28. Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang / kung
ito ay indikasyon ng kakapusan at ? kung kakulangan.
1. Ang nanay ni Nina ay hindi makabili ng notebook at
ballpen dahil sa dami ng tao sa Divisoria noong katapusan
ng Mayo.
2. Patuloy na hindi maisaayos ng pamahalaan ang
pagbabalita ng panahon dahil walang mag-aaral na
kumukuha ng kursong meteorologist.
3. Si Aling Michelle ay mataas ang nabiling halaga ng
bulaklak sa Dangwa at kandila noong araw ng mga patay.
4. Hindi natapos ni Apollo ang kanyang output sa Social
dahil sa pagkakaidlip.
29. 5. Ang negosyo ng mga Marquina na tahungan ay
tuluyan ng nagsara dahil sa pagunti ng naaaning tahong
sa coastal area ng Las Piñas
6. Ang bansang Germany ay nag-angkat ng 500 nurse
upang punan ang mga ospital sa kanilang bansa.
7. Naubos ang tindang de lata sa Fajardo’s Sari-Sari Store
dahil sa malakas na ulan.
8. Mataas ang halaga ng langis dahil sa pagtaas ng langis
sa international market.
9. Nagkakagulo sa pamilihan ng Las Piñas dahil walang
mabiling bigas at NFA rice dahil sa hindi pagbebenta mga
negosyante.
10. Naubusan ng cake si Ramos dahil noong bagong
taon.