O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
ARALIN BLG. 3: HAKBANG TUNGO SA PAGLAYA NG
SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Alamin
Sa bahaging ito, lilinangin ng guro ang...
Dahil alam na ng mga bata ang mga konseptong kakakilanganin sa
araling ito . Pasusubukang sagutan ang susunod na gawain….....
Sa bahaging ito ay inaasahan na matutunan ng mga bata ang bahaging ginampanan
ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silanga...
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 18 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Diapositivos para si (20)

Semelhante a Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg (20)

Anúncio

Mais de 南 睿 (20)

Mais recentes (20)

Anúncio

Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg

  1. 1. ARALIN BLG. 3: HAKBANG TUNGO SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA Alamin Sa bahaging ito, lilinangin ng guro ang dating kaalaman, konsepto ,karanasan, antas ng pag-unawa at kasanayan ng mag-aaral tungkol sa naging hakbang ng Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya. Pasasagutan ang mga gawain upang mataya ang stock/background knowledge at magsilbing gabay sa susunod na gawain ng bawat mag-aaral. Inaasahan din na magsasagawa ng oryentasyon sa mga inaasahan, mga kraytirya kung paano sila tatayain at pagpapaunlad ng aralin sa pag-aaral ng aralin3. Hakbang tungo sa Paglaya ng Silangan at Timog Silangang Asya. Magiging gabay na tanong sa pagtalakay ng aralin kung paano ang paglayang ito ay humubog sa transpormasyong naganap noong ika-16 na siglo hanggang sa kasalukuyan? Aalamin ang mga konseptong kakailanganin upang mas maunawaan ang paksang tatalakayin ukol sa hakbang at pamamaraang ginamit ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya upang lumaya sasagutan ang mga sumusunod na gawain… GAWAIN BLG. 1: HALU-AYOS-LAYA! Iaayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap. (Pwedeng maiba ang pagkakasunod-sunod basta napatunayan ng mga bata ang kanilang kasagutan) Mga kasagutan: . 1. KALAYAAN 2. NASYONALISMO 3. KOMUNISMO 4. DEMOKRASYA 5. HIMAGSIKAN 6. IDEOLOHIYA 7. DIGMAANG PANDAIGDIG 8. IMPERYALISMO 9. KOLONYALISMO 10.KASUNDUAN PAMPROSESONG TANONG Sasagutin ang sumusunod na katanungan: Simula ng Aralin3 33
  2. 2. Dahil alam na ng mga bata ang mga konseptong kakakilanganin sa araling ito . Pasusubukang sagutan ang susunod na gawain…..Layunin nito na malaman kung ano na ang alam ng mga bata at ano pang pang- unawa ang kakailanganin. 1. Kung aayusin mo ang konsepto batay sa naganap na pangyayari sa kasaysayan ng Silangan at Timog Silangang Asya paano mo ito pagsusunod- sunurin ? Ipaliwanang ang ginawang pagkakasunod-sunod Paliwanag: (Pwedeng maiba ang pagkakasunod-sunod basta napatunayan ng mga bata ang kanilang kasagutan) Kung ating gagawing gabay ang mga naganap na pangyayari sa kasaysayan ng Timog Silangang Asya at Silangang Asya naunang naganap ang kolonyalismo, at nang lumawak ay naging imperyalismo,at dahil dito sumibol ang damdaming nasyonalismo na sinundan nang historikal na kaganapan sa buong mundo ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kaalinsabay ang pag-usbong ng magkatunggaling ideolohiya na demokrasya at komunismo na naging sanhi ng pagkakahati ng ibang bansa .Upang makamit ang kalayaan nagkaroon ng kasunduan ang magkabilang panig. 2. Bakit mahalagang maunawaan ang mga konsepto na nabanggit sa pag-aaral sa mga pagbabagong naganap noong ika 16 na siglo hanggang sa 20 siglo sa Silangan at Timog Silangang Asya? Sagot:Upang madaling maiugnay ang mga pangyayari at magiging mabilis ang pang-unawa K O L O N Y A L I S M O I M P E R Y A L I S M O DIG MA ANG PAN DA IG DIG HI M A G S I K A N N A S Y O N A L I S M O D E M O K R A S Y A K O M U N I S M O K A S U N D U A N K A L A Y A A N
  3. 3. Sa bahaging ito ay inaasahan na matutunan ng mga bata ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo, epekto ng mga digmaang pandaidig sa pag-aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista tungo sa paglaya at ang impluwensiya ng iba’t ibang ideyolohiya( ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga malawakang kilusang nasyonalista sa Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya. Maari ring balikan ang mga kasagutan at katanungan na nabuo ng mga bata sa unang bahagi ng modyul na ito upang malaman kung tama ang mga kasagutan GAWAIN BLG. 2: SAAN KA PA!!! (Anticipation-Reaction Guide) Tingnan kung gaano ang kaalaman ng mga bata sa paksang a tatalakayin pasasagutan ang unang kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang sumasang- ayon o SA kung ikaw ay sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon o HAS kung ikaw ay di-sumasang-ayon. Hayaang sagutan ng mga bata ang gawaing ito sa loob 1 hanggang 2 minuto hindi muna itatama ang mga kasagutan pagtapos ng talakayan babalikan ang gawaing ito sa bahaging pagnilayan at unawain Dahil natapos na ang unang hakbang ang isusunod na gawain ay bahaging paglinang(Process) gagabayan ang bahaging ito ng tanong na ito kung paano ang paglayang ito ay nagdulot ng pagbabago o transpormasyon noon ika 16 na siglo hanggang 20 siglo. ATING LINANGIN… GAWAIN BLG 3: SURI-TEKSTO Sa gawaing ito ay susuriin ang bawat teksto ukol sa naging hakbang ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya upang makamit ang kalayaang inaaasam.gamit ang mga pamproseong tanong
  4. 4. Pababasa ang bawat teksto at bubuo ng isang paghihinuha sa bawat teksto at para sa karagdagang kaalaman basahin ang pahina 308-322 ng inyong batayang aklat,Asya Pag-usbong ng Kabihasnan ni Mateo et.al Bukod sa iminungkahing sagot maaaring magdagdag pa ng ibang nararapat na kasagutan. Pwedeng gawing indibidwal o pangkatang Gawain ang suri-teksto Mga Posibleng Sagot HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA Pangkalahatang Ideya Paglaya ng mga bansa sa Silangang Asya Paglaya ng China Ang tatlong malalaking konsepto/ideya na aking makukuha mula sa teksto ay… 1. Kalayaan 2. Nasyonalismo 3. Ideolohiya at iba pa ( ang lahat ng may guhit na konsepto ay maaaring maging sagot ) Ang aking mahihinuha ay… Ang pananakop at paniniil ng mga bansa sa Silangan Asya at Timog Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon sa pang- aabuso ng mga kanluranin (maaaring magbigay pa ng ibang paghihinuha pwedeng gawing indibidwal o pangkatang gawain) 1.Anong bansa ang nanakop?  Mga bansang Europeo  Japan (maaaring madagdagan ang kasagutan kung babasahin ang batayang aklat) 2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya? Nasyonalismong tradisyonal na ang layunin ay paalisin ang mga kanluranin at ang impluwensiya nito na pinangunahan ng samahang Boxers Nasyonalismong may impluwensiya ng kanluran na ang layunin ay maging republika ang Tsina yakap ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek Nasyonalismong may impluwensiya ng Komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong.
  5. 5. .. Paglaya at pagkakahati ng Korea 3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit? Ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek Ideolohiyang Komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong. 4. Ang aking mahihinuha ay… Iba’t-ibang pamamaraan ang ginamit upang lumaya Ang Tsina ay yumakap sa ideolohiyang komunismo upang lumaya (maaari pang makabuo ng iba pang paghihinuha) 1.Anong bansa ang nanakop?  Hapon 2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya?  Lumaban  Nasyonalismo 3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit?  Komunismo na niyakap ng Hilagang Korea at sinuportahan ng Unyong Sobyet  demokrasya na niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng Amerika 4. Ang aking mahihinuha ay…  Nahati ang Korea sa 2 na tinawag n38th parallel dahilan sa 2 ideolohiyang nag-uumpugan sa kanilang bansa  Sa pasimula napabilis ang pagpapatalsik sa Hapon dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (maaari pang makabuo ng iba pang paghihinuha)
  6. 6. Paglaya ng mga bansa sa Timog SilangangAsya Paglaya ng Indonesia Paglaya ng Vietnam 1.Anong bansa ang nanakop?  Olandes  Hapon 2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya?  Rebolusyon  Nakipagkasundo sa Hapon 3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit?  guided democracy  Pancasila- 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo, pagkakawanggawa, katarungang panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan. 4. Ang aking mahihinuha ay… Upang lumaya kailangan nating ipaglaban ang ating bayan laban sa mga mananakop Ang lubos na kapangyarihan ay nagiging dahilan ng pang- aabuso ng isang pinuno (maaari pang makabuo ng iba pang paghihinuha) 1.Anong bansa ang nanakop? Tsina, France 2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya? Pakikidigma Pagyakap sa ideolohiyang komunismo/sosyalismo
  7. 7. Paglaya ng Burma (Myanmar) 3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit? Komunismo/sosyalismo Demokratiko 4. Ang aking mahihinuha ay… Maaaring manalo sa isang digmaan ang isang maliit na bansa laban sa makapangyarihang bansa basta tulong-tulong at nagkakaisa. Hindi lahat ng bansang lumaya ay yumakap sa ideolohiyang demokratiko (maaari pang makabuo ng iba pang paghihinuha) 1.Anong bansa ang nanakop? India, Inglatera, Tsina,Hapon, 2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya? Pagyakap sa ideolohiyang sosyalismo Pagtatag ng ibat ibang kilusan Pakikipagkasundo 3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit? Sosyalismo Demokratiko 4. Ang aking mahihinuha ay… Maging matalino sa pakikipagkasundo sa ibang bansa siguraduhing ang interes ng ating bansa ay naiingatan Kailangan ang pagkakaisang pagpupunyagi upang makamtan ang kalayaan (maaari pang makabuo ng iba pang paghihinuha)
  8. 8. Paglaya ng Pilipinas GAWAIN BLG.4: BUO-LAYA Upang magkaroon ng buong pananaw sa paglaya ng mga bansa .Ipabubuo ang talahanayan at ihahambing ang bawat datos na makakalap Bansa sa Silangan Asya (na nasateksto) Mga Bansang Nanakop Araw ng Paglaya/ Pam- bansang araw Namuno Pamamaraang ginamit sa Paglaya Ideolihiyang Niyakap China Mga bansang Europeo October 01,1949 Mao Zedong Pagbuo ng kilusan na may nasyonalismong Tradisyonal,nasyonali Komunismo 1.Anong bansa ang nanakop? Spain America Japan 2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya? Pagtatag ng Kilusang Propaganda Katipunan Himagsikan Paghingi ng kalayaan 3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit? Demokrasya 4. Ang aking mahihinuha ay… Ang tunay na nagmamahal sa bayan ay lumalaban para sa kalayaan Ang kalayaang hiningi ay nakabatay sa interes ng bansang nananakop (maaari pang makabuo ng iba pang paghihinuha)
  9. 9. Japan Sun Yat Sen Chiang Kai Shek smong may impluwensiya ng kanluranin, nasyonalismong may ideolohiyang komunismo Korea Hapon North Korea Sept. 9 1948 South Korea Aug.15, 1948 Kim Il- sung, Syngman Rhee Demonstrasyon Pakikidigma Komunismo Demokrasya Bansa sa Timog Silangan Asya (na nasateksto) Mga Bansang Nanakop Araw ng Paglaya Namuno Pamamaraang ginamit sa Paglaya Ideolihiyang Niyakap Indonesia Olanda/ Netherland Hapon Agosto 17,1945 Achmed Sukarno Rebolusyon Pakikipagkasundo sa Hapon Guided Democracy/ Pancasila Myanmar India, Inglatera, Tsina, Hapon Setyembre 02,1945 Hulyo 02, 1976 Aung San U Nu Heneral Ne Win Pagyakap sa ideolohiyang sosyalismo Pagtatag ng ibat ibang kilusan Pakikipagkasundo Sosyalismo Vietnam Tsina, France Enero 04, 1948 HoChi Minh Pakikidigma Pagyakap sa ideolohiyang komunismo/ sosyalismo Sosyalismo/ Komunismo demokrasya Philippines Spain America Japan June 12, 1898 Emilio Aguinaldo Pagtatag ng Kilusang Propaganda Katipunan Himagsikan Paghingi demokrasya
  10. 10. PAMPROSESONG TANONG 1. Paano ipinakita ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ang pagmamahal sa bayan? Magbigay ng patunay sa inyong mga sagot  Posibleng sagot Pinakita nila ito sa pamamagitan ng pagtatanggol sa kalayaan ng kanilang mga bansa kahit buhay pa nila ang ibuwis. Sa Vietnam lumaban sila nang matagal na panahon kahit malakas na bansa ang kanilang nakatunggali pinilit na mapag-isa ang kanilang bansa wag lang mahati hanggang sa makamit nila ang kanilang kalayaan.Sa Tsina ay nagpatuloy na lumaban upang makamit nila ang kalayaan may 3 uri ng nasyonalismong umiral Nasyonalismong tradisyonal na ang layunin ay paalisin ang mga Kanluranin at ang impluwensiya nito na pinangunahan ng samahang Boxers.Nasyonalismong may impluwensiya ng kanluran na ang layunin ay maging republika ang Tsina yakap ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek . Nasyonalismong may impluwensiya ng Komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong. 2. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya? Magbigay ng patunay sa inyong mga sagot  Posibleng sagot May iba’t-ibang ideolohiya at paniniwala ang niyakap ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya, may naniwala na ang kasagutan sa minimithing kalayaan ay ang ideolohiyang komunismo, ang iba ay naniwala sa ideolihiya ng demokrasya, totalitaryanismo at awtokrasya na ang mga ideolohiyang ito ay nagdulot ng transpormasyon sa mga bansa Silangan at Timog Silangang Asya. Halimbawa ang Tsina, Vietnam, Burma ay yumakap sa ideolohiyang komunismo upang makamit ang kalayaan 3. Paano nakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya?  Posibleng sagot Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaapekto upang makamit ang kalayaan dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig nagbago ang balance of power nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kanyang hukbong military,
  11. 11. isinulong rin nito pagkatapos ng digmaan ang racial equality o pantay na pagtingin sa lahi na di pinansin ng mga kanluranin .Dahil naman sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumakas ang nasyonalismo sa Timog Silangang Asya napabilis ang paglaya kaya maraming mga bansa sa Timog Silangang Asya ang lumaya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ngayong natapos nang pasagutan ang talahanayan at naiwasto Dahil may sapat nang kaalaman at pag-unawa ukol sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo, epekto ng mga digmaang pandaidig sa pag- aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista tungo sa paglaya at ang impluwensiya ng iba’t ibang ideyolohiya( ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga malawakang kilusang nasyonalista sa Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya. Maaring balikan ang mga kasagutan na ginawa sa unang bahagi ng modyul na ito upang malaman kung tama ito. . Maaari nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul na ito upang mapalalim at mapalawak pa ang pag-unawa ukol sa paksang tinatalakay. PAGNINILAY AT UNAWAIN…. Sa bahaging ito pagtitibayin ang mga nabuong pag-unawa ukol sa paksa. Inaasahan din na sa bahaging ito ay kritikal na masusuri ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo, epekto ng mga digmaang pandaidig sa pag-aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista tungo sa paglaya at ang impluwensiya ng iba’t ibang ideyolohiya( ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga malawakang kilusang nasyonalista sa Silangan at Timog -Silangang Asya tungo sa paglaya.
  12. 12. GAWAIN BLG. 7: SAAN KA PA!!! (Anticipation-Reaction Guide) Tingnan kung gaano na ang kaalaman sa paksang tinalakay sagutan ang unang kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang sumasang-ayon kung sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon kung di-sumasang-ayon at ipapaliwanag ang mga ksagutan. Inaasahang Sagot 1. Hindi sang-ayon o HSA dahil hindi lahat ng bansang naghangad ng kalayaan ay yumakap sa ideolohiyang demokrasya may yumakap din sa ideolohiyang komunismo, totalitaryanismo atbp. 2. Sang-ayon o SA dahil ang ideolohiyang kanluranin na nagtatag ng pamahalaang konstitusyong hinaluan ng trasdisyon ay isinulong ni Sun Yat Sen na ang dala-dalang ideolohiya ay ideolohiyang demokrasya 3. Hindi sang-ayon o HAS dahil ang pagpapalakas ng hukbong –militar ng Hapon na ginamit sa pananakop ay isang agresibong nasyonalismo hindi depensibo 4. Sang- ayon o SA dahil gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan ang mga taga Timog Silangang Asya sa paglaya kagaya ng mapayapang pamamaraan at marahas na pamamaraan, may yumakap din sa iba’t-ibang ideolohiya 5. Sang-ayon o SA dahil ang mga nabanggit ay pamamaraan upang makamit ang kalayaan 6. Sang-ayon o SAdahil ang kilusang propaganda ay isa sa naging daan upang mamulat tayo sa paniniil ng amga Kastila at naglatag ng kaisipang paglaya at ang Katipunan ang nagsulong at lumaban upang tayo ay lumaya 7. Hindi sang-ayon o HSA dahil sa mga bansang nabanggit ang Hapon ay di yumakap sa ideolohiyang komunismo sa pagbubuo ng bagong sistemang panlipunan 8. Hindi sang-ayon o HSA dahil si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh ang nagtaguyod ng ideolohiyang komunismo 9. Sang-ayon o SAdahil kaya nahati ang mga bansang nabanggit dahil sa ideolohiyang komunismo at demokrasya kagaya ng Korea ang bahaging hilaga ay yumakap sa komunismo at ang timog ay demokrasya pareho ng Vietnam 10.Sang-ayon o SA dahil nagbabago din ang pangangailangan ng bansa at ng tao
  13. 13. S.RES.217 Latest Title: A resolution calling for a peaceful and multilateral resolution to maritime territorial disputes in Southeast Asia. Sponsor: Sen Webb, Jim [VA] (introduced 6/27/2011) Cosponsors (3) Latest Major Action: 6/27/2011 Passed/agreed to in Senate. Status: Submitted in the Senate, considered, and agreed to without amendment and with a preamble by Unanimous Consent. SUMMARY AS OF: 6/27/2011--Introduced. (There is 1 other summary) Reaffirms the strong support of the United States for the peaceful resolution of maritime territorial disputes in the South China Sea. Deplores the use of force by China's naval and maritime security vessels in the South China Sea Calls on all parties to the territorial dispute to refrain from threatening force or using force to assert territorial claims. Supports the continuation of operations by the U.S. Armed Forces in support of freedom of navigation rights in international waters and air space in the South China Sea. GAWAIN BLG 5: RE – SOLUSYON Ipalapat ang mga kaalaman na natutuhan. Ipasuring mabuti ang sipi ng isang resolusyon na nakalap sa Library of Congress (http://thomas.loc.gov/cgibin/bdquery/z?d112:SE00217:@@@D&summ2=0& Nov.5,2012 2:20pm) PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang paksa at layunin ng resolusyon sa sipi? Posibleng sagot A resolution calling for a peaceful and multilateral resolution to maritime territorial disputes in Southeast Asia. 2. Sino ang sumulat ng resolusyon?Saang bansa siya kabilang? Posibleng sagot Sen Webb, Jim [VA] (introduced 6/27/2011), sa USA
  14. 14. 3. Ano ang kanyang mga panukala? Posibleng sagot Reaffirms the strong support of the United States for the peaceful resolution of maritime territorial disputes in the South China Sea. Deplores the use of force by China's naval and maritime security vessels in the South China Sea Calls on all parties to the territorial dispute to refrain from threatening force or using force to assert territorial claims. Supports the continuation of operations by the U.S. Armed Forces in support of freedom of navigation rights in international waters and air space in the South China Sea. 4. Sa tingin mo kaninong interes ang pinagsisilbihan ng resolusyon na ito? Bakit mo nasabi ? Posibleng sagot Interes ng US dahil sa pangungusap na ito Supports the continuation of operations by the U.S. Armed Forces in support of freedom of navigation rights in international waters and air space in the South China Sea. 5. May konsepto ba ng kolonyalismo/imperyalismo ang nakatala sa sipi? Bakit mo nasabi ? Posibleng sagot Meron.dahil sa pangungusap na ito Deplores the use of force by China's naval and maritime security vessels in the South China Sea 6. May ideolohiya bang isinusulong ang mga nakatala sa resolusyon? Bakit mo nasabi? Posibleng sagot Pwede.Hindi literal na nabanggit. Pero kung titingnan natin ang ideolohiyang sinusulong ng China ay Komunismo at ang US ay demokrasya. Walang nabanggit 7. Kung ikaw ang gagawa ng isang resolusyon ukol sa paksang tinatalakay sa sipi ano ang iyong imumungkahi? Bakit? Posibleng sagot Isusulong ko ang makatarungang interes ng ating bansa.Sisiguraduhin kong walang nilabag na karapatan
  15. 15. 8. Bilang isang Pilipino paano mo pangangalagaan ang kalayaan ng ating bansa? Posibleng sagot Mag-aaral ako ng maigi Magkakaroon ako ng malasakit sa ating bansa Pangangalagaan ko ang ating kapaligiran (Hihingin ng guro ang paliwanag ng kasagutan ng bata) Sa kabuuan ang natutunan ko ay_______________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________________________ http://www.clker.com/cliparts/e/K/g/G/i/j/blue-stick-man-reflect-md.png Kung gayon! Ang paksa ngayon ay____________________________________________________ Isang mahalagang konsepto na aking natutunan ay ____________________________ Ito ay mahalaga dahil_____________________________________________________ Ang isa pang idea ay_____________________________________________________ Magagamit ko to sa______________________________________________________ GAWAIN 6: BUKAS- ISIP! (reflective journal) Susulat ng maikling repleksiyon ukol sa mga natutunan, realisasyon at opinyon ukol sa mga paksang ating tinalakay
  16. 16. ATING GAWIN GAWAIN BLG.8 : PAGGAWA NG RESOLUTION Bilang paghahanda sa gagawing Performance Task ay ibibigay sa mga mag-aaral ang sitwasyong ito. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig maraming isyu ang umusbong sa Silangan at Timog Silangang Asya. Isa na dito ang sigalot dulot ng pag-aagawan sa teritoryo. “ Ang mag-aaral bilang mambabatas ng kanyang bansa ay gagawa ng isang resolution para ipakita ang kanyang mga punto sa teritoryong inaangkin .Ang nabuong resolusyon ay maglalaman ng mga naging problema bunsod ng nasabing usapin at mga mungkahing solusyon upang malutas ang sigalot na ito gamit ang powerpoint presentation Ang resolusyon na ginawa ay huhusgahan batay sa mga sumusunod na pamantayan--- Maliwanag at maayos ang pagkakalahad ng resolusyon. Sapat at katanggap-tanggap ang mga mungkahing solusyons sa suliranin Nakapaglahad ng mga datos batay sa realidad ng suliranin na binibigyan ng solusyon Krayterya 4 3 2 1 Nilalaman Sapat at katanggap- tanggap ang mga mungkahing solusyons sa suliranin Nakapaglahad ng mga datos batay sa realidad ng suliranin na binibigyan ng solusyon. Katanggap- tanggap ang mga mungkahing solusyons sa suliranin ngunit di-wasto ang ilan: may ilang impormasyon na hindi maliwanag ang pagkakalahad Nakapaglahad ng mga datos batay sa realidad ng suliranin na binibigyan ng solusyon. May mga mungkahing solusyon ngunit ang mga datos ay di gaanong batay sa realidad ng suliranin na binibigyan ng solusyon May mga mungkahing solusyon ngunit ang mga datos ay hindi batay sa realidad ng suliranin na binibigyan ng solusyon Pinaghalawan ng Datos Binatay sa iba’t ibang saligan Ibinatay sa iba’t ibang Ibinatay lamang ang Walang batayang TRANSFER: LEVEL 3
  17. 17. ang mga kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clips, interview, radio at iba pa. Isinulat ang pinagkuhanan ni impormasyon saligan ang mga impormasyon ngunit limitado lamang. saligan ng impormasyon sa batayang aklat lamang. pinagkunan at ang mga impormasyon ay gawa-gawa lamang. Organisasyon Organisado ang ginawang resolusyon at sa kabuuan maayos ang presentasyon ng gawain, ang pinag- sama-samang ideya ay malinaw na naipapahayag at natatalakay gamit ang mga makabuluhang powerpoint presentation. Organisado ang mga paksa sa kabuuan at maayos na presentaasyon ngunit di masyado nagamit ng maayos ang powerpoint presentation. Walang interaksyon at ugnayan sa mga kasapi. Walang malinaw na presentasyon ng mga paksa. May powerpoint presentation ngunit hindi lubusang nagamit at nagsilbi lamang na palamuti sa pisara. Di organisado ang paksa. Malinaw na walang preparasyon ang presentasyon ng pangkat Presentasyon Maayos ang pagkakalahad. Gumamit ng powerpoint presentation. Namumukod tangi ang pamamaraan ng presentasyon sa pamamagitan ng, malakas at malinaw ang pagsasalita sapat para marinig at Maayos ang paglalahad gamit ang powerpoint ,may kahinaan ang tinig ng mga nagpresenta. Simple at maikli ang presentasyong nagawa. Ang paglalahad ay hindi naging malinaw. Walang gaanong presentasyon.
  18. 18. maintindihan ng lahat.

×