O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02

923 visualizações

Publicada em

para sa assignment @3

Publicada em: Carreiras
  • Seja o primeiro a comentar

Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02

  1. 1. Ang Kabihasnang Indus ay umusbong sa lambak ilog ng Indus River, pati na rin sa Ganges River. Ang dalawang ilog na ito ay matatagpuan sa Timog Asya.
  2. 2. Ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa Hilaga.
  3. 3. Ang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush ay may ilang landas sa ilang kabundukan nito, tulad ng Khyber Pass.
  4. 4. Ang lupain ng Indus ay di hamak na mas malawak kaysa sa sinaunang Egypt at Mesopotamia Sakop nito ang malaking bahagi ng Hilagang Kanluran ng dating Indiaat ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan.
  5. 5. Ang tubig ng ilog ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa Katimugang Tibet. Ang pag-apaw ng ilog ang nagsisilbing pataba sa lupa na nagbibigay daan para malinang ang lupain. Ito ay may hababng 1,000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
  6. 6. • Planado at organisadong lungsod • 2 Bahagi ng Lungsod: • 1. Citadel o mataas na moog • Nasa bandang Kanluran at nakapatong sa platform na brick na may 12 metro ang taas at napapalibutan ng pader, may malaking imbakan ng mga butil, malaking bulwagan at pampublikong paliguan
  7. 7. • 2. Mababang bayan- may mga grid- patterned na lansangan at pare- pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Ang mga bahay ay gawa sa mga brick na pinatuyo sa pugon. Flat o pantay ang bubong ng bahay at karaniwang nakatalikod sa pangunahing kalsada. May ilang bahay na umaabot sa 2 o 3 palapag at may balkonahe na gawa sa kahoy, may banyo na konektado sa imburnal
  8. 8. Ang kabihasnang Harappa na natuklasan sa lambak Indus ay tinatayang umusbong noong 2700 B.C.E.
  9. 9. Ang Harappa ay matatagpuann sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan.
  10. 10. Ang lungsod na ito ay may sukat na halos isang milyang kwadrado at tinatayang may halos 40,000 katao
  11. 11. Ang kanilang mga bahay ay hugis parisukat at halos magkakadikit-dikit.
  12. 12. Great Bath
  13. 13. Ang mga naninirahan dito ay bihasa sa pottery o paggawa ng mga playok, sculpting at pag-uukit sa bato
  14. 14. Sa kabilang dako ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng daluyan ng Indus River.
  15. 15. Ang Mohenjo-Daro ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng lambak ng Indus River. Ito ay matatagpuan sa Punjab.
  16. 16. Katulad ng sa Harrapa, naging maunlad rin ang pamumuhay sa Mohenjo-Daro Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.
  17. 17. Masasabi ring naging eksperto rin ang mga naninirahan sa Mohenjo-Daro pagdating sa pagiiskulpta pati na rin sa pag-uukit sa mga bato.
  18. 18. “Paring-hari”
  19. 19. Mga seal o selyo
  20. 20. Matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong rito ay nagsimulang humina at bumagsak. Ang Mohenjo-Daro ay nilisan ng mga tao marahil dahil sa panganib na dulot ng mga sumasalakay na tribo sa kanilang hangganan. Ang Harrapa naman ay nagsimulang bumagsak nang salakayin sila ng mga Aryan noong 1500 BCE.
  21. 21. • Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa mga steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng makikipot na daan sa kabundukan. • Ang salitang Arya ay nangangahulugang “marangal” o “puro” sa wikang sanskrit. Ang wikang ito ay dinala ng mga Aryan sa India.
  22. 22. Ang mga Aryan ay nagtungo pakanluran sa Europa at patimog-silangan sa Persia at India. Dinala nila sa India ang wikang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang India. Ang kaalaman ukol sa pamamalagi ng mga Aryan sa India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas.
  23. 23. Ang Vedas ay isang tinipong akda ng mga himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain at salaysay.
  24. 24. Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay mayroon lamang tatlong antas: MGA MAHARLIKANG MANDIRIGMA MGA PARI MGA PANGKARANIWANG MAMAMAYAN
  25. 25. Kapansin-pansing ang bawat kasapi ay maaaring makalipat patungo sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan ang pamumuhay ng mga tao. Nagkaroon ng pagtatatag ng maliliit na imperyo samantalang ang pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Sa katapusan ng Panahong ito, mas naging makapangyarihan ang mga kaparian, sapagkat naging mahalaga ang kaayusang itinuturo ng kanilang paniniwala ukol sa mga tao at mga diyos.
  26. 26. Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang terminong caste ay hango sa salitang casta na nangangahulugang “angkan”.
  27. 27. A. MAGADHA Kabisera: Pataliputra - Bimbisari: Pinakamahusay na pinuno ng Magadha - Pinalawak ang sakop hanggang Punjab - Bumagsak dahil sa pagsalakay ng mga Persiano sa pangunguna ni Cyrus the Great at Darius the Great. - Natalo naman ng hukbo ni Alexander the Great ang mga Persiano, ngunit lumisan agad sapagkat nanghina na ang kaniyang mga kasamahan.
  28. 28. B. MAURYA - Itinatag ni Chandragupta Maurya - Si Chandragupta ay naging mahigpit dahil sa kanyang tagapayo na si Kautilya - Kautilya- Nagsulat ng Arthasastra na naglalaman ng usaping estratehiyang pulitikal - Bindusara- Nagpalawak ng lupain - Asoka/Ashoka- Pinakamahusay na pinuno sa Maurya. Naging tagasunod ng Ahimsa dahil sa naganap na labanan sa Orissa
  29. 29. Bronse Tanso Pilak Ivory Bulak Shell Pearl Urban Planning Grid Pattern Sewege System Decimal System Panggagamot Vedas Sanskrit Mahabharata Ramayana Panchatantra Arthasastra
  30. 30. Sanskrit Pearl Urban Planning Mahabharata
  31. 31. Auruveda Surgery Amputation Pi at Zero Kemika Metalurhiya Ceasarian Section Cranial Surgery Arkitektura Astronomiya Paggawa ng barko Angkor Wat Borobudur Taj Mahal Hinduism Buddhism Jainism Sikhism
  32. 32. Taj Mahal Astronomiya Buddhism Metalurhiya
  33. 33.  TIMOG ASYA ang lambak ilog ng Indus.  KHYBER PASS ito ang nagsisilbing lagusan ng mga dayuhan.  Umaapaw din katulad ng Tigris at Euphrates dahil sa mga natunaw na yelo.  Angkop sa Agrikultrura ang na pamumuhay ang kapatagang ito.  Dito nabuo ang pamayanan ng Harappa at Mohenjo Darro.
  34. 34.  Iravatham Mahadevan ay ginamit na selyo para sa ilang mga selebrasyon at pagsamba.  Rita Wright ginagamit upang magsilbing imbakan ng pagkain.  GANWERIWALA pinakamaliit na lungsod sa Indus.  Ang mga pang Agrikultura na Gawain ay nasa labas ng Lungsod kung saan malawak ang taniman.  Pagkatapos ng 800 BCE ang Deccan,South India at Sri Lanka ay nagsimulang mawala ang kanilang pinagmulan.

×