Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Próximos SlideShares
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd QuarterMAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
Carregando em ... 3
1 de 42
Anúncio

Mais conteúdo relacionado

Apresentações para você(20)

Anúncio

Mais de LiGhT ArOhL(20)

Anúncio

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

  1. iv TALAAN NG MGA NILALAMAN (Quarters 3 & 4) MUSIKA YUNIT 3: Modyul 9: Ritmo................................ 1 Gawain 1: Twinkle, Twinkle Little Star……….… 1 Gawain 2: Gawin ang 4-time Meter…………… 3 Gawain 3: Halina’t Maglakbay sa 3-time Meter at 4-time Meter………………………… 3 Modyul 10: Anyo ………………….…………….…. 6 Gawain 1: Daloy ng Phrase………………..… 6 Gawain 2: Magkatulad at Magkaiba……… 7 Gawain 3: Are You Sleeping…………………… 8 Gawain 4: Isang Hamon sa Kalesa……………. 9 Modyul 11: Himig…………………….. 11 Gawain 1: Ang Una Kong Komposisyon…….… 12 Gawain 2: Talbog Pataas………………..…….. 13 Gawain 3: Ang Paglalakbay sa Buwan……… 14 Gawain 4: Pagguhit ng Mataas at Mababang Tunog………………………………………….... 17 Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong Kuwarter……. 19 Gawain 1: …………………………………..…… 20 Gawain 2: …………………………………..….... 21 Gawain 3: ……………………………………….. 22 Gawain 4: ……………………………………..….... 23
  2. v YUNIT 4: Modyul 13: Himig …….……………………..………. 25 Gawain 1: Mataas at Mababang Puzzle…… 26 Gawain 2: Rocky Mountain High……………... 27 Gawain 3: Mataas, Mababa ……………….… 28 Modyul 14: Telstura o Texture …………………….. 30 Gawain 1: Pakikinig at Pagsasaya.................. 31 Gawain 2: Haomn sa Pakikinig………………… 33 Modyul 15: Balik-aral sa mga Elemento…… 35 Gawain 1: Isang Malaki at Masayang Pamilya.. 35 Gawain 2: Balik-aral sa mga Elemento ……….. 36 Modyul 16: Ebalwasyon …………………………. 37 Gawain 1: Magdaraos Kami ng Isang Konsiyerto……………………………………. 37 Gawain 2: Ebalwasyon ng Gawain…………… 38 Gawain 3: Ebalwasyon ng Sarili sa Ikaapat na Kuwarter ………………………………………….. 39
  3. 1 Musika 1 - Modyul 9: Ritmo I. Awit / Ritmo a. “Twinkle, Twinkle Little Star”- Awiting Pambata b. “Pan de Sal” (translation of “Hot Cross Buns”) ni D. De Vera)- Awiting Pambata c. “Pong Pong Piyangaw”- Awiting Pambata ni Miriam Factora II. Mga Gawain Twinkle, Twinkle Little Star Panuto: Narito ang mga kumpas ng awiting “Twinkle, Twinkle Little Star”. Gumuhit ng sa ilalim ng MALAKAS na kumpas. Tingnan ang halimbawa. I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I Sukat Gawain 1
  4. 2 I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I Pagkatapos mong lagyan ng bituin ang malakas na kumpas ng awit, gumuhit ng bar lines sa unahan ng bawat malakas na kumpas upang makagawa ng bars. Bilangin kung ilang kumpas ang nasa bawat bar. Isulat ang sukat sa linya na nasa unahan ng awit. Tandaan: Dalawang bar lines ang inilalagay sa katapusan ng awit. Ito ay tinatawag na Double Bar Ipinakikita nito na tapos na ang awit. Gumuhit ng double bar sa huling kumpas ng awit na “Twinkle, Twinkle Little Star.” Ano ang meter ng awit? Ang awit ay nasa_________ time meter.
  5. 3 4 Gawin ang 4-time Meter Panuto: Pumili ng kilos na aangkop sa malakas na kumpas at mahinang kumpas ng awiting “Twinkle, Twinkle Little Star”. Muling awitin ito habang ipinakikita ang kilos na napili mo para sa malakas at mahina na kumpas. Maaari mong gawing batayan ang iyong sagot sa Gawain 1. Halina’t Maglakbay sa 3-Time Meter at 4-Time Meter! Panuto: Ito ay mga halimbawa ng bars na nasa 4- time meter at 3-time meter. Kung matatandaan sa nakaraang kuwarter, ang malakas na kumpas ay ang laging unang kumpas sa bar. Lagyan nang tamang bilang ang bawat kumpas. Tingnan ang halimbawa. I I I I I I I I 1 2 3 4 Gawain 2 Gawain 3
  6. 4 I I I I I I I I I Pumili ng mga tunog gamit ang katawan o pagkilos para sa malakas at mahinang kumpas. Ipakita ang pagkilos na naaayon sa 3-time meter at 4-time meter habang inaawit ang mga awiting natutuhan sa ikalawang kuwarter. III. Pagtatasa Ipakita kung gaano mo natutuhan ang mga aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa kahon. Kasanayan Kayang Gawin Hindi pa kaya 1. Nakaririnig at nakasusunod sa kumpas 2. Nakasusunod sa mga kumpas na malakas at mahina 3. Nakasusunod sa kumpas nang may pagkilos 4. Nakakikilala ng palakumpasan ng isang kilalang awit 1 2 3 3
  7. 5 5. Nakakikilos nang wasto ayon sa tiyempo sa mga awiting nasa 2 meter, 3 meter, at 4 meter time. IV. Pagbubuo Natutuhan natin sa modyul na ito na ang mga kumpas ay maaaring pangkatin ng apatan (4- time meter). Upang makilala ang kumpas ng isang awit, kailangang bilangin ang _______ na matatagpuan sa bawat bar. Magbigay ng isang halimbawa ng awiting pambata o kaya’y isang katutubong awit na nasa 4-time meter. Pamagat: ______________________________________________
  8. 6 Musika 1 - Modyul 10 : Anyo I. Laro/ Mga Tugma a. “Aso, aso” - Awiting Pambata ni K. Forrai b. “Pan de Sal” (salin ng “Hot Cross Buns” ni D. De Vera) c. “Are You Sleeping” - Awiting Pambata d. “Kalesa”- Awit ni E. Cuenco II. Mga Gawain Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na tinatawag na Phrases. Awitin ang mga Phrase ng isang awit upang malaman kung ang mga ito ay magkakatulad o magkakaiba. Daloy ng Phrase Panuto: Awitin ang “Aso, aso” at sundan ang kilos ng braso ng guro habang ipinakikita ang simula at katapusan ng isang phrase. Gumuhit ng linyang pahilis (/) sa dulo ng huling salita ng bawat phrase upang ipakita na tapos na ito. Tingnan ang halimbawa. Gawain 1
  9. 7 “Aso, Aso” (Doggie, Doggie) (Awit na Pambata ni K. Forrai) Aso, aso nasaan ang iyong buto? May kumuha nito. (Doggie, doggie where’s your bone?) (Someone has it in her/his home.) Sino ang kumuha? Nasa akin ang buto. (Who has the bone?) (I have the bone.) Ilang phrase ang makikita sa awit? Ito ay may ________ na phrase. Muling kantahin ang awit habang iginagalaw ang braso mula kaliwa pakanan tulad ng pagguhit ng bahaghari upang maipakita kung saan nagsisimula at nagtatapos ang iba’t ibang phrase. Magkatulad at Magkaiba Panuto: Narito ang mga salita sa awiting “Pan de Sal”. Gamit ang iba’t ibang hugis sa ibaba, kilalanin ang mga phrase na may mga katulad at magkaibang tono. Iguhit sa ibabaw ng linya ang wastong hugis para rito. Maaaring gamitin ang at . Tingnan ang halimbawa. Gawain 2
  10. 8 Pan de Sal _________ Pan de Sal _________ ’Tig Singkwenta,tig mamiso _________ Pan de Sal Matapos iwasto ang gawain, pakinggang muli ang awit ng guro. Pumalakpak kapag narinig ang bahaging may . Kung marinig naman ang bahaging may , tapikin ang inyong balikat. Are You Sleeping? Panuto: Narito ang awiting “Are You Sleeping?” Alamin kung aling phrase ang magkakatulad at magkakaiba. Markahan ng , , o kaya’y . ____ Are you sleeping, ____ Are you sleeping? ____ Brother John? ____ Brother John? ____ Morning bells are ringing, ____ Morning bells are ringing, ____ Ding ding dong, ____ Ding ding dong Gawain 3
  11. 9 Isang Hamon sa Kalesa Panuto: Pakinggang mabuti ang awiting “Kalesa”. Magmartsa sa sariling lugar kasabay ng kumpas kapag sinimulan ang pag-awit. Sa tuwing magbabago ang bahagi ng awit, ibahin din ang pagkilos upang maipakita ang panibagong bahagi ng awit. Ang mga bahagi ng awit ay maaaring ulitin. Dapat tandaan ang mga kilos na ginawa sa una at ikalawang bahagi. Kapag narinig na naulit ang isang bahagi, baguhin ang pagkilos ayon sa naunang ginawa. Tandaan: Maging handa! III. Pagtatasa Ipakita kung gaano mo natutuhan ang aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa kahon. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Kasanayan Kayang Gawin Hindi pa kaya 1. Nakaririnig at nakakikilala ng isang karaniwang tono. Gawain 4
  12. 10 2. Nakasusunod sa magkakatulad at magkakaibang hugis tulad ng tatsulok o bilog upang maipakita ang anyo o form ng isang awit. 3. Nakikilala kung kalian nababago ang tono ng awit 4. Nakasusunod sa phrase ng isang awit sa pamamagitan ng paggalaw ng braso. IV. Pagbubuo Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na tinatawag na phrase. Ang mga phrase na ito ay maaaring magkakatulad o magkakaiba habang tumutugtog ang isang awitin. Kapag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga phrase ay namarkahan na gamit ang iba’t ibang hugis, tinatawag ang mga itong form ng isang awit. Ibig sabihin, ang form ng awiting “Pan de Sal” ay . Ano ang form ng awiting, “Are You Sleeping”? ______________________________  Ano ang tawag sa maliliit na bahagi na bumubuo sa isang awit? _____________________________
  13. 11 Musika 1 - Modyul 11: Himig  Buuin ang pangungusap: Upang makilala ang anyo o form ng isang awit, kailangang itong pakinggang mabuti at lagyan ng tanda ang _______________ at _______________ ng phrase na matatagpuan sa awit. I. Awit/ Tugma a. “Talbog Pataas” (Bounce High)- Awiting Pambata b. “Duyan” (See Saw)- Awiting Pambata c. “Piko Piko Angking” - awit ni Miriam Factora d. “Ang Paglalakbay sa Buwan” (The Journey to the Moon)- kuwento ni C. Mirandilla II. Mga Gawain Gumagamit ang musika ng iba’t ibang kombinasyon ng mga tunog. Tingnan natin ang linya sa ibaba. Aa h
  14. 12 Pumili ng isang pantig at panimulang pitch na susundan ng iyong tinig. Sa simula, maaari mong gamitin ang ibinigay na pantig. Sundan ang mga linya habang itinuturo ito ng guro. Gumamit ng ibang pantig at sikaping may pagtaas at pagbaba ng linya na maririnig din sa iyong tinig. Ang Una Kong Komposisyon Panuto: Gumawa ng sariling linya ng komposisyon at pumili ng isang pantig na nais mong gamitin para rito. ___________ (pantig) Subukan ang una mong komposisyon at pakinggan ang tunog nito. Pakinggan din ang komposisyon ng iyong kamag-aral at pagsamahin ninyo ang inyong ginawa. Bilugan ang bahaging mataas at mababa ng iyong komposisyon. Isulat kung ang bahagi ay mataas o mababa. Gawain 1
  15. 13 “Talbog Pataas” (Bounce High, Bounce Low) Panuto: 1. Muling awitin ang “Talbog Pataas, Talbog Pababa” at magkunwaring nagpapatalbog ng bola pataas kapag ang awit ay may mataas na tunog at pababa naman kung ito ay may mababang tunog. “Talbog Pataas, Talbog Pababa” (Bounce High) Talbog pataas, talbog pababa (Bounce high, Bounce low) Ipasa ang bola kay Rita! (Bounce the ball to Rita!) 2. Humarap sa kamag-aral at pumalakpak kapag narinig ang malakas na kumpas. 3. Kapag umawit ka ng may mataas na tunog, itaas ang iyong kamay at ipalakpak ito. 4. Kung mababa naman ang tunog, ilagay ang kamay sa may beywang at ipalakpak ito. Gawain 2
  16. 14 Ang Paglalakbay sa Buwan (The Journey to the Moon) Panuto: Ito ay kuwento ng isang batang babaeng si Issa at ang kanyang kapatid na lalaking si Gabby na naglakbay sa buwan upang humanap ng lunas sa sakit ng kanilang nanay. Ito ay isang natatanging kuwento sapagkat ang bawat tauhan at pangyayari ay may sariling tunog. Subukin nating alamin ang tunog ng bawat tauhan at pangyayari sa kuwento. Gabby Sa itaas ng mga puno/langit at bituin Issa Sa ibaba ng mga bituin/langit at puno Nanay Sa ibabaw ng bundok Manggamot Sa ibaba ng lambak Si Bahin Gawain 3
  17. 15 Pakinggan natin ang kuwento. Tandaang dapat gawin ang mga tunog na nakalaan sa bawat tauhan at pangyayari sa kuwento. Hintayin ang hudyat ng guro bago magbigay ng angkop na tunog. “Ang Paglalakbay sa Buwan” (The Journey To the Moon) ni C.Mirandilla Noong unang panahon, may isang mabait na batang ang pangalan ay Issa. May kapatid siyang batang lalaki na Gabby ang pangalan. Nakatira sila sa isang kubo kasama ang kanilang tatay at nanay. Isang araw, nagkasakit ang kanilang nanay. Nagsimula ito sa pagbahin, at pagbahin at pagbahin. Dahil sa mahirap humanap ng gamot sa kanilang lugar, pinaalalahanan ng mga tao sina Issa at Gabby na humanap ng manggagamot na makapagpapagaling sa kanilang nanay. Subalit, ang manggagamot na ito ay sinasabing nakatira sa buwan. Nang marinig ito nina Issa at Gabby, agad silang naglakbay papunta sa buwan. Umaasa sila na mabibigyan sila ng manggagamot ng lunas para sa kanilang nanay. Umakyat sina Issa at Gabby sa itaas ng mga puno.
  18. 16 Umakyat din sila sa ibabaw ng mga bundok. Umakyat sila sa langit. Umakyat din sila sa mga bituin. At sa wakas, narating din nila ang buwan kung saan nakatira ang manggagamot. Sa una, ayaw ng manggagamot sa kanyang mga panauhin ngunit nang maipaliwanag nina Issa at Gabby ang kanilang problema at ang layo ng kanilang nilakbay, unti-unti nang ngumiti ang manggagamot at naging mabait na sa kanila. Humanga kina Issa at Gabby ang manggagamot dahil sa kanilang pagmamahal sa kanilang nanay. Agad na ibinigay ng manggagamot ang kailangan nina Issa at Gabby. Nang matanggap nila ang gamot ay dali-dali na silang nagpasalamat sa manggagamot at agad na umalis pabalik sa kanilang nanay. Patakbo silang bumaba sa mga bituin. Patakbo rin silang bumaba sa langit. Patakbo silang bumaba sa mga bundok at sa mga puno hanggang sa marating nila ang kanilang tahanan. Pinainom kaagad nina Issa at Gabby ng gamot ang kanilang nanay. Nawalang bigla ang bahin ng kanilang nanay. Niyakap ng nanay sina Issa at Gabby dahil sa napawi ng gamot ang kanyang pagbahin, pagbahin at pagbahin.
  19. 17 Sa musika, gumagamit ang mga musikero ng simbolo na tinatawag nilang nota o NOTES upang maipakita ang mataas at mababang tunog. Ang mga notang ito ay nakalagay sa pangkat ng linya na tinatawag na STAFF upang maipakita kung ang nota ay mataas o mababa. Bago mo iguhit ang mga nota ng awiting “Duyan” (See-Saw) sa STAFF, awitin muli natin at pakinggang mabuti ang tunog nito. Kung sa iyong palagay ay mataas ang tunog ng pag-awit, hawakan mo ng dalawang kamay ang iyong ulo. Kung mababa naman ang tunog ng iyong inaawit, hawakan mo ang iyong balikat. Pagguhit ng Mataas at Mababang Tunog Panuto: Ito ay mga halimbawa ng 2-line staff na nagpapakita ng unang phrase ng awiting “See- Saw.” Buuin ang awit sa pamamagitan ng paglalagay ng nota sa 2-line staff. Tingnan ang halimbawa. LINYA 1 LINYA 2 See – saw up and down. LINYA 1 Gawain 4
  20. 18 LINYA 2 In the sky and on the ground. Ilang linyang mataas mayroon sa awiting “See- Saw?”__________ Ilang mababang linya mayroon sa awiting “See- Saw?”__________ III. Pagtatasa Ipakita kung gaano ka kahusay sa mga gawain sa modyul na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (  ) sa kahon. Kasanayan Kayang Gawin Hindi pa kaya 1. Nakapagtutugma ng tonong ibinigay ng guro. 2. Nakasusunod sa mataas at mababang tunog gamit ang voice picture cards Kasanayan Kayang Gawin Hindi pa kaya 3. Nakakikilala ng pagkakaiba ng mataas sa mababang tunog 4. Nakaaawit nang mataas at mababang tunog sa 2-line staff 5. Nakaaawit ng isang maganda at kawili-wiling tunog
  21. 19 Musika 1 - Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong Kuwarter IV. Pagbubuo Natutuhan sa modyul na ito na ang musika ay binubuo ng mataas at mababang tunog. Ang mga tunog na ito ay kinakatawan ng mga simbolo na tinatawag na NOTES ng mga musikero. Isinusulat ng mga musikero ang NOTES sa pangkat ng linya na kung tawagin ay STAFF. Sa pamamagitan nito, naipakikita nila kung ang tunog na nais nilang iparinig ay malakas o mahinang tunog.  Gamit ang 2-line staff, sa aling linya mo iginuhit ang mataas na tono? ang mababang tono?  Nasiyahan ka ba sa mga gawain sa modyul na ito? Kung papipiliin ka sa mga gawain, alin ang nais mong gawin at bakit? I. Awit/ Tugma “Piko-Piko Angking” a. “Are You Sleeping?” b. Pagtataya at Talaan ng Pagkatuto sa Musika
  22. 20 II. Mga Gawain Alam mo ba ang larong “Sawsaw Suka?” Kumuha ng kapareha at laruin ito. Ang susunod na awit ay isang maikling laro mula sa Maguindanao, isang lalawigan sa Mindanao. Ang katumbas nito ay ang ating “Sawsaw Suka. Pag-aralan natin at alamin ang anyo o form ng awit na ito. Piko-Piko Angking Piko-piko angking. Salageta angking. Di kalubayan na tapsing. Guiam - ban, bo-te-te! Panuto: Ang maikli at mahabang mga linya sa ibaba ay kumakatawan sa maikli at mahabang tunog sa awit na “Piko-Piko Angking”. Pag-aralan ang mahaba at maikling tunog na matatagpuan sa bawat phrase ng awit na ito, gumuhit ng mga hugis sa patlang na nagpapakita ng mahaba at maiikling tunog. Makatatanggap ng gantimpala ang sinumang makapagbibigay ng anyo o form ng awit sa hulihan nito. Gawain 1
  23. 21 ________ hugis Pi - ko, pi - ko ang - king _______ hugis Sa - la - ge - ta ang - king. _______ hugis Di ka - lu - ba - yan na tap –sing. ______ hugis Guiam - ban bo - te - te GANTIMPALA: Ano ang anyo o form ng buong awit? ______ ______ ______ ______ Panuto: Ilagay ang nawawalang mataas at mababang tunog ng “Piko-Piko Angking” gamit ang mga hugis para sa mahaba at maikling tunog na ginawa sa unang gawain. Gawin sa inyong kuwaderno. Tingnan ang halimbawa. Pi - ko, pi - ko ang - king Gawain 2
  24. 22 ? ? Sa - la - ge - ta ang - king. ? ? Di ka - lu - ba - yan na tap - sing. ? X X X Guiam - ban bo - te - te! Paalala: Ang huling 3 Xs ay nangangahulugan na ang mga tunog nito’y pabigkas at hindi paawit. Ibig sabihin, walang mataas at mababang tunog dito. Panuto: Sundin ang mga panuto. Magpangkat-pangkat kayo na tig-10. Pumili ng isang awit mula sa listahan: Are You Sleeping? Piko-Piko Angking Pan de Sal Twinkle, Twinkle Little Star Maghanda ng isang awitin na magpapakita ng lahat ng iyong natutuhan sa Pangatlong Kuwarter tulad ng: Gawain 3
  25. 23  Pagkilala at pagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng iba’t ibang bahagi ng isang awit sa pamamagitan ng kilos  Pag-awit ng pitch ng isang awit  Pagkilala sa mataas at mababang tunog  Pagpapakita ng mataas at mababang tunog sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan o galaw ng kamay Ito ay isang panapos na gawain para sa Ikatlong Kuwarter. Pagtataya Pagtataya Nakita May Ipinakitang Pag-unlad 1. Ang anyo o form ng isang awit ay wastong naipakita sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan. 2. Ang himig o melody ay malinaw at nasa tamang pitch sa simula hanggang sa katapusan ng awit. 3. Ang galaw na ginawa ng pangkat ay malinaw na nakapagpakita ng bawat bahagi ng anyo o form, at ng bahaging mataas at mababang tunog ng napiling awit. Gawain 4
  26. 24 Pansariling Pagtataya sa Ikatlong Kuwarter Panuto: Gumuhit ng sa kahon upang ipakita kung gaano mo natutuhan ang mga aralin sa kuwarter na ito. Gawin sa inyong kuwaderno. Pansariling Pagtataya Kayang Gawin Halos Nagaga wa Mga kasanayang pangmusika: 1. Nakakikilala ng magkatulad at magkaibang himig o melody sa pamamagitan ng paggamit ng mga hugis. 2. Nakakikilala at nakapagpapakita ng pagtaas at pagbaba ng himig sa pamamagitan ng pagguhit ng melodic contours sa hangin. 3. Nakagagawa ng kilos na nagpapakita ng mga bahagi o phrase ng isang awit na napakinggan. 4. Nakagagamit ng boses o tinig upang maipakita ang iba’t ibang direksyon ng isang himig. 5. Nakapakikinig at nakasusunod sa mga panuto at tuntunin, wastong pagsisikap, pakikiisa, paggalang, at pagkamamamayan.
  27. 25 Musika 1 - Modyul 13: HImig I. Awit / Tugma a. “BitinBItin 2” – Philipppine Children’s Songs, Spoken Rhymes and Games for Teaching by MiriamFactora b. “Si Nanay at si Tatay” – Creative Music Teaching at the Elementary Level by Miriam Factora c. “Rocky Mountain” – Southern Folk Song II. Mga Gawain Pag-aralan natin ang isa pang laro ng ating mga kapatid mula sa lalawigan ng Sagada. Hanapin ang lokasyon ng Sagada sa mapa ng Pilipinas (Mountain Province) at ang kanilang ikinabubuhay(Pagsasaka at Paghahabi). Banggitin na ang Sagada ay nasa rehiyong kinaroroonan ng tanyag na Banaue Rice Terraces (a UNESCO World Heritage Site). BitinBitin 2 Sagada, Mountain Province Bitinbitin, Si kawali’tsikapat Binting ken salaumat Silat!
  28. 26 Bi - tin, bi -tin Si ka - wa -li’tsika - pat Bin – ting ken sa - la u - mat. Si - lat! Panuto: Ang nasa ibaba ay ilang MATAAS at MABABANG tunog ng awit na “BitinBitin”. Kumpletuhin ang mga parirala sa pamamagitan ng paglalagay ng nawawalang nota. Mula sa mga bundok ng Sagada, maglalakbay naman tayo sa mga bundok ng United States of America. Narito ang isang tanyag na awiting- bayan na tungkol sa kanilang mga bundok mula sa ating mga kapatid na Amerikano. Gawain 1: Mataas at Mababang Puzzle xx
  29. 27 Rocky Mountain AdaptedChildren’s Song Rocky Mountain, Rocky Mountain, Rocky Mountain high. When you’re on that rocky mountain, Look up to the sky. Do, do, do, do, do remember me. Do, do, do, do, do remember me. Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng galaw ng melody kasabay ng lyrics ng awit na “Rocky Mountain”. Ipinakikita sa ibaba ang halimbawa. Gawain 2: Rocky Mountain High Rocky mountain Rocky mountain high When you’re on thatLook up to the sky.
  30. 28 A. B. C. Panuto: Sa ibaba ay nga halimbawa ng pattern na MATAAS at MABABA. Makinig sa guro habang inaawit ang bawat pattern. Isulat ang letra ng pattern na inyong narinig sa patlang. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1.___ 2.___ 3.___ Gawain 3: Mataas, Mababa
  31. 29 E. D. 4.___ 5.___ III. Pagtataya: Ipakita kung kaya mo nang kilalanin at awitin ang MATAAS at MABABANG tunog ng awit sa pamamagitan ng pagkukulay sa bituin ng DILAW- para sa PINAKAMAHUSAY, PULA – para sa mas mahusay at BERDE – para sa Makakaya na. Gawin sa kuwaderno. 1. Awitin ang pitch ng buong awit. 2. Iangkop ang pitch ng isang melodic phrase na narinig. 3. Pakinggan at sabihin kung pataas o pababa ang melody. 4. Hanapin ang MAHABA at MAIKSING TUNOG sa awit nang hindi nagpapatulong sa guro. IV. Sintesis Sa modyul na ito, natutuhan nating gumawa, lumikha, at tumugon sa MATAAS at MABABANG tunog ng isang MELODY.
  32. 30  Ano ang magiging tunog ng isang awit kung sa buong awit ay MATATAAS na tunog lamang ang ginagamit nito?  Ano ang magiging tunog ng isang awit kung sa buong awit ay MABABABANG tunog lamang ang ginagamit?  Kumpletuhin ang pangungusap: Mahalagang pagsamahin ang MATAAS at MABABANG tunog sa isang awit sapagkat __________________________________________ __________________________________________ . I. Awit/ Tugma a.“Are You Sleeping Brother John?” - Nursery Rhyme b. “Row, Row, Row Your Boat”- Nursery Rhyme II. Mga Gawain Ang thickness ng tunog ng Musika ay batay sa bilang ng linya na magkakasabay; samantalang ang thinness ng tunog ng Musika ay batay sa isang linyang musikal. Ang elementong ito ng musika na tumutukoy sa thickness at thinness ng musika ay tinatawag na Texture. Musika 1 - Modyul 14: Tekstura 0 Texture
  33. 31 Pagbalik-aralan natin ang awit na “Are You Sleeping Brother John?” Una, awitin ito nang pangkatan. Pagkatapos, awitin ito nang dalawahan o tatluhang pangkat na bawat pangkat ay magsisimula nang hindi magkasabay ngunit tatapusin ang awit. Hihintayin ng bawat pangkat ang hudyat ng guro kung kailan sisimulan ang awit. Are You Sleeping,Brother John? Are you sleeping? Are you sleeping? Brother John? Brother John? Morning Bells are ringing, Morning bells are ringing Ding-dong, ding.Ding-dong, ding. Ano ang inyong napansin nang umaawit kayo bilang isang pangkat; nang umaawit kayo bilang dalawa o tatlong pangkat na hindi sabay-sabay ang umpisa? Kailan thin ang tunog ng musika? Kailan thick? Panuto: Bilang isang klase, gumawa ng isang payak na Ostinato na binubuo ng Maiksi at Mahabang tunog. Isulat sa inyong kuwaderno ang Ostinato at sanayin ang paulit-ulit na pagpalakpak nito. Pagkatapos, pumili ng Gawain 1: Pakikinig at Pagsasaya
  34. 32 instrumento sa silid-aralan upang gawin ang napiling Ostinato. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ang unang pangkat ang gaganap ng Ostinato. Ang pangalawang pangkat ang gaganap ng kaparehong Ostinato sa isang tiyak na bahagi na kahawig ng sa awit na “Are You Sleeping, Brother John?”. Upang maging higit na kawili-wili ang Ostinato, pumili ng isang particular na galaw ng katawan para sa mga tinig na MAHABA at isa pang galaw ng katawan para sa mga tunog na MAIKSI. Gawin ang mga galaw na ito sa pagsasakilos ng OSTINATO ng inyong pangkat. Napansin ba ninyo ang pagkakaiba sa tunog nang patugtugin ng unang pangkat ang OSTINATO at ang tunog nang idagdag ng ibang pangkat ang kaparehong OSTINATO na sinimulan sa ibang pagkakataon? Anong pagkakaiba ang inyong napansin? Ang tunog ban g musika ay thicker o thinner? Bakit? Kapag may idinagdag na instrumento o tinigt sa isang pattern o melody, sinasabi ng mga musikero na ang tunog ng musika ay nagiging thicker. OSTINATO:
  35. 33 Gayundin naman, kung ang isang pattern o melody ay tinugtog o inawit nang walang kasabay, sinasabi ng mga musikero na ang Texture ng musi9ka ay thin. Panuto: Ang nasa ibaba ay apat na set(A, B, C, D,) na may dalawang larawan bawat isa. Kung ang narinig ninyo ay isang linya ng musika, kulayan lamang ang unang larawan. Ngunit kung ang naririnig ninyo ay dalawa o mahigit pang linya ng musika na pinatutugtog o inaawit, kulayan ang dalawang larawan. Pakinggang mabuti ang mga halimbawa. . Ano ang kailangan mong tandaan upang makilala Textures ng tunog ng Musika? Gawain 2: Hamon sa Pakikinig 1 A B C D 2 1 2 1 2 1 2
  36. 34 Pagtataya Ipakita kung natutuhan ninyo ang aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa isa swa mga kahon sa ibaba. Gawin sa inyong kuwaderno. MGA KASANAYAN Oo Hindi pa 1. Nakaririnig at nakakikilala ng isang linyang musical. 2. Nakapagpapakita ng iba’t ibang textures sa pamamagitan ng mga galaw ng katawan. 3. Nakagagawa ng mga simpleng pattern na gagawin kasama ng ibinigay na apattern sa istilo ng isang bilog. 4. Nakagagawa ng pattern sa istilo ng isang bilog. III. Sintesis Natutuhan natin sa modyul na ito na ang tunog ng Musika ay maaaring Thick depende sa bilang ng linya musika na sabay-sabay na inaawit o tinutugtog. Ang tunog ng musika ay maaaring THIN na may isa lamang linya ng musika. Kumpletuhin ang mga pangungusap sa ibaba. Gawin sa inyong kuwaderno:
  37. 35 Musika 1 - Modyul 15: Balik-aral sa mga Elemento Dapat nating pakinggang mabuti ang ______ musical na nangyayari sa musika, nag-iisa man, o mahigit sa isa na nangyayari nang ____________. Masasabi lamang nating ang Texture ng musika ay _______ o _______ kapag narinig nating mabuti ang musika. I. Awit / Tugma a.Lahat ng awit / tugma na ginamit sa mga nakaraang modyul II. Mga Gawain: ISANG MALAKI AT MASAYANG PAMILYA Panuto: Magbalik-aral sa mga natutuhang awit, laro, at mga gawaing napapaloob sa elemento ng musika. Balik-aralan din ang mga gawain o pagsasanay na ginawa sa bawat modyul. ELEMENT/ ELEMENTO GAWAIN/AWIT DYNAMICS – Lakas at Hina ng Tunog “Ang Susi Nakatago” TEMPO – Bilis ng tugtog (FAST and SLOW) “Leron,Leron, Sinta” Gawain 1
  38. 36 TIMBRE- Mga tunog sa paligid Tinig at kagamitang may tunog “Aso,Aso” FORM- Pagkakatulad at Pagkakaiba ng buong bahagi ng musika. “Kalesa” MELODY – Taas at Baba ng tunog “Piko-Piko Angking”/”Rocky Mountain” “Maliliit na Gagamba” TEXTURE – Kapal at Nipis ng Tugtog “Are You Sleeping Brother John?” RHYTHM – ayos ng tunog at katahimikan sa tamang tiyempo - kumpas at ostinato - mabagal at malakas na kumpas ( 2-time meter, 3-time meter & 4-time meter) “Pan de Sal” “Chimpoy Champoy” “Talbog Pataas , Talbog Pababa”/Pedro Penduko” “Twinkle, Twinkle” “Sawsaw Suka” BALIK-ARAL SA MGA ELEMENTO Panuto: Bilang paghahanda sa ibibigay na panapos na pagsusulit, ang bawat pangkat ay pipili ng isang elemento ng musika na napag- aralan na. Ipapakita ng grupo ang kasanayang napapaloob sa elemento gamit ang modyul na natalakay na. Gawain 2
  39. 37 III. Pagtatasa 1. Sa minsanang pagsubaybay ng guro, ang inyong pangkat ay magsasagawa ng pagsasanay tungkol sa ipapakitang kasanayan at awit ayon sa elemento na natutuhan. Gawing gabay ang modyul. IV.Pagbubuo  Pagkatapos suriin sa modyul ang elemento, awit, laro, at kuwento ng musika, sagutin ang tanong na “Paano naghanda/nagsanay ang inyong pangkat?  Nahirapan ba o nadalian kayo sa ginawa ninyong pagsasanay? Bakit? I. Mga Gawain Panuto: May pitong pangkat – bawat isa ay kumakatawan sa isang ELEMENT ng Musika – DYNAMICS, RHYTHM, MELODY, TEMPO, TIMBRE, FORM, at TEXTURE. Tatawagin ng guro ang bawat pangkat upang magpakita ng kanilang mga talento at ng lahat nilang natutuhan sa kanilang Modyul 16: Ebalwasyon Gawain 1: Magdaraos Kami ng Isang Konsiyerto
  40. 38 partikular na ELEMENT at hihikayatin ang bawat isa na panoorin ang pagpapakita ng bawat pangkat.  Nasiyahan ba kayo sa konsiyerto ng klase? Aling pangkat ang pinakamahusay? Bakit? Panuto: Ipakita kung gaano kahusay isinagawa ng inyong pangkat ang gawain sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa isa sa mga kahon sa ibaba. Gawin sa inyong kuwaderno. Ebalwasyon 2 Katibayan Nahahasa 1. Malinaw ang elementong Musikal mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng awit. 2. Ipinakita ng pangkat ang mga kailangang KASANAYAN na kailangan ng elementong musikal. 3. Ang galaw na pinili ng pangkat ay malinaw na nagpapakita at naglalarawan ng ELEMENT. 4. Ang pagkaganap ay mahusay at puno ng sigla. Gawain 2: Ebalwasyon ng Gawain
  41. 39 Panuto: Ipakita ang inyong natutuhan sa kuwarter na ito sa pamamagitan ng pagguhit ng nakangiting mukha sa kahon na nagsasaad ng inyong kaalaman. Gawin sa inyong kuwaderno. Ebalwasyon ng Sarili Magagawa Makakaya nang gawin 1. Makagagawa at makapagpapakita ng lahat ng kasanayang musika na inaasahan sa akin sa Baitang 1. 2. Magagawa ko nang mahusay ang lahat ng kasanayang musikal na inaasahan sa akin. 3. Nakikinig ako at sinusunod ang mga panuto at tuntunin; nagpapakita ng angkop na pagsisikap tuwina. Nagpapakita ng kooperasyon, pagtitimpi sa sarili, paggalang sa iba at pagkamamamayan. Gawain 3: Ebalwasyon ng Sarili sa Ikaapat na Kuwarter
Anúncio