2. Bukod sa pagbibigay ng
kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ay may iba pang paraan
upang makilala ang kahulugan ng
salita.
Ito ay mabisang paraan upang
mapalawak ang talasalitan ng isang
mambabasa, tagapanood, o
tagapakinig.
3. Ang kahulugan ng mga salita ay
makikila ayon sa…
1. Talinghaga at Idyoma
Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may
kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.
Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng
kahulugan.
Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa
karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa
buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.
Katulad din ito ng idyoma. Sa pamamagitan ng
idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.
4. Narito ang halimbawa ng mga
idyoma at mga kahulugan nito.
• balat-sibuyas -- maramdamin
• basang sisiw -- kaawa-awa;api
• buto’t balat -- payat na payat
• huling hantungan -- libingan
• ikapitong langit -- malaking katuwaan
5. Narito ang halimbawa ng mga
idyoma at mga kahulugan nito.
•laylay ang balikat -- bigo
• magbilang ng poste -- walang trabaho
• magdildil ng asin -- maghirap
• mahaba ang pisi -- pasensyoso
• pabalat-bunga -- hindi totoo
6. 2. Konotasyon at Denotasyon –
Ito ang dalawang dimensiyon sa
pagpapakahulugan ng mga salita.
Ang denotasyon ay karaniwang
kahulugang mula sa diksiyonaryo o
salitang ginagamit sa pinakakaraniwan
at simpleng pahayag.
7. Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang
halamanan.(bahagi ng isang halaman na karaniwang
makulay)
b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod-
bahay. (halamang lumalaki nang mataas)
Samantalang ang konotasyon ay may dalang
ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan
ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang
kahulugan.
halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak na anak si
Bulan.(babae)
b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa
mabuting puno.(magulang/angkan)
8. 3. Tindi ng Kahulugan o Clining
– Ito ay pag-aayos ng
kahulugan ng salita ayon sa
intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.
9. Poot (matinding galit na halos
gusto nang makapanakit)
Suklam (matinding galit sa dibdib
na matagal bago mawala)
Galit (tumatagal na inis)
Inis (tumatagal na tampo)
Tampo (munting galit na madaling
mawala)
Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit
na bagay lamang)
10. 4. Paggamit ng contextual na clue –
Ang kahulugan ng salita ay
mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
Halimbawa:
a.Nagliwanag ang paligid sa pasikat ng
araw.
b.Makitid ang tulay kaya’t mahirap
tawirin.