1. Learners Assessment for Primary Grades
_____________________________________________________________________________________________________________
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
F I L I P I N O R E V I E W E R
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
Ang Asong si Blackie
Matalino ang aking asong si Blackie. Alam ba
ninyo kung bakit? Nauutusan ko siyang kumuha ng kahit na
anong bagay. Kapag itinuro ko sa kanya ang isang bagay,
kinukuha niya iyon at dinadala sa akin. Kapag naghagis ako ng
isang bagay, nauutusan ko siyang kunin yon. Pag kagaling ko sa
eskwelahan, heto na si Blackie, Kagat- kagat ang tsinelas ko at
ininlalapag sa aking harapan. Matalino siya, hindi ba?
1. Ano ang katangian ni Blackie?
A. Mabangis C. Matalino
B. maamo D. masipag
2. Tukuyin ang paksa ng sumusunod na talata.
Nang papunta siya sa eskwelahan, naalala niyang hindi niya
nadala ang kanyang aklat. Subalit malayo na siya sa kanilang
bahay, kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglakad. Pagdating
niya sa palaruan ng eskwelahan, naghihinatay na ang ibang
batang pinangakuan niyang pahihiramin ng bola. Nakalimutan
din niyang dalhin ang bolang ipinangako niya. Dapat sana’y
nagging leksyon na ito sa kanya, ngunit nang tumunog ang
kampana at magpunta na siya sa klase, naiwan naman niya ang
kanyang pangginaw sa palaruan.
A. Tungkol sa pangginaw
B. Tungkol sa batang makakalimutin
C. Tungkol sa bola
D. Tungkol sa aklat
3. Pagsunud-sunurin mga pangyayari.
I. Tinawag siya ng titser.
II. Pinuri ng titser si Mariel dahil sa pagkakasagot niya sa tanong
nito.
III. Nag-aral ng mabuti ng leksyon si Mariel.
IV. Pumasok siya sa klase kinabukasan.
A. III-IV-I-II C. III-IV-II-I
B. IV-I-III-II D. I-II-IV-III
4. Alin ang mainam na pamagat sa pangyayari o kwento?
Malakas ang ulan noong Sabado. Gumawa kaming
magkakaibigan ng silungan. Doon kami nagkwentuhan sa loob
ng silungang iyon. Hindi kami tumatayo sapagkat mababa
lamang ang silungan. Napasarap kami ng kwentuhan. Nalimutan
kung mababa an gaming silungan. Tumayo akong bigla, kaya’t
bumagsak ang silungan.
A. Ang Malakas na Ulan C. Masarap na Kwentuhan
B. Kaming magkakaibigan D. d. Ang Silungan
5. Nagulat si Jose Marie nang may humawak sa likod niya. Ang
pariralang nakasalungguhit ay ______.
A. bunga C. opinyon
B. sanhi D. katotohanan
6. Piliin ang wakas ng pangyayari:
“Sunud-sunod na nagkaroon ng bagyo sa Pilipinas.”
A. Nagkaroon ng magandang bahaghari.
B. Nagkaroon ng paghaba at pagkasira ng pananim sa
iba’t ibang lugar.
C. Nagkagulo ang mga hayop.
D. Gumanda ang kapaligiran.
7. Ipinupunla ang palay sa lupang maputik at matubig.
Ito ay halimbawa ng _____.
A. katotohanan C. bunga
B. opinyon D. sanhi
2. Learners Assessment for Primary Grades
_____________________________________________________________________________________________________________
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
8. Alin sa mga kasarian ng pangngalan ang tumutukoy sa guro?
A. walang kasarian C. pambabae
B. di-tiyak D. panlalaki
9. Ang radio ay __________.
A. walang kasarian C. pambabae
B. di-tiyak D. panlalaki
10. Si Cris, si Wilma, at ako ay may dalang bag. ________ ay papasok na sa
paaralan.
A. Sila B. Kayo C. Kami D. Tayo
11. __________ sa malayo ang kubo.
A. Hayun B. Dito C. Ganyan D. Heto
12. Si Andres Bonifacio ay _________.
A. mabangis C. matapang
B. malabo D. mataas
13. Kung papalarin tayo, ________ tayo ng isang malaking bahay.
A. nakagtatayo C. nagtatayo
B. makapagtatayo D. nakatayo
14. Bibigyan ko ng gantimpla ang matulungin _________ bata.
A. at B. ng C. na D. g
15. “Kailan kayo lilipat ng tirahan?’’
A. Bukas
B. Bukas lilipat.
C. Bukas kami lilipat ng tirahan.
D. Lilipat kami sa Laguna.
16. Anong uri ng pangungusap ito?
‘’Bigyan mo ako ng makakain.”
A. Patanong
B. Padamdam
C. Pasalaysay
D. Pautos
17. Alin sa mga sumusunod ang nasa wastong ayos?
A. brilyante, drama, trumpo, plorera
B. plorera, drama, brilyante, trumpo
C. brilyante, drama, plorera, trumpo
D. drama, brilyante, plorera, trumpo
18. Aling grupo ng mga salita ang nakapaloob sa salitang kailangan?
A. kalian, langgam, alam, kalang
B. kainan, alanganin, alukin
C. ilan, kaing, kaila, laga
D. tangan, nagalit, ikalang
19. Alin ang mga salitang magkasalungat?
A. buhok-suklay C. sakim- mapag-imbot
B. nabighani-naakit D. maliksi-malaki
20. Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
Naghanda ng kiping ang kanilang pamilya noong nagdaang pista.
A. Malaking sanga at dahon
B. Isang pagdiriwang na ginagawa sa Lucban, Quezon
C. Hayop na katulad ng kalabaw na matatagpuan sa kagubatan ng
Mindoro
D. Kakaning gawa mula sa galapong na bigas na iba’t iba ang
hugis
21. Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
Ang yaya ng bata ay masayahin.
A. natuwa C. tao
B. tagapag-alaga D. pagsama
Mahaba na ang aking buhok. Ayaw ko itong ipaputol. Ibig ko
itong humaba nang humaba. Isang araw, isinama ako ng Tatay
sa pupuntahan niya. “ Sandali lamang tayo,” ang sabi pa niya.
Sumama naman ako. Nagulat ako nang makarating kami sa
sinasabi ni Tatay na pupuntahan niya.
3. Learners Assessment for Primary Grades
_____________________________________________________________________________________________________________
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
22. Ano ang wakas ng kwento?
A. Nakarating kami sa simbahan.
B. Nakarating kami sa isang pagupitan ng buhok at doon kami
nagpagupit.
C. Nakarating kami sa opisina ni Tatay at kumain kami roon.
D. Nakarating kami sa paaralan.
23. Pag-aralan ang balangkas. Punan ang nawawala rito.
I. Mga Gamit ng Damo
A. Bilang dekorasyon
B. Bilang pagkain
1. ng tao
2. ng iba’t ibang hayop
II.______________________
A. Lupang walang tanim
B. Bukid
C. Hardin
Piliin ang sagot mula sa mga sumusunod:
A. Mga Lugar na Tinutubuan ng Damo
B. Mga Lugar na Masukal
C. Mga Lupa
D. Mga Uri ng Damo
24. Isa itong aklat o serye ng mga aklat na nagbibigay ng impormasyon
tungkol sa lahat ng sangay ng kaalaman.
A. Diksyunaryo C. Atlas
B. Almanac D. Ensayklopidya
25.Alin sa mga pangungusap ang wasto ang pagkakasulat?
A. Ipinanganak ako noong Ika-12 ng Agosto, 1999.
B. Nagsimba kami noong Linggo?
C. Purihin natin ang Maykapal dahil siya ang lumikha sa atin.
D. Maari ba tayong magdasal.
26. Ito ay bahagi ng liham kung saan nakasulat ang pagbati sa taong
pinadalhan ng sulat.
A. Bating Panimula B. Bating Pangwakas
c. Katawan ng Liham d. Pamuhatan
27. Piliin ang tamang salawikain para sa sumusunod:
Ang batang si Gabriel ay masipag mag-aral. Siya ay
palabasa at mahilig sa mga aklat. Iminulat siya ng kanyang
inang guro na mahalin ang mga aklat. Sa kanyang paglaki, nais
din ni Gabriel na maging isang guro tulad ng kanyang ina.
A. Kapag may itinanim, may aanihin.
B. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.
C. Kapag may tiyaga, may nilaga.
D. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
28. Piliin ang pangunahing paksa sa talata.
Binibihisan niya ito at inaalisan ng damit. Pinaliliguan niya ito’t
sinusuklay na parang bata. Lagi niya itong dala-dala sa paglalaro.
Kapag naglaro sila ng ibang bata, kunwari ay kalaro rin nila ang
manika.
A.mahilig akong maglaro ng manika.
B. Ang sanggol ay maliit pa.
C. pinakagustong laruan ng isang batang babae ang manika.
D. Pinakagustong laruan ng isang batang lalaki ang robot.
29. Sa isang liham-pangkaibigan, alin ang tamang pagsulat sa bating
panimula?
A. Mahal kong kaibigan. C. Mahal Kong kaibigan
B. Mahal kong Kaibigan, D. Mahal kong Kaibigan:
30. Ito ay isang aklat na mapagkukunan ng kahulugan ng mga salita.
A. Ensayklopidya C. Almanac
B. Atlas D. Diksyunaryo
31. Ipinatawag ng inyong punungguro ang iyong gurong si Bb.
Brasas, kaya nang dumating ang kanyang kapatid ay hindi siya
dinatnan nito sa silid-aralan. Ano ang sasabihin mo?
A. Magkikita po kayo mamaya.
B. Wala po rito si Bb. Brasas.
C. Saka nap o kayo bumalik.
D. Maghintay lamang po kayo sandal. Maupo po muna kayo.
4. Learners Assessment for Primary Grades
_____________________________________________________________________________________________________________
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
32. “Tao po! Tao po!” Sumilip ka sa inyong bintana. Nakita mong
tumatawag ang isang babaeng hindi mo kilala. Ano ang iyong
gagawin at sasabihin?
A. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong “Sino po ang
kailangan ninyo?”
B. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong “Bakit po?”
C. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong “Wala pong tao rito.”
D. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong “ Bukas nap po kayo
bumalik.”
33. May sinisipi kayong talata sa pisara. Ang iba sa iyong mga kaklase ay
nakatayo. Hindi mo tuloy Makita ang iyong kinokopya. Ano ang
sasabihin mo sa kanila?
A. “Sana naman ay huwag kayong magsitayo.”
B. “Upo! Upo na naman kayo at hindi pa kami tapos sa aming
kinokopya.”
C. “Isusumbong ko kayo sa ating guro!”
D. “Maaari ba kayong magsiupo? Hindi kasi naming makita ang
nakasulat sa pisara.’’
34. Anong katangian ang taglay ng tauhang nagsasabi ng sumusunod?
“Ay! Bakit umuuga ang bahay?...Bakit?....”
A. mainisin C. nerbyosa
B. mausisa D. matapobre
35.” Huwag kang magbilad sa araw. Magkakasakit ka na naman. Doon ka
sa lilim ng punong iyon.”
A. mapagtiis C. maalalahanin
B. mapagkawanggawa D.madasalin
36.-40. Basahin at unawaing mabuti ang talataan sa ibaba. Sagutin
pagkatapos ang mga tanong na kasunod.
Ang Buni
Ang buni ay isang uri ng sakit sa balat. Ito ay nakahahawa.
Ang buni ay sanhi ng organismong kauri ng amag. Maliliit at kumpol-
kumpol na butlig ito kung lumalabas sa balat.Kailangang agapan at
gamutin ito agad dahil talagang mabilis itong kumalat.
Maiiwasan ang buni kung pananatilihin ang kalinisan sa katawan.
Kailiangan ding maging malinis palagi ang twalya, damit, at iba pang personal na
gamit.
Sa ngayon ay din a gaanong suliranin ang pagkakaroon ng buni. Marami
nang makabagong gamut na pamahid dito.
36. Paano kung lumitaw sa balat ang buni?
A. Magaspang at bukol-bukol
B. Kumpol-kumpol ang maliliit na butlig
C. Tila mga butlig na may lamang tubig
D. Hiwa-hiwalay ang maliliit na butlig
37.Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng buni?
A. Palaging magpupunas ng malinis na twalya.
B. Magbihis ng bagong damit.
C. Panatilihin ang kalinisan sa katawan.
D. Magsepilyo ng ngipin araw-araw.
38. Bakit nakakatakot madikit o mapalapit sa taong may buni? Dahil ito
ay _______.
A. makati
B. masakit
C. nakapagpapasungit sa mahahawa
D. nakahahawa
39. Bakit kailangang magamot kaagad ang buni? Dahil ito ay ____________.
A. medaling kumalat at makahawa
B. makati
C. mahirap pigilin
D. nakaiinis
40. Bakit ngayon ay hindi na gaanong problema ang sakit na ito?
A. Marami nang mga makabagong gamut na pamahid na mabibili
ngayon.
B. Magagaling ang mga doctor ngayon.
5. Learners Assessment for Primary Grades
_____________________________________________________________________________________________________________
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
C. Marami nang ospital ngayon.
D. Malinis na ang tubig.
41.-43. Piliin ang angkop na pananda ng tiyak na pangalan ng tao.
41. Nawawala ang payong ________ Jennica.
A. ni B. si C. sina D. nina
42. _______ Vicente ang tulang iyon.
A. Si B. Ang C. Ni D. Kay
43. Nagpunta _____ Mark at Marjorie sa kantina.
A. si B. Sina C. ni D. nina
44. Ang ______ ay tawag ng paggalang sa babaeng may asawa.
A. Ginang B. Ginoo C. Binibini D. Mister
45. Ang ______ ay tawag ng paggalang sa isang lalaki, may asawa
man o wala.
A. Ginang B. Gino C. Misis D. Binibini