5. ” Ang Bulong” -ay isang uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mga unang Filipino. Ayon sa kanila ito’y isang paraan ng panggagamot.
6. ” Kasaysayan na Alamat ” - ang Alamat ay isang uri ng panitikanng tuluyang kinasasalaminan ng mga matatandang kaugaliang Filipino at nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng isang bagay , pook o pangyayari. Ang mga pangyayari’y hindi makatotohanan at hindi kapanipaniwala. Ang layunin nito’y manlibang. Halimbawa: 1.”Alamat ng Hayop na Nagkapakpak para Lumigaya ang Bulakla 2.”Ang Alamat ng Bigas 3.”Ang Alamat ng Bundok ng Pinatubo” 4.”Ang Batik ng Buwan” 5.”Ang Unang Unggoy”
7. MGA HAYOP SA PILIPINAS Labing-apat na hayop, nagtumaas, nagtumayog, Nagharing uri sa pedestal at bantayog, Niyukuran, tiningala, sinamba't sinunod, Yaman, kapangyarihan ang sa kanila’y bumusog. Masang alipin ‘di na alam kung saan susuling, Pumurol na ang tabak, natunaw sa libing. Ang ganti sa hagupit ng hayop na kapiling Mga piping hiyaw, mga luhang haling! Tangả ang sisira sa kalawang na bakal, Yuyurakan ka kahit na luhuran, Timawang hayop sa gutom ay basal, Walang pagkilala kay Bathala at dasal! Sa hukom ng Hari doon ang higanti, Pagsibol ng araw sa dilim ng gabi, Mga hayop na busog at mga nakangisi, Sa apoy ng impiyerno, hahantong sa huli
9. PAGSILANG Ang punlang sumibol sa sinapupunan, Ay ama at ina ang doo’y lumalang, Pagka’t nakalutang ang pagmamahalan, Sa kanilang puso bilang magkatipan. Mahiwaga raw itong buhay ng tao, Mula sa pagsilang hanggang sa pagyao, Ang lihim ba nito’y walang pagtatalo Sa Diyos nakabatay, wala sa kung sino? Ang Diyos na lumikha ng langit at lupa, Tumulong rin ba sa ama at ina? Nagbigay ng pintig sa puso’t hininga, Upang mabuhay pati kaluluwa? Pasalamatan natin ng pagpapasakop Ang Diyos na Bathalang sa ati’y kumupkop, Ilagay mo sa diwa ang bawat pagsinop Sambahin mo sa araw pati sa paglubog! Hindi ka uusbong sa mundong ibabaw, Kung ang tanging dahilan ay mga magulang, Gumawa man sila sa gabi at araw, Hindi mabubuo, hindi ka lilitaw! Ang tanging dahilan na ika’y nabuhay, Sa Diyos nakasalig, doon nakabatay, Pasalamatan nga, papurihang makulay, Diyos na dakila, laging dumadamay!
10. SILANG MGA WALANG DIYOS Siya’y nagsimulang dugo sa balakang, Sa simula’y walang malay, Walang hugis, walang kulay. Siya’y sanhi ng isang palag ng kasamaan. Siya’y bunga ng mga kasidhian Ng mga pag-aalab, ng mga kapusukan. Lumangoy siya sa sinapupunan ng ina. Nagkaroon ng buhay, umamot ng hininga, Biniyayaan ng dakilang Bathala. NGunit narito na naman ang imbay ng hangal Ang puso’y nalupig ng bigong kasal. Sarili ang isinalang, ibinalibag ang diwang banal Hinatulan siya sa dilim na pusikit. Siya’y walang puwang sa daigdig, Sa impiyerno man o sa langit. Siya’y sinikwat, niligis inukit, , Winasak, dinurog, sinaklit, Siya’y kinarit, Hindi nakakapit! Humantong sa ilalim, doon sa kawalan! Hindi nila siya binigyan ng kalayaan Ipinagkait ang pintig ng damang kabutihan!
11. Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon .
13. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler , sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora ) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. [1] == Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino- Amerikano , bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos. [1]
14. Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones ( Jones Act ), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas. [1] Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935 , nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay . Muli siyang nahalal noong 1941. [1]
15. Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig , tumakas siya papuntang Australya , at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos . Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa. [1] Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa , , New York noong Agosto 1 , 1944 sa gulang na 66. [1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery . Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila , sa at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle . Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon
17. Ipinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22 , 1869 sa bayan ng Kawit , Cavite sa Luzon [1] sa panahong kolonya ng Espanya ang Pilipinas ,siya ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ng isang paring , nagpatala siya sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila , kung saan siya nag-aral ng medisina. Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong pangunahan ang isang pag-aalsa na sa kaunting panahon ay nagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinatapon si Aguinaldo sa Hong Kong noong 1888 . Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ng mga Britanya at nagtipon ng mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas. Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan , isang lihim na samahan na pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio , na may layuning patalsikin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Kasama ni Dr. Jose Rizal , inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896 , at ginampanan niya ang pamumuno sa kilusan pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol laban sa mga rebelde sa pamamagitan ng pwersang militar at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon.
18. Noong 1898 , nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol – kasama ng paglilipat ng maghigit na 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gaya ng ginawa ng mga Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12 , 1898 at inihalal siya ng Kapuluan ng Saligang-batas ng Pilipinas bilang pangulo noong Enero 1 , 1899 . Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4 , 1899 .
19. Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General . Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral,tulad ni Gen.Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas ; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa halalan. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig , gumawa si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang pagsuporta sa mga Hapon. Pagkatapos makuhang muli ng mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa kaaway, ngunit sa paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang mga pahayag (binantaan siya ng mga Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong 1946 , at noong 1950 nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling namahinga. Namatay siya sa atake sa puso sa sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6 , 1964 sa edad na 94. [2]
21. Si Benigno Servillano "Ninoy" Aquino, Jr (November 27, 1932 - August 21, 1983) ay isang Pilipinong senador, Gobernador ng Tarlac, at isang lider ng oposisyon laban sa dating Pangulong Ferdinand Marcos. Siya ay pinatay sa Manila International Airport (na tinawag na NAIA kalaunan, bilang karangalan kay Ninoy) sa pagbabalik nya sa bansa mula sa paninirahan sa Estados Unidos. Ang kanyang pagkamatay ang naging dahilan ng pagpasok sa pulitika ng kanyang naiwang asawa, si Corazon Aquino, na kalaunan ay naging pangulo at pumalit sa administrasyong Marcos. Si Ninoy Aquino ay pinanganak noong November 27, 1932 sa Tarlac, Luzon, sa isang mayaman na pamilya. Sa edad na 22 sya ang naging pinaka batang mayor ng kanyang bayan sa Concepcion. Pagkalipas ng anim na taon, sya ay naging gobernador ng Tarlac. Noong 1967, gumawa na naman sya ng kasaysayan noong sya ang maging pinakabatang senador sa Pilipinas. Naging asawa nya noong mga panahon ito si Corazon Cojuangco; at sila ay nagkaroon ng limang anak. Naging sikat si Ninoy sa kanyang angking galing sa pakikipagtalastasan at sa kanyang katalinuhan. Sya ang naging pangunahing kandidato para sa pagkapresidente noong 1973, samantalang si President Marcos ay patapos na ang dalawang termino bilang presidente. Sa panahong ito, nagsimulang siraan si Aquino ng administrasyon at ikinalat na sya ay isang Komunista dahil sa kanyang pakikipagusap sa mga rebelde sa Central Luzon.
22. Gumuho ang ambisyon ni Ninoy na maging president noong ideklara ni President Marcos ang Martial Law at inalis ang konstitusyon. Kinuha ni Marcos ang lahat ng kapangyarihan at pinakulong lahat ng kanyang mga kaaway sa politika, kasama na si Ninoy, na nakulong sa loob ng pitong taon, at dineklarang may sala sa krimen na pagpatay, paglaban sa gobyerno, at pagkakaroon ng ilegal na baril. Pinabulaanan lahat ito ni Ninoy at sinabi nya na sya ay inosente. Noong 1980, pinayagan sya ng gobyerno na lumabas sa Pilipinas at magpagamot sa Estados Unidos para sa kanyang operasyon sa puso. Nanatili sya dito at nagturo sa Harvard University hanggang sa kanyang pagbabalik ng Pilipinas noong 1983, kung kailan sya ay binaril at namatay sa paliparan. Pagkatapos ng pagkamatay ni Ninoy napilitan si Pangulong Marcos na paimbestigahan ang krimen sa ilalim ng pamamahala ni Judge Corazon Agrava. Sinabi ni Marcos na ang pumatay kay Ninoy ay tauhan ng mga Komunista. Ang pangunahing suspek, si Rolando Galman, ay pinatay din sa paliparan pagkatapos nyang barilin si Ninoy. Sa inilabas na report ng gobyerno, walang kinalaman ang militar sa pagkamatay ni Ninoy. Pero ayon sa inilabas na ulat ng mga opisyal na imbestigador, si Ninoy ay hindi pinatay ng mga Komunista, kung hindi isang biktima ng militar sa ilalim ni Gen. Fabian Ver, ang pinakamataas na opisyal ng militar, na matalik na kaibigan at pinsan ni Pangulong Marcos. Marami ang nabigla sa mga inilabas na ulat. Halos lahat ng Pilipino ay naniniwalang hindi papatayin si Ninoy ng militar kung walang utos na nanggagaling sa itaas mula sa Pangulong Marcos. Gayunpaman, walang nailabas na matibay na ebidensya na magpapatunay na si Pangulong Marcos ang nagpapatay kay Ninoy. Si Ninoy ang syang pinakamalakas na kalaban ni Marcos, ngunit sa kanyang
23. pagkamatay, lalo pa syang naging malakas at malapit sa puso ng mga Pilipino. Ang pagpatay sa kanya ang nagpagkaisa sa mga Pilipino. Sa kanyang pagkamatay, lalong lumubha ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa at noong 1985, ang bansa ay nasa matinding politikal na pighati. Noong panahon ding ito nagsimulang magkalakas ng loob ang media na lumaban sa administrasyon. Noong 1985, pinawalang sala ng mataas na hukuman si Gen. Ver at ang iba pang myembro ng militar sa pagkamatay ni Ninoy. Madaling ibinalik ni Marcos si Ver sa kanyang posisyon sa militar. Ngunit gayunpaman, sa konting nalalabing panahon, lumakas ang oposisyon sa pamumuno ni Cory at ito na ang nagpasimula ng People Power sa Edsa.