5. Sampung taon nang drayber ng
dyip si Mang Tomas. Ang
pamamasada ang kanyang kabuhayan
at pinagkukunan ng pantaguyod sa
tatlo niyang anak na sina Linda,
Tony, at Jose. Naglalabada naman
ang asawa ni Mang Tomas na si Aling Lilia.
Kadalasan ay wala ito sa bahay nila at naghahanap rin ng
pera. Si Linda, ang kanilang panganay, ang palaging naiiwan
nagbabantay ng mga kapatid niya.
6. Parehos abala sina Mang Tomas at Aling Lilia sa paghahanap-buhay. Ni
hindi nga sila nagsisimba kasama ng kanilang mga anak o di kaya’y kumain ng
magkasama kahit sa bahay lang nila.
Kadalasan, pag-uwi ni Aling Lilia ay matutulog siya saglit habang
nagluluto ng hapunan si Linda. Habang kumakain naman ang mga bata, siya ay
naglalaba.
Pagdating ni Mang Tomas sa bahay nila ay sakto namang tulog na ang mga
bata at tapos ng maghapunan ang asawa niya. Ganito ang buhay ng Pamilya
Santos sa loob ng anim na taon. Sa mga araw na maagang natatapos sa
pamamasada si Mang Tomas, umiinom sila ng mga kapwa niya drayber.
7. “Ate bakit hindi tayo nagsisimbang kasama sina Tatay at
Nanay?” tanong ni Jose sa ate niyang si Linda. “Abala sa trabaho sina Tatay
at Nanay, Jose. Hayaan mo na,” sagot ng nakatatandang kapatid.
Isang araw, bigla na lamang bumagsak si Mang Tomas noong pasakay
siya ng dyip niya. Wala siyang malay at si Tony ang nakakita sa kanya. Agad
siyang dinala sa ospital. “Kailangan nating ma
operahan ang mister niyo misis, kung hindi, e, hindi
natin alam baka mamaya, bukas, sa susunod na araw
ay hindi na kayanin ng ugat sa utak niya,” sabi ng
doktor kay Aling Lilia.
May nakitang ugat na nagbabadyang pumutok sa
utak ni Mang Tomas. Subalit hindi sapat ang
kanilang kinikita upang makapag-ipon para sa
operasyon. Kulang rin ang ibibigay ng pamahalaan
nila kung saka-sakali.
8. “Huwag ka ng mag-alala Lilia. Okay lang ako, magiging
okay ako,” sabi ng nakapikit na si Mang Tomas sa asawa niya.
Nakalabas sila ng ospital at nagpasya na bumalik na sa
mga nakagawian nila araw-araw. Subalit, hindi na ito ang
nangyari. Kadalasan ay bigla na lang bumabagsak si Mang
Tomas at nawawalan ng malay. Alalang-alala sina Aling Lilia at
ang tatlong nilang anak sa padre de pamilya nila. Ngunit, wala
rin silang magagawa. Nagpatuloy sa paglalabada si Aling Lilia
araw-araw para matustusan ang araw-araw nilang gastusin.
Habang lumilipas ang mga araw, mas lalong hindi
masasabi ang kondisyon ni Mang Tomas. Noong napansin
niyang mukhang hindi talaga siya tatagal, doon siya nagpasya
na ibahin na yung nakagawian niya araw-araw.
9. Pagdating ng linggo, maaga siyang gumising at ginising rin niya yung asawa at mga
anak niya. “Lilia, mga anak, gising na kayo. Magsimba tayong magkakasama,” sabi niya
habang kinikiliti ang mga paa ng mga anak niya. Masayang-masaya ang ama ng tatlong
bata.
Pagkagaling nila sa simbahan, nagluto agad siya ng agahan nila at sabay-sabay
silang kumain. “Tatapusin ko lang ‘to, mauna na kayong kumain at baka gutom na
kayo,” sabi ni Aling Lilia habang binabanlawan ang mga labada niya. “Halika ka na rito,
mamaya na iyan. Kumain tayo ng sabay,” hiling ni Mang Tomas sa asawa na agad namang
pinagbigyan.
Simula noon, tinuring ni Mang Tomas
ang bawat araw na ipinagkaloob sa
kanya na huling araw na niya kung
kaya’t bawat segundo ay mahalaga sa
kanya. Ibinuhos niya ito sa asawa at
sa mga anak niya.
10. Iniba ng kondisyon ni Mang Tomas ang mga nakagawian
nila sa buhay ngunit hindi pa rin niya maiiwasang manghinayang
sa mga nasayang na oras. Malalaki na ang mga anak bago pa niya
lubusang naibahagi ang sarili niya sa kanya.
Patawad mga anak. Hindi ko kayo nabigyan ng oras noon.
Sana mas lalo kong nasubaybayan ang paglaki niyo. Kaya lang,
medyo huli na at bilang na lang ang mga huling araw ko. Sana,
pati kayo ay matuto sa nararanasan natin. Pahalagahan natin
ang bawat oras na mayroon tayo at ibahagi natin ang sarili
natin sa mga taong mahal natin,” hiling ng amang nakaratay na
sa higaan.
Pumanaw si Mang Tomas ngunit, kahit ganun yung
nangyari, nawala siyang may sayang nararamdaman. Kahit
papaano ay nabigyan siya ng pagkakataong mamulat at baguhin
kahit sa huling sandali ang mga dapat niyang baguhin.