Mahigit isang daang taon na ang
nakararaan nang mailathala ang
nobelang Noli Me Tangere ngunit
hanggang sa kasalukuyan, patuloy itong
binabasa, tinatalakay at
pinahahalagahan. Bakit kaya tila hindi
ito naluluma ng panahon?
Nananatili ang
kahalagahan ng
nobelang ito sa
kasalukuyang panahon.
Hindi lamang
ipinakikita ng nobela ni
Rizal ang sosyo-
politikal na kalagayan
ng lipunan,
binabalangkas din nito
ang katotohanan sa
kasaysayan.
Sa dalawang
ideyang ito….
…..matutukoy na ang pagkakaisa
ang susi upang matugunan o
malutas ang ating mga suliraning
kinahaharap. Maliban dito, sa bawat
kabanata ng nobela, nililinang ang
iba’t ibang pagpapahalagang
kaugnay nito upang mapagyaman
ang ating kultura, hindi lang bilang
isang bansa ngunit bilang bahagi ng
rehiyon ng Asya.
Sa paglipas ng panahon,
nananatiling kapaki-pakinabang
ang pagkamakatotohanan ng
akdang Noli Me Tangere, sapagkat
hindi pa ganap ang pagkalutas sa
mga suliraning inihayag ni Rizal sa
kaniyang nobela.
Katulad ng inaasahan ni Rizal,
magagamit sa kasalukuyang
panahon ang kaniyang obra
maestra upang mamulat ang
bawat isa sa realidad ng ating
Hindi pa
lubusang
nagagamot
ang kanser na
tinutukoy ni
Rizal sa
kaniyang
nobela. Kaya
hanggang sa
kasalukuyan,
nananatiling
mahalaga na
talakayin ito.
Patuloy tayong
hinihikayat ng
nobela ni Rizal
na sama-
samang
mamumulat,
makinig, at
matututong
kumilos para sa
kapakanan ng
mga naaapi,
upang sa
ganoon
magkakaroon
ng kaganapan
ang layunin ng
nobela ni Rizal