SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
YUNIT I MGA BATAYAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS
       KABANATA I: MGA BATAYAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS




ARALIN 1 EKONOMIKS AT IBA

PANG AGHAM- PANLIPUNAN




        Ang Talon Maria Cristina ay nakapagdulot ng kaunlaran at nakadagdag ng kita
kahit na ito’y kilala o tanyagna tanawin sa lungsod na nakapagbighani sa local at
dayuhang turista. Ito rin ay nagamit biglang tagapagtustos ng kuryente sa walumpong
porsiyentong kabuuang pangngailangan sa Rehiyon ng Mindanao.



Kapag naririnig mo ang salitang “agham o siyensya,” ano kaagad
ang pumapasok sa iyong isipan? Ang agham o siyensya ay isang
pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin
ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka (hypothesis) o
katanungang kinakailangang matugunan. May iba’t ibang uri ng
agham na pinag-aaralan ang tao.

Kabilang na rito ang natural sciences na tumutukoy sa sistematikong
paraan ng pag-aaral sa kalikasan tulad ng biology, chemistry, at physics.
Mayroon ding tinatawag na exact science na tumutukoy naman sa

tugma at eksaktong pagtugon sa mga abstraktong tanong, lalo na kung
ang katanungan ay may kinalaman sa pagbilang at pagtutuos.

Ang agham na nauukol sa pag-aaral ng tao at lipunan ay tinatawag na
agham-panlipunan. Sa naunang dalawang uri ng agham (natural at

exact sciences), ang mga pagsubok ay ginagamitan ng controlled at
independent variables sa pag-eeksperimento upang makabuo ng mga
batayang kaisipan at makamit ang katotohanan. Sa aghampanlipunan,
hindi kailangan ng laboratoryo o eksperimento upang makuha ang
sagot sa bawat tanong tungkol sa tao at lipunan. Sa halip,
nangangailangan ito ng siyentipikong pamamaraan upang masusing
masiyasat at masuri ang isang teorya bago makabuo ng mahusay na
paliwanag sa mga pangyayari.

     Ang Ekonomiks bilang Isang Agham

Kailangan ang pamamaraang siyentipiko upang maunawaan ang pag-
aaral ng ekonomiks.

Una, inaalam muna kung ano ang suliranin. Pangalawa, isasagawa ang
pagmamasid at pananaliksik tungkol sa suliranin. Pangatlo, bubuo
ng mga pansamantalang haka-haka o hypothesis. Pang-apat,
magkakaroon ng mga masusing pananaliksik, pagsisiyasat,
pakikipanayam sa mga eksperto, at iba pang katulad na gawain upang

makapangalap ng mga impormasyon na susubok sa katotohanan ng
binuong mga haka-haka. Panlima, kapag nailahad na ang mga nakalap

na impormasyon, masusi itong pag-aaralan upang makabuo naman ng
mga kongklusyon at pansamantalang kaisipan, konsepto, o teorya. Ang

mga teoryang pang-ekonomiko, na kaugnay sa mga batas, prinsipyo, at
modelo, ay isang paglalahat na batayan para sa mga pag-uugaling
pangkabuhayan ng indibidwal o ng institusyon.



Kawawa naman yung mga bata.        Sa tingin ko, ilan lamang
Bakit sila hinahayaanng            silang
kanilang mga magulang na
                                   mahihirap sa ating bansa.
mamalimos? Halos
                                   Upang
lahat ng nakikita ko sa mga
                                   malaman ang tinatayang
lansangan ay mga
                                   dami ng mahihirap sa bansa,
batangnagpapalimos. Talaga
                                   kailangan angmasusing pag-
bang naghihirap na ang
                                   aaral, pananaliksik, at
nakararaming Pilipino?             paggawa ng estadistika.
Sa pag-aaral ng ekonomiks, hindi tinatanggap ang mga sagot na walang
matibay na batayan at estadistika. Kailangang malinaw ring nailalahad

ang pagbubuo ng mga patakarang pangkabuhayan para sa bansa.
Kaugnay nito, may dalawang uri ng pagtingin sa mga pangyayari sa
ekonomiks na isinasaalang-alang—ang positibong ekonomiks

at normatibong ekonomiks. May obhetibong pananaw ang positibong
ekonomiks samantalang subhetibo naman ang normatibong
ekonomiks.Balikan ang usapan nina Kassy at Eko. Batay sa mga
nabanggit, mas siyentipiko ang pananaw ni Eko dahil hindi niya
nilalahat ang katayuanng bansa sa kung ano lamang ang nasaksihan o

namasid sa paligid niya. Bagkus ay naghahanap pa siya ng sapat na
katibayan at batayan upang masabing nasa lugmok ng kahirapan ang
bansa. Ang mga sinambit ni Kassy ay mga halimbawa naman ng
pansariling opinyon o pananaw.Sa isang banda, may mga hindi
inaasahang pasubali (pitfalls) sa kung paano tinitingnan ng isang
ekonomista o estudyante ng ekonomiks ang mga pangyayaring
pangkabuhayan upang maging obhetibo ang kanilang kaisipan sa
pagtugon sa mga suliraning pang-ekonomiko. Isa sa mga pasubaling

ito ay maaaring nagmumula sa impormasyong nabasa sa mga
pahayagan o napakinggan sa ilang personalidad. Maaaring ang kanilang
sinabi ay “ang pagpapataw ng dagdag na buwis ng pamahalaan sa kita
ng mga mamamayan ay pabigat sa kabuhayan.” Dahil sa
impormasyong nalaman tungkol sa pangyayari, hindi nauunawaan ng
mga mamamayan na ang dagdag na buwis ay gagamitin
ng pamahalaan sa paglalaan ng pambansang badyet para sa mga
pangunahing programang pangkabuhayan sa bansa. Isa pa rin sa mga
pasubali na nakaaapekto sa pagtingin ng mga tao sa ekonomiks ay ang

pag-iisip na ang katotohanan tungkol sa isang partikular na pangyayari
lamang ay itinuturing bilang pangkalahatang katotohanan o sa madaling

sabi, “Kung ano ang naranasan ng isang tao na pinaniwalaan niyang
totoo ay itinuturing agad bilang katotohanang nararanasan na rin ng
lahat.” Hindi wasto ang kaisipang ito dahil hindi naman ganap na
nangyayari sa isang tao ang nangyayari sa iba o sa isang pangkat sa
kabuuan. Halimbawa, si Juan ay nagtitinda ng fishball sa kanilang
pamayanan at malakas ang kanyang kita mula rito. Dahil dito,

nagtinda rin ang kanyang kapitbahay ng fishball sa parehong lugar.
Mula sa ibinigay na halimbawa, masasabing inisip ng kapitbahay ni Juan
na siya ay kikita rin nang malaki mula sa pagtitinda ng fishball dahil sa
nakikita niyang nangyayari sa pagtitinda ni Juan. Ngunit sa katotohanan,
may kompetisyon nang namamagitan sa dalawang tindero ng fishball
na nakaapekto sa kita nilang dalawa. Ibig sabihin, maaaring hindi
kumita nang malaki ang kapitbahay ni Juan o maging si Juan ay

nabawasan na rin ng kita dahil dalawa silang nagaagawan ng mga
mamimili. Mayroon ding tinatawag na correlation at causation na
pananaw pang-ekonomiko. Ang correlation ay ang pagkakaugnay ng
mga pangyayari na hindi magkakatulad, samantalang ang causation

ay ang pagpapakita ng dahilan o pinagmulan ng

isang pangyayari. Ang halimbawa ng correlation ay kung umangat sa
pamumuhay si Manggagawa A, hindi nangangahulugang aangat din
ang buhay ni Manggagawa B. Hindi rin maaaring sabihin na kaya
umangat si Manggagawa B ay dahil kay Manggagawa A. Ang
halimbawa naman ng causation ay kapag tumaas ang presyo ng langis
sa pandaigdigang merkado, ang mga produkto nito tulad ng liquefied
petroleum gas (LPG) at gasolina ay magkakaroon din ng tiyak na
pagtaas. Sa puntong ito, mahalagang mapag-aralan ang ekonomiks

bilang isang agham upang maunawaan at malaman ang correlation o
causation ng mga pangyayari bago bumuo ng isang matibay na
batayang kaisipan.

More Related Content

What's hot

Yunit 1 aralin 1 reynaldo san juan
Yunit 1 aralin 1 reynaldo san juanYunit 1 aralin 1 reynaldo san juan
Yunit 1 aralin 1 reynaldo san juan
Reynaldo San Juan
 
Ugnayan ng eko sa agham panlipunan
Ugnayan ng eko sa agham panlipunanUgnayan ng eko sa agham panlipunan
Ugnayan ng eko sa agham panlipunan
ApHUB2013
 
Aralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiks
Aralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiksAralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiks
Aralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiks
Rivera Arnel
 
PAKSA 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS
PAKSA 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKSPAKSA 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS
PAKSA 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS
meekay18
 
Aralin 1 (penanueva).ppt
Aralin 1 (penanueva).pptAralin 1 (penanueva).ppt
Aralin 1 (penanueva).ppt
JCambi
 
Araling Panlipunan IV : Aralin 1
Araling Panlipunan IV : Aralin 1Araling Panlipunan IV : Aralin 1
Araling Panlipunan IV : Aralin 1
Wyrdo Ako
 
Aralin 1 – ekonomiks sa paglipas ng panahon
Aralin 1 – ekonomiks sa paglipas ng panahonAralin 1 – ekonomiks sa paglipas ng panahon
Aralin 1 – ekonomiks sa paglipas ng panahon
Shiela Gania
 

What's hot (19)

Aralin 1: Ang Konsepto ng Ekonomiks
Aralin 1: Ang Konsepto ng EkonomiksAralin 1: Ang Konsepto ng Ekonomiks
Aralin 1: Ang Konsepto ng Ekonomiks
 
Pag-aaral ng Ekonomiks
Pag-aaral ng EkonomiksPag-aaral ng Ekonomiks
Pag-aaral ng Ekonomiks
 
Kabanata 1- Katuturan ng Ekonomiks
Kabanata 1- Katuturan ng EkonomiksKabanata 1- Katuturan ng Ekonomiks
Kabanata 1- Katuturan ng Ekonomiks
 
Yunit 1 aralin 1 reynaldo san juan
Yunit 1 aralin 1 reynaldo san juanYunit 1 aralin 1 reynaldo san juan
Yunit 1 aralin 1 reynaldo san juan
 
Ugnayan ng eko sa agham panlipunan
Ugnayan ng eko sa agham panlipunanUgnayan ng eko sa agham panlipunan
Ugnayan ng eko sa agham panlipunan
 
" Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks "
" Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks "" Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks "
" Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks "
 
Aralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiks
Aralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiksAralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiks
Aralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiks
 
Aralin 1 AP 10
Aralin 1 AP 10Aralin 1 AP 10
Aralin 1 AP 10
 
PAKSA 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS
PAKSA 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKSPAKSA 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS
PAKSA 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS
 
Aralin 1 (penanueva).ppt
Aralin 1 (penanueva).pptAralin 1 (penanueva).ppt
Aralin 1 (penanueva).ppt
 
Mga kilalang ekonomista
Mga kilalang ekonomistaMga kilalang ekonomista
Mga kilalang ekonomista
 
Araling Panlipunan IV : Aralin 1
Araling Panlipunan IV : Aralin 1Araling Panlipunan IV : Aralin 1
Araling Panlipunan IV : Aralin 1
 
kahulugan at kalaaman mg ekonomiya
kahulugan at kalaaman mg ekonomiyakahulugan at kalaaman mg ekonomiya
kahulugan at kalaaman mg ekonomiya
 
Modyul ap
Modyul apModyul ap
Modyul ap
 
SESSION 1_DEMAND
SESSION 1_DEMANDSESSION 1_DEMAND
SESSION 1_DEMAND
 
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1
 
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
kahulugan at kahalagahan ng ekonomikskahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
 
Aralin 1 – ekonomiks sa paglipas ng panahon
Aralin 1 – ekonomiks sa paglipas ng panahonAralin 1 – ekonomiks sa paglipas ng panahon
Aralin 1 – ekonomiks sa paglipas ng panahon
 
Kurtpogi
KurtpogiKurtpogi
Kurtpogi
 

Similar to Aralin iv 07051962

ekonomiks-isangbatayangpag-aaral-150414071331-conversion-gate01.pptx
ekonomiks-isangbatayangpag-aaral-150414071331-conversion-gate01.pptxekonomiks-isangbatayangpag-aaral-150414071331-conversion-gate01.pptx
ekonomiks-isangbatayangpag-aaral-150414071331-conversion-gate01.pptx
MaryJoyTolentino8
 
Aralin 1 june 22-25, 2015
Aralin 1  june 22-25, 2015Aralin 1  june 22-25, 2015
Aralin 1 june 22-25, 2015
dimpol orosco
 
presentation1-230827145521-9c87564c.pdf
presentation1-230827145521-9c87564c.pdfpresentation1-230827145521-9c87564c.pdf
presentation1-230827145521-9c87564c.pdf
SaddamGuiamin
 

Similar to Aralin iv 07051962 (20)

Irf paptx4 u1l1
Irf paptx4 u1l1Irf paptx4 u1l1
Irf paptx4 u1l1
 
Irf paptx4 u1l1(2)
Irf paptx4 u1l1(2)Irf paptx4 u1l1(2)
Irf paptx4 u1l1(2)
 
Ekonomiks 9 yunit 1 aralin 1
Ekonomiks 9 yunit 1 aralin 1Ekonomiks 9 yunit 1 aralin 1
Ekonomiks 9 yunit 1 aralin 1
 
Kahulugan ng Ekonomiks
Kahulugan ng EkonomiksKahulugan ng Ekonomiks
Kahulugan ng Ekonomiks
 
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng EkonomiksMELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
 
ekonomiks-isangbatayangpag-aaral-150414071331-conversion-gate01.pptx
ekonomiks-isangbatayangpag-aaral-150414071331-conversion-gate01.pptxekonomiks-isangbatayangpag-aaral-150414071331-conversion-gate01.pptx
ekonomiks-isangbatayangpag-aaral-150414071331-conversion-gate01.pptx
 
Y3-A6-Alamin.pptx
Y3-A6-Alamin.pptxY3-A6-Alamin.pptx
Y3-A6-Alamin.pptx
 
Aralin 1 june 22-25, 2015
Aralin 1  june 22-25, 2015Aralin 1  june 22-25, 2015
Aralin 1 june 22-25, 2015
 
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
 
cot-1.pptx_modyul 1:lipunang Pang ekonomiya
cot-1.pptx_modyul 1:lipunang Pang ekonomiyacot-1.pptx_modyul 1:lipunang Pang ekonomiya
cot-1.pptx_modyul 1:lipunang Pang ekonomiya
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
 
Moudule 2.pptx
Moudule 2.pptxMoudule 2.pptx
Moudule 2.pptx
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Ap 9 module 1 q1
Ap 9 module  1 q1Ap 9 module  1 q1
Ap 9 module 1 q1
 
ap g9.docx
ap g9.docxap g9.docx
ap g9.docx
 
Katuturan at Kahulugan ng Ekonomiks.pptx
Katuturan at Kahulugan ng Ekonomiks.pptxKatuturan at Kahulugan ng Ekonomiks.pptx
Katuturan at Kahulugan ng Ekonomiks.pptx
 
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
 
Presentation1.pptx
Presentation1.pptxPresentation1.pptx
Presentation1.pptx
 
presentation1-230827145521-9c87564c.pdf
presentation1-230827145521-9c87564c.pdfpresentation1-230827145521-9c87564c.pdf
presentation1-230827145521-9c87564c.pdf
 

Aralin iv 07051962

  • 1. YUNIT I MGA BATAYAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS KABANATA I: MGA BATAYAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS ARALIN 1 EKONOMIKS AT IBA PANG AGHAM- PANLIPUNAN Ang Talon Maria Cristina ay nakapagdulot ng kaunlaran at nakadagdag ng kita kahit na ito’y kilala o tanyagna tanawin sa lungsod na nakapagbighani sa local at dayuhang turista. Ito rin ay nagamit biglang tagapagtustos ng kuryente sa walumpong porsiyentong kabuuang pangngailangan sa Rehiyon ng Mindanao. Kapag naririnig mo ang salitang “agham o siyensya,” ano kaagad ang pumapasok sa iyong isipan? Ang agham o siyensya ay isang pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin
  • 2. ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka (hypothesis) o katanungang kinakailangang matugunan. May iba’t ibang uri ng agham na pinag-aaralan ang tao. Kabilang na rito ang natural sciences na tumutukoy sa sistematikong paraan ng pag-aaral sa kalikasan tulad ng biology, chemistry, at physics. Mayroon ding tinatawag na exact science na tumutukoy naman sa tugma at eksaktong pagtugon sa mga abstraktong tanong, lalo na kung ang katanungan ay may kinalaman sa pagbilang at pagtutuos. Ang agham na nauukol sa pag-aaral ng tao at lipunan ay tinatawag na agham-panlipunan. Sa naunang dalawang uri ng agham (natural at exact sciences), ang mga pagsubok ay ginagamitan ng controlled at independent variables sa pag-eeksperimento upang makabuo ng mga batayang kaisipan at makamit ang katotohanan. Sa aghampanlipunan, hindi kailangan ng laboratoryo o eksperimento upang makuha ang sagot sa bawat tanong tungkol sa tao at lipunan. Sa halip, nangangailangan ito ng siyentipikong pamamaraan upang masusing masiyasat at masuri ang isang teorya bago makabuo ng mahusay na paliwanag sa mga pangyayari. Ang Ekonomiks bilang Isang Agham Kailangan ang pamamaraang siyentipiko upang maunawaan ang pag- aaral ng ekonomiks. Una, inaalam muna kung ano ang suliranin. Pangalawa, isasagawa ang pagmamasid at pananaliksik tungkol sa suliranin. Pangatlo, bubuo
  • 3. ng mga pansamantalang haka-haka o hypothesis. Pang-apat, magkakaroon ng mga masusing pananaliksik, pagsisiyasat, pakikipanayam sa mga eksperto, at iba pang katulad na gawain upang makapangalap ng mga impormasyon na susubok sa katotohanan ng binuong mga haka-haka. Panlima, kapag nailahad na ang mga nakalap na impormasyon, masusi itong pag-aaralan upang makabuo naman ng mga kongklusyon at pansamantalang kaisipan, konsepto, o teorya. Ang mga teoryang pang-ekonomiko, na kaugnay sa mga batas, prinsipyo, at modelo, ay isang paglalahat na batayan para sa mga pag-uugaling pangkabuhayan ng indibidwal o ng institusyon. Kawawa naman yung mga bata. Sa tingin ko, ilan lamang Bakit sila hinahayaanng silang kanilang mga magulang na mahihirap sa ating bansa. mamalimos? Halos Upang lahat ng nakikita ko sa mga malaman ang tinatayang lansangan ay mga dami ng mahihirap sa bansa, batangnagpapalimos. Talaga kailangan angmasusing pag- bang naghihirap na ang aaral, pananaliksik, at nakararaming Pilipino? paggawa ng estadistika.
  • 4. Sa pag-aaral ng ekonomiks, hindi tinatanggap ang mga sagot na walang matibay na batayan at estadistika. Kailangang malinaw ring nailalahad ang pagbubuo ng mga patakarang pangkabuhayan para sa bansa. Kaugnay nito, may dalawang uri ng pagtingin sa mga pangyayari sa ekonomiks na isinasaalang-alang—ang positibong ekonomiks at normatibong ekonomiks. May obhetibong pananaw ang positibong ekonomiks samantalang subhetibo naman ang normatibong ekonomiks.Balikan ang usapan nina Kassy at Eko. Batay sa mga nabanggit, mas siyentipiko ang pananaw ni Eko dahil hindi niya nilalahat ang katayuanng bansa sa kung ano lamang ang nasaksihan o namasid sa paligid niya. Bagkus ay naghahanap pa siya ng sapat na katibayan at batayan upang masabing nasa lugmok ng kahirapan ang bansa. Ang mga sinambit ni Kassy ay mga halimbawa naman ng pansariling opinyon o pananaw.Sa isang banda, may mga hindi inaasahang pasubali (pitfalls) sa kung paano tinitingnan ng isang ekonomista o estudyante ng ekonomiks ang mga pangyayaring pangkabuhayan upang maging obhetibo ang kanilang kaisipan sa pagtugon sa mga suliraning pang-ekonomiko. Isa sa mga pasubaling ito ay maaaring nagmumula sa impormasyong nabasa sa mga pahayagan o napakinggan sa ilang personalidad. Maaaring ang kanilang sinabi ay “ang pagpapataw ng dagdag na buwis ng pamahalaan sa kita ng mga mamamayan ay pabigat sa kabuhayan.” Dahil sa impormasyong nalaman tungkol sa pangyayari, hindi nauunawaan ng mga mamamayan na ang dagdag na buwis ay gagamitin
  • 5. ng pamahalaan sa paglalaan ng pambansang badyet para sa mga pangunahing programang pangkabuhayan sa bansa. Isa pa rin sa mga pasubali na nakaaapekto sa pagtingin ng mga tao sa ekonomiks ay ang pag-iisip na ang katotohanan tungkol sa isang partikular na pangyayari lamang ay itinuturing bilang pangkalahatang katotohanan o sa madaling sabi, “Kung ano ang naranasan ng isang tao na pinaniwalaan niyang totoo ay itinuturing agad bilang katotohanang nararanasan na rin ng lahat.” Hindi wasto ang kaisipang ito dahil hindi naman ganap na nangyayari sa isang tao ang nangyayari sa iba o sa isang pangkat sa kabuuan. Halimbawa, si Juan ay nagtitinda ng fishball sa kanilang pamayanan at malakas ang kanyang kita mula rito. Dahil dito, nagtinda rin ang kanyang kapitbahay ng fishball sa parehong lugar. Mula sa ibinigay na halimbawa, masasabing inisip ng kapitbahay ni Juan na siya ay kikita rin nang malaki mula sa pagtitinda ng fishball dahil sa nakikita niyang nangyayari sa pagtitinda ni Juan. Ngunit sa katotohanan, may kompetisyon nang namamagitan sa dalawang tindero ng fishball na nakaapekto sa kita nilang dalawa. Ibig sabihin, maaaring hindi kumita nang malaki ang kapitbahay ni Juan o maging si Juan ay nabawasan na rin ng kita dahil dalawa silang nagaagawan ng mga mamimili. Mayroon ding tinatawag na correlation at causation na pananaw pang-ekonomiko. Ang correlation ay ang pagkakaugnay ng mga pangyayari na hindi magkakatulad, samantalang ang causation ay ang pagpapakita ng dahilan o pinagmulan ng isang pangyayari. Ang halimbawa ng correlation ay kung umangat sa pamumuhay si Manggagawa A, hindi nangangahulugang aangat din ang buhay ni Manggagawa B. Hindi rin maaaring sabihin na kaya
  • 6. umangat si Manggagawa B ay dahil kay Manggagawa A. Ang halimbawa naman ng causation ay kapag tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, ang mga produkto nito tulad ng liquefied petroleum gas (LPG) at gasolina ay magkakaroon din ng tiyak na pagtaas. Sa puntong ito, mahalagang mapag-aralan ang ekonomiks bilang isang agham upang maunawaan at malaman ang correlation o causation ng mga pangyayari bago bumuo ng isang matibay na batayang kaisipan.