SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 59
Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan:
1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba‟t
ibang tekstong binasa.
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian
ng mahahalagang salitang ginamit ng iba‟t
ibang uri ng tekstong binasa.
3. Nakabubuo ng ilang halimbawa ng uri
ng teksto sa pamamagitan ng masining na
pagsulat.
MGA URI NG TEKSTO
Impormatib
Deskriptib
Persweysib
Naratib
Argumentatib
Prosidyural
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin sa loob
ng kahon kung anong uri ng teksto napabibilang ang bawat pahayag.
1. Makipagtalo upang mapatunayan ang katotohanan at nang maipahayag at
matanggap ng bumabasa ang katotohanang ito.
2. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa
nasasaklaw na kaalaman ng tao.
3. Mga serye ng impormasyon tungkol sa isang bagay upang matamo ang
inaasahang hangganan o resulta.
4. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena at mga
detalye ng mga pangyayari.
5. Maglahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay o mga ideyang nanghihikayat sa
mambabasa.
6. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa
pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat.
Impormatib Persweysib Prosidyural
Deskriptib Argumentatib Naratib
TEKSTONG
IMPORMATIBO
Ang tekstong
impormatibo
ay nagtataglay ng tiyak ng
impormasyon patungkol sa
bagay, tao, lugar, o pangyayari.
Hindi ito naglalaman ng opinyon
kung kaya ang tono nito ay
kadalasang obhetibo.
Ang tekstong
impormatibo
Ito rin ay kadalasang sumasagot sa
mga tanong na ano, sino,
at paano tungkol sa isang paksa.
Masasabi ring ang tekstong
impormatibo ay hindi nagbibigay ng
opinyong pabor o sumasalungat sa
posisyon o paksang pinag-uusapan.
Ang Lalawigan ng Iloilo
Ang lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-
silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng
Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng
Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng dagat Kabisayaan at
Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo
sa timog. Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang
isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong
1212. Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad
ng mga datu. Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng
Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng
pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga
mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong.
Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo
sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong
lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang
Lalawigan ng Iloilo. Ang Iloilo ay isa sa mga
pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas.
Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing
produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais,
saging, mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na
halaman. Ang pangingisda ay isa ring mahalagang
pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at
hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng
lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz dahil sa
masarap na batchoy.
Tanong:
 Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong
iyong binasa?
 Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
 Anu-ano ang mga paniniwala ukol sa Lalawigan ng
Iloilo?
 Ano ang ipinambabayad ng mga datu?
 Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
 ibigay ang mga produktong nagmumula sa Iloilo?
 Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga
taga-Iloilo?
“Social Media at ang Modernong Kabataan”
Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming
kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang-araw-araw.
Hindi maipagkakaila na ang mga social media ay isa sa naging produkto ng
makabagong panahon, at kasabay nito ang pagusbong ng modernong
kabataan .
Ang social media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao
kahit hindi mo nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon sa ating
pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong lugar. Ano nalang
ang buhay kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan
at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito, tulad na lamang ng
mga kabataang hindi masyadong outgoing, mga taong gustong magtipid sa
entertainment, mga gustong makahanap ng sideline income (online shop),
mga naghahanap ng bagong impormasyon at mga gustong magpasikat
(Residentpatriot, October 7.2012).
Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya
ng social media sa buhay ng mga kabataan. Pinagtitibay nito ang isang
aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-
ugnayan. Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na
paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo
chat rooms, pakikipagtalastasan sa mga online forums at pagtatambay
sa Friendster. Ngayon naman ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook,
at iba pang social media’s, kung kaya’t hindi nakapagtataka na
napakataas ng porsyento ng mga online na pinoy sa social networks
(Gabnadateblog.February 2016).
Dahil sa pagkauso ng mga social media mas lalo nitong
naimpluwensyahan ang nakararami tulad nalang ng mga kabataan
ngayon na lubos na nahuhumaling dito, kaya wala na yatang kabataan
ngayon ang walang account sa mga nabangit na websites o di kaya ay
pamilyar dito. Ganap na sikat ang mga nabangit na websites ngunit ano
nga ba ang epekto ng social media sa paguugali natin? partikular sa
mga kabataan ngayon? (Eloisa Cassandra E. Emi).
Ang mga katanungan na nasawalat sa inyong isipan ay aking
bibigyan ng kasagutan. Ang social media at ang modernong kabataan,
dahil ang mga modernong kabataan ang syang nagpausbong at mas lalo
pang naging uso sa mga mata ng mga tao sa ating mundo. Napakalaking
impluwensya ng social media sa panahong ito lalong lalo na ang facebook,
siguro parte na ng ating buhay ang mag-log in araw-araw dito. Isa sa mga
mabuting epekto ng social media sa kabataan ngayon ang easy access o
madaling paraan upang makapagpalaganap o makapagbahagi ng
impormasyon. O mga balita na interesado ang lahat na malaman, kagaya
ng suspension ng klase, mga balita tungkol sa showbiz at mga babasahin
na marami tayong matututunan. Ang social media ay tulay na
nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan dahil ito ang nagbabahagi ng bagong
ideya o kaisipan, at dinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa
hinaharap sa pamamagitan ng mga impormasyong tungkol sa
makabagong teknolohiya, mga balita tungkol sa mga pagbabagong
makaka-impluwensya sa hinaharap at mga matutunang kaalaman na
makapagpapa-unlad sa ating kinabukasan.
Tanong:
 Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong
iyong binasa?
 Ano ang gamit ng social media?
 Sino-sino ang gumagamit ng social media?
 Ano ang maaaring maidudulot ng social media sa
kabataan katulad mo?
 Sa anong paraan nakaimpluwenysa ang social
media?
Halimbawa:
1. Sampaguita ang pambansang bulaklak ng
Pilipinas.
2. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss
Universe 2018.
3. Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica
Soho tuwing Linggo ng gabi.
4. Nagpunta sina Marian at Dingdong sa
kaarawan ni Karylle.
5. Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang
laban kontra iligal na droga.
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay isang tekstong
naglalarawan. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong
may kaugnayan sa mga katangian ng tao, bagay, lugar, at
pangyayaring madalas nasasaksihan ng tao sa paligid.
Ito ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang
likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang amoy,
panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat
ang paglalarawang mga detalye ng kanyang
nararanasan.
Dalawang Uri ng
Tekstong Deskriptibo
ang teknikal
 impresyonistiko
Deskripsiyong
Teknikal
Naglalayon itong
maglarawan sa
detalyadong
pamamaraan.
Deskripsiyong
Teknikal
Halimbawa:
Ang ngiting matipid ay
bahagya lamang ang
ginagawang pagkibot ng bibig.
Ang ngiting mapagbigay ay
laging nakangiti.
Deskripsiyong
Impresyonistiko
Naglalayon itong
maglarawan ayon sa
pansariling pananaw o
personal na saloobin.
Deskripsiyong
Impresyonistiko
Halimbawa:
Ang matamis na ngiti ay maaaring
maghatid ng kasiyahan at maging
simula ng magandang
pagkakaibigan.
Ang pagngiti ay nakatutulong
upang magmukha kang bata.
Dalawang Anyo ng
Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay
may dalawang anyong
ginagamit. Ito ay
ang karaniwan at
masining.
Karaniwan (obhetibo)
Ito ay isang paglalarawang
hindi sangkot ang damdamin.
Sa ganitong anyo, ang
paglalarawan ay ayon sa
nakikita ng mata.
Karaniwan (obhetibo)
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay isa lamang sa
bansang napaliligiran ng mga
karagatan.
Paliwanag:
Obhetibo ang paraan ng
paglalarawan dahil wala itong
sangkot na damdamin.
Masining (subhetibo)
Ito ay isang paglalarawang
naglalaman ng damdamin at
pananaw ng taong
naglalarawan. Naglalayon itong
pukawin ang guniguni ng
mambabasa.
Masining (subhetibo)
Halimbawa:
Patuloy siya sa paglakad nang
pasagsag habang pasan ang
kaniyang anak na maputla pa ang
kulay sa isang papel.
Paliwanag:
Subhetibo ang paglalarawan dahil
naglalaman ng damdamin at
pananaw.
Halimbawa:
1. Matamis ang malaking manggang dala ni Julie
mula sa malayong lalawigan ng Cebu.
2. Magaling umawit ang batang si Lyca kaya naman
siya ang nanalo sa malaking patimpalak.
3. Iginagalang ng mga mag-aaral si Gng. Santos
dahil magiliw itong guro at mataas magbigay ng
marka.
4. Magaspang ang papel de liha na nahawakan kong
laman ng kahong iyon.
5. Sadyang napakalawak ng hardin nina Alice at
napakaraming ring makukulay na bulaklak.
Mahahalagang
Kaalaman
Ang tekstong deskriptibo ay
naglalarawan ng tao, bagay, lugar at
pangyayari.
Ang dalawang uri nito
ay teknikal at impresyonistiko.
Karaniwan at masining naman na
paglalarawan ang dalawang anyo nito.
Mga Paalala
Ang teknikal na paglalarawan ay
detalyado ang paraan ng
paglalarawan.
Ang impresyonistiko na
paglalarawan ay naglalaman ng
saloobin ng manunulat.
Gawain:
Maghanap ng partner at gumawa ng
tekstong impormatibo at deskriptibo.
Gumawa ng tatlong talata sa bawat
teksto.
Pumili paksa sa ibaba:
K-12 Curriculum
Pagdaos ng Tawo-tawo Festival/Miss
Bayawan/Marathon
Epekto ng COVID sa amin
Desisyon sa Pagkuha ng Kurso
Ang buhay estudyante
Polusyon
MGA URI NG TEKSTO
Impormatib
Deskriptib
Persweysib
Naratib
Argumentatib
Prosidyural
Tekstong
Persuweysib
Tekstong
Persuweysib
Naglalayon itong manghikayat ng
mga mambabasa o tagapakinig.
Ito ay isa sa mahahalagang uri ng
tekstong ginagamit sa radyo at
telebisyon.
Ito rin ay isang mahalagang
kasanayang dapat matutunan ng
tao.
Tekstong
Persuweysib
Nararapat na maging maganda ang
nilalaman nito upang makuha ang interes
ng mga mambabasa, manonood, at
tagapakinig.
Ito ay dapat ginagamitan ng mga
salitang nakagaganyak, tulad na lamang
ng mga dahilan kung bakit dapat iboto ang
isang kandidato o kung bakit dapat bilhin
ang isang produkto.
Ang tono ng isang tekstong
nanghihikayat ay maaring:
 nangangaral
 nag-uuyam
 naghahamon
 nagagalit
 nambabatikos
 natatakot
 nasisiyahan
 nalulungkot
 nagpaparinig
Tekstong
Persuweysib
Halimbawa:
Mga advertisement sa radyo at
telebisyon.
Talumpati sa
pangangampanya at rally.
Tatlong Paraan ng
Panghihikayat Ayon
kay Aristotle
Ayon kay Aristotle, may tatlong
paraan para mahikayat mo ang
iyong mga mambabasa.
1. Ethos
naiimpluwensyahan
ng karakter at kredibilidad ng
tagapagsalita ang paniniwala ng
mga tagapakinig. Sa ganitong
paraan, kailangang nagtataglay
ng sapat na kasanayan sa
pamamahayag ang isang
manunulat o tagapagsalita.
2. Pathos
pag-apila sa damdamin ng mga
tagapakinig. Ito marahil ang
pinakamahalagang paraan upang
makahikayat. Madaling naaakit ang
isang tao kapag naantig ang
kanyang damdamin kaugnay ng
paksang tinatalakay.
3. Logos
paraan ng paghikayat
na umaapila sa isip. Ang
paglalahad ng sapat na
katibayan kaugnay ng paksa ay
labis na nakakaapekto sa
panghihikayat.
Katangian sa Tekstong
Nanghihikayat (Persweysib)
 May personal na karanasan
 May humor o katatawanan
 May katotohanan at mga
estadistika
 Sumasagot sa Argumento
 May hamon
 May panimula, katawan at
kongklusyon
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Tekstong Nanghihikayat
1. Piliin ang iyong posisyon.
2. Pag-aralan ang iyong mga
mambabasa.
3. Saliksikin ang iyong paksa.
4. Buuin mo ang iyong teksto.
Halimbawa:
Magandang gabi po sa inyo, ako po si Peter Piper,
tumatakbong chairman ng barangay 143. Simula’t sapol ay hindi po
ako umalis sa barangay natin. Habang lumalaki ay nasaksihan ko ang
bawat hinagpis ninyong aking mga kabaranggay na hindi nabigyang
tugon ng mga nagdaang liderato. Kapag ako ang nanalo ngayong
darating na eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking opisina
para sa lahat ng mga isyung gusto niyong bigyan solusyon. Ang
patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan ko ng
kasagutang ayon sa inyong nais. Ang kalsada nating lubak-lubak ay
gagawan ko ng proposal upang mabigyan ng badyet. Kaya ngayong
eleksiyon mga kaibigan, huwag ninyong kalimutang ilagay ang aking
pangalan, Peter Piper po bilang inyong chariman. Iboto po ninyo ako
bilang bagong kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako na
ang sagot ng inyong mga hinaing. Magtutulong po tayong lahat.
Maraming salamat.
Propaganda devices sa Tekstong
Persweysiv
 Name Calling - Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o
taguri sa isang tao o bagay.
Halimbawa: Paninira sa isang produkto upang hindi ito mabili
sa merkado.
 Glittering Generalities - Ito ay ang pangungumbinsi sa
pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak
na salita o pahayag.
Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong tide. Ang inyong damit
ay mas magiging maputi sa tide puting-puti. Bossing sa katipiran,
bossing sa kaputian.
 Transfer - Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa
hindi kilalang tao o produkto.
Halimbawa: Ipagpatuloy ko ang sinimulan ni FPJ. — Grace Poe
 Testimonial - Ito ang propaganda device kung saan tuwirang
eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o
produkto.
Halimbawa: Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng
testimonya ang kandidato na huwag ding kalilimutan ng
sambayanan ang kanyang kapartido.
 Plain Folks - Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay
nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng
isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng
sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo
sa politiko.
Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi
nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula
at nanggaling din sila sa hirap.
Bandwagon - Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng
pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at
gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
Halimbawa: Buong bayan ay nagpeso padala na.
LBC:Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.
Card Stacking - Pagsasabi ng maganda puna sa isang
produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
Halimbawa: Ang instant noodles na ito ay
nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras, mura na
masarap pa. (Ngunit hindi nito sinasabi na kung araw-araw
itong kakainin ay maaaring magdulot ng sakit.)
Propaganda Devices
Mahahalagang Kaalaman
Ang tekstong Persuweysib ay isang uri ng
sulatin kung saan ang manunulat ay
gumagamit ng mga pananalitang tumutulong
upang mahikayat ang mga mambabasa at
tagapakinig na paniwalaan ang inihahayag
nitong ideya o paniniwala.
Ang halimbawa nito ay ang
mga advertisement at mga talumpating
nanghihikayat.
May tatlong paraan ng paghikayat ayon
kay Aristotle: Ethos, Pathos, at Logos.

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Ang tekstong persuweysib
Ang tekstong persuweysibAng tekstong persuweysib
Ang tekstong persuweysibREGie3
 
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptxREPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptxLlemorSoledSeyer1
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptxALCondezEdquibanEbue
 
Ang teksto at tekstong importmatibo pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang tek...
Ang teksto at tekstong importmatibo   pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang tek...Ang teksto at tekstong importmatibo   pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang tek...
Ang teksto at tekstong importmatibo pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang tek...ErwinMarin4
 
Tekstong Prosidyural - grade 11 - Pananaliksik - lesson 8
Tekstong Prosidyural - grade 11 - Pananaliksik - lesson 8Tekstong Prosidyural - grade 11 - Pananaliksik - lesson 8
Tekstong Prosidyural - grade 11 - Pananaliksik - lesson 8Ashley Minerva
 
Mga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdfMga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdfRonaMaeRubio
 
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxKatangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxJeanMaureenRAtentar
 
TEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIBTEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIBRONELMABINI
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo week5.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo week5.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo week5.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo week5.pptxAngeliqueBacaserVali
 
Tekstong Argumentatibo
Tekstong ArgumentatiboTekstong Argumentatibo
Tekstong ArgumentatiboCharlize Marie
 
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptxQ2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptxMichaelJohnVictoria1
 
KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO.pptx
KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO.pptxKATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO.pptx
KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO.pptxaileneantonio
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
 
Module 6 (Ang Flyer at Leaflet).pptx
Module 6 (Ang Flyer at Leaflet).pptxModule 6 (Ang Flyer at Leaflet).pptx
Module 6 (Ang Flyer at Leaflet).pptxMariaJosieCafranca
 
Mga kasanayan sa akademikong pagbasa
Mga kasanayan sa akademikong pagbasaMga kasanayan sa akademikong pagbasa
Mga kasanayan sa akademikong pagbasaEmmanuel Alimpolos
 

Mais procurados (20)

Pagsulat ng Reaksiyon
Pagsulat ng ReaksiyonPagsulat ng Reaksiyon
Pagsulat ng Reaksiyon
 
pagbasa at pagsusuri.pptx
pagbasa at pagsusuri.pptxpagbasa at pagsusuri.pptx
pagbasa at pagsusuri.pptx
 
Ang tekstong persuweysib
Ang tekstong persuweysibAng tekstong persuweysib
Ang tekstong persuweysib
 
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptxREPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptx
 
Ang teksto at tekstong importmatibo pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang tek...
Ang teksto at tekstong importmatibo   pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang tek...Ang teksto at tekstong importmatibo   pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang tek...
Ang teksto at tekstong importmatibo pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang tek...
 
Tekstong Prosidyural - grade 11 - Pananaliksik - lesson 8
Tekstong Prosidyural - grade 11 - Pananaliksik - lesson 8Tekstong Prosidyural - grade 11 - Pananaliksik - lesson 8
Tekstong Prosidyural - grade 11 - Pananaliksik - lesson 8
 
Mga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdfMga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdf
 
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxKatangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
 
TEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIBTEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIB
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo week5.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo week5.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo week5.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo week5.pptx
 
Tekstong Argumentatibo
Tekstong ArgumentatiboTekstong Argumentatibo
Tekstong Argumentatibo
 
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptxQ2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
 
1. TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
1. TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx1. TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
1. TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
 
Tekstong Naratibo.pptx
Tekstong Naratibo.pptxTekstong Naratibo.pptx
Tekstong Naratibo.pptx
 
KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO.pptx
KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO.pptxKATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO.pptx
KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO.pptx
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
 
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptxPagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
 
Module 6 (Ang Flyer at Leaflet).pptx
Module 6 (Ang Flyer at Leaflet).pptxModule 6 (Ang Flyer at Leaflet).pptx
Module 6 (Ang Flyer at Leaflet).pptx
 
Mga kasanayan sa akademikong pagbasa
Mga kasanayan sa akademikong pagbasaMga kasanayan sa akademikong pagbasa
Mga kasanayan sa akademikong pagbasa
 

Semelhante a Week 1-2 Uri ng Teksto Part 1.pptx

THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
 
Aralin 7 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan.pptx
Aralin 7 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan.pptxAralin 7 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan.pptx
Aralin 7 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan.pptxAnnbelleBognotBermud
 
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?Al Andrade
 
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdf
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdfgamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdf
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdfkenjisaijo
 
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptxNicaHannah1
 
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2RedmondTejada
 
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuIba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuJaime jr Añolga
 
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptx
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptxPAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptx
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptxGraceAnnAbante2
 
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdfFILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdfAngelKarlynCartago
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfjosefadrilan2
 
Q3-PPT-FIL-WEEK1.popular na babasahinpptx
Q3-PPT-FIL-WEEK1.popular na babasahinpptxQ3-PPT-FIL-WEEK1.popular na babasahinpptx
Q3-PPT-FIL-WEEK1.popular na babasahinpptxjessa9llorente
 
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxevafecampanado1
 

Semelhante a Week 1-2 Uri ng Teksto Part 1.pptx (20)

THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
 
COT grade 8 sy 2020- 2021.docx
COT grade 8 sy 2020- 2021.docxCOT grade 8 sy 2020- 2021.docx
COT grade 8 sy 2020- 2021.docx
 
Sagutang-Papel.docx
Sagutang-Papel.docxSagutang-Papel.docx
Sagutang-Papel.docx
 
07 komunikasyon
07 komunikasyon07 komunikasyon
07 komunikasyon
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
 
Aralin 7 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan.pptx
Aralin 7 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan.pptxAralin 7 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan.pptx
Aralin 7 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan.pptx
 
Grade 5 PPT_ESP_Q1_Aralin 7.1.pptx
Grade 5 PPT_ESP_Q1_Aralin 7.1.pptxGrade 5 PPT_ESP_Q1_Aralin 7.1.pptx
Grade 5 PPT_ESP_Q1_Aralin 7.1.pptx
 
Grade 5 PPT_ESP_Q1_Aralin 7.pptx
Grade 5 PPT_ESP_Q1_Aralin 7.pptxGrade 5 PPT_ESP_Q1_Aralin 7.pptx
Grade 5 PPT_ESP_Q1_Aralin 7.pptx
 
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?
 
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdf
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdfgamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdf
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdf
 
Gamit ng Wika sa Lipunan
Gamit ng Wika sa LipunanGamit ng Wika sa Lipunan
Gamit ng Wika sa Lipunan
 
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
 
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
 
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuIba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
 
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptx
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptxPAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptx
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptx
 
FIL8 Q3 MODYUL1.pdf
FIL8 Q3 MODYUL1.pdfFIL8 Q3 MODYUL1.pdf
FIL8 Q3 MODYUL1.pdf
 
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdfFILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
 
Q3-PPT-FIL-WEEK1.popular na babasahinpptx
Q3-PPT-FIL-WEEK1.popular na babasahinpptxQ3-PPT-FIL-WEEK1.popular na babasahinpptx
Q3-PPT-FIL-WEEK1.popular na babasahinpptx
 
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 

Mais de AntonetteAlbina3

Week 3 Robert Havighurst.pptx
Week 3 Robert Havighurst.pptxWeek 3 Robert Havighurst.pptx
Week 3 Robert Havighurst.pptxAntonetteAlbina3
 
Advance Physics Report.pptx
Advance Physics Report.pptxAdvance Physics Report.pptx
Advance Physics Report.pptxAntonetteAlbina3
 
Week 4 How to Deal with Adulting.pptx
Week 4 How to Deal with Adulting.pptxWeek 4 How to Deal with Adulting.pptx
Week 4 How to Deal with Adulting.pptxAntonetteAlbina3
 
Week 5 Mga Kasanayan Sa Akademikong Pagbasa.pptx
Week 5 Mga Kasanayan Sa Akademikong Pagbasa.pptxWeek 5 Mga Kasanayan Sa Akademikong Pagbasa.pptx
Week 5 Mga Kasanayan Sa Akademikong Pagbasa.pptxAntonetteAlbina3
 
pshe-monday-think-positive.ppt
pshe-monday-think-positive.pptpshe-monday-think-positive.ppt
pshe-monday-think-positive.pptAntonetteAlbina3
 
Week 2 Developing the Whole Person.ppt
Week 2 Developing the Whole Person.pptWeek 2 Developing the Whole Person.ppt
Week 2 Developing the Whole Person.pptAntonetteAlbina3
 
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptxWeek 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptxAntonetteAlbina3
 
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxWeek 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxAntonetteAlbina3
 
Recent Discoveries Relevant to Earth Science.pptx
Recent Discoveries Relevant to Earth Science.pptxRecent Discoveries Relevant to Earth Science.pptx
Recent Discoveries Relevant to Earth Science.pptxAntonetteAlbina3
 
Molecular Genetics final.pptx
Molecular Genetics final.pptxMolecular Genetics final.pptx
Molecular Genetics final.pptxAntonetteAlbina3
 
12nayugtongmakataongkilos-221127112944-b3197067.pdf
12nayugtongmakataongkilos-221127112944-b3197067.pdf12nayugtongmakataongkilos-221127112944-b3197067.pdf
12nayugtongmakataongkilos-221127112944-b3197067.pdfAntonetteAlbina3
 
weatheringfinal11-151223061952.pdf
weatheringfinal11-151223061952.pdfweatheringfinal11-151223061952.pdf
weatheringfinal11-151223061952.pdfAntonetteAlbina3
 

Mais de AntonetteAlbina3 (20)

Week 3 Robert Havighurst.pptx
Week 3 Robert Havighurst.pptxWeek 3 Robert Havighurst.pptx
Week 3 Robert Havighurst.pptx
 
ESP 9 Q3 Week 3.pptx
ESP 9 Q3 Week 3.pptxESP 9 Q3 Week 3.pptx
ESP 9 Q3 Week 3.pptx
 
RECOGNIZING STRESS.pdf
RECOGNIZING STRESS.pdfRECOGNIZING STRESS.pdf
RECOGNIZING STRESS.pdf
 
Advance Physics Report.pptx
Advance Physics Report.pptxAdvance Physics Report.pptx
Advance Physics Report.pptx
 
Week 4 How to Deal with Adulting.pptx
Week 4 How to Deal with Adulting.pptxWeek 4 How to Deal with Adulting.pptx
Week 4 How to Deal with Adulting.pptx
 
Week 5 Mga Kasanayan Sa Akademikong Pagbasa.pptx
Week 5 Mga Kasanayan Sa Akademikong Pagbasa.pptxWeek 5 Mga Kasanayan Sa Akademikong Pagbasa.pptx
Week 5 Mga Kasanayan Sa Akademikong Pagbasa.pptx
 
pshe-monday-think-positive.ppt
pshe-monday-think-positive.pptpshe-monday-think-positive.ppt
pshe-monday-think-positive.ppt
 
Week 2 Developing the Whole Person.ppt
Week 2 Developing the Whole Person.pptWeek 2 Developing the Whole Person.ppt
Week 2 Developing the Whole Person.ppt
 
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptxWeek 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
 
PE 11 Week 1-2.pptx
PE 11 Week 1-2.pptxPE 11 Week 1-2.pptx
PE 11 Week 1-2.pptx
 
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxWeek 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
 
Recent Discoveries Relevant to Earth Science.pptx
Recent Discoveries Relevant to Earth Science.pptxRecent Discoveries Relevant to Earth Science.pptx
Recent Discoveries Relevant to Earth Science.pptx
 
Molecular Genetics final.pptx
Molecular Genetics final.pptxMolecular Genetics final.pptx
Molecular Genetics final.pptx
 
m9.pptx
m9.pptxm9.pptx
m9.pptx
 
UCSP Week 1.pptx
UCSP Week 1.pptxUCSP Week 1.pptx
UCSP Week 1.pptx
 
ESP 9 Q3 Week 1-2.pptx
ESP 9 Q3 Week 1-2.pptxESP 9 Q3 Week 1-2.pptx
ESP 9 Q3 Week 1-2.pptx
 
map projections.ppt
map projections.pptmap projections.ppt
map projections.ppt
 
12nayugtongmakataongkilos-221127112944-b3197067.pdf
12nayugtongmakataongkilos-221127112944-b3197067.pdf12nayugtongmakataongkilos-221127112944-b3197067.pdf
12nayugtongmakataongkilos-221127112944-b3197067.pdf
 
weatheringfinal11-151223061952.pdf
weatheringfinal11-151223061952.pdfweatheringfinal11-151223061952.pdf
weatheringfinal11-151223061952.pdf
 
Earth Science Report.pptx
Earth Science Report.pptxEarth Science Report.pptx
Earth Science Report.pptx
 

Último

Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your courseFatimaCayusa2
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxRosemarieGaring
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...jaysonvillano
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 

Último (20)

Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 

Week 1-2 Uri ng Teksto Part 1.pptx

  • 1. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
  • 2.
  • 3.
  • 4. Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan: 1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba‟t ibang tekstong binasa. 2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba‟t ibang uri ng tekstong binasa. 3. Nakabubuo ng ilang halimbawa ng uri ng teksto sa pamamagitan ng masining na pagsulat.
  • 5. MGA URI NG TEKSTO Impormatib Deskriptib Persweysib Naratib Argumentatib Prosidyural
  • 6. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon kung anong uri ng teksto napabibilang ang bawat pahayag. 1. Makipagtalo upang mapatunayan ang katotohanan at nang maipahayag at matanggap ng bumabasa ang katotohanang ito. 2. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao. 3. Mga serye ng impormasyon tungkol sa isang bagay upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta. 4. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena at mga detalye ng mga pangyayari. 5. Maglahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay o mga ideyang nanghihikayat sa mambabasa. 6. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat. Impormatib Persweysib Prosidyural Deskriptib Argumentatib Naratib
  • 8. Ang tekstong impormatibo ay nagtataglay ng tiyak ng impormasyon patungkol sa bagay, tao, lugar, o pangyayari. Hindi ito naglalaman ng opinyon kung kaya ang tono nito ay kadalasang obhetibo.
  • 9. Ang tekstong impormatibo Ito rin ay kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa. Masasabi ring ang tekstong impormatibo ay hindi nagbibigay ng opinyong pabor o sumasalungat sa posisyon o paksang pinag-uusapan.
  • 10.
  • 11. Ang Lalawigan ng Iloilo Ang lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog- silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong.
  • 12. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo. Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging, mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na halaman. Ang pangingisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz dahil sa masarap na batchoy.
  • 13. Tanong:  Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong iyong binasa?  Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?  Anu-ano ang mga paniniwala ukol sa Lalawigan ng Iloilo?  Ano ang ipinambabayad ng mga datu?  Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?  ibigay ang mga produktong nagmumula sa Iloilo?  Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo?
  • 14. “Social Media at ang Modernong Kabataan” Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga social media ay isa sa naging produkto ng makabagong panahon, at kasabay nito ang pagusbong ng modernong kabataan . Ang social media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon sa ating pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong lugar. Ano nalang ang buhay kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataang hindi masyadong outgoing, mga taong gustong magtipid sa entertainment, mga gustong makahanap ng sideline income (online shop), mga naghahanap ng bagong impormasyon at mga gustong magpasikat (Residentpatriot, October 7.2012).
  • 15. Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga kabataan. Pinagtitibay nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag- ugnayan. Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipagtalastasan sa mga online forums at pagtatambay sa Friendster. Ngayon naman ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook, at iba pang social media’s, kung kaya’t hindi nakapagtataka na napakataas ng porsyento ng mga online na pinoy sa social networks (Gabnadateblog.February 2016). Dahil sa pagkauso ng mga social media mas lalo nitong naimpluwensyahan ang nakararami tulad nalang ng mga kabataan ngayon na lubos na nahuhumaling dito, kaya wala na yatang kabataan ngayon ang walang account sa mga nabangit na websites o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikat ang mga nabangit na websites ngunit ano nga ba ang epekto ng social media sa paguugali natin? partikular sa mga kabataan ngayon? (Eloisa Cassandra E. Emi).
  • 16. Ang mga katanungan na nasawalat sa inyong isipan ay aking bibigyan ng kasagutan. Ang social media at ang modernong kabataan, dahil ang mga modernong kabataan ang syang nagpausbong at mas lalo pang naging uso sa mga mata ng mga tao sa ating mundo. Napakalaking impluwensya ng social media sa panahong ito lalong lalo na ang facebook, siguro parte na ng ating buhay ang mag-log in araw-araw dito. Isa sa mga mabuting epekto ng social media sa kabataan ngayon ang easy access o madaling paraan upang makapagpalaganap o makapagbahagi ng impormasyon. O mga balita na interesado ang lahat na malaman, kagaya ng suspension ng klase, mga balita tungkol sa showbiz at mga babasahin na marami tayong matututunan. Ang social media ay tulay na nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan dahil ito ang nagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan, at dinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa hinaharap sa pamamagitan ng mga impormasyong tungkol sa makabagong teknolohiya, mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap at mga matutunang kaalaman na makapagpapa-unlad sa ating kinabukasan.
  • 17. Tanong:  Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong iyong binasa?  Ano ang gamit ng social media?  Sino-sino ang gumagamit ng social media?  Ano ang maaaring maidudulot ng social media sa kabataan katulad mo?  Sa anong paraan nakaimpluwenysa ang social media?
  • 18. Halimbawa: 1. Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas. 2. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018. 3. Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi. 4. Nagpunta sina Marian at Dingdong sa kaarawan ni Karylle. 5. Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang laban kontra iligal na droga.
  • 20. Tekstong Deskriptibo Ang tekstong deskriptibo ay isang tekstong naglalarawan. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong may kaugnayan sa mga katangian ng tao, bagay, lugar, at pangyayaring madalas nasasaksihan ng tao sa paligid. Ito ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawang mga detalye ng kanyang nararanasan.
  • 21. Dalawang Uri ng Tekstong Deskriptibo ang teknikal  impresyonistiko
  • 23. Deskripsiyong Teknikal Halimbawa: Ang ngiting matipid ay bahagya lamang ang ginagawang pagkibot ng bibig. Ang ngiting mapagbigay ay laging nakangiti.
  • 24. Deskripsiyong Impresyonistiko Naglalayon itong maglarawan ayon sa pansariling pananaw o personal na saloobin.
  • 25. Deskripsiyong Impresyonistiko Halimbawa: Ang matamis na ngiti ay maaaring maghatid ng kasiyahan at maging simula ng magandang pagkakaibigan. Ang pagngiti ay nakatutulong upang magmukha kang bata.
  • 26. Dalawang Anyo ng Tekstong Deskriptibo Ang tekstong deskriptibo ay may dalawang anyong ginagamit. Ito ay ang karaniwan at masining.
  • 27. Karaniwan (obhetibo) Ito ay isang paglalarawang hindi sangkot ang damdamin. Sa ganitong anyo, ang paglalarawan ay ayon sa nakikita ng mata.
  • 28. Karaniwan (obhetibo) Halimbawa: Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang napaliligiran ng mga karagatan. Paliwanag: Obhetibo ang paraan ng paglalarawan dahil wala itong sangkot na damdamin.
  • 29. Masining (subhetibo) Ito ay isang paglalarawang naglalaman ng damdamin at pananaw ng taong naglalarawan. Naglalayon itong pukawin ang guniguni ng mambabasa.
  • 30. Masining (subhetibo) Halimbawa: Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang kaniyang anak na maputla pa ang kulay sa isang papel. Paliwanag: Subhetibo ang paglalarawan dahil naglalaman ng damdamin at pananaw.
  • 31. Halimbawa: 1. Matamis ang malaking manggang dala ni Julie mula sa malayong lalawigan ng Cebu. 2. Magaling umawit ang batang si Lyca kaya naman siya ang nanalo sa malaking patimpalak. 3. Iginagalang ng mga mag-aaral si Gng. Santos dahil magiliw itong guro at mataas magbigay ng marka. 4. Magaspang ang papel de liha na nahawakan kong laman ng kahong iyon. 5. Sadyang napakalawak ng hardin nina Alice at napakaraming ring makukulay na bulaklak.
  • 32.
  • 33.
  • 34.
  • 35.
  • 36.
  • 37. Mahahalagang Kaalaman Ang tekstong deskriptibo ay naglalarawan ng tao, bagay, lugar at pangyayari. Ang dalawang uri nito ay teknikal at impresyonistiko. Karaniwan at masining naman na paglalarawan ang dalawang anyo nito.
  • 38. Mga Paalala Ang teknikal na paglalarawan ay detalyado ang paraan ng paglalarawan. Ang impresyonistiko na paglalarawan ay naglalaman ng saloobin ng manunulat.
  • 39. Gawain: Maghanap ng partner at gumawa ng tekstong impormatibo at deskriptibo. Gumawa ng tatlong talata sa bawat teksto. Pumili paksa sa ibaba: K-12 Curriculum Pagdaos ng Tawo-tawo Festival/Miss Bayawan/Marathon Epekto ng COVID sa amin Desisyon sa Pagkuha ng Kurso Ang buhay estudyante Polusyon
  • 40.
  • 41. MGA URI NG TEKSTO Impormatib Deskriptib Persweysib Naratib Argumentatib Prosidyural
  • 43. Tekstong Persuweysib Naglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa o tagapakinig. Ito ay isa sa mahahalagang uri ng tekstong ginagamit sa radyo at telebisyon. Ito rin ay isang mahalagang kasanayang dapat matutunan ng tao.
  • 44. Tekstong Persuweysib Nararapat na maging maganda ang nilalaman nito upang makuha ang interes ng mga mambabasa, manonood, at tagapakinig. Ito ay dapat ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak, tulad na lamang ng mga dahilan kung bakit dapat iboto ang isang kandidato o kung bakit dapat bilhin ang isang produkto.
  • 45. Ang tono ng isang tekstong nanghihikayat ay maaring:  nangangaral  nag-uuyam  naghahamon  nagagalit  nambabatikos  natatakot  nasisiyahan  nalulungkot  nagpaparinig
  • 46. Tekstong Persuweysib Halimbawa: Mga advertisement sa radyo at telebisyon. Talumpati sa pangangampanya at rally.
  • 47. Tatlong Paraan ng Panghihikayat Ayon kay Aristotle Ayon kay Aristotle, may tatlong paraan para mahikayat mo ang iyong mga mambabasa.
  • 48. 1. Ethos naiimpluwensyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig. Sa ganitong paraan, kailangang nagtataglay ng sapat na kasanayan sa pamamahayag ang isang manunulat o tagapagsalita.
  • 49. 2. Pathos pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito marahil ang pinakamahalagang paraan upang makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao kapag naantig ang kanyang damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay.
  • 50. 3. Logos paraan ng paghikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay ng paksa ay labis na nakakaapekto sa panghihikayat.
  • 51.
  • 52. Katangian sa Tekstong Nanghihikayat (Persweysib)  May personal na karanasan  May humor o katatawanan  May katotohanan at mga estadistika  Sumasagot sa Argumento  May hamon  May panimula, katawan at kongklusyon
  • 53. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat 1. Piliin ang iyong posisyon. 2. Pag-aralan ang iyong mga mambabasa. 3. Saliksikin ang iyong paksa. 4. Buuin mo ang iyong teksto.
  • 54. Halimbawa: Magandang gabi po sa inyo, ako po si Peter Piper, tumatakbong chairman ng barangay 143. Simula’t sapol ay hindi po ako umalis sa barangay natin. Habang lumalaki ay nasaksihan ko ang bawat hinagpis ninyong aking mga kabaranggay na hindi nabigyang tugon ng mga nagdaang liderato. Kapag ako ang nanalo ngayong darating na eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking opisina para sa lahat ng mga isyung gusto niyong bigyan solusyon. Ang patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan ko ng kasagutang ayon sa inyong nais. Ang kalsada nating lubak-lubak ay gagawan ko ng proposal upang mabigyan ng badyet. Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag ninyong kalimutang ilagay ang aking pangalan, Peter Piper po bilang inyong chariman. Iboto po ninyo ako bilang bagong kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako na ang sagot ng inyong mga hinaing. Magtutulong po tayong lahat. Maraming salamat.
  • 55. Propaganda devices sa Tekstong Persweysiv  Name Calling - Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay. Halimbawa: Paninira sa isang produkto upang hindi ito mabili sa merkado.  Glittering Generalities - Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag. Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong tide. Ang inyong damit ay mas magiging maputi sa tide puting-puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.  Transfer - Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto. Halimbawa: Ipagpatuloy ko ang sinimulan ni FPJ. — Grace Poe
  • 56.  Testimonial - Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto. Halimbawa: Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kalilimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.  Plain Folks - Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko. Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at nanggaling din sila sa hirap.
  • 57. Bandwagon - Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo. Halimbawa: Buong bayan ay nagpeso padala na. LBC:Lahat ng tao ay dito na nagpapadala. Card Stacking - Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito. Halimbawa: Ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras, mura na masarap pa. (Ngunit hindi nito sinasabi na kung araw-araw itong kakainin ay maaaring magdulot ng sakit.)
  • 59. Mahahalagang Kaalaman Ang tekstong Persuweysib ay isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay gumagamit ng mga pananalitang tumutulong upang mahikayat ang mga mambabasa at tagapakinig na paniwalaan ang inihahayag nitong ideya o paniniwala. Ang halimbawa nito ay ang mga advertisement at mga talumpating nanghihikayat. May tatlong paraan ng paghikayat ayon kay Aristotle: Ethos, Pathos, at Logos.

Notas do Editor

  1. Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay- bagay, pook, tao, o pangyayari.
  2. Ito ay naglalayong magbigay ng paglalarawang detalyado at gumagamit ng mga eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian.
  3. Halimbawa: Tatlong piraso na lamang ng tsokolate ang laman ng pulang kahong ibinigay ni Benedicto. Si Aling Cora ay ang babaeng kulot ang buhok at mayroong tindahan ng school supplies sa kanto ng Mabini. Hinahanap niya si Josie, ang batang mula sa ikapitong baitang na ipinaglaban sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay.
  4. Ito ay karaniwang iba sa kaniyang kapuwa at hindi itinuturing na lubhang totoo dahil ito subhektibong pananaw lamang.
  5. Namamalditahan ako sa anak na panganay ni Aling Marta dahil ramdam kong hindi totoo ang kaniyang pagngiti sa atin. Minamalas ang mga taong iyan dahil hindi sila marunong magbigay ng biyaya sa kanilang kapuwa at madadamot sila. Naku, bagay na bagay talaga sina Alden at Maine dahil pareho silang mabait sa kanilang mga fans.
  6. Ito ay uri ng paglalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong pangkalahatan at marami tao o bagay ang nagtataglay ng ganoong katangian.
  7. Halimbawa: Si Linda ay may matatag na paninindigan sa buhay. Ginagawa niya ang anumang kanyang sabihin. Makabago si Linda at sosyal pero matapat na nagpapahalaga at nag-iingat sa kanyang puri at pagbabago. Relihiyosa at may takot sa Diyos si Linda. Lagi siyang nagsisimba, mababa ang loob at handang tumulong sa sinomang nangangailangan Ang eskinita na iyon ay masikip, madilim, at mayroong hindi magandang amoy. Dumalaw ang isang kulot na lalaki sa anak mo kanina.
  8. SA MASINING NA PAGLALARAWAN Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay. Mas layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan.
  9. Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukha tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon- alon ang kanyang buhok na bumagay sa kainggit inggit niyang katawan at taas.
  10. Ang tekstong persuweysib ay naglalayong makapangumbisi o manghikayat sa tagapakinig, manonood, o mambabasa.
  11. Ang pag-uyam ay sarkasmo (sarcasm). Ito ay pagkukutya na madalas ay nakasasakit ng damdamin. HALIMBAWA NG PAG-UYAM Napakaganda niya kapag nakatalikod. Maganda ang boses niya… kasing-ganda ng kokak ng palaka. Para kang mahalimuyak na bulaklak… Nagbabad ka ba sa pabango? Sa sobrang paglinis ng gobyerno sa ilog, ni isda walang nabubuhay. Kaya nga… sobrang talino mo walang nakakaintindi sa pinagsasabi mo.
  12. -iskrip sa patalastas -propaganda sa eleksyon -Pliers ng produkto -brochures na nanghihikayat -networking (Open Minded Ka Ba? HAHAHAH) – kahit anong panghihikayat
  13. Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat. Ito ay hango sa salitan Griyego na nauugnay sa salitang Etika ngunit higit na angkop ngayon sa salitang Imahe Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na malawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa isinusulat.
  14. Gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng kanilang paniniwala at pagpapahalaga ay isang epektibong paraan sa pangungumbinsi.
  15. Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
  16. Ang estadistika (Ingles: statistics) ay ang pag-aaral tungkol sa pagtitipon, pagsasaayos, pag-aanalisa o pagsisiyasat, pagbibigay kahulugan o interpretasyon at pagtatanghal ng mga datos (o data).
  17. 1. Name Calling Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay. Halimbawa: Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon. Sa tuwing eleksyon ay nagbibigay ng hindi magagandang puna ang kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot, kukunin lamang ang kaban ng bayan, bagito sa politika atbp. 2. Glittering Generalities - Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag. Sa isang patalastas ni James Reid ating makikita na kahit ano man ang sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong ginagamit niya ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon. 3. Transfer - Hal. Manny Pacquiao gumagamit ng alaxan kapag nasasaktan.
  18. Plain Folks. Ex. Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag-eendorso ng kanilang produkto.