa, klas? Huwag agad maniwala sa mga impormasyong nakapaligid sa atin dahil ito ay maaaring ikapahamak natin. At para maiwasang maibash o makutya ay mas mabuting pag- aralan muna ang mga ebidensiya bago ito paniwalaan at ishare. Opo, Bb. Mahusay ang tekstong argumentatibo kung ito ay makapagbibigay linaw sa kasalukuyang kinakaharap na isyung panlipunan.
  • 10. Tama! Magiging mahusay ang tekstong argumentatibo kung ito ay makapagbibigay linaw sa kasalukuyang kinakaharap na isyung panlipunan. Ito ay makakatulong sa atin sa paghikayat sa mga tao na bumasa sa ating teksto lalo na kapag ito ay kasalukuyang isyu sa lipunan. Maliwanag ba, klas? Magaling! Ating isunod ang pangalawa. 2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto. Ano ba ang naintindihan mo sa ating pangalawang katangian? Tama! Dapat na huwag nating habaan ang ating tekstong argumentatibo dahil maaaring tamarin ang mga tao na basahin ang ating teksto. Dapat din na ipaliwanag natin ang konteksto ng paksa sa pagtatalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay rin sa unang talata kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa. Maliwanag ba, klas? Kung gayoon ay pumunta na tayo sa ikatlong katangian. 3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto. Ano ba ang inyong naiintindihan sa ikatlong katangian, klas? Opo, Bb. Dapat na huwag nating habaan ang ating tekstong argumentatibo. Opo, Bb. Dapat na magkaroon ng magandang transisyon o pagkasusunod-sunod ng mga bahagi para makasunod ang mga mambabasa.
  • 11. Mahusay! Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto. Kung hindi maayos ang pagkasusunod-sunod ng mga kaisipan, maaaring hindi makasunod o mailto ang mga mambabasa at hindi nila maintindihan ang mensaheng nais ihatid ng manunulat. Maliwanag ba, klas? Magaling! Ito naman ang pang-apat na katangian. 4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento. Ano sa palagay ninyo klas ang magiging epekto kapag hindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensiya, klas? Korek! Ang pagkakasunod-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensiya ay magbibigay-linaw at direksiyon sa buong teksto para maintindihan ng mga mambabasa ang daloy at mensahe ng tekstong argumentatibo. Naintindihan ba, klas? Mahusay! Pumunta na tayo sa huling katangian ng mahusay na tekstong argumentatibo. 5. Matibay na ebidensiya. Ano ba ang kahalagaan ng isang matibay na ebedinsiya sa tekstong argumentatibo, klas? Kapag hindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensiya ay maaaring hindi ito maintindihan ng mga mambabasa. Opo, Bb. Ang matibay na ebidensiya ay siyang lalong magpapatibay sa ating tekstong argumentatibo.
  • 12. Tumpak! Ang matibay na ebidensiya ay siyang lalong magpapatibay sa ating teksto. Iwasan nating mag imbento ng ebidensiya at tiyaking banggitin ang reference, source, o pinagmulan ng mga impormasyon at ebidensiya. Maliwanag ba, klas? Magaling! Maliwanag na ba sa inyo ang mga katangian ng mahusay na tekstong argumentatibo, klas? Mabuti! Upang magabayan kayo sa pagsulat ng isang tekstong argumentatibo klas, ay tatalakayin nating ang mga maling uri ng pangangatwiran. Mayroong 8 uri ng maling pangangatwiran, klas. 1. ARGUMENTATUM AD HOMINEM - Ito ay ang pangangatwiran kung saan umaatake sa personal na karakter o katayuan ng kalaban at hindi sa isyung tinalakay. Halimbawa:  “Bakit ninyo paniniwalaan si Juan, siya nga ay hindi marunong magbasa.”  “Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Pedro dahil siya ay isang binabae.” Ano sa palagay ninyo ang dahilan bakit mali ang ganitong pangangatwiran, klas? Korek! Mali ang ganitong pangangatwiran dahil hindi naman ito ang napagkasunduang proposisyon o paksa sa argumento. Maliwanag ba, klas? Opo, Bb. Maliwanag na po, Bb. Mali ang ganitong pangangatwiran dahil hindi na ito ang pinagtatalunang paksa. Opo, Bb.
  • 13. Mabuti! Ito naman ang pangalawa. 2. ARGUMENTATUM AD BACULUM - Ito ay ang pangangatwiran na gumagamit ng pwersa o awtoridad. Halimbawa:  Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita. Wala kang karapatang sabihin iyan.  Ako ang dapat na masunod dahil ako ang president. Ang pangangatwirang ito klas ay gumagamit ng pwersa o awtoridad para maiwasan ang isyu o para maipanalo ang argumenti. Maliwanag ba, klas? Ekselente! Ito naman ang pangatlo. 3. ARGUMENTATUM AD MISERICORDIAM. - Ito ay uri ng pangangatwiran kung saan gumagamit ng awa at pagkampi ng mga mambabasa o tagapakinig. Halimbawa:  Kailangan nating protektahan si Juan dahil kawawa ang kanyang pamilya. Ano na lamang ang kakainin ng kanyang mga anak. Ang pangangatwirang ito klas, ay piniling umatake gamit ang damdamin at hindi sa kaisipan. Ano ba sa tingin ninyo ang dahilan bakit mali ang ganitong pangangatwiran, klas? Tama! Mali ang ganitong pangangatwiran sapagkat ang tekstong argumentatibo ay labanan ng ideya at mga ebedinsiya hindi ng awa. Opo, Bb. Mali ang ganitong pangangatwiran sapagkat ang tekstong argumentatibo ay labanan ng ideya at mga ebedinsiya hindi ng awa. Opo, Bb.
  • 14. Maliwanag ba, klas? Mabuti! Ito naman ang pang-apat na uri ng maling pangangatwiran. 4. NON-SEQUITOR - Sa wikang ingles ito ay “It doesn’t follow”. Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan. Halimbawa: Ang santol ay hindi namumunga ng mangga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Base sa halimbawang ito klas, ano ang pangungusap na walang kaugnayan sa talata? Tama! Ang pangungusap na ang santol ay hindi namumunga ng mangga ay walang kaugnayan sa konklusiyon sa talata. Ito ay maling pangangatwiran dahil maaari itong makapagpalito sa mga mambabasa. Maliwanag ba, klas? Magaling! Ngayon ay ating isunod ang panglima. 5. IGNORATIO ELENCHI - Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usaping barberya. Ito ay kilala sa ingles na circular reasoning o paliguy-ligoy kaya walang patutunguhan. Halimbawa: Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliwanag ng aking maybahay. Tiyak ko naming paniniwalaan ninyo siya sapagkat nagging mabuti siyang ina sa aking mga anak. Ito ay maituturing na maling pangangatwiran dahil marami na ang nasasangkot sa pangangatwiran. Pinagpapasa-pasa na ang impormasyon. Maliwanag ba, klas? Ang santol ay hindi namumunga ng mangga. Opo, Bb. Opo, Bb.
  • 15. Mabuti! Isunod na natin ang pang-anim. 6. MALING PANGLALAHAT - Ito ay ang pangangatwiran kung saan nagbibigay ng isang konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan. Halimbawa: Ang artistang ito ay tiwali. Ang artista naming iyon ay magnanakaw. Huwag na nating iboto ang mga artista! Ano ba sa tingin ninyo klas ang naging mali sa halimbawang ito? Tama! Sa ingles ito ay tinatawag na stereotyping o panglalahat. Dahil lamang sa ilang tiwaling artista, nagbigay na agad ng konklusyon na lahat ng artista ay huwag ng iboto kahit na mayroon namang mga artista na tapat sa kanyang tungkulin at hindi magnanakaw. Maliwanag ba, klas? Magaling! Isunod na natin ang pangpito. 7. MALING PAGHAHAMBING - Ang uri ng pangangatwiran na ito ay karaniwang tinatawag na usapang lasing sapagkat mayroon ngang hambingan ngunit hindi naman sumasala sa matinong konklusyon. Halimbawa: Bakit ninyo ako ipapakulong? Kung kayo nga ay hindi nakukulong! Ito ay isang maling paghahambing dahil ang paghahambing na ginawa ay hindi naman sumasala sa matinong ideya. Maliwanag ba, klas? Okay! Ngayon ay atin ng isunod ang huling uri ng maling pangangatwiran. Mali po sapagkat dahil lamang sa ilang artista ay nadamay na ang lahat ng mga artista. Opo, Bb. Opo, Bb.
  • 16. 8. DILEMMA - Ito ay uri ng maling pangangatwiran na nagbibigay lamang ng dalawang opsyon o pagpipilian na para bang iyon lamang at wala ng iba pang alternatibo. Halimbawa:  Upang hindi ka mapahiya sa ating argumento, ganito na lamang ang gawin mo: huwag kanang pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong. Ano ba ang dalawang opsyon na binigay ng may akda sa halimbawang ito, klas? Tama! Sa tingin ba ninyo klas, ito lang ang natatanging paraan para hindi mapahiya sa isang argumento? Kung ganoon, ano pa ang pwedeng gawin para hindi mapahiya sa argumento? Ekselente! Upang hindi mapahiya nararapat lang na magsaliksik at mag-aral bilang paghahanda nang sa gayun ay may panlaban sa argumentong magaganap. Maliwanag ba, klas? Mayroon ba kayong mga katanungan? Mahusay! C. Abstraction (Paghahalaw) Ano nga ulit ang dalawang elemento ng tekstong argumentatibo, klas? Ang dalawang opsyon ay huwag pumunta o magsabmit ng papel na nagsasaad ng pag- urong. Hindi po, Bb. Magsaliksik at mag-aral bilang paghahanda sa argumento nang sa gayun ay may panlaban sa argumentong magaganap. Opo, Bb. Wala na po, Bb. Ang dalawang uri ng tekstong argumentatibo ay proposisyon at argumento, Bb.
  • 17. Tama! Ang dalawang elemento ng tekstong argumentatibo ay ang proposisyon at argumentatibo. Sino dito ang makapagbibigay ng isang katangian ng mahusay na tekstong argumentatibo? Tumpak! Isa pa. Magaling! Ang inyong mga sagot ay ilan lang sa mga katangian ng mahusay na tekstong argumentatibo. Ngayon naman klas, sino ang makapagbibigay ng apat na uri ng maling pangangatwiran? Mahusay! Sino ang makapagbibigay sa iba pang uri ng maling pangangatwiran? Ekselente! Mayroon ba kayong mga katanungan o klaripikasyon, klas? Magaling! D. Application (Paggamit) Ngayon klas magkakaroon ulit tayo ng Gawain. Ang kailangan ninyong gawin ay pumili ng paksa at ipaliwanag kung bakit kayo sang-ayon o tutol sa pagpapatupad sa napiling paksa. Gawain2: Depensahan Mo! Panuto: Pumili ng isang paksa at ipaliwanag Ang mahusay na tekstong argumentatibo ay may mahalaga at napapanahong paksa, Bb. Ang mahusay na tekstong argumentatibo ay may magandang ebidensya. Ang mga uri ng maling pangangatwiran ay Argumentatum ad hominem, Baculum, Misericordiam at Non-sequitor. Ang iba pang uri ng maling pangangatwiran ay Ignoratio Elenchi, Maling paglalahat, Maling paghahambing, at Dilemma. Wala na po, Bb.
  • 18. IV. Pagtataya Panuto: Tukuyin ang mga ibig ipahiwatig ng mga sumusunod na katanungan. 1. Anong uri ng maling pangangatwiran kung saan ang manunulat ay umaatake sa personal na katangian ng kalaban? a. Argumentatum ad hominem b. argumentatum baculum c. Maling paghahambing d. Dilemma 2. Anong uri ng maling pangangatwiran ang kilala bilang “It doesn’t follow sa wikang ingles”? a. Argumentatum ad hominem b. argumentatum baculum c. Non-sequitor d. Dilemma 3. Ano ang dalawang elemento ng tekstong argumentatibo? a. Naratibo at argumentatibo b. proposisyon at argumento c. prosisyon at argumentatibo d. wala sa nabanggit 4. Ang mga sumusunod ay katangian ng mahusay na tekstonga argumentatibo, maliban sa. a. Mahalaga at napapanahong paksa b. May matibay na ebidensiya c. Maikli ngunit malaman d. May limit ang talata. 5. Ang mga sumusunod ay mga uri ng maling pangangatwiran, maliban sa. a. Argumentatum ad hominem b. Estruktura c. Maling paghahambing d. Dilemma kung bakit ka sumasang-ayon o tutol sa pagpapatupad sa napiling paksa. Lapatan ng ebidensiya para mapalakas ang iyong panig. Gawin ang aktibidad sa Nearpod sa loob ng 3 minuto. Link: Maliwanag baa ng aktibidad, klas? Mabuti! Maaari na kayong magsimula. Opo, Bb.