O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

Likas na yaman ng pilipinas

200.885 visualizações

Publicada em

Pagmamahal sa Kalikasan

Publicada em: Meio ambiente

Likas na yaman ng pilipinas

  1. 1. LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS Mrs. Alice A. Bernardo Makabayan Teacher
  2. 2. MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS
  3. 3. Kailangan ng mga tao ang mga likas na yaman. Ang mga likas na yaman ay makikita sa kapaligiran at pangunahing pinagkukunan ng mga pangangailangan ng mga tao. Ang pagkasira ng mga likas na yaman ay nagkakaroon ng epekto sa iba sapagkat ang mga ito ay magkakaugnay. Ang wasto at tamang pangangasiwa ng tao sa mga yaman ito ay
  4. 4. YAMANG LUPA
  5. 5. • Ang yamang lupa ay natural na resources sa lupa. Kabilang dito ang mga halaman (plants), puno (trees), limestones (used for making cement), minerals (coal), ginto (gold) at mahahalagang bato (precious stones) na nakukuha natin sa ating mga yungib (caves).
  6. 6. Ang mga nakukuha natin sa halaman ay mga pagkain (food). Maari rin tayong makakuha ng fiber na siya nating ginagawang tela, o sinulid. Isang halimbawa nito ay ang pineapple fiber (one expensive fiber) na ginagamit natin sa mga barong tagalog. Ang mga puno ay pinagkukunan natin ng kahoy (wood) upang gawing bahay o kasangkapan sa bahay. Ginagamit din natin ang uling (charcoal) upang makapagluto. Ang mga limestones ay lupa na kahalo sa pagtayo ng isang bundok. Sinasabing ito ay isang mahalagang sangkap sa paggawa ng semento. Nauuri sa tatlo ang mga likas na yaman nang bansa.
  7. 7. TATLONG URI NG LIKAS NA YAMAN
  8. 8. YAMANG DI-NAUUBOS Tubig, hangin at lupa. Ito ang mga likas na yaman na hindi mauubos subalit ito ay masisira kung hindi natin pangangalagaan.
  9. 9. YAMANG NAPAPALITAN yamang napapalitan o di nauubos- ay mga yamang may buhay tulad ng yamang lupa,yamang tubig,at yamang gubat. Ito ay lumalaki,dumarami,nangangana k,nangingitlog,namumunga,tum utubo,namumulaklak!!! Halimbawa sa yamang napapalitan - hayop, kagubatan, halaman at ang halimbawa ng di napapalitan-ginto at langis.
  10. 10. YAMANG NAUUBOS ito ay binubuo ng mga mineral tulad ng ginto, pilak bakal at iba pa. ito ay hindi na napapalitan kapag naubos na sa minahan.
  11. 11. LUPANG SAKAHAN Ang malawak na lupang sakahan sa pilipinas ay matatagpuan sa Gitnang Luzon, Ilocos, Lambak ng Cagayan, Bukidnon,Agusan, Cotabato, Cebu, Davao, Negros, Aklan, Iloilo at Bicol. Magkaiba ang mga uri ng pananim sa lupang taniman. Sa rehiyon ng Ilocos, Lambak ng Cagayan at Gitnang Luzon ang nangunguna sa tanim na tabako, mais at palay. Matatagpuan naman ang malawak na taniman ng niyog at abaka na pangunahing ng Timog-Kanlurang Luzon at ng kabikulan.
  12. 12. KAGUBATAN Sa usaping pangekolohikal, ang Pilipinas ay isang tropikal at magubat na bansa. Ang mga kagubatang ito ay tahanan ng karamihang uri ng mga hayop at mga halaman. Mayroon itong mayamang biodiversity. Halos lahat ng mga panlunas tulad ng halamang gamot ay maaaring matagpuan dito kaya ito naturingang Pinakamalaking Botika sa Buong Mundo. Ang mga kagubatan ding ito ang mga Hiyas ng Mundo. Ang ating lungsod ay may mga bulubunduking kagubatan. Kaya ito ay nasasayang dahil ito ay nagiging tapunan ng basura. Tone-toneladang basura ang tinatapon dito araw-araw. Ang basura ay nagiging problema na ng ating lungsod. Ang ating kagubatan ay nasisira dahil sa ating basura. Ang biodiversity ay mababawasan at kapag hindi natin ito nasolusyonan, ang ating kalikasan ay masisira.
  13. 13. Walang malinaw na implementasyon ng tamang pamamahala ng basura sa ating pamayanan. Kulang sa edukasyon ang mga mamamayan sa wastong pamamalakad sa basura at patuloy ang mga mamamayan sa kanilang di magandang nakagawian. Dahil dito, tayo ang nagiging dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran. Kailangan nating kumilos para masolusyunan ito. Dapat nating alamin ang kondisyon ng ating kalikasan. Kailangan natin ng pananalig para sa tunay na pagkilos. Alamin natin kung gaano kahalaga ang ating kalikasan. Ipamana natin ito sa susunod na henerasyon sa pinakamaayos nitong
  14. 14. Sagana sa yamang tubig ang Pilipinas. Ito ay napaliligiran ng mga karagatan na nagsisilbing pangisdaan dagat na tinatayang may sukat na 1,666,300 kilometro kwadrado.
  15. 15. Kabilang din ang mga sapa,ilog at lawa na may sukat na 176,032 ektarya bilang mga pangisdaang panloob ng bansa. Agusan Riveragayan River
  16. 16. Kabilang din ang mga sapa, ilog at lawa na may sukat na 176,032 ektarya bilang mga pangisdaang panloob ng bansa. Cagayan River Lake Mainit
  17. 17. Kabilang din ang mga sapa,ilog at lawa na may sukat na 176,032 ektarya bilang mga pangisdaang panloob ng bansa. Laguna de Bay
  18. 18. Sa Donsol, Sorsogon matatagpuan ang butanding o whale shark.
  19. 19. Matatagpuan sa lawa ng Buhi ng Camarines Sur ang Sinarapan na pinakamaliit na komersyal na isda sa buong mundo.
  20. 20. YELLOW FIN TUNA BUTANDING
  21. 21. PAWIKAN
  22. 22. CORALS
  23. 23. SEAWEEDS
  24. 24. PERLAS

×