Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Anúncio
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
Próximos SlideShares
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
Carregando em ... 3
1 de 177
Anúncio

Mais conteúdo relacionado

Apresentações para você(20)

Anúncio

Mais de LiGhT ArOhL(20)

Anúncio

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)

  1. Kagamitan ng Mag-aaral (Quarters 3 & 4) Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 1 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/ Paaralan: ________________________________________ Dibisyon: ________________________________________________ Unang Taon ng Paggamit:_________________________________ Pinagkunan ng Pondo (pati taon):__________________________
  2. ii Math-Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog (Quarters 3 & 4) Unang Edisyon, 2012 ISBN: TAGALOG Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Inilimbag sa Pilipinas ng ____________ Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2 nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054, 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Convenor: Ian June Garces, PhD. Consultant at Koordinator: Soledad A. Ulep, PhD. Mga Manunulat: Soledad A. Ulep, PhD., Lydia M. Landrito, Edna G. Callanta, Allan M. Canonigo, Dana M. Ong, Guillermo P. Bautista, Jr., Erlina R. Ronda, Teresita R. Mañalac, Gladys Nivera, at Shirley Remoto Mga Kontribyutor: Avelina Salvador, Remylinda Soriano, Maricar D. Agao, Maricar Alamon, Emerenciana T. Angeles, Felipa Bassig, Nely Baylon, Ofelia Chingcuanco, Irene R. Chua, John Antonio Daganta, Mary Jean dela Cruz, Robecil O. Endozo, Rosalinda Formeloza, Lourdes Hulipas, Juvylennie Nardo, Michelle S. Silva, at Ma. Corazon Silvestre Mga Tagasuri ng Nilalaman: Soledad A. Ulep, PhD., Lydia M. Landrito, Edna G. Callanta, at Rogelio O. Doñes, PhD. Mga Tagasuri ng Wika: Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Elvira E. Seguerra, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Erich D. Garcia, Eric C. de Guia, Fermin M. Fabella, Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong, Jayson R. Gaduena, Lemuel P. Valle, Jr., Bienvenido E. Saldua, at Jayson O. Villena Mga Naglayout: Aro R. Rara, John Rey T. Roco, Ma.Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. Lee
  3. iii TALAAN NG MGA NILALAMAN Yunit 3 Pagbabawas ng Isahang Bilang na May Minuend Hanggang 18 …………………….. 1 Pagbabawas ng 1-2 Bilang Hanggang 99 nang Walang Pagpapangkat …………….. 6 Pagbabawas ng Bilang na May Pangkatan sa Pinahabang Pamamaraan o Expanded Form …………………………………………….. 14 Pagbabawas ng Isahan-Dalawahang Bilang Hanggang 99 na May Pagpapangkat …. 19 Pagkukuwenta sa Isip ng Pagbabawas ng Isahang Bilang mula sa Minuends na Hanggang 18 ..……………………………………. 27 Pagkukuwenta sa Isip ng Pagbabawas ng Isahang Bilang mula sa ?Minuend Hanggang 99 ………………………………….. 32 Paglutas ng Suliranin na Ginagamitan ng Pagbabawas .………………………………… 37 Kalahati ng isang buo ………………………….. 41 Sangkapat ng isang buo ………………………. 46 Kalahati ng Isang Set …………………………… 51 Sangkapat ¼ ng isang Set …………………….. 60 Hugis ng mga bagay …………………………… 72 Pagguhit ng Hugis ………………………………. 75 Three-Dimensional Objects ……………………… 79 Pagbuo ng mga Salitang Hugis ……………….. 83 Bilang at Katangian ng mga Patterns ……….. 90
  4. iv Yunit 4 Paggamit ng kalendaryo-Mga araw sa isang lingo ………………………………………………… 98 Paggamit ng Kalendaryo-Mga Buwan sa Isang Taon ………………………………………………….. 103 Paggamit ng Kalendaryo-Petsa ng Buwan .... 108 Paggamit ng Araw-Pagsasabi at Pagsusulat ng Oras …………………………………………….. 113 Paghahambingin ng Bagay ang Salitang Maikli, Mas Maikli, Pinakamaikli at Mahaba, Mas Mahaba, Pinaka Mahaba ………………… 125 Paghahambingin ng Taas Gamit ang Salitang Matangkad, Mas Matangkad, Pinakamatangkad at Mataas, Mas Mataas, Pinakamataas ………………………………….… 132 Paghahambing ang mga bagay Gamit ang Magaan, Mas Magaan, Pinakamagaan at Mabigat, Mas Mabigat, Pinakamabigat ……… 142 Pagsukat na Haba gamit ang mga Walang Batayang Yunit …………………………………….. 148 Pagtantiya at Pagsukat ng Laki/Timbang/Bigat Gamit ang Walang Batayang Yunit …………………………………… 156 Pagtantiya ng Kapasidad/Laman Gamit ang Walang Batayang Yunit …………………………. 156 Pagkilala ng Datos Gamit ang Pictograph …. 160 Ugnayang Sanhi at Bunga ………………………. 165 Alamin at Itala ang kinalabasan ng Pagsubok at Pakikipagsapalarang Laro ………………….. 170
  5. 1 YUNIT 3: Pagbabawas ng Isahang Bilang na May Minuend Hanggang 18 Pampasiglang Gawain: 9 na holen bawasan ng 4. 9 – 4 = 5. Kaya, 5 holen ang natira kay Ben. 9 – 4 ay maaring basahin ng 9 bawasan ng 4 ay 5 9 – 4 = 5 Natira o Difference Minuend Subtrahend Pansinin na ang 5 + 4 = 9 sapagkat ang pagdaragdag ay kabaligtaran ng pagbabawas. Si Ben ay may 9 na holen. Ibinigay niya ang 4 sa kanyang kaibigan. Ilang holen ang natira sa kaya.
  6. 2 Pagsasanay 1 Pag-aralan ang set ng mga larawan. Piliin ang wastong pamilang na pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. 2. 3. Kung magbabawas ng isahang bilang na may minuend hanggang 18, ipakita ang detalye ng pagbabawas sa pamamagitan ng pagdrowing ng parehong dami ng bagay. alisin ang mga bagay na itinuturing na subtrahend sa pamamagitan ng paglalagay ng ekis . bilangin ang mga bagay na walang ekis. Natira o Difference ang tawag dito. a. 7 + 2 = 9 b. 7 - 5 = 2 c. 5 + 2 = 7 a. 9 – 6 = 3 b. 9– 3 = 6 c. 6 + 3 = 9 a. 12 – 8 = 4 b. 12 - 4 = 8 c. 8 + 4 = 12
  7. 3 4. 5. Pagsasanay 2 Isulat ang pamilang na pangungusap para sa sumusunod na set ng bagay. Halimbawa: 11 - 5 = 6 1. ______________________ 2. _______________________ a. 16 – 5 = 11 b. 16 – 11 = 5 c. 10 + 6 = 16 a. 12 + 6 = 18 b. 18 – 12 = 6 c. 18 – 6 = 12 18
  8. 4 3. _______________________ 4. _______________________ 5. _______________________ Pagsasanay 3 Gumuhit ng anumang set ng bagay upang ipakita ang bawat pangungusap na pamilang na pagbabawas. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. 9 - 7 = 2. 14 – 3 =
  9. 5 3. 16 – 5 = 4. 17 – 8 = 5. 18 – 9 = Gawaing-bahay Magdrowing ng anumang set ng bagay na nagpapakita ng pagbabawas. Isulat ang angkop na pagbabawas na pamilang na pangungusap. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
  10. 6 Pagbabawas ng 1-2 Bilang Hanggang 99 nang Walang Pagpapangkat Pampasiglang Gawain May 25 lobo ang tindera. Nakabenta siya ng 12 lobo. Ilang lobo ang natira?
  11. 7 Ang suliranin ay maaaring lutasin sa iba’t ibang paraan. Paglutas 1: Paggamit ng “Hundred Chart” 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 1. Hanapin ang minuend sa “Hundred Chart”. 2. Simula sa minuend, bumilang pabalik na ang katumbas ng dami ng subtrahend . 3. Kulayan ang simbolo o numero na iyong binilang . Kaya, 13 lobo ang natira sa tindera.
  12. 8 Paglutas 2: Gamit ang Sampuan (Longs)at Isahan (Unit) Maaari nating mapaikli ang mga pamaraan ng pagbabawas ng dalawahang bilang mula sa dalawahang bilang nang walang pagpapangkat gaya ng: Isulat ang subtrahend sa ibaba ng minuend. Tiyaking magkakatapat ang mga bilang. Bawasin ang isahang bilang na subtrahend mula sa isahang bilang na minuend. Ihanay rin ito sa tapat ng isahang bilang. Bawasin ang sampuang bilang ng subtrahend mula sa sampuang bilang ng minuend. Isulat ang sagot sa ibaba ng linya. Ihanay rin ito sa tapat ng sampuang bilang. 25 - 12 13 Ginagamit natin ang 2 sampuan at 5 isahan upang ipakita ang 25. Nilalagyan natin ng ekis ang 1 sampuan at 2 isahan upang ipakita ang 12, ang bilang na ibinawas sa 25. Ang 1 sampuan at 3 isahan na walang ekis (Х) ang nagpapakita ng sagot na 13. Kaya, 25 -12 = 13.
  13. 9 Pagsasanay 1 Gamitin ang “Hundred Chart” upang makita ang sagot sa sumusunod na pamilang na pangungusap na pagbabawas. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. Maaaring gamitin ang sariling ”Hundred Chart” 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 1. 26 – 23 = ___________ 6. 77 – 12 = ___________ 2. 59 - 35 = ___________ 7. 79 - 55 = ___________ 3. 68 – 44 = ___________ 8. 98 – 83 = ___________ 4. 75 – 42 = ___________ 9. 96 – 54 = ___________ 5. 78 – 46 = ___________ 10. 99 – 47 = ___________
  14. 10 Pagsasanay 2 Gamitin ang sampuan (longs) at isahan (unit) upang ipakita ang sumusunod na pamilang na pangungusap na pagbabawas. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. 26 - 13 = _______ 2. 38 - 27 = _______ 3. 35 - 22 = _______ 4. 48 - 35 = _______ 5. 58 - 47 = _______
  15. 11 Pagsasanay 3 Hanapin ang sagot o difference nang hindi gumagamit ng sampuan (longs) at isahan( unit) o ”Hundred Chart”. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. 25 – 4 = _____ 11. 85 – 63 = _____ 2. 28 – 5 = _____ 12. 86 – 55 = _____ 3. 39 – 8 = _____ 13. 87 – 32 = ____ 4. 48 – 7 = ______ 14. 89 – 63 = _____ 5. 48 – 16 = ______ 15. 96 – 54 = _____ 6. 56 – 11 = ______ 16. 97 – 45 = ______ 7. 66 – 23 = ______ 17. 96 – 67 = ______ 8. 75 – 32 = ______ 18. 98 – 73 = ______ 9. 73 – 41 = ______ 19. 99 – 57 = ______ 10. 76 – 44 = ______ 20. 99 – 82 = ______
  16. 12 Gawaing-bahay Basahing mabuti ang sumusunod na suliranin. Isulat ang pamilang na pangungusap at sagot sa papel. 1. Bumasa si Mel ng 68 pahina ng isang aklat. Bumasa rin si Joel ng 36 na pahina ng kaparehong aklat. Ilang pahina ang kalamangan ng binasa ni Mel kay kay Joel? Pamilang na Pangungusap: ___________________ Paglutas: 2. Si Bb. Cruz ay may 68 papel na may kulay. Ibinigay niya sa kanyang mag-aaral ang 45 pa- ra sa kanilang gawain sa sining. Ilang papel na may kulay ang natira sa kanya? Pamilang na Pangungusap: ___________________ Paglutas: 3. May 58 holen si Ricky. Ibinigay niya ang 25 holen sa kanyang mga kaibigan. Ilang holen ang natira sa kanya? Pamilang na pangungusap: ___________________ Paglutas:
  17. 13 4. May 57 kendi si Hanesa. Si Loraine naman ay may 43. Ilang kendi ang lamang ni Hanesa kay Loraine? Pamilang na Pangungusap: ___________________ Paglutas: 5. Nangangailangan ng 32 dosenang rosas si Aling Alice para sa pagdiriwang ng kanilang pista. Binigyan siya ng kanyang anak na lalake ng 21 dosenang rosas. Ilan pang dosenang rosas ang kailangan niya? Pamilang na Pangungusap: ___________________ Paglutas:
  18. 14 Pagbabawas ng Bilang na May Pangkatan sa Pinahabang Pamamaraan o Expanded Form Pampasiglang Gawain Paglutas 1: Gamit ang Sampuan( Longs) at Isahan( Units) Sa bilang na 54 gamit ang sampuan (longs) at isahan(unit) hindi maaaring ibawas ang 8 isahan sa 4 na isahan kaya magpapangkat tayo, papalitan natin ang 1 sampuan ng 10 isahan, mayroon na tayong 4 na sampuan at 14 na isahan. May 28 babae sa Baitang 1- Camia. May 54 na mag-aaral sa klase? Ilan ang lalaki?
  19. 15 Ang sampuan at isahan na walang ekis ang bilang ng lalaki. Ito ay 2 sampuan at 6 na isahan na ibig sabihin ay 26. Kaya, may 26 na lalaki sa klase. Ang pamamaraan ay nagpapakita sa atin na 54 – 28=26. Subalit, ang paggamit ng pamamaraaan na sampuan at isahan ay sadyang matagal at nakapapagod, kaya gagamitin natin ang pinahabang pamamaraan. Paglutas 2: Gamit ang Pinahabang Pamamaraan o Expanded Form 50 + 4 20 + 8 20 + 6 Pansinin na 20 + 6 = 26. Kaya, may 26 na lalaki sa klase. Sa pagbabawas ng dalawahang bilang na may pagpapangkat sa pinahabang pamamaraan o ex- panded form : 1. Ipahayag ang minuend at subtrahend. 2. Kunin ang 1 sampuan mula sa minuend. 40 14 regroup
  20. 16 3. Pangkatin sa pamamagitan ng pagpapalit ng 1 sampuan sa 10 isahan. 4. Bawasin ang bilang na nasa isahan pagkatapos, ang bilang naman sa sampuan. 5. Pagsamahin ang kinalabasang bilang upang makuha ang sagot. Pagsasanay 1 Gamitin ang sampuan at isahan upang makita ang bawat sagot. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. 25 – 18 = _______ 2. 32 – 26 = _______ 3. 44- 35 = _______ 4. 51 - 37 = _______ 5. 67 - 29 = _______
  21. 17 Pagsasanay 2 Gamitin ang pinahabang pamamaraan ng bilang upang masagot ang sumusunod. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 2. 61 - 47 = 2. 72 - 59 = 3. 53 - 24 = 4. 84 - 66 = 5. 91 - 35 =
  22. 18 Gawaing-bahay Lutasin ang sumusunod na suliranin sa iba’t ibang paraan. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. May 34 na kahon ng tsokolate si Ken. Ibinigay niya ang 16 na kahon sa kanyang nanay. Ilang kahon ng tsokolate ang natira kay Ken? 2. Si Minda ay may 46 na popsicle sticks at 29 naman ang kay Maricar. Ilan ang lamang ng pop- sicle sticks ni Minda kay Maricar? 3. Namitas ng 42 mangga si Lito samantalang 28 naman ang napitas ni Marlyn. Ilan ang lamang ng manggang pinitas ni Lito sa pinitas ni Marlyn? 4. May 85 pahinang aklat si Ruth. Nabasa na niya ang 48 pahina. Ilang pahina pa ang kailangang basahin ni Ruth? 5. Umorder si Dita ng 90 kilo ng arina sa isang tindahan. Kaninang umaga, 68 kilo ang nadala na sa kanya. Ilang kilo pa ang kailangang ihatid sa kanya?
  23. 19 Pagbabawas ng Isahan-Dalawahang Bilang Hanggang 99 na May Pagpapangkat Pampasiglang Gawain May 65 pirasong balut ang magtitinda. Naibenta niya ang 38. Ilang piraso pa ng balut ang kailangan niyang ibenta?
  24. 20 Paglutas 1: Paggamit ng Pakitang-larawan Magdrowing ng 65 balut. Lagyan ng ekis ang 38 balut. Ang bilang ng balut na walang ekis ay 27. Ito ang bilang ng balut na kailangang ibenta ng magtitinda. Paglutas 2: Paggamit ng Sampuan at Isahan Ipakita ang 65 sa pamamagitan ng 6 na sampuan at 5 isahan. Sa ipinakita na 65 gamit ang sampuan at isahan , hindi maaaring ibawas ang 8 sampuan sa 5 isahan. Kaya, ang 1 sampuan ay ipapalit sa 10 isahan na ang kabuuan ay 15 isahan. Kaya naman,maari nang ibawas ang 3 sampuan at 8 isahan o 38.
  25. 21 Ang sampuan at isahan na walang ekis ang bilang ng balut na kinakailangan pang ibenta ng magtitinda. Ito ang dalawang sampuan at 7 isahan. Kaya, may 27 balut na kailangan pang ibenta ng magbabalut. Paglutas 3: Paggamit ng Pinahabang Pamamaraan o Expanded Form Ipinakikita natin ang 65 at 38 sa pinahabang pamamaraan o expanded form. Magiging ganito: 60 + 5 - 30 + 8 20 + 7 Pansinin na 20+7 = 27. Kaya may 27 balut pa ang dapat ibenta ng magbabalut. 50 15
  26. 22 Paglutas 4: Paggamit ng Algorithm Pansinin na ang 3 paraan ng paglutas ay maaaring ipakita sa kaparehong pamilang na pangungusap. Ito ay, 65 – 38 = 27 6 5 3 8 2 7 Kabuuan: Sa pagbabawas na may pagpapangkat ng mga bilang na may minuends na hanggang 99 sinusunod natin ang mga hakbang na ito: Halimbawa: Hanapin 83 29. Isulat ang pagbabawas na pamilang na parirala nang pahay. Pangkatin ang minuend. Magbawas mula sa isahan. Kaya, 83 – 29 = 54. 5 1 83 - 29 8 3 - 2 9 1 7 8 3 2 9 5 4 1 7
  27. 23 Pagsasanay 1 Magdrowing ng set ng bagay na nagpapakita ng pagbabawas sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa papel. 1. 22 – 16 = ________ 2. 24 – 17 = ________ 3. 31 – 18 = ________ 4. 33 – 24 = ________ 5. 40 – 29 = ________
  28. 24 Pagsasanay 2 Hanapin ang sagot gamit ang pinahabang pamamaraan o expanded form. Isulat ang tamang sagot sa papel. 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10. 22 16 53 25 35 27 61 49 45 18 77 58 42 24 83 69 52 35 94 56
  29. 25 Pagsasanay 3 Hanapin ang sagot gamit ang algorithm. Isulat ang sagot sa isang papel. 1. 25 - 19 = 2. 35 - 27 = 3. 43 - 24 = 4. 51 - 23 = 5. 54 - 38 = 6. 64 - 35 = 7. 76 - 39 = 8. 82 - 65 = 9. 96 - 47 = 10. 98 - 89 =
  30. 26 Gawaing-bahay Lutasin ang sumusunod na suliranin. Ipakita kung paano mo nakuha ang sagot. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. May 46 na selyo si Rose sa kanyang album. Ibinigay niya ang 29 sa kaibigan niyang si Anne. Ilang selyo ang natira kay Rose? 2. Naghain si Lola ng 72 biskuwit sa mga panauhin. May natirang 38 biskuwit. Ilang biskuwit ang nakain? 3. May 84 na bata sa Baitang I - Rosal. Ang lalaki ay 45. Ilan ang babae? 4. May 65 balot ng kendi si Jennifer. Samantalang 81 balot naman ang kay Florence. Ilang balot ng kendi ang lamang ni Florence kay Jennifer? 5. Kailangan ni Sam na bumili ng 92 hamburgers para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Nangako na magbibigay ng 59 na hamburgers ang kanyang kaibigan na si Jenia. Ilang hamburger pa ang kailangang bilhin ni Sam para sa kanyang kaarawan?
  31. 27 Pagkukuwenta sa Isip ng Pagbabawas ng Isahang Bilang mula sa Minuends na Hanggang 18 Pampasiglang Gawain Paglutas 1: Paggamit ng algorithm Samakatuwid, 12 prutas ang natira sa basket. 18 - 6 12 Si Ian ay may 18 prutas sa basket. Kinuha niya ang 6 na prutas mula sa basket at ibinigay ito sa kanyang nanay. Ilan ang natirang prutas sa basket? 8 – 6 = 2 Pagkatapos ilagay ang 1 sa unahan ng 2 at basahin ito bilang 12.
  32. 28 Paglutas 2: Pagbabawas ng bahagi Kaya, 18 – 6 = 12. Samakatuwid, 12 prutas ang natira sa basket. Paglutas 3: Pag-uugnay sa Sampu Kaya, 18 – 6 = 12. Samakatuwid, 12 prutas ang natira sa basket. 18 - 6 18 - 6 8 – 6 = 2 10 + 2 = 12 10 – 6 = 4 8 + 4 = 12 Gamit ang isip, bawasin ang isahang bilang ng subtrahend mula sa isahang bilang ng minuend. Pagkatapos, idagdag ang difference sa sampu. Gamit ang isip, tanggalin ang isahang bilang ng minuend upang maging 10. Sunod, bawasin ang subtrahend mula sa 10. Pagkatapos idagdag ang isahang bilang ng minuend sa natira o difference.
  33. 29 Pagsasanay 1 Tulungan natin ang tsuper upang marating niya ang dulo ng linya sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod gamit ang isip : 15 – 3 = ___ 16 – 5 = ___ 17 – 5 = ___ 18 – 6 = ___ 14 – 1 = ___ S T A R T FINISH
  34. 30 Pagsasanay 2 Tulungan natin ang kuneho na maubos ang carrot sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa papel. 18 – 7 = ___ 19 – 6 = ___ 13 – 1 = ___ 14 – 3 = ___ 15 – 2 = ___ 16 – 4 = ___ 17 – 5 = ___
  35. 31 Gawaing-bahay Tulungan natin si Kiko na pitasin ang mga bayabas sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod. Isulat ang sagot sa isang papel. 13 - 2 . 15 - 1 . 16 - 5 . 18 - 6 . 19 - 7 . 17 - 4 .
  36. 32 Pagkukuwenta sa Isip ng Pagbabawas ng Isahang Bilang mula sa ?Minuend Hanggang 99 Pampasiglang Gawain Bumili ng 37 bayabas si Marie sa palengke. Sa kanyang pag-uwi, nasalubong niya ang kanyang kaibigan. Ibinigay niya ang 6 na bayabas sa kanyang kaibigan. Ilang bayabas ang natira sa kanya?
  37. 33 Paglutas 1: Kaya, 37 – 6 = 31, 31 bayabas ang natira. Paglutas 2: Kaya, 37 – 6 = 31, 31 na bayabas ang natira. Gamit ang isip, ipakita ang minuend sa pinahabang pamamaraan. Ibawas ang subtrahend mula sa mas mababang addend ng pinahabang pamamaraan. Idagdag ang kalabasan sa mas mababang addend ng pinahabang pamamaraan. Ang kabuuan o sum ang sagot. 37 - 6 31 37 - 6 31 Gamit ang isip, ipakita ang minuend sa pinahabang pamamaraan. Pagkatapos, tanggalin ang 10 sa mas mataas na addend ng pinahabang pamamaraan. Ibawas ang subtrahend sa 10. Idagdag ang kinalabasang ito sa mas mababang addend ng pinahabang pamamaraan. Pagkatapos, pagsamahin ang sagot sa nakuhang bilang nang ibawas ang 10 sa mas mataas na addend. Ang kabuuan o sum ang sagot. Add this result to the smaller addend of the expanded form. Finally, add the result to the 37 = 30 + 7 7 - 6 = 1 1 + 30 = 31 37 = 30 + 7 30 – 10 = 20 10 – 6 = 4 4 + 7 = 11 11 + 20 = 31
  38. 34 Pagsasanay 1 Tulungan natin ang batang lalaki upang mabilis siyang makarating sa itaas. Sagutin ang sumusunod gamit ang isip. 98 – 8 = ___ 79 – 7 = ___ 68 – 5 = ___ 59 – 6 = ___ 47 – 4 = ___ 36 – 3 = ___ 24 – 2 = ___
  39. 35 Pagsasanay 2 Tulungan natin ang batang babae na pitasin ang lahat ng bulaklak sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod gamit ang isip. 36 – 3 = ___ 27 – 6 = ___ 59 – 6 = ___ 68 – 5 = ___ 99 – 7 = ___ 83 – 2 = ___ 48 – 5 = ___
  40. 36 Gawaing-bahay Ano ang ginagawa mo kapag ikaw ay nagbabawas ng bilang? Sagutin ang sumusunod. Isulat sa kahon sa ibaba ang letrang makikita sa bawat bintana na tutugma sa iyong sagot. Isulat sa inyong kuwaderno ang inyong sagot. 29 – 3 = ___ A 37 – 5 = ___ E 39 – 6 = ___ A 45 – 4 = ___ E 56 – 2 = ___ K 77 – 6 = ___ T 89 – 9 = ___ w 98 – 7 = ___ Y 80 41 71 26 54 32 33 80 27 91
  41. 37 Paglutas ng Suliranin na Ginagamitan ng Pagbabawas Pampasiglang Gawain Namitas si Elvira ng 37 kamatis? Inilagay niya ang 16 na kamatis sa basket. Ilang kamatis ang wala sa basket?
  42. 38 Paglutas 1: Paggamit ng Drowing Gumuhit ng 37 kamatis at lagyan ng ekis ang 16. Ang bilang ng kamatis na walang ekis ay 21. Kaya, 21 kamatis ang wala sa basket. Paglutas 2: Paggamit ng Algorithm na Pagbabawas Kaya, 21 kamatis ang wala sa basket Paglutas 3: Paggamit ng Pinahabang Pamamaraan o Expanded Form 30 - 10 = 20 7 - 6 = 1 20 + 1 = 21 Kaya, 21 Kamatis ang wala sa basket 37 - 16 21 30 + 7 10 + 6 Unahing ibawas ang nasa isahang bilang at isulat ang sagot sa ibaba. Pagkatapos,ibawas ang nasa sampuang bilang at isulat ang sagot sa ilalim ng guhit.
  43. 39 Tandaan: Sa paglutas ng suliranin, sinusunod natin ang mga hakbang na ito. Hakbang 1: Basahin at unawain ang suliranin. Upang maunawaan ang suliranin, tandaan ang ibinigay na detalye at kung ano ang suliraning itinatanong. Hakbang 2: Pag-isipan kung paano lulutasin ang suliranin. Maaaring gumamit ng drowing, sumulat ng pamilang na pangungusap, magdula-dulaan o magsagawa ng iba pang paraan. Hakbang 3: Isagawa ang naisip na paraan. Gawin ang paraang sa palagay mo ay siyang pinakaangkop. Hakbang 4: Patunayan ang sagot. Tiyakin kung ang sagot ay makatuwiran o makabuluhan. Pagsasanay 1 Sagutin ang mga suliranin gamit ang iba’t ibang paraan. Isulat sa inyong kuwaderno kung paano ang paglutas. 1. May 45 kandila si Riza. Ang kay Ruth ay 24. Ilan ang kalamangan ng kandila ni Riza sa kandila ni Ruth? 2. Bumili ng 42 itlog ang nanay. bPagkatapos niyang gumawa ng biskuwit, may 13 na natira. Ilang itlog ang ginamit ng nanay sa paggawa ng biskuwit?
  44. 40 3. Kumita ng 55 piso si Lea sa pagtitinda ng pandesal noong nakaraang linggo. Gusto niyang makabili ng krayola na may halagang 64 piso. Magkano pa ang perang kailangan niya para makabili ng krayola? 3. Pumunta sa palengke si Rowena at bumili ng 75 pirasong popsicle stick para sa kanyang proyekto. Nang bilangin nya ang popsicle stick, nakita niyang 23 dito ang sira. Ilang popsicle stick ang hindi sira? Gawaing-bahay Sagutin ang suliranin gamit ang iba’t ibang paraan. Isulat sa inyong kuwaderno kung paano ang paglutas. 1. Nag-uwi ng 26 na bayabas si Rebecca at 67 naman ang iniuwi ni Tino. Binigyan nila ng 28 bayabas ang kanilang nanay. Ilang bayabas ang natira sa kanilang dalawa? 2. May 25 piso si Kris. Gusto niyang bumili ng bagong lalagyan ng lapis na nagkakahalaga ng 98 piso. Binigyan siya ng 30 piso ng kanyang nanay at sinabing humingi siya ng karagdagan sa kanyang tatay. Magkano ang hihingin ni Kris sa kanyang tatay para makabili siya ng bagong lalagyan ng lapis.
  45. 41 Kalahati ng isang buo Pampasiglang Gawain Si Karen ay may isang piraso ng kuwadradong papel, nais siyang ibigay kay carlo ang kalahati ng papel. Kung ikaw si Karen, paano mo hahatiin ang papel? Isang buo kalahati Isang buo kalahati Isang buo kalahati
  46. 42 Pagsasanay 1 Bilugan ang hugis na nagpapakita ng kalahati ng isang buo. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. Isang buo Isang buo Isang buo Isang buo Isang buo
  47. 43 Pagsasanay 2 Kulayan ang bahagi ng larawan . Gawin ito sa inyong kuwaderno
  48. 44 Pagsasanay 3 Iguhit ang kalahating bahagi ng isang buo. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
  49. 45 Gawaing-bahay May isang baso ng juice si Luisa. Hinati nya sa dalawang baso ang juice. Iguhit sa papel ang dami ng juice sa bawat baso.
  50. 46 Sangkapat ng Isang Buo Pampasiglang Gawain Nakaguhit sa ibaba ang larawan ng isang buong papel. Ang buong papel ay hinati sa ibat ibang paraan upang ipakita ang apat na bahagi na may magkaparehong laki. Ang bawat bahagi ng buong papel ay sinasabing one-fourth o sangkapat, sangkapat sangkapat sangkapat
  51. 47 sangkapat sangkapat Pagsasanay 1 Lagyan ng  ang loob ng bilog kung ang bahaging may kulay ay nagpapakita ng sanakapat. (Magbibigay ang guro ng sipi ng pagsasanay). 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
  52. 48 Pagsasanay 2 Hanapin ang sangkapat na bahagi ng isang buo. Padugtungin ng linya ang sangkapat na nawawalang bahagi at ng natitirang bahagi. Gawin ito sa isang papel. Sangkapat na bahagi Natitirang bahagi ng Isang buo
  53. 49 Pagsasanay 3 Isulat ang sangkapat sa may kulay na bahagi kung pare-pareho ng isang buo at ekis X kung hindi. Sinagutan na ang bilang 1. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. 5. 2. 6. 3. 7. 4. 8. 4 1
  54. 50 Gawaing-bahay Ipinakikita sa larawan ang one-fourth o sangkapat na bahagi ng isang buo. Idrowing ang nawawalang bahagi upang mabuo ang larawan. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. 2. 3.
  55. 51 Kalahati ng Isang Set Pampasiglang Gawain Anim na yoyo ni Nora. May anim na yoyo si Nora. Gusto niyang ibigay ang kalahati ng anim na yoyo sa kanyang kuya. Ilang yoyo ang ibibigay niya?
  56. 52 Paglutas 1: Isagawa 3 yoyo Nora 3 yoyo Kuya Kalahati ng 6 ay 3. Tatlong yoyo ang ibibigay ni Nora kay kuya.
  57. 53 Paglutas 2: Paggamit ng pakita-larawan Magdrowing ng anim na yoyo. Lagyan ng ekis (X) at tsek (  ) ang mga yoyo. Gawin ito nang salitan ang yoyong may markang ekis (X)ay para kay Nora at ang may markang tsek ( ) ang bilang ng yoyong ibinigay kay kuya. Tatlong yoyo ang hawak ni kuya. Nora Kuya Nora Kuya Nora Kuya or Kuya Nora Kuya Nora Kuya K uya Extension: Binigyan ni Nora ng 3 yoyo ang kanyang kuya. Kung ito ay kalahati o kalahati ng kabuuang bilang ng kanyang yoyo, ilan lahat ang yoyo ni Nora?   XX X   XXX
  58. 54 Maaring paraan ng paglutas: ng set ng set Kabuuang bilang ng yoyoi ni Nora. May 6 na yoyo si Nora bago nya binigyan ng kalahati ang kanyang kuya.
  59. 55 Pagsasanay 1 Lagyan ng ekis (X) ang ng bawat set. Isulat sa inyong kuwaderno ang bilang na kumakatawan sa ng set. 1. 2. 3. 4. 5.
  60. 56 Pagsasanay 2 Gamit ang linya, hatiin ang mga bagay sa dalawang set na may magkaparehong dami. Ilan ang mga bagay sa bawat set? Piliin ang sagot sa mga bilang sa kanan at bilugan. (Magbibigay ang guro ng sipi ng pagsasanay). 1. 1 2 4 2. 5 6 10 3. 12 8 6 4. 8 4 1 5. 6 7 14
  61. 57 Pagsasanay 3 Iguhit sa loob ng bilog ang kalahating dami ng mga bagay sa set. Gawin ito sa I nyong kuwaderno. 1. 2. 3. 4.
  62. 58 Pagsasanay 4 Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot. Isulat sa inyong sagot. 1. Ang 2 laruan ay nagpapakita ng kalahati ng isang set ng laruan. Alin ang nagpapakita ng set ng laruan? A B C 2. Ang mga bolang ito ay kalahati ng isang set. Sa aling set nagmula ang kalahati ng bola? A B C
  63. 59 3. Ang tatlong tatsulok ay nagpapakita ng kalahati ng isang set ng tatsulok. Alin ang nagpapakita ng set ng tatsulok? A B C Gawaing-bahay 1. May malaking garapon ng mga holen si Popoy. Gusto niyang ilipat ang mga holen sa dalawang maliit na garapon. Idrowing ang mga holen na may parehong dami sa bawat garapon. 2. Ang 6 na lapis ay kalahati ng isang set ng lapis. Idrowing ang set ng lapis na may tamang bilang.
  64. 60 Sangkapat ¼ ng isang Set Pampasiglang Gawain Paglutas 1: Isagawa May pasalubong na isang kahong hopia ang tatay para sa kanyang apat na anak. Kung ang isang kahon ay may walong hopia, ilang hopia ang matatanggap ng bawat bata? Bata 1 Bata 2 Bata 3 Bata 4
  65. 61 Bawat bata at matatanggap ng dalawang hopia mula sa tatay. Paglutas 2: Paggamit ng Counters a. Bumuo ng 4 na pangkat. Sa unang round bigyang 1 counter ang bawat pangkat. Pagkatapos bigyan muli ng 1 counter sa pangalawang round. Bawat pangkat ay may 2 counters. Bawat bata ay may natanggap ng 2 piraso ng hopia mula sa tatay. b. Bumuo ng 4 na pangkat. Bigyan ng 2 counter ang bawat pangkat ng sabay-sabay. Kaya bawat ba- ta ng tumanggap ng 2 counter. Bawat bata ay makatatanggap ng dalawang hopia. Pansinin na ang dalawang hopiang ibinigay sa 4 na bata ay ¼ ng 8 hopia na pasalubong ng tatay. Bata 1 Bata 2 Bata 3 Bata 4 Child 1 Child 2 Child 3 Child 4 1 st round 2 nd round 1 st round 2 nd round 1 st round 2 nd round 1 st round 2 nd round
  66. 62 Pagpapalawak na pang-unawa Ngayong alam mo na, na ang ¼ ay bahagi ng isang pangkat. Paano mo malalaman kung saang pangkat nagmula ang ¼ na bahagi? Maaring paraan ng paglutas: A. Tandaan: Upang makuha ang ¼ ng isang set sa apat na magkakaparehong dami ng bagay ng isang set o pangkat na mga bagay sa bawat set ang bumubuo ng ¼ ng set. Ang bawat anak ni tatay ay nakatanggap ng tigdawalang hopia kung ang 2 hopia ay ¼ ng kabuuang bilang ng mga hopia. Ilang pirasong hopia ang pasalubong ni tatay? Bata 1 Bata 2 Bata 3 Bata 4 Kabuuang bilang ng hopia
  67. 63 B. 2 + 2 = 4 4 + 2 = 6 6 + 2 = 8 Walong pirasong hopia ang pasalubong ni tatay. Tandaan: Kung ang ibinigay na set ng mga bagay ay ¼ ng isang set. Upang malaman kung saang set/pangkat ito nagmula: a. Bumuo ng 3 iba pang pangkat na may magkakasindami ng laman. Pagsama- samahin ang laman ng 4 na pangkat upang makabuo ng isang bagong pangkat. Sa pangkat na ito nagmula ang ¼. o b. Bilangin ang mga bagay sa loob ng pangkat. Isulat ang bilang sa ilalim ng bawat pangkat. Pagsamahin ang mga bilang. Ang sagot sa pinagsamang bilang ay ang pangkat kung saan nagmula ang ¼.
  68. 64 Pagsasanay 1 Alin ang nagpapakita ng ¼ ng bawat set/pangkat ng mga bagay. Isulat sa inyong kuwaderno ang letra ng iyong sagot. 1. Ibinigay na set/pangkat: A B C 2. Ibinigay na set/pangkat: A B C
  69. 65 3. Ibinigay na set/pangkat: A B C 4. Ibinigay na set/pangkat: A B C
  70. 66 Pagsasanay 2 Kulayan ang ¼ ng bawat set. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. 2. 3. 4. 5.
  71. 67 Pagsasanay 3 Hatiin sa apat na magkakapareho ng dami ang mga bagay sa pangkat. Gamitin ang patayong guhit sa paghahati. Isulat sa nakalaang patlang ang inyong sagot. Sinagutan na ang bilang 1. (Magbibigay ang guro ng sipi ng pagsasanay). 1. Bilang ng mga bagay sa bawat pangkat: ___1___ 2. Bilang ng mga bagay sa bawat pangkat: ______ 3. Bilang ng mga bagay sa bawat pangkat: ______
  72. 68 4. Bilang ng mga bagay sa bawat pangkat: ______ 5. Bilang ng mga bagay sa bawat pangkat: ______
  73. 69 Pagsasanay 4 Iguhit sa inyong kuwaderno ang angkop na dami ng bagay na dapat idagdag upang mabuo ang bawat pangkat. 1. Ang 2 holen ay ¼ ng isang pangkat ng holen. 2. Ang 3 tatsulok ay ¼ ng isang pangkat ng tatsulok. 3. Ang 4 na parihaba ay ¼ ng isang pangkat ng mga parihaba.
  74. 70 Gawaing-bahay A.Iguhit sa kanang kahon ang ¼ ng mga bagay mula sa pangkat na nasa pagkatapos ng tanong. Iguhit sa isang papel. 1. ng 12? 2. ng 20? 3. ng 24?
  75. 71 B. Ang 5 mangga ay ¼ na ng isang set ng mangga. Iguhit sa loob ng bilog ang tamang bilang ng mangga na dapat nalaglag upang mabuo ang pangkat. C. Ang ¼ ng set/pangkat ng itlog ay 6. Ilang itlog ang kailangan upang mabuo ang set/pangkat. Iguhit ang iyong sagot sa isang papel.
  76. 72 Hugis ng mga bagay Pampasiglang Gawain Bilog Ang bilog ay hugis na walang sulok at gilid. Tatsulok Ang tatsulok ay hugis na may 3 sulok at 3 gilid. Parihaba Ang parihaba ay hugis na may 4 na sulok at 4 na gilid. Ang 2 magkatapat na gilid ay may pantay na sukat. Parisukat Ang parisukat ay hugis na may 4 na sulok at apat na gilid. Magkakasing haba o magkakapareho ng haba ng bawat gilid.
  77. 73 Pagsasanay 1 Bilugan ang angkop na hugis ng mga bagay na nasa kaliwa.
  78. 74 Pagsasanay 2 Gupitin ang mga hugis. Pangkatin ang mga ito ayon sa gusto mong pagpapangkat. Idikit ang mga itosa isang hiwalay na papel. (Magbibigay ang guro ng sipi ng pagsasanay). Gawaing-bahay Tingnan ang mga bagay sa inyong tahanan na may hugis parisukat, parihaba, bilog at tatsulok. Iguhit ng mga bagay at kulayan.
  79. 75 Pagguhit ng Hugis Pampasiglang Gawain Parisukat Ang parisukat ay may 4 natuwid at magkakasing habang gilid. 4 na sulok Parihaba Ang parihaba ay may 4 na tuwid na gilid, ang 2 magkatapat na gilid ay may pantay na haba. 4 na sulok. Tatsulok Ang tatsulok ay may 3 tuwid na gilid 3 sulok Bilog Ang bilog ay Walang gilid Walang sulok
  80. 76 Pagsasanay 1 Bakatin ang mga hugis. Sundin ang putol-putol na guhit. Parisukat Parihaba Tatsulok Bilog
  81. 77 Pagsasanay 2 Idrowing ang hugis sa inyong kuwaderno. tatsulok parihaba parisukat bilog
  82. 78 Pagsasanay 3 Idrowing sa inyong kuwaderno ang susunod na hugis. Gawaing-bahay Magdrawing o magdisenyo gamit ang hugis na tatsulok, parisukat, bilog at parihaba. Kulayan ang inyong drowing o disenyo.
  83. 79 Three-Dimensional Objects Pampasiglang Gawain rectangular box Ang parihabang kahon ay may 6 na parihabang gilid. Square box Ang parisukat na kahon o cube ay may 6 na parisukat na gilid. cylindrical can Ang pabilog na lata ay may 2 pabilog na gilid at isang surface. cone Ang apa ay may isang pabilog na at isang surface. ball Ang bola ay may isang surface.
  84. 80 Pagsasanay 1 Alamin kung paano pinangkat ang mga bagay. Sinagutan na ang unang bilang para sa iyo. 1. Bilang ng mga gilid 2. Kulay Materyal 3 Haba Hugis 4 Kulay Sukat Hugis ng mga gilid
  85. 81 Pagsasanay 2 Saang pangkat kasama ang bagay? Ituro ang pangkat sa pamamagitan ng arrow. Sinagutan na ang bilang isa para sa iyo. 1. 2. 3.
  86. 82 Pagsasanay 3 Bakatin ang larawan sa panglawang hanay, iguhit sa pangatlo at isulat ang ngalan nito sa pang-apat. (Magbibigay ang guro ng sipi ng pagsasanay). Gawaing-bahay Tingnan ang mga bagay sa inyong tahanan na may hugis ang parihabang kahon, pabilog na lata, apa at bola. Iguhit ang mga ito.
  87. 83 Pagbuo ng mga Salitang Hugis Pampasiglang Gawain Kung itutupi o ititiklop ang mga net at lalagyan ng tape ang mga gilid, mabubuo ang sumusunod na bagay.
  88. 84 Pagsasanay 1 Gupitin ang net at bumuo ng isang parihabang kahon.
  89. 85 Gupitn ang net at ng isang pabilog na kahon.
  90. 86 Gupitin ang net at bumuo ng isang cube.
  91. 87 Gupitin ang net at bumuo ng isang hugis-apa.
  92. 88 Pagsasanay 2 Anong bahagi ng net ang wala? Iguhit ang nawawalang bahagi upang mabuo ang hugis.
  93. 89 Gawaing-bahay 1. Ipinakikita sa ibaba ang isang net ng isang cube. Ang dalwang net ba ba ipinakikita sa ibaba ang siya ring net ng isang cube? 2. Humanap ng isang parihabang kahon, isang cu- be, isang pabilog na kahon, o isang sumobrang papel. Kopyahin ang net nito. Gupitin ang net na ito at buuin ang bagay. Ihambing ito sa orihinal.
  94. 90 Bilang at Katangian ng mga Patterns Pampasiglang Gawain: Nakadalo ka na ba sa pagtitipon sa isang birthday party? Ano-ano ang nakita mo sa party? Tingnan ang mga payasong ito. 1.Ano-anong kulay ang nakita mo? 2.Ano-anong hugis ang nakita mo? 3.Ano-anong hugis ang paulit-ulit? 4.Ano-anong kulay ang inulit-inulit?
  95. 91 Tingnan ang mga litratong ito. Ano-anong bagay ang nakikita mo 1.Ano-anong kulay ang nakikita mo? 2.Nakakikita ka ba ng mga paulit-ulit na pattern sa mga bagay? Pagsaliksik sa Payak na Patterns Masdan ang mga sumusunod na pattern mula sa kaliwa papunta sa kanan. Ano ang nagbabago?Ano ang nanatiling pareho? 1. Ano ang kasunod? 2. Ano ang kasunod?
  96. 92 3. Ano ang kasunod? 4. 2 4 6 8 10 12 Ano ang kasunod? 5. Ano ang kasunod? Tandaan Ang pattern ay isang bagay na paulit-ulit ayon karaniwang paraan. Maaaring ang hugis, kulay, direksiyon, o bilang ang pag-uulit.
  97. 93 Pagsasanay 1 Aling anyo sa kanan ang kapareho ng nasa kaliwa? Bilugan mo ang sagot. Pahina 328
  98. 94 Pagsasanay 2 Kulayan ang bagay upang mabuo ang pattern. Halimbawa: Pahina 329
  99. 95 Pagsasanay 3 Iguhit at kulayan ang dapat na kasunod sa pattern. Bilugan kung ano ang nabago sa pattern. Halimbawa: Pagbabago sa hugis kulay laki 1. Pagbabago sa hugis kulay laki 2. Pagbabago sa hugis kulay laki 3. Pagbabago sa hugis kulay laki 4. Pagbabago sa hugis kulay laki 5. Pagbabago sa hugis kulay laki 6. Pagbabago sa hugis kulay laki
  100. 96 Pagsasanay 4 Isulat ang kasunod na bilang ayon sa pattern. Halimbawa: 1 1 2 2 3 3 4 1. 1 3 5 7 9 11 13 2. 5 10 15 20 25 30 35 3. 5 6 5 6 5 6 5 4. 1 1 1 2 2 2 3 5. 3 6 9 12 15 18 21 6. 1 5 9 13 17 21 25 7. 2 5 8 11 14 17 20 8. 10 20 30 40 50 60 70 9. 2 6 10 14 18 22 26 10. 1 6 11 16 21 26 31 4
  101. 97 Gawaing-bahay: 1. Gumawa ng mga pattern gamit ang mga kapareho na hugis na ito. Halimbawa: 2. Maghanda ng pattern na magagamit sa gilid ng bulletin board sa silid-aralan.
  102. 98 Paggamit ng kalendaryo-Mga araw sa isang linggo Pampaganang gawain Nais ni Nico na lumahok sa camping bukas. Iniempake niya kahapon ang bag at gagamitin sa camping. Kung ngayon ay Biyernes, a. anong araw nya iniempake ang kanyang bag at mga gagamitin sa camping? b. anong araw ang camping nila?
  103. 99 Paglutas 1 – Sa pamamagitan ng Pagtatala Sa pamamagitan ng pangtatala ng mga araw: Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado. Makikita natin na ang ay nauuna sa araw ng Biyernes, at Sabado ang sunod na araw. Kaya, nag empake si Nico noong Huwebes at ang camping nila ay sa Sabado. Paglutas 2 – Paggamit ng kalendaryo Sa paggamit ng kalendaryo, makikita natin na nauna ang Huwebes sa Biyernes. Kaya, araw ng Huwebes nang nag-empake ng gamit si Nico at ang camping nila ay araw ng Sabado. Tandaan: May pitong araw sa loob ng isang linggo. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga araw: Llinggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado. Linggo ang unang araw sa isang linggo at Sabado ang ikapitong araw.
  104. 100 Pagsasanay 1 Hanapin ang kaukulang bilang ng bawat araw. Idugtong sa pamamagitan ng linya. Isulat ang ngalan ng araw sa patlang. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Huwebes 1st Linggo Martes 2nd Lunes 3rd Miyerkules 4th Biyernes 5th Linggo 6th Sabado 7th
  105. 101 Pagsasanay 2 Bilugan ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. 1. Ano ang araw na sumunod sa Martes? Miyerkules Huwebes Biyernes 2. Ano ang araw bago ang Miyerkules? Martes Miyerkules Huwebes 3. Ano ang araw sa pagitan ng Lunes at Miyerkules? Linggo Lunes Martes 4. Ano ang araw sa pagitan ng Huwebes at Sabado? Lunes Miyerkules Biyernes 5. Anong araw bago ang Sabado? Martes Huwebes Biyernes 6. Ano ang ikalawang araw sa isang linggo? Lunes Martes Miyerkules 7. Ano ang araw bago ang Biyernes? Miyerkules Huwebes Biyernes 8. Ano ang ikaapat na araw sa isang linggo? Martes Miyerkules Huwebes 9. Kung Miyerkules ngayon, ano ang araw pagkalipas ng dalawang araw? Huwebes Biyernes Sabado 10. Kung ngayon ay Huwebes, anong araw bago ang kahapon? Lunes Martes Miyerkules
  106. 102 Gawaing-bahay Dadalaw si Anna ng dalawang araw sa kanyang lo- la. Nag-empake siya ng kanyang gamit kahapon. Aalis siya sa makalawa. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. Kung ngayon ay Martes, 1. Anong araw nag-empake ng gamit si Anna? _____________________________________ 2. Anong araw siya dadalaw sa kanyang lola? _____________________________________ 3. Anong mga araw siya mananatili sa kanyang lo- la? _____________________________________ 4. Anong araw siya uuwi? _____________________________________
  107. 103 Paggamit ng Kalendaryo-Mga Buwan sa Isang Taon Pampasiglang gawain Hindi natuloy ang camping nina Nico dahil sa bagyo. Ang bagong iskedyul ng camping ay sa sunod na buwan. Kung ngayon ay Agosto, anung buwan ang camp- ing ni Nico?
  108. 104 Paglutas 1 Natutuhan ko na ang Setyembre ang susunod sa Agosto, kaya sa Setyembre siya sasama sa camping. Paglutas 2 Itinala ko ang lahat ng ngalan ng buwan: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre. Setyembre ang sunod na buwan sa Agosto, kaya ang camping ni Nico ay sa Setyembre. Tandaan: May labindalawang buwan sa isang taon. Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre ang mga buwan . Enero ang unang buwan at Disyembre ang panlabindalawa(12th). Hindi magkakapareho ang bilang ng araw sa bawat buwan. May mga buwang may 28, 30 at 31 araw.
  109. 105 Pagsasanay 1 Hanapin ang kaukulang bilang ng bawat buwan. Idugtong ito sa pamamagitan ng linya. Isulat ang ngalan ng buwan sa isang papel. Agosto 1st Enero Enero 2nd Setyembre 3rd Hunyo 4th Nobyembre 5th Abril 6th Pebrero 7th Marso 8th Hunyo 9th Oktubre 10th Disyembre 11th Mayo 12th
  110. 106 Pagsasanay 2 Isulat ang tamang ngalan ng buwan sa inyong kuwaderno. 1. Enero, , Marso 2. , Hunyo, Agosto 3. Marso, Abril, 4. Agosto, , Oktubre 5. , Nobyembre, Disyembre 6. , Marso, 7. Abril, Mayo, 8. , Agosto, Setyembre 9. , , Hunyo 10. Hunyo, Hulyo,
  111. 107 Gawaing-bahay Sa unang linggo ng Nobyembre ay kaarawan ni Ka- ren. Binabalak niyang magdiwang ng kanyang kaarawan nang mas maaga ng isang buwan. Kailan siya magdiriwang ng kanyang kaarawan? 1. Sa iyong palagay bakit gagawin niya nang mas maaga ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan? 2. Sino ang batang nasa kuwento? 3. Ano ang binabalak niyang gawin? 4. Ano ang buwan ng kanyang kaarawan? 5. Anong buwan binabalak niyang magdiwang?
  112. 108 Paggamit ng Kalendaryo-Petsa ng Buwan Pampasiglang Gawain Setyembre 14 ang kaarawan ni Abby. Binabalak ng kanyang magulang na idaos ito sa isang restaran sa mismong araw ng kanyang kaarawan. Kung ang Setyembre 10 ay araw ng Lunes, anong araw ipagdiriwang ni Abby ang kanyang kaarawan? Paglutas 1 – Sa pamamagitan ng pagtatala Ang mga araw at petsa ay maaaring itala tulad ng sumusunod. Setyembre10 Lunes Setyembre 11 Martes Setyembre 12 Miyerkules Setyembre 13 Huwebes Setyembre 14 Biyernes Kaya, Biyernes ang Setyembre 14. Nangangahulugan ito na ipagdiriwang ni Abby ang kanyang kaarawan sa Biyernes. Paglutas 2 – Sa pamamagitan ng pagbabawas Lunes ang Setyembre 10 at ang pagdiriwang sa kanyang kaarawan ang Setyembre 14.
  113. 109 Babawasin ko ang 10 mula sa 14 at 4 ang magiging sagot. Kaya, ang Setyembre 14 ay may 4 na araw pagkatapos ng Lunes. Magtatala tayo ng apat na araw na Martes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernes ang Setyembre 14. Kaya araw ng Biyernes ipagdiriwang ni Abby ang kanyang kaarawan. Paglutas 3 – Paggamit ng Kalendaryo Gamit ang kalendaryo, tiningnan ko ang buwan ng Setyembre at ang petsa na 14. Pagkatapos nakita ko na ito ay nasa iisang hanay sa araw ng Biyernes. Sa makatuwid, Biyernes ang Setyembre 14. Kaya, araw ng Biyernes ipagdiriwang ni Abby ang kanyang kaarawan. Tandaan: Para malaman ang araw ng petsang ibinigay, o Hanapin ang ibinigay na buwan. o Hanapin ang ibinigay na petsa. o Hanapin kung saang hanay ng araw makikita ang petsang ibinigay. Para malaman ang petsa ng araw sa buwang ibinigay, o Hanapin ang ibinigay na buwan. o Hanapin ang ibinigay na araw. o Hanapin ang pestsa kung saang hanap ng araw ito makikita.
  114. 110 Pagsasanay 1 Gamitin ang kalendaryo upang masagutan ang talahanayan sa ibaba. Marso Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 Mga tala: Bilugan ang petsa na angkop sa ibinigay na araw. Martes Marso 12 Marso 27 Lunes Marso 4 Marso 23 Marso 14 Biyernes Marso11 Marso 16 Marso 20 Miyerkules Marso 2 Marso 11 Marso 30 Linggo Marso 8 Marso 14 Marso 28 Huwebes Marso 1 Marso 19 Marso 24 Marso 3
  115. 111 Pagsasanay 2 Gamitin ang kalendaryo upang maibigy ang ngalan ng araw sa bawat petsa. Sinagutan na ang una pa- ra sa iyo. Enero Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 Mga tala: Enero 11 Biyernes Enero 31 Enero 7 Enero 21 Enero 15 Enero 28
  116. 112 Gawaing-bahay Tanungin ang lima mong kamag-aral tungkol sa kanilang kaarawan. Alamin ang araw ng kanilang kaarawan ngayong taong ito. Pangalan Petsa ng kaarawan Araw sa isang linggo Abby September 14 Friday
  117. 113 Paggamit ng Araw-Pagsasabi at Pagsusulat ng Oras Pampasiglang Gawain Pagsasabi ng Oras, Suliranin: Papasok si Pamela sa paaralan isang oras mula ngayon. Kung ngayon ay ika-6 ng umaga, Anong araw siya papasok sa paaralan? Paglulutas 1 Ang oras ngayon ay ika-6:00 ng umaga. Papasok si Pamela sa paaralan 1 oras mula ngayon. Kaya, dadagdagan ng 1 ang 6. Kaya, ika-7:00 ng umaga papasok si Pamela sa paaralan. Paglulutas 2 Ayon sa orasan, ika-7:00 ang sunod sa ika-6:00. Kaya papasok si Pamela ng ika-7:00 ng umaga. Malulutas din ito ayon sa pag-ikot ng kamay ng orasan. Ilagay ang kamay ng orasasn sa ika-6:00. Paikutin ang minutong kamay ng orasan hanggang sa makabalik sa 12. Nangangahulugan ito na isang oras na ang nakaraan mula ika-6. Kaya, sa ika-7:00 ng umaga papasok si Pamela sa paaralan.
  118. 114 Tandaan: Karamihan sa mga orasan ay may tatlong kamay: oras, minuto, at segundo. Ang maikling kamay ay ang oras, at ang mahabang kamay ay ang minuto at ang segundo. May bilang sa loob ng orasan na 1 hanggang 12. Pakanan ang pag-ikot ng kamay ng orasan. Kung nagsimulang umikot ang minutong kamay mula 12 at balik uli sa 12, isang oras na ang nakalipas Sa pagsasabi ng oras, basahin ang bilang kung saan nakaturo ang kamay ng orasan. Siguraduhin na ang minuto ay nakaturo sa 12. Halimbawa, ang oras na ipinakikita sa larawan sa ibaba ay ika-9:00. Ang oras ay maaaring isulat sa salita (Halimbawa, Ikaanim)o paggamit ng bilang (halimbawa, ika-6:00)
  119. 115 Pagsasabi ng oras ng kuwarter/kalahating oras. Suliranin: Kung ang oras ay ika-8:15? Saan dapat nakaturo ang mga kamay ng orasan? Sagot: Kung ang oras ay ika-8:15, ang kamay para sa oras ay nasa pagitan ng 8 at 9, at ang kamay para sa minuto ay nakaturo sa 3. a Tandaan: Sa Pagsasabi ng oras na kuwarter/kalahating oras Kung ang oras ay nasa kuwarter, ang kamay para sa oras ay nakaturo sa pagitan ng dalawang bilang at ang kamay para sa minuto ay maaaring nakaturo sa 3 o 9. Kung kalahating oras, ang kamay para sa oras ay nasa pagitan ng dalawang bilang at ang kamay para sa minuto ay nakaturo sa 6. Sa pagsasabi ng oras na kuwarter, maliban sa 12:15, 12:30 at 12:45, basahin ang bilang na maliit bilang oras. At pagkatapos basahin ang minuto nang labindalawa o kuwarter kung ang
  120. 116 kamay para sa minuto ay nakaturo sa 3, bilang tatlumpu kung nakaturo ang kamay para sa minuto sa 6, o bilang apatnapu’t lima kung nakaturo ito sa 9. Halimbawa nito ay ang oras na ipinakikita sa ibaba ay ika-2:00 at labinlima minuto. Sa pagsasabi ng oras na 12:15, 12:30 at 12:45, basahin ang 12. Pagkatapos, basahin ang minuto bilang labinlima o kuwarter kung nakaturo ang minuto sa 3, bilang tatlumpu kung nakaturo ang minuto sa 6 o bilang apat napu at lima kung nakaturo ang minuto sa 9. Ang oras na kuwarter ay maaaring isulat gamit ang salita (Halimbawa, ika-pitong oras at labinlimang minuto) o mga bilang (Halimbawa ika-7:15).
  121. 117 Pagsasanay 1 Iugnay sa pamamagitan ng linya ang oras na ipinakikita ng mga orasan sa unang hanay, sa mga oras na nasa ikalawang hanay. Isulat sa papel ang inyong sagot. 1. 2. 3. 4. 5. 5:00 3:00 8:00 11:00 12:00
  122. 118 Pagsasanay 2 Isulat ang oras na ipinakikita ng bawat orasan. Isulat sa papel ang inyong sagot. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.
  123. 119 Pagsasanay 3 Iguhit ang kamay ng orasan upang ipakita ang oras na ibinigay. Isulat sa papel ang inyong sagot. 1:00 3:00 6:00 8:00 11:00 12:00
  124. 120 Pagsasanay 4 Gumuhit ng linya upang iugnay ang oras na ipinakikita ng orasan sa unang hanay patungo sa oras na nasa ikalawang hanay. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong kuwaderno. 1. a. 2. b. 3. c. 4. d. 5. e. 8:30 3:45 2:30 9:30 1:15
  125. 121 Pagsasanay 5 Isulat ang oras ng ipinakikita sa bawat orasan. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.
  126. 122 Pagsasanay 6 Iguhit ang oras at minutong kamay ng orasan upang ipakita ang ibinigay na oras. (Magbibigay ang guro ng sipi ng pagsasanay). 2:15 1:30 6:45 7:15 11:30 12:15
  127. 123 Gawaing-bahay A. Ang nasa ibaba ay pang araw-araw na iskedyul ni Pamela kapag araw na walang pasok. Iguhit ang mga kamay ng orasan upang ipakita ang oras at isulat ito sa inyong kuwaderno. Pang-araw-araw na iskedyul ng gawain Oras na ipinakikita ng orasan Oras 1. Kumakain ng meryenda si Pamela tuwing ikasampu ng umaga 10:00 or 10 o’clock0 2. Kumakain siya ng tanghalian tuwing ikalabindalawa ng tanghali. 3. Kumakain siya ng kanyang meryenda tuwing ikatlo at kalahati ng hapon. 4. Umuuwi siya sa bahay tuwing ikalima. 5. Kumakain siya ng hapunan labinlimang minuto makalipas ang ikapito.
  128. 124 B. Sagutin ang bawat suliranin. 1. Ginagawa ni Pamela ang kanyang takdang aralin isang oras araw-araw. Kung nagsisimula siyang mag-aral sa ika-8:00, anong oras siya matatapos? 2. Nagsisimula ang klase ni Pamela sa mathemat- ics tuwing ika-9:30 ng umaga. Kung isang oras ang klase, anong oras matatapos ang klase sa mathematics?
  129. 125 Paghahambingin ng Bagay ang Salitang Maikli, Mas Maikli, Pinakamaikli at Mahaba, Mas Mahaba, Pinaka Mahaba Pampasiglang gawain Nagpagupit ng buhok sina Charm, Althea, at Crystal. Kung pagsusunod-sunurin sila ayon sa haba ng kanilang buhok, sino ang dapat na nasa una, panglawa, at pangatlo?
  130. 126 Maaaring pagsunod-sunurin ang tatlo mula sa may maikli hanggang sa may pinakamaikling buhok. Maikli Mas maikli Pinaka maikli Maaaring pagsunod-sunurin ang tatlo mula sa may pinakamaikling buhok. Pinaka maikli Mas Maikli Maikli
  131. 127 Nakapalda sina Charm, Althea at Crystal. Kung pagsusunod-sunurin sila ayon sa haba ng kanilang palda, sino ang nasa una, pangalawa, pangatlo? Maaring pagsunod-sunurin ang tatlo mula sa may pahaba hanggang sa may pinakamahabang palda. Mahaba Mas Mahaba Pinaka Mahaba
  132. 128 Maaring pagsunud-sunorin ang tatlo mula sa may pinakamahaba hanggang sa may mahabang palda. Pinaka Mahaba Mas Mahaba Mahaba Pagsasanay 1 A. Isaayos ang mga bagay mula sa maikli hanggang sa pinakamaikli. Ipakita ang iyong sagot sa pamamagitan ng bilang mula 1-3, ang bilang 3 ang kumakatawan sa maikling bagay. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. 1. 2.
  133. 129 B. isaayos ang mga bagay mula sa mahaba hanggang sa pinakamahaba. Ipakita ang iyong sagot sa pamamagitan ng bilang mula sa 1-3, ang iyong bilang 3 ang kumakatawan sa pinaka mahabang bagay. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. Pagsasanay 2 1. Isaalang-alang ang haba ng mga ibinigay na bagay sa hanay upang makumpleto ang sumusunod na pangungusap. 1. 2.
  134. 130 a. Ang lapis ay_______________. b. Ang pambura ay__________________ kaysa sa . c. Ang paper clip ang ________________ sa tatlo. 2. Isaalang-alang-alang ang haba ng mga ibinigay na bagay sa hanay upang makumpleto ang pangungusap. a. Ang saging ay _______________ subalit ang talong ay ___________________ kaysa sa saging. b. Ang abokado ay____________________ kaysa sa saging. c. Ang talongt ay_____________________ kaysa sa abokado. d. Ang talong ang_____________________ sa tatlong bagay. 3. Isaalang-alang ang haba ng mga ibinigay na bagay sa hanay upang makumpleto ang pangungusap. a. Ang sinturon ay _________________ kaysa sa lapis at ruler.
  135. 131 b. Ang ruler ay _________________ kaysa sa lapis ngunit ang sinturon ay___________________ kaysa sa ruler. c. Ang sinturon ang _______________________ sa tatlong bagay. Gawaing-bahay 1.Kulayan ng dilaw ang mahabang laso. Kulay kahel sa mas mahaba at kulay lila sa pinakamahaba. 2. Gumawa si Ana ng 3 palda para sa kanyang manikang papel. Gumawa siya ng isang mahabang palda na kulay asul ang papel mas mahaba na kulay pula at pinakamahaba na kulay berdeng papel. Iguhit ang tatlong palda na ginagawa si Ana. 3. Gumuhit ng 5 bagay na may ibat ibang haba. Iayos ang mga ito ayon sa kanilang haba.
  136. 132 Paghahambingin ng Taas Gamit ang Salitang Matangkad, Mas Matangkad, Pinakamatangkad at Mataas, Mas Mataas, Pinakamataas Pampasiglang gawain Ito ay si Nilo, ang kanyang kuya at tatay. Paano mo sila pagsusunod-sunurin ayon sa kanilang taas o tangkad? Maaaring pagsunod-sunurin sina Nilo ang kanyang kuya at tatay ayon sa kanilang taas.
  137. 133 Tangkad Mas Matangkad Pinakamatangkad Mataas Mas Mataas Pinakamataas
  138. 134 Pagsasanay 1 Gamitin ang matangkad, mas matangkad at pinakamatangkad sa paghahambing ng sumusunod. 1. Matangkad si Mario, ngunit higit ang taas ni Jose kay Mar- io. Kaya si Jose ay _____________. 2.Ang elepante ay mataas subalit ang giraffe ay _________________ kaysa elepante. 3. May tatlong kaibigan si Dindo. Mas matangkad siya sa sinoman sa kanyang mga kaibigan. Samakatuwid,______________ si Dindo sa kanilang lahat.
  139. 135 Pagsasanay 2 Nagpunta si Letty at ang kanyang mga kaibigan sa parke. Nakakita sila ng apat na slides na may ibat ibang kulay. Magkasintaas ang asul at dilaw na slide at mas mataas ang pulang slide kaysa asul. Pinakamataas ang berdeng slide sa lahat ng slide. Masasabi mo ba kung alin ang kulay dilaw, berde, asul, at pula? Kulayan ang mga ito.
  140. 136 Gawaing-bahay A.Gamit ang mgs baso sa ibaba, ipakita ang sumusunod: Mas marami ang juice na nasa baso C kaysa sa juice na nasa baso B. Mas marami ang juice sa baso A kaysa sa juice na nasa baso C. Sagutin ang mga tanong sa ibaba: 1. Ilang baso ang may pinakamaraming lamang juice? _______ 2.Aling baso ang may mas maraming juice kaysa sa basong B? _______ 3.Aling baso ang may mas maraming juice kaysa basong A? _______ B. Batay sa drowing sa ibaba, masasabi mo bang si Leni ang pinakamatangkad sa tatlo? Bakit? A B C
  141. 137 Paghahambing ang mga bagay Gamit ang Magaan, Mas Magaan, Pinakamagaan at Mabigat, Mas Mabigat, Pinakamabigat Pampasiglang gawain Ang mga bagay sa ating paligid ay may magkakaibang bigat. Mahahambing natin ang bigat ng mga bagay sa pamamagitan ng nagsasabi kung alin ang magaan, mas magaan, at pinakamagaan. Maihahambing din natin ang mga bigat ng mga ito sa pamamagitan ng pagsasabi kung alin ang mabigat, mas mabigat at pinakamabigat. Malalaman natin kung mas magaan o mas mabigat ang isang mabigat ang isang bagay kaysa sa ibang bagay sa pamamagitan ng pagbuhat o pagtulak sa mga ito. Maaari nating ayusin ang mga bagay ayon sa kung alin ang magaan, mas magaan at pinakamagaan. magaan mas magaan pinakamagaan maaari rin nating ayusin ang mga bagay ayon sa kung alin ang mabigat, mas mabigat at pinakamabigat.
  142. 138 mabigat mas mabigat pinakamabigat Hindi totoo na ang lahat ng malalaking bagay ay mas mabigat kaysa sa maliliit na bagay. Halimbawa mas malaki ang unan kaysa sa hollow block pero mas magaan ang unan kaysa sa hollow block. Pagsasanay 1. Itala sa loob ng kahon ang dalawang maliliit na bagay at dalawang malalaking bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Lagyan ng tsek (√ ) kung ang bagay ay malaki o maliit. Lagyan din ng tsek (√ ) kung ito ay madali o mahirap buhatin at itulak. Bagay Sukat Magaan Buhati o Itulak Mabigat Buhatin o Itulak Maliit Malaki
  143. 139 2. Ano ang masasabi mo sa bigat ng mga bagay na madaling buhatin at itulak? 3. Ano ang masasabi mo sa bigat ng bagay na mahirap buhatin at itulak? Pagsasanay 1 A.Pagsunud-sunurin ang mga bagay mula sa magaan hanggag sa pinakamagaan. Isulat ang 1 kung magaan, 2 kung mas magaan at 3 kung pinakamagaan. 1. 2. B. Pagsunud-sunorin ang mga bagay mula sa mabigat hanggang sa pinakamabigat. Isulat ang
  144. 140 1 kung mabigat, 2 kung mas mabigat at 3 kung pinakamabigat. Pagsasanay 2 1. Pag-aralan ang bigat ng mga bagay sa larawan. Buuin at isulat ang tamang sagot sa ibinigay na pangungusap. a.Ang tsokolate ay _________________ kaysa sa isang juice. b.Ang tsokolate ay _________________ pero ang kendi ay ______________ kaysa sa tsokolate. 1. 2.
  145. 141 c.Ang isang bote ng juice ay __________________ pero ang kendi ay ______________ kaysa sa isang bote ng juice. d. Ang kendi ang __________________ mula sa tatlong bagay na nasa larawan. 2. Pagaralan ang bigat ng mga bagay sa larawan. Buuin at isulat ang tamang sagot sa mga ibinigay ng pangungusap. a. Ang buko ay ___________________ pero ang re- frigerator ay _____________________ kaysa sa buko. b. Ang timba ng tubig ay __________________ kaysa sa buko. c. Ang timba ng tubig ay __________________ pero ang refrigerator ay _________________ kaysa sa timba ng tubig. d. Ang refrigerator ang ___________________ sa tatlong bagay na nasa larawan. Gawaing bahay Magdrowing ng 5 bagay na may magkakaibang bigat. Pagsunod-sunurin ang bagay ayon sa kanilang bigat.
  146. 142 Pagsukat na Haba Gamit ang mga Walang Batayang Yunit Pampasiglang gawain Si Rose ay may lapis at paper clips. Gusto niyang malaman kung gaano kahaba ang lapis gamit ang paper clips. Kung ikaw si Rose, paano mo ito gagawin?
  147. 143 Ito ang lapis ni Rose. Ito naman ang paper clips na gagamiting panukat sa kanyang lapis. Tantiyahin ang katumabas na bilang ng dami ng paper clips sa haba ng lapis. Sa iyong palagay, ilang paper clips ang katumbas na haba ng lapis ni Rose? Ang pagtantya ay pagbibigay na hulang sagot malapit sa aktuwal na sukat ng haba ng lapis. Tingnan natin kung tama ang inyong pagtantiya. Sukatin ang haba ng lapis gamit ang paper clips. para malaman ang haba ng lapis gamit ang paper clips, ihanay ng tuwid at walang laktaw ang paper clips mula sa dulo ng tasa hanggang sa dulo ng pambura. May 7 paper clips ang haba ng lapis.
  148. 144 Isa pang paraan ng pagkuha ng haba ng lapis ay ang pagsukat gamit ang isang paper clip. Sukatin ang paper clip gamit ang lapis mula sa dulo ng tasa at paulit-ulit na sukatin hanggang sa dulong pambura . May 7 paper clips ang haba ng lapis. Pagsasanay 1 Lagyan ng bilog ang bagay na kasing haba ng mga ginagamit na panukat. 1. Aling bagay ang halos kasing haba ng 2 popsickle stick? 2. Aling bagay ang halos kasing haba ng 3 palito ng posporo?
  149. 145 Pagsasanay 2 1. gamit ang panambol , sukatin ang haba ng isang paa ng bangkito. Ang isang paa ng bangkito ay kasinghaba ng _____ panambol. 3. Aling bagay ang kasing haba ng 4 na paper clips? 4. Aling bagay ang kasing haba ng isang panambol?
  150. 146 2. Gamit ang patpat , sukatin ang haba ng baseball bat. Ang “baseball bat” ay kasing haba ng _____ patpat. Pagsasanay 3 Idrowing ang bagay ayon sa hinihinging haba ng sukat. 1. Patpat na kasing haba ng 3 hair pins 2. Lapis na kasing haba ng 2 toothpicks. 3. Kabinet/Aparador na kasingtaas ng 2 patpat ng kawayan.
  151. 147 Gawaing bahay A. Buuin ang larawan 1.Ang putol na larawan ay bahagi ng parihaba na may 3 palito ng posporo ang haba. Idrowing ang buong parihaba. 2. Ang piraso ng tabla ay kasing haba ng 2 lapis. Buuin ang larawan ayon sa ibinibigay na sukat. B. Sagutin ang tanong. Ang isang putol ng bakal ay kasing haba ng 2 lapis. Gaano kahaba ang bakal kung ang gagamiting panukat ay patpat?
  152. 148 Pagtantiya at Pagsukat ng Laki/Timbang/Bigat Gamit ang Walang Batayang Yunit Pampasiglang gawain Nagkakaiba sa laki o bigat ang mga bagay sa paligid; may bagay na mabigat at ang iba ay magaan. Binigyan ka ng dalawang magkatulad na kahon. Mahahambing mo ang bigat ng bawat kahon kung ipapaptong ang bawat isa sa iyong mga palad.
  153. 149 May iba pang paraan sa paghahambing ng bigat ng kahon A at kahon B. Ito ay ang pagtimbang gamit ang pansamantalang timbangan (improvised balance). Ipinapakita sa larawan na mas mabigat ang kahon A kasysa sa kahon B. Sapagkat ang kahon A ay nakatagilid/nakahapay. Ibig sabihin, kahit magkasinglaki ang dalawang kahon ay magkaiba naman ang kanilang bigat.
  154. 150 Ano ang dahilan at mas mabigat ang kahon A? May bagay sa loob ng kahon A kaya mas mabigat ito kaysa sa kahon B. Ngayon pareho ng walang laman ang mga kahon at muli itong inilagay sa pansamantalang timabangan(improvised balance), ano ang nangyari sa kanilang timbang? Pantay ang timbang ng dalawang kahon. Ibig sabihin magkasing bigat ang kahon A at kahon B.
  155. 151 Maaaring gumamit ng ibang bagay tulad ng holen upang masukat ang bigat ng kahon A at Kahon B maghanda ng holen na may parehong bilang at bigat ng bawat kahon. Ipinapakita sa larawan na ang kahon A ay kasing bigat ng 10 holen at ang kahon B ay kasingbigat din ng 10 holen. Maaaring sabihin na magkasingbigat ang kahon A at kahon B. Pagsasanay 1. Tantiyahin ang dami ng holen na kasing bigat ng bawat kahon. Isulat ang sagot sa talaang kahon. 2. Kunin ang aktuwal na bigat ng kahon A at kahon B gamit ang pansamantalang timabangan (improvised balance) at mga holen. Isulat ang sagot sa talaang kahon. Gamit panukat ng bigat Kahon A Kahon B Tantiya Aktuwal Tantiya Aktuwal Set ng maliit na holen
  156. 152 Pagsasanay1 Lagyan ng bilog ang tamang sagot. 1. Aling larawan ang nagpapakita ng balanseng bigat ng 1 aklat at 2 kuwaderno? A. B. C. D.
  157. 153 2. Aling larawan ang nagpapakita nang bigat ng 5 holen ay katumbas ng 1 bato? A. B. C. D.
  158. 154 Pagsasanay 2 Sagutin ang mga sumusunod: 1. Batay sa larawang nasa ibaba, paano mo ihahambing ang bigat ng “cube” sa bigat ng 4 na tansan? 2. Batay sa larawang nasa ibaba, paano mo ihahambing ang bigat ng “cube sa bigat ng 2 tansan?
  159. 155 3. Batay sa larawang nasa ibaba, paano mo ihahambing ang bigat ng “cube” sa bigat ng 3 tansan? Gawaing bahay 1. Magdrowing ng pansamantalang timbangan (improvised balance) na nagpapakita na ang mansanas ay mas mabigat kaysa sa 2 bayabas. 2. Magdrowing ng pansamantalang timbangan(improvised balance) na ang “rec- tangular box” ay kasingbigat ng 5 holen.
  160. 156 Pagtantiya ng Kapasidad/Laman Gamit ang Walang Batayang Yunit Pampasiglang gawain Suliranin: Gusto mong malaman, kung ilang tasa ng buhangin ang pupuno sa isang garapon, paano mo ito gagawin? Paglutas: Una, lalagyan ko ng buhangin ang tasa, hanggang sa mapuno ito. Dahan-dahan kong isasalin ang buhangin sa garapon para walang matapon. Uulitin ko ang pagsasalin ng buhangin hanggang sa mapuno ang garapon. Mga dapat tandaan: Ang kapasidad o laman ng isang lalagyan ay nasusukat mula sa dami ng laman ng maliit na lalagyan. Gawin ang mga sumusunod para masukat ang laman ng isang lalagyan : o Lagyan ng buhangin, tubig o asin ang maliit na lalagyan hanggang sa antas ng kanyang taas. o Dahan-dahang isalin sa malaking lalagyan ang laman mula sa maliit na lalagyan upang hindi matapon. o Ulit-ulitin ang pagsasalin hanggang sa mapuno ang malaking lalagyan. o Bilangin kung ilang beses inulit ang pagsasalin.
  161. 157 Pagsasanay Kinakailangang kagamitan: Garapong walang kulay Tasang plastik Buhangin Pamamaraan: 1. Isulat ang mga pangalan sa unang hanay ng kahon na nasa ibaba. 2. Tantiyahin muna kung ilang tasa ng buhangin ang pupuno sa garapon, pagkatapos ay isagawa ng aktuwal upang malaman kung ilang tasa ng buhangin ang ginamit. 3. Itala sa inyong kuwaderno ang inyong tantiya at ang aktuwal na sagot ayon sa talahanayan sa ibaba. Pangalan ng Ba- ta Tantiyang Bilang ng tasa Aktuwal na bilang ng tasa
  162. 158 Pagsasanay Apat na baso ng gatas ang kailangan upang mapuno ang isang karton. Pag-ugnayin ng linya ang unang hanay patungo sa ikalawang hanay. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. 2. 3. 4. 5.
  163. 159 Gawaing bahay A.Limang basong tubig ang kailangan upang mapuno ang isang pitsel. Sipiin sa inyong kuwaderno ang talahanayan. Ilang baso ng tubig ang kailangan upang mapuno ang mga pitsel sa ibaba? 5 B.Sampung baso ng juice ang kailangan ni Katrina sa kanyang kaarawan. Kung ang isang pitsel ay naglalaman ng 5 baso ng juice ilang pitsel ang gagamitin nya?
  164. 160 Pagkilala ng Datos Gamit ang Picto- graph Pampasiglang Gawain Hilig ni Marie ang gumawa ng gawaing paghahalaman tuwing hapon. Maraming mga kulisap ang paikot-ikot sa halaman. Ilang kulisap ang nakikita ninyo sa larawan? Paglulutas 1: Isa-isang bilangin ang mga kulisap. Dalawapu’t pito ang mga kulisap.
  165. 161 Paglutas 2: Bilangin ang kulisap ayon sa kanilang uri. Paruparo – 10 Bubuyog – 2 Tipaklong – 6 Tutubi – 4 Gagamba – 5 Dalawampu’t pito ang mga kulisap. Ang pagbibilang ay madaling maisagawa kung ang datos ng mga bagay ay maayos na naipapakita sa talaan gamit ang mga larawan at talaang marka. Pagsasanay Punan ng datos ang talaan sa ibaba. Isulat sa kaliwang bahagi ng talaan ang pangalan ng mga kulisap. Mga kulisap na makikita sa hardin ng paaralan. Sipiin sa inyong kuwaderno ang talahanayan Pangalan ng mga kulisap (salita) Bilang ng mga kulisap (larawan)
  166. 162 Pangalan ng mga kulisap (salita) Bilang ng mga kulisap (larawan) Pagsasanay 1 Pumili ng pinakapaborito mong prutas mula sa ibinigay na mga larawan sa inyong pangkat. Pagsunod-sunurin ang mga prutas ayon sa dami ng bilang. Isulat ang pangalan sa unang hanay mula sa may pinakamaraming bilang hanggang sa may pinakakaunting bilang. Idikit ang larawan ng mga prutas sa ikalawang hanay. Sipiin sa inyong kuwaderno ang talahanayan Pangalan ng prutas Larawan ng mga prutas
  167. 163 Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ilang uri ng prutas mayroon sa talahanayan? 2. Ilan ang bilang ng prutas? 3. Ilang bata ang pumili ng mangga? Bayabas? Saging? Santol? 4. Ilan ang dami ng batang pumili ng mangga kaysa sa santol? Pagsasanay 2 Itanong sa 20 mong kaklase kung ano ang paborito nilang kulay. Itala ang iyong sagot sa talaang nasa ibaba. Sipiin sa inyong kuwaderno ang talahanayan Paboritong kulay ng mga mag-aaral Kulay Bilang Kabuuan Asul Dilaw Pula Berde Kahel Rosas Ibang Kulay
  168. 164 Sagutin ang mga tanong 1. Ilang bata ang pumili ng pula? Berde? Rosas? 2. Ilan ang dami ng batang pumili ng asul kaysa sa kahel? 3. Aling kulay ang pinakapaboritong pinili ng mga bata? Gawaing bahay Nais mo bang malaman kung ilang kasapi ng iyong mag-anak o kapit-bahay ang naka-uwi na ng bahay mula sa trabaho o paaralan? Tanungin ang mga kasama sa bahay o mga kapitbahay kung paano sila nakauwi. Ipakita ang sagot sa talahanayang kahon gamit ang mga larawan at listahan.
  169. 165 Ugnayang Sanhi at Bunga Pampasiglang gawain Ipaskil sa pisara ang larawan at ipabasa ng tahimik ang tanong na nasa ibaba: Araw-araw ng-aaral ng mabuti si Marvin. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari pagkatapos ng pagsusulit Mataas na iskor Mababang iskor Inaasahang sagot: Mataas ang makukuhang iskor ni Marvin sa pagsusulit. 100 70
  170. 166 Mataas ang nakuhang iskor ni Marvin sapagkat araw-araw siyang nag-aaral nang mabuti ay halimbawa ng sitwasyong sanhi at bunga. Ang sanhi ay nag-aaral araw-araw at ang bunga ay nakuha nang mataas na iskor. Tandaan: Ang bunga ay nangyayari sapagkat may dahilan Pagsasanay 1 Tingnan ang larawan sa unang hanay. Lagyan ng bilog ang larawang nagpapakita ng maaaring mangyari. 1. 2. 3. 4.
  171. 167 Pagsasanay 2 Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Sabihin kung ang pariralang may salungguhit ay sanhi o bunga. Lagyan ng bilog ang tamang sagot. Halimabawa: kumain ng maraming kendi si Irene. Kaya sumakit ang ngipin nya. = sanhi / bunga 1. Nagaaral nang mabuti si Lea sa pagsusulit kaya nakakuha siya ng mataas na iskor. Sanhi Bunga 2. Nakasindi ang “flash light” buong magdamag kaya naubos ang baterya. Sanhi Bunga 3. Suspendido ang klase sapagkat malakas ang ulan. Sanhi Bunga 4. May mga lugar na may baha dahil sa malakas na ulan. Sanhi Bunga 5. Siya ay nagkasakit sapagkat naglaro siya sa ulan. Sanhi Bunga 6. Nanonood siya ng TV hanggang hatinggabi kaya nahuli siya sa pagpasok sa paaralan. Sanhi Bunga 7. Nakakuha si Lea ng mataas na grado, kaya binigyan siya ni nanay ng regalo. Sanhi Bunga
  172. 168 8. Ginawa nang maaga ni Ana ang kanyang proyekto kaya natapos niya ito nang mas maaga. Sanhi Bunga 9. Nagkaroon ng brown out sa buong lugar dahil sa sunog. Sanhi Bunga 10. Kilala tayong mga Filipino sa buong mundo dahil sa ating pagiging magiliw sa mga bisita Sanhi Bunga Gawaing bahay Idrowing o ilarawan ang maaaring sanhi o bunga ng bawat sitwasyon. Sanhi Bunga
  173. 169
  174. 170 Alamin at Itala ang kinalabasan ng Pagsubok at Pakikipagsapalarang Laro Pampasiglang Gawain Reeze, mayroon akong takdang-gawain. Maaari mo ba akong tulungan? Oo ba, Ano ang iyong takdang-gawain? Kailangan kong malaman kung ilang beses tumatapat sa mga kulay ang arrow ng paikutin ko ng 20 beses. Madali lang, subukan nating paikutin ang arrow at itala natin ang magiging resulta. asul berde pula
  175. 171 Maaaring kinalabasan: Talaang Iskor Pula Asul Berde Kabuuan ||| |||| || |||| |||| 20 Pinapakita sa talaang iskor na: - Ang arrow ay tatlong beses nakaturo sa kulay pula -Ang arrow ay sampung beses nakaturo sa kulay berde - Ang arrow ay pitong beses nakaturo sa kulay asul Sinasabi sa kinalabasan na ang arrow ay mas maraming beses na tumapat sa kulay berde at may kakaunting bilang sa kulay pula. Tingnan ang bilog na may arrow. Maaari kayang paikutin ang arrow at hihinto sa tapat ng kulay dilaw? o sa tapat ng kulay puti? Tiyak na palaging hihinto ang arrow sa kulay dialw sapagkat dilaw ang kulay ng buong bilog. Ang salitang tiyak ay nagsasabi na ang kinalabasan ay palaging nangyayari. Di maaaring huminto ang arrow sa kulay puti tuwing ito ay paiikutin. Ang salitang di maaari ay nagsasabi na ang kinalabasan ay hindi maaaring mangyari.
  176. 172 Pagsasanay Sa pagsasanay na ito, kukuha ka ng isang holen mula sa bag. Tandaan ang kulay ng holen na iyong kinuha. Ibalik ang holen sa loob ng bag at ihalo sa ibang holen. Muling kumuha ng isang holen. Bago mo gawin ang gawaing ito ay naiisip mo na ang kalalabasan ng pagsasanay. 1. Aling kulay ng holen ang mahirap kunin? bakit? 2. Aling kulay ang madaling kunin? bakit? 3. Sa anong pagkakataon maaaring makuha ang berdeng holen? bakit? Ngayon, gawin ang pagsasanay. Itala ang resulta sa talahanayang kahon. Gamitin ang resulta sa pagtama ng iyong kinuha. Kulay ng holen Iskor Kabuuan Dilaw Pula Asul
  177. 173 1. Kung ang isang berdeng holen ay idinagdag sa ibang mga holen na nasa bag, anong kulay ng holen ang iyong makukuha? 2. Ano ang pagkakataong makukuha mo ang itim na holen sa bag? Gawaing bahay Kailangan mo ng 2 pisong barya. Ang pisong barya ay may dalawang mukha. Ang isang mukha ay may larawan ng ulo ng tao at ang isang mukha ay may nakasulat na Bangko Sentral ng Pilipinas. Ano ang magiging resulta kapag inihagis pataas ang pisong barya? Aling mukha ang palaging lalabas? Ihagis pataas ang dalawang pisong barya. Ihagis ito ng 20 beses. Itala ang iskor sa talaan sa ibaba. Maaaring Kumbinasyon ng Resulta Iskor
Anúncio