O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

lesson plan on women studies- Ang Matandang Tsina

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Pamantasang Normal ng Pilipinas
Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong
                Pangguro
 Kolehiyo ng Sining at Agham ...
I.       LAYUNIN

      A. Panlahat:
            PSSLC: Nabubuo ang implikasyon ng pag-unlad ng kabihasnan at pagtatag ng ...
III.      PAGLALAHAD

       A. Panimulang Gawain:

        1. Panalangin:

                         GURO                 ...
Anúncio
Anúncio

Confira estes a seguir

1 de 11 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Semelhante a lesson plan on women studies- Ang Matandang Tsina (20)

Anúncio

Mais recentes (20)

lesson plan on women studies- Ang Matandang Tsina

  1. 1. Pamantasang Normal ng Pilipinas Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan Kagawaran ng Agham Panlipunan Daang Taft, Maynila Ang Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II Paksa: Ang Matandang Tsina (Dinastiyang Hsia, Shang at Chou) Bilang Pinal na Pangangailangan Sa Kursong WS6 Methods and Strategies in Teaching Women Studies Ipinasa ni: Sheila Marie G. Cesario III-21 BSE Social Science Petsa ng Pagpapakitang-turo: Pebrero 9, 2013 Ipinasa kay: Grace M. Bernabe Propesor sa kurso
  2. 2. I. LAYUNIN A. Panlahat: PSSLC: Nabubuo ang implikasyon ng pag-unlad ng kabihasnan at pagtatag ng mga imperyo sa Asya B. Tiyak: a. Naiisa-isa ang mga katangian ng tatlong dinastiya sa Asya b. Naiuugnay ang mga ambag ng Matandang Tsina sa kasalukuyang pamumuhay c. Nakapagbibigay ng suhestiyon sa pagpapaunlad ng kakayahan ng kababaihan C. Inaasahang Pagpapahalaga (Targeted Value) a. Pagpapahalaga sa kultura at ambag ng kabihasnan ng Matandang Tsina b. Pagpapahalaga sa kakayahan ng kababaihan D. Gender Core Message a. Patriyarkal na lipunan II. NILALAMAN A. Paksa: Ang Matandang Tsina (Dinastiyang Hsia, Shang at Chou) B. Sanggunian a. Sebastian, Adelina etal (2010); Buhay na Asya; Educational Resource Corp. b. Murphey, Rhoads (1996); A History of Asia; Harper Collins College Publishers c. Krieger, Larry etal (1997); World History: Perspectives on the Past; D.C. Heath and Company C. Kagamitan: a. Laptop o PC b. Babasahin sa Hsia, Shang at Chou c. Talahanayan para sa pangkatang Gawain d. Metacards e. Ink marker para sa panulat
  3. 3. III. PAGLALAHAD A. Panimulang Gawain: 1. Panalangin: GURO MAG-AARAL Tayo’y magsitayo para sa ating pambungad (Bibigkas ng panalangin) na panalangin. 2. Pagbati: GURO MAG-AARAL Magandang umaga, mga mag-aaral ng Magandang umaga rin po sa inyo, guro! Kasaysayan! Maaari na kayong magsiupo. 3. Balitaan GURO MAG-AARAL Klase, mayroon ba kayong mga baong balita para sa araw na ito na inyong nabasa, narinig o napanood? (May magbabahagi ng balita sa klase.) Maraming salamat sa (mga) nagbahagi ng kanilang nalaman na balita. Bigyan natin siya/sila ng tatlong bagsak! 1,2,3! 4. Balik-aral: GURO MAG-AARAL Bilang pagbabalik tanaw sa ating nakaraang talakayan, may inihanda akong pagsasanay. Ito ay upang malaman ang inyong natutunan noon gating talakayan. Ang pagsasanay na ito ay tatawagin nating plus minus picture. Panuto: Sagutan ang hinihingi ng mga sumusunod batay sa mga clue na ibinigay. Halimbawa:
  4. 4. GURO MAG-AARAL Nauunawaan ba klase? Simulan na. Magaling! Nasagutan ninyong lahat ang mga hinihinging mga terminolohiya. Ngayon ay masasabi kong kayo ay may natutunan sa nakaraan nating aralin. 5. Pagganyak: GURO MAG-AARAL Makikita nyo ngayon sa pisara ang mga larawan at ang mga tawag dito. Ngunit ang mga letra ay nakagulo. Ayusin lamang ang mga nagulong titik upang makabuo ng tamang salitang angkop sa larawan. ELARCO EBON ORACLE BONE
  5. 5. GURO MAG-AARAL GIASORIYN IRIGASYON LEONSAPRA PORSELANA OSUICFCNU CONFUCIUS SYNTIDAIA DINASTIYA KLIS SILK
  6. 6. GURO MAG-AARAL SANTO TANSO UPDLYMAISO PYUDALISMO Magaling! Nasagutan nyong lahat ang mga jumbled letters. May bago tayong clap. Ang angel’s clap. Dahil magaling ang inyong pagsagot, tuturuan ko kayo ng angel’s clap. May kinalaman sa mga salitang inyong nabuo an gating talakayan ngayong araw. At ito ang Matandang Tsinan a sakop ang mga dinastiyang Hsia, Shang at Chou. (1,2, woot, woot! 1,2, woot, woot! Angeeel! B. Panlinang na Gawain: GURO MAG-AARAL Tinawag itong Matandang Tsina dahil ang tatlong pamumuno rito ay dinastiya. Ibig sabihin, ang pamamahala ng kanilang Hahatiin ang klase sa tatlo: komunidad ay nasa kapangyarihan ng iisang - Hsia pamilya. Magkakaroon tayo ng pangkatang - Shang gawain. - Chou May ibibigay na babasahin ang guro sa bawat
  7. 7. GURO MAG-AARAL grupo. Ang mga grupo ay pupunan ang talahanayan na nakatakda sa kanila batay na rin sa kanilang binasa na ibinigay ng guro. Gagawin ang pagsasanay sa loob ng sampung minuto. TALAHANAYAN: HSIA LIPUNAN EKONOMIYA PAGBAGSAK AMBAG SA KABIHASNAN Patriyarkal Sutla Pagsakop ng Sutla Agrikultura Shang Irigasyon Palayok Dike Palayok Kompas LIPUNAN EKONOMIYA PAGBAGSAK AMBAG SA KABIHASNAN Patriyarkal Agrikultura Maling Tanso Dinastiyang Slave trade pamumuno Calligraphy Mapang- Pagmimina Pagsakop ng Oracle bone alipin Sutla Chou Kalendaryo Animism LIPUNAN EKONOMIYA PAGBAGSAK AMBAG SA KABIHASNAN Patriyarkal Agrikultura Pag-aalsa ng Civil service Pyudalismo Pagmimina alipin at Confucianismo Civil Sutla maharlika Taoismo service Pyudalismo Pagpapalalim ng kaalaman sa bawat pagtatapos ng grupong nag-uulat. Ang may pinakamagandang pag-uulat sa klase ay bibigyan ng gantimpala.
  8. 8. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat GURO MAG-AARAL Ngayong natutunan natin ang tatlong kabihasnan sa Matandang Tsina, nalaman natin ang mga katangian ng bawat kabihasnan at ang naiambag nito sa kasaysayan hindi lang sa kanilang bansa, maging sa karatig- bansa nito tulad ng Pilipinas. Ano ang inyong dapat tandaan sa ating aralin? Malaki ang ginampanang papel ng mga dinastiya sa pag-unlad at sa kasaysayan ng kanilang bansa. Tama! Ang bawat kabihasnan ay may ambag sa kanilang kasaysayan at ang mga ito ay nakikita pa sa kasalukuyan. Magaling! 2. Paglalapat GURO MAG-AARAL Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na magbalik sa panahon ng Matandang Tsina, saan nyo nais tumira at bakit? Sa Hsia, dahil sa mitikal ang dinastiyang ito, ang dinastiya ang dahilan ng pag-unlad ng agrikultura sa Tsina dahil sa irigasyon at dike. Maging ang pagkakatuklas sa silk ay kanila ring pinaunlad. Mahusay! Nais nyang tumira sa Hsia dahil sa pag-unlad ng agrikultura at pagkakatuklas ng silk. Sa Shang, dahil maganda ang sistema ng kanilang pagsulat at may alam na sila sa Magaling! Gusto nya sa Shang dahil sa kalendaryo. konsepto nito sa astronomiya. Sa Chou, dahil maraming libro na noong panahon na iyon at marami na ring pilosopo ang magtuturo sa akin ng mga dapat kong Mahusay! Ninanais nyang doon manirahan malaman. dahil sa magandang sistema ng edukasyon.
  9. 9. 3. Pagpapahalaga GURO MAG-AARAL Sa kasalukuyan nating panahon, ang lipunang patriyarkal na minsan na nating nakita sa lipunan ng mga Tsino ay nakikita pa ba hanggang sa kasalukuyan? Opo. Hindi pantay ang pagtamo ng edukasyon ng babae at lalaki. Maging sa katayuan nila sa loob ng pamilya o tahanan ay laging nasa ibaba lamang ng kalalakihan ang kababaihan. Isang halimbawa lamang sa silid-aralan. Ang Samakatuwid, ang kulturang ito ng mga Tsino pangulo ay laging lalaki at ang kalihim ay ay laganp pa rin hanggang sa kasalukuyan babae. pati na rin ditto sa Pilipinas dahil sa dati pa nating ugnayan sa mga Tsino. Ano ngayon ang pinakamabisang gawin upang maiwasan ang ganitong pag-iisip sa ating lipunan? Tulad ng sa lalaki, ang babae ay may kakayahan din sa pamumuno o sa pagdedesisyon. Kung kaya, marapat din ang kababaihan na mapabilang sa ganitong mga aktibidad bilang bahagi ng lipunan. Tama! Napakagaling ng inyong mga sinabi. Bigyan natin sila ng cola clap! Alam nyo ba iyon klase? (Tuturuan ang klase ng cola clap) 1,2,3, klok, klok! 1,2,3, klok, klok! Aaahhh! 4. Pagtataya GURO MAG-AARAL Magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit upang masukat ang inyong natutunan sa ating talakayan. Mayroon lamang kayong limang minuto upang sagutan ito. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod. Isulat ang tamang sagot sa isang kapat na papel. 1. Dahilan ng pagbagsak ng Dinastiyang Chou. 2. Ito ay tinawag na Dinastiyang Mapang- alipin. 3. Uri ng lipunan mayroon ang tatlong dinastiya.
  10. 10. GURO MAG-AARAL 4. Dinastiyang nagtayo ng mga irigasyon sa tabi ng ilog. 5. Pangunahing pinagkukunang yaman ng tatlong dinastiya. Sagot: 1. Pag-aalsa ng mga alipin at maharlika 2. Dinastiyang Shang 3. Patriyarkal 4. Dinastiyang Hsia 5. Agrikultura IV. TAKDANG ARALIN GURO MAG-AARAL Basahin at kopyahin ang inyong takdang aralin: Takdang Aralin: Basahin ang Imperyong Tsina at Mantsung Tsina. Maghanda sa malayang talakayan at gawain bukas. Paalam at maraming salamt, mag-aaral ng kasaysayan! Paalam at maraming salamat,guro! Hanggang sa muli nating pagkikita.

×