O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.
Tagapag-ulat: Madsal G. Martinez
Si Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de
Jesus o mas kilala sa pangalan na Jose Corazon
de Jesus (1894-1932), may palay...
0“Paghihinagpis”
Patunay:
“Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabis...
Paliwanag:
Ito’y nalalapatan ng pagdulog romantisismo dahil
ang sentro ng emosyon nito ay pagkahapis. Bukod sa
salitang lu...
“Kilig”
Patunay:
“Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.”
(1 at 2 ...
Paliwanag:
Ipinapakita ng patunay sa ikalawang saknong
ang kilig na nadarama. Dahil kapag umiibig ang isang
tao palagi niy...
“Pagtitiis”
Patunay:
“Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak”
(1 ...
Paliwanag:
Kapag umibig ang isang tao ay nakahanda itong
magsakripisyo, magpakumbaba at magparaya para sa
kanyang minamaha...
“Pagmamahal sa kaibigan”
Patunay:
“Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa mi...
Paliwanag:
Ang ikawalong saknong ay nagsasaad ng
pagmamahal sa isang kaibigan. Ipinapakita ng mga
pahayag na ayaw nitong m...
Pangkalahatang Pagpapaliwanag:
Ang pag-ibig ay isang bagay na maaaring magpaangat at
magpabagsak sa atin. Ang paghihinagpi...
“Sakim/Makasarili”
Patunay:
“Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan ---
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't ...
Paliwanag:
Minsan kung umiibig ang isang tao ay nagiging
makasarili, palagi nitong iniisip ang pansariling
kapakanan, kung...
“Pagkalunod sa Pag-ibig”
Patunay:
“Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa p...
Paliwanag:
Sinasabing walang kumlawde sa pag-ibig. Kahit
gaano pa ka intelektwal ang isang tao ay may mga
pagkakataong hin...
“Mapangahas”
Patunay:
“Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa...
Paliwanag:
Kapag umibig ang isang tao handa nitong
suungin ang lahat ng hirap at kahit mga kaakibat na
panganib nito. Mins...
Pangkalahatang Pagpapaliwanag:
Ang realidad ng isang pag-ibig o
pakikipagrelasyon ay hindi lamang puro
kasiyahan. Ang paki...
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus
Próximos SlideShares
Carregando em…5
×

Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus

43.504 visualizações

Publicada em

Publicada em: Internet
  • Seja o primeiro a comentar

Pagsusuri ng tulang pag-ibig ni jose corazon de jesus

  1. 1. Tagapag-ulat: Madsal G. Martinez
  2. 2. Si Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de Jesus o mas kilala sa pangalan na Jose Corazon de Jesus (1894-1932), may palayaw na Pepito Matimtiman, Huseng Batute, Huseng Katuwa, Anastacio Salagubang, Sundalong Lasing, Viterbi, Paruparong Asul, at Bayaning May Sugat, ay isang mamamahayag, makata at manunulat, at tulad din ni Balagtas at Rizal ay nakapagsulat ng maraming tula. Ipinanganak siya noong 22 Nobyembre 1894 sa Sta. Cruz, Maynila at pangalawa sa tatlong anak nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan. Lumaki si Jose Corazon de Jesus sa Santa Maria, Bulakan at nagtapos ng hayskul sa Liceo de Manila, at kumuha ng abogasya sa Escuela de Derecho. Nag-aral din siya ng humanidades, operang Italyano, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas.
  3. 3. 0“Paghihinagpis” Patunay: “Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha! Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata; Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.” (Unang saknong) Pagdulog Romantisismo
  4. 4. Paliwanag: Ito’y nalalapatan ng pagdulog romantisismo dahil ang sentro ng emosyon nito ay pagkahapis. Bukod sa salitang luha na nagpapakita ng paghihinagpis, ang unang saknong partikular na sa una at ikalawang taludtod ay nagsasaad ng kalungkutan habang ginagawa ang isang liham.
  5. 5. “Kilig” Patunay: “Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.” (1 at 2 taludtod, ikalawang saknong)
  6. 6. Paliwanag: Ipinapakita ng patunay sa ikalawang saknong ang kilig na nadarama. Dahil kapag umiibig ang isang tao palagi niyang iniisip ang kanyang minamahal at minsan ay biglang napapangiti na lamang. Hindi nito alam ang gagawin o dahilan ng nararamdaman sa tuwing nakikita ang kanyang sinisinta.
  7. 7. “Pagtitiis” Patunay: “Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak” (1 at 2 taludtod, ikapitong saknong)
  8. 8. Paliwanag: Kapag umibig ang isang tao ay nakahanda itong magsakripisyo, magpakumbaba at magparaya para sa kanyang minamahal. Minsan ang mga bagay na hindi niya kayang gawin ay kanyang nagagawa at ang pagtitiis na hindi niya kayang tiisin ay kanyang natitiis para sa kanyang minamahal.
  9. 9. “Pagmamahal sa kaibigan” Patunay: “Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!" Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal! Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay, Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!” (ikawalong saknong)
  10. 10. Paliwanag: Ang ikawalong saknong ay nagsasaad ng pagmamahal sa isang kaibigan. Ipinapakita ng mga pahayag na ayaw nitong masaktan ang kanyang kaibigan kaya binibigyan niya ito ng payo tungkol sa babaeng kanyang sinisinta.
  11. 11. Pangkalahatang Pagpapaliwanag: Ang pag-ibig ay isang bagay na maaaring magpaangat at magpabagsak sa atin. Ang paghihinagpis, pagtitiis at kilig ay ilan lamang sa mga emosyong ating madarama sa tuwing tayo’y umiibig. Sa kasalukuyang panahon, narami sa mga kabataan ay madaling umibig. Dala ng modernisasyon at makabagong teknolohiya madali na lamang ang pagkakaroon ng kasintahan o ng mga kasintahan. Ngunit ating tatandaan na kaakibat ng kasiyahan na ating nadarama dulot ng pag-ibig ay kalungkutan at pagtitiis lalo na kung magpapadala sa kapusukan at ninanais.
  12. 12. “Sakim/Makasarili” Patunay: “Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan --- Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!” (3 at 4 taludtod, ikalimang saknong) Patunay: “Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak; O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!” (3 at 4 taludtod, ikapitong saknong) Pagdulog Realismo
  13. 13. Paliwanag: Minsan kung umiibig ang isang tao ay nagiging makasarili, palagi nitong iniisip ang pansariling kapakanan, kung paano nito makakamtan ang ninanais at mga kagustuhan.
  14. 14. “Pagkalunod sa Pag-ibig” Patunay: “Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod, Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!” (3 at 4 taludtod, ikaapat na saknong)
  15. 15. Paliwanag: Sinasabing walang kumlawde sa pag-ibig. Kahit gaano pa ka intelektwal ang isang tao ay may mga pagkakataong hindi nito nagagamit ang kanyang dunong. Dahil sa pag-ibig na nadarama may mga taong hindi nakokontrol ang kanilang emosyon kahit alam nito na maaaring mali ang kahihinatnan ng kanilang ginawang desisyon.
  16. 16. “Mapangahas” Patunay: “Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip: Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig: Pag umibig, pati hukay aariin mong langit” (ikaanim na saknong)
  17. 17. Paliwanag: Kapag umibig ang isang tao handa nitong suungin ang lahat ng hirap at kahit mga kaakibat na panganib nito. Minsan ay nakahandang magbuwis ng sariling buhay maprotektahan lamang ang kanyang minamahal.
  18. 18. Pangkalahatang Pagpapaliwanag: Ang realidad ng isang pag-ibig o pakikipagrelasyon ay hindi lamang puro kasiyahan. Ang pakikikagrelasyon ay isang responsibilidad na nangangailangan ng mataas na pasensya. Ito’y hindi lamang pagtanggap bagkus ito’y pagbibigay. Sa kasalukuyan, dahil sa pagiging mapangahas at kapusukan marami sa mga kabataan ang nahahantong sa pagkakaroon ng anak na walang kinagisnang ama (single mom). Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at pagkakaroon ng isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.

×