Mais conteúdo relacionado

Destaque(20)

Kahirapan_sa_Pilipinas.pptx

  1. PANITIKAN NG KAHIRAPAN: Isang Pagtalakay ITABOY ANG KAHIRAPAN, HINDI ANG MAHIHIRAP UGAT NG KAHIRAPAN SA PILIPINAS ISTADISTIKA NG KAHIRAPAN SA PILIPINAS
  2. Bakit nga ba may mahirap? Bakit may kahirapan? Hindi ba pwede lahat maginhawa na laman ang buhay?
  3. Gobyerno-Labanan ang kahirapan
  4. “Bibisita ang isang hari sa probinsyang kanyang nasasakupan, at ipinabatid niya ito sa mga namumuno sa bayang yaon. Dahil dito, naghanda ang gobernador ng lalawigan at inatasan ang lahat ng kanyang mga kabig na kailangang matuwa ang hari sa pagdalaw nito sa kanilang bayan. Ngunit sa dadaanan ng hari ay may mga barung-barong na pawang mga mahihirap ang nangakatira. Hindi nila maitaboy agad-agad ang mga tao dahil tiyak na lalaban ang mga ito. Kaya ang ginawa ng gobernador ay pinatayuan ang paligid nito ng mahabang pader upang sa pagdaan ng hari, ay hindi nito makita ang karumal-dumal na kalagayan ng mga mahihirap.”
  5. Gobyerno-Kapitalista DEMOLISYON
  6. Para sa mahihirap REBOLUSYON para labanan ang kahirapan, itaboy ang nagpapahirap. Ito ang esensya ng rebolusyon. KAPITALISTA
  7. • : “Nang dumating ang hari sa bayang nasabi, ipinagbunyi siya ng mga tao at nakita ang kaayusan at kaunlaran ng lugar. Kaya ang sabi ng hari ay gagantimpalaan niya ang gobernador dahil sa malaking nagawa niya sa lalawigan. Sa pag-uwi ng hari mula sa maghapong pagdalaw sa probinsya, napansin niya ang mahabang pader na agarang ipinatayo ng gobernador. Hiniling niyang makita ang nasa kabila nito. Walang nagawa ang gobernador. Dito’y agad nakita ng hari ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga nakatirang mahihirap sa kabila ng pader. Itinatago pala ng gobernador ang tunay na kalagayan ng lalawigan. Bumaba ang hari’t nakitang maraming namamayat at ang iba’y halos mamatay sa gutom, marami ang nagkakasakit at walang nag-aasikaso. Dahil dito, binawi ng hari ang gantimpalang sana’y ibibigay niya sa gobernador.”
  8. SANHI NG KAHIRAPAN NEGOSYATE - KATAMARAN RELEHIYON – PARUSA NG DIYOS EDUKADOR - KAMANGMANGAN HARI – KAPALARAN ISANG MATAAS NA OPISYAL – PAGLAGO NG POPULASYON Maikling Kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.
  9. Hindi katamaran ang ugat ng kahirapan, pagkat maraming manggagawa sa pabrika ang napakasisipag sa kanilang trabaho at daig pa ang kalabaw sa pagkakayod pero napakababa ang natatanggap na sahod at nananatiling mahirap.
  10. Kung ang kahirapan ay parusa ng Diyos dahil makasalanan ang tao, ibig sabihin, pinagpala pala ng Maykapal ang mga mayayaman. Ngunit may mga nagkakamal ng salapi sa masamang paraan. At may mga mayayamang nakagagawa ng kasalanan sa kanilang kapwa, pero sagana sa biyaya.
  11. Hindi kamangmangan ang dahilan ng kahirapan pagkat maraming tao ang may kaalaman at napakamalikhain sa kanilang mga trabaho kung saan nagkakamal ng limpak-limpak na tubo ang kanilang mga pinaglilingkuran pero sila’y nananatiling mahirap.
  12. Kung kapalaran ng tao ang maging mahirap, hindi na pala siya uunlad kahit ano pang sipag ang kanyang gawin.
  13. Kung kapalaran ng tao ang maging mahirap, hindi na pala siya uunlad kahit ano pang sipag ang kanyang gawin.
  14. ISTADISTIKA NG POPULASYON SA PILIPINAS 2019 – 109M 2M /TAON POPCOM Ayon sa POPCOM, ay ang pangangailangan sa impraestruktura at pagsisikip ng paligid, na ngayon pa nga lang ay ramdam na sa maraming lugar sa Pilipinas. "There is a direct relationship between poverty and the number of children in the family. The more the number of children in the family, the more the family would be prone to become poor," sabi ni POPCOM NCR Director Dr. Lydio Español Jr. "They (couples) are not using modern methods. Maraming factors. One is religious beliefs on the use of family planning, meron ding access problem, against ang kanilang spouse on the use of family planning. Gusto marami pa, pero 'yung babae, ayaw na," sabi ni Español.
  15. BAKIT PATULOY NA NAGHIHIRAP ANG MGA PILPINO • Ang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas ay kakulangan ng pagtutulungan • Digmaan • Pagmamalabis • Krisis • Maling pagtrato sa mga pulubi at mahihirap. • Ibang priority ng may hawak ng pera • Kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga halaman at hayop • Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot • Nabalitang corruption • Kakulangan ng disiplina ng mga tao

Notas do Editor

  1. Bagamat ginamit na estilo sa pagsulat dito ay estilong alamat o kwentong bayan, ang mensaheng nakapaloob dito’y batay sa mga ideya ng maraming mga sosyalistang naghahangad ng pagbabago sa lipunan.
  2. NAGKAROON NG PAGPUPULONG