1. I N I H A N DA N I NA :
J A N N Y L I E C AYA B YA B
JULIEANE FERNANDEZ
C I E LO V E R Z O S A
ANDI VIVO
2. TRANSNATIONAL CRIMES
Ang mga transnational crimes ay mga
seryosong krimen na isinasagawa ng
isang organisadong grupong kriminal
na may layuning magkamal ng salapi.
4. TRANSNATIONAL CRIMES
Karaniwang ang krimen ay nagaganap sa dalawa o higit
pang bansa
Ang mga kriminal ay mga mamamayan ng dalawa o higit
ding bansa
Ang krimen ay isinasagawa sa isang bansa subalit ang
biktima ay mamamayan ng ibang bansa
Ang krimeng naganap sa isang bansa ay kadalasang
binalak sa ibang bansa
8. HUMAN TRAFFICKING
Ang human trafficking ay pangangalakal sa
paraang legal o ilegal ng mga tao, partikular ng
mga kabataan at kababaihan sa ibang bansa nang
walang kapahintulutan ng mga biktima.
Karaniwan itong kinakikitaan ng paggamit ng
dahas, pananakot at pang-aalipin.
9. HUMAN TRAFFICKING
Sa isang pag-aaral, sinasabing mayroong
200-225,00 kababaihan at kabataan ang
nabibiktima ng human trafficking sa South-
East Asia; 1/3 ng kabuang bilang ng kaso
ng human trafficking sa buong mundo.
10. HUMAN TRAFFICKING
Ayon sa United Nations Children’s Educational Fund
(UNICEF), maraming batang babae sa Indonesia ang
nagiging biktima ng human trafficking patungong
Malaysia.
May mga kababaihang Thai na dinadala rin sa US upang
doon diumano magtrabaho sa tinatawag na entertainment
industry.Ginagawa silang aliping nagkakaloob ng
serbisyong sekswal.
12. HUMAN TRAFFICKING
Ang mail order bride ay pagpapadala ng mga
babae sa ibang bansa upang maging asawa ng
mga lalaking naghahanap ng mapapangasawa. Sa
dahilang hindi naman talaga nila nakilala ang
kanilang napangasawa, marami sa mga babaeng
ito ay dumaranas ng hirap at dahas sa kamay ng
kanilang mga asawa.
13.
14.
15. DRUG TRAFFICKING
Sa kontinente ng Asya matatagpuan ang mga
pinakatalamak na lugar pagdating sa pagtutulak
ng ipinagbabawal na gamot.
Sa kabuuan, tinatayang may $450 hanngang $700
bilyon ang kalakal sa ilegal na droga taun-taon.
16. DRUG TRAFFICKING
Ang Afghanistan at Myanmar ang kinikilalang
nangunguna at pumapangalawang bansa na
pinagmumulan ng ilegal na droga at narkotiko sa
buong Asya.
17. DRUG TRAFFICKING
Isa sa pinakamalaking prodyuser ng opyo ay ang
Golden Triangle, isang rehiyon sa TSA.
Malawakan ang taniman ng opyo dito at
sinusuplayan nito ang pamilihan ng Asya, Europa
at US.
18. DRUG TRAFFICKING
Noong 2000, mga bansang pinagkukunan ng opyo sa
buong daigdig
1. Afghanistan
2. Myanmar
1,000-1,100 toneladang opyo taon-taon
3. Laos
140-160 toneladang opyo taon-taon
19.
20.
21. MONEY LAUNDERING
Ang money laundering ay paglalagak ng
salapi sa mga bangko sa ibang bansa
upang itago ang ilegal na pinagmulan ng
salaping ito.
22. MONEY LAUNDERING
Sinasabing ang dirty money ay ginagawang clean
money sa dahilang ang nailagak na salapi sa mga
bangko sa ibang bansa ay mistulang
nagmumukhang malinis na salaping maaaring
gamiting puhunan o pondo sa mga legal na
transaksyon.
26. MONEY LAUNDERING
Ang Financial Action Task Force (FATF) on Money
Laundering ay naglalayong pigilan at kontrahin
ang paggamit ng sistemang pananalapi ng mga
kriminal.
Bunsod ng pag-atake ng mga terorista sa US
noong Setyembre 11, 2001, nagtuon ng pansin
ang FATF na kalabanin ang malawakang
pagpopondo ng terorismo.
27. MONEY LAUNDERING
Gaganapin ang 16th Asia Pacific Group on
Money Laundering Annual Meeting sa
Shanghai, China sa July 15-19, 2013.
28.
29.
30. TERORISMO
Marami sa mga pangkat ng terorista ay mga
radikal o fundamentalist na grupong
Islamiko na nagsusulong ng kanilang
pampulitikang layunin laban sa US at mga
kaalyado nitong bansa.
34. TERORISMO
Magkaiba at nagtutunggaling relihiyon
Marami sa mga bansang Kanluranin ang naging
imperyalista at nanakop sa mga bansa sa Asya
Magkaiba ang antas ng kaunlarang pang-
ekonomiya ng mga bansang Kanluranin at ng
maraming bansa sa Asya
37. SOLUSYON
Ang ASEAN ay bumuo ng isang Plan of Action to
Combat Transnational Crimes.
Kooperasyon
Magpapalitan ng intelligence reports
Binuo rin ang United Nations Convention on
Transnational Organized Crime.