1. Ang Ritwal Bilang Pinag-ugatan ng Dula
Ang dula ay umusbong dahil sa masidhing
pangangailangan ng tao tulad ng pagkain. Nagsimula ang mga
sayaw at ritwal na katulad ng paggaya ng tao sa patak ng uylan
noong sila’y nangangailangan ng tubig mula sa langit upang
mabasa ang lupa’t umusbong ang mga pananim, katulad ng
panggagaya ng mga mag-asawang hindi magka-anak sa mga
mag-asawang may anak (fertility dance ritual). Sa mga sayawritwal na ito nag-ugat ang sining ng ating dula. Ang mga ito ay
naglalarawan at nagsasalaysay ng iba’t ibang aspekto ng pangaraw-araw na kabuhayan at kultura ng bawat tribo. Maaaring
ang mga ito’y nauukol sa pag-ibig, kamatayan, pakikidigma,
pag-aani ng palay o paggaya sa mga kilos o galaw ng mga
hayop (Casanova, 2001).
Bawat tribong kinabibilangan sa ating bansa ay may
kani-kaniyang ritwal na ginagawa ngunit nakabatay pa rin ang
mga ito sa klima, sa anyo ng lupang pinagtatamnan, o sa estado
ng lipunan. Katulad ng gayeph ng Subanen (bulong),
hinaklaran ng Bukdinon (pag-aani), kadal iwas ng T’boli
(panggagagad ng isang unggoy), khenlusong ng Subanen
(panggagagad sa ibon) at langka-baluang ng Tausug (parehas
ng ginagawa ng kadal iwas).
At dahil may ibang mga ritwal na tungkol sa panggagad
sa isang hayop o bagay, binansagan itong mimesis ni Aristotle
na siyang pinakakaluluwa ng dula na ang ibig sabihin ay
imitasyon.
Bukod sa mga nabanggit ay umusbong din ang iba pang
anyo ng dula sa Filipinas tulad ng balak ng Cebu (suyuan),
balitaw bayak ng Maranao (pag-ibig), pamamanhikan at
dalling-dalling ng mga Taga-Tausug. Ang lahat ng mga ito ay
pawang pumapaksa sa pag-ibig at suyuan ng lalake at babae.
Dito pa lamang ay may nagaganap nang dula – mayroong
nagaganap na pag-uusap ng magkabilang panig ngunit sa
paraan ng pagkumpas at paggalaw.
Ang klasikal na ideya ng impersonasyon ay
mababanaag kapag sumasamba sila sa mga anito o dili kaya’y
sa isang mahikong pinaniniwalaang nagtataglay ng
pambihirang kapangyarihan.
Upang maging mabisa ang isang ritwal na kailangang
matugunan ng anito at kailangang mayroong babaylang
namumuno sa kanila. Mas pinagtutuunang pansin ng mga
nakararaming tribo sa ating bansa ang ritwal ng pasasalamat sa
masaganang ani at matinding pananampalataya. Ang iba pang
nilikha ay sinasamba rin ng ating mga ninuno. Sa madaling
salita, ito’y isang Animismo at ito rin ang unang relihiyong
natutuhan ng tao sa ating bansa.
Masasabi ko ring isang uri ng pakikipagdayalogo ang
mga unang tao, babaylan sa mga diwata at anito. Ang ritwal ay
isang dayalogo at dahil ito ay may pag-uusap, ito ay isang dula.
Isa sa mga pagsasaliw na ginagawa sa mga ritwal ay
ang bulong na nagmula pa sa Luzon. Layunin ng mga bulong
na maitaboy ang mga masasamang espiritu at manawagan
naman sa mga mabubuting espiritu. Kultura nating mga
Pilipino ang magsabi ng tabi tabi po sa kung ano ang
madadaanan natin lalo na kapag sa punso. Wala pang katiyakan
kung totoo bang nagdadala ng sumpa ang mga
dwende/masasamang elemento sa mga taong hindi pumaparaan
sa kanilang teritoryo ngunit isa itong patunay na
2. makapangyarihan pa ang mga elementong naninirahan sa
ilalim ng lupa. Kahit ang mga albularyo kapag nakaharap sila
ng mga masasamang espiritu ay nagsasagawa sila ng bulong.
Sinasabi nga nila na maaring gawa ng diyablo ang bulong pero
bakiit naging mabisa ito sa tao para hindi sila malasin? At ang
mga nilikha (na ayon sa mga ninuno) ay laging magmumula
kay Bathala.
Mga Piling Bulong
1. Bikol
Tabi
Tabi...
Makiagi...
Dai tabi kamo magrami
Baod kamo matungtungan ni!
(salin)
Tabi
Makikiraan
Mga bulag kami
Huwag po kayong kalalapit
Baka kayo’y maapakan namin!
2. Ilonggo
Tabi, tabi...
Maagi lang kami
Kami patawaron
Kon kamo masalapag namon
(salin)
Tabi, tabi
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
Kung kayo’y masagi namin.
Sa mga bulong na ito ay makapagbibigay ng
pangungunmbinse ang tao sa kung anong nakatira sa
mga bagay o pook na makikiraan at kung sakaling
matabig ang kanilang teritoryo ay agad silang hihingi
ng paumanhin para hindi patawan ng parusa. Ngnunit
mayroon namang mga bulong tungkol sa pagtatapon ng
kahit na anong bagay kapag may malakas na hangin o
ulan. Masasabing isang kalapastanganan sa kalikasan
ang hindi tamang pagtatapon nang walang pahintulot
kaya’t ito ang kanilang bulong na isinasagawa katulad
na lamang ng Bilaan:
Uh kle, le, le
Aye gu nang gu taloo
Boo gami ni dad ngaan
Nang gu gal anngak
(na batan aye detan ngatoo di tana) Tfuh! Tfuh!
Uh kle, le, le
(salin)
Uh, kle, le, le, ayan iyon
Huwag kang magsalita, kami ito
Mga anak mo. Huwag kang aakyat
(saka itatapon ang kung anumang bagay sa lupa) Tfuh!
Tfuh!
Uh kle, le, le
Nakatutuwa ang nasabing bulong ngunit kung
sisipatin natin ito ay mayroon din tayong makikitang
3. matulain dito. Ang linyang huwag kang magsalita,
kami ito mga anak mo. Huwag kang aakyat dahil
patungkol ito sa pagtatapon ng kahit anuong bagay ay
maari kong ipakahulugan ang mga ninuno ay anak din
ng elemento, mga nilikha rin sila ni Bathala at kung
anumang bagay na iyon ya maaring mapakinabangan
din ng mga elemento (lalo na sa pagpapataba ng lupa).
Masasabi nating sa panahon pa lamang ng
katutubo ay nagsasagawa na tayo ng mga pananambitan
sa mga anito o sa kalikasan o sa elemento. Pasalindila
ang ginagawa nilang dula kaya’t hindi nakapagtatakang
kahit nasa panahon ng modernisasyon ay isinasagawa
pa rin ito ng mga iilang probinsya sa bansa dahil sa
pagpapasa-pasa sa mga salinlahi.
Sanggunian:
Arrogante, Jose A. (1991) Mapanuring Pag-aaral ng
Panitikang Filipino. Kalayan Press. Diliman, Quezon
City.
Casanova, Arthur P. Et. Al. (2001) Panitikang Pilipino.
Rex Book Store manila, Philippines