SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
PAGONG AT KUNEHO
Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang
pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At
sinundan iyon ng malulutong na tawa.
Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay
hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo."
Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang
abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng
mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng
kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan.
"Handa na ba kayo".
Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".
"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag
si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok.
Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop.
Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na
ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya
ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng
bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan
ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya
ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.
Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si
pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng
matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.
Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong
makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog
din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan.
Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang
talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong.
Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong
na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng
kanyang mga Kuneho sa buhay.
PALAKA AT UWANG
Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang
dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang
mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala.
Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni
Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa
isang
yagit,
kaya
nakaahon
siya
sa
pampang.
Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at
Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si
Gagamba, Hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang
panlulumo
habang
si
Uwang
naman
ay
patudyong
nagtatawa.
Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan.
Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila
sa
isang
paligsahan
si
Uwang.
Ang
ilalaban
nila
ay
si
Palaka.
"Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar
nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin."
Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay
doon.
"Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang
kanyang
pakpak.
Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy
patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa.
Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang.
Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay
natangay
ng
agos.
"Tulungan mo
ako,
Palaka. Hindi
ako marunong lumangoy," pakiusap ni
Uwang.
Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at
Susuhong.
"Mabuti
nga
sa
kanya,"
sabi
ni
Palaka
nang
Hindi
na
matanaw
si
Uwang.
Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.
BAGONG KAIBIGAN
(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko
raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa
papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko
ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan.
Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan
pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng
dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na
lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang
bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang
tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para
itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay
nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala
pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa
kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin
sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“

Ang Aral ng Damo
May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan
ay nasisiyahan.
"G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel.
"Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak."
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?"
"Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy
sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!"
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang masasabi mo sa iyong
halimuyak?"
"Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko. Ang kanyang
mga piling ay hinog na!"
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G. Saging, kumusta? Ikaw ba'y
nasisiyahan sa iyong sarili?"
"Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo't may
bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!"
Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?"
"Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito'y
nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?"
"Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng
matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!"
Ang Matalinong Pintor
Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit niya sa kanang
kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang brotsang gagamitin sa pagpipintura.
Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, "Huwag kang aalis, Zandrey, dahil may
ipagagawa ako sa iyo."
"Ano po iyon, inay?" tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan nilang mga magkababata
na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.
"Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng pinturang puti at brotsa at
maaari mo nang masimulan pagkakain mo."
Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga utos niya ay parang utos ng
reyna na di mababali.
Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pag-iisip niya ang tiyak na nasa
laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa pag-aantay sa kanya, o di kaya'y naglalaro na at
hindi na siya hinintay.
Isinawsaw niya ang brotsa sa lata ng pintura at dahan-dahang idinampi sa isang sulok ng mahabang bakuran.
"Sa lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi," wika niya sa sarili. "Binabalak pa naman namin ni James na
ilampaso ngayon sina Henry."
Nang walang kagana-ganang isasawsaw na uli ang brotsa sa lata ng pintura, natanaw niyang dumarating ang
kapwa bata ring si Vince.
"Hoy, Zandrey!" Di siya lumingon at kunwari ay walang narinig. Binilisan niya ang paghahaplos ng pintura sa
bakod.
"Ano ang ginagawa mo, Zandrey?"
Wala pa rin siyang narinig. Humakbang siya sa likod at sinipat ang napinturahan na.
"Kawawa ka naman, Zandrey. Nagpipintura ka."
"Oy, nandiyan ka pala, Vince. Di kita napansin."
Isinawsaw na uli ni Zandrey sa lata ang brotsa at ganadong-ganadong itinuloy ang pagpipintura. Maya't-maya'y
sinisipat ang napintahan na. Sisipol-sipol siya at tila tuwang-tuwa sa ginagawa. Si Vince ay nakatungangang
nagmamasid.
"Papinta rin nga," maya-maya'y pakiusap, nito. "Titikman ko lang magpintura."
"Ay, huwag! Baka hindi mo kaya. At saka, magagalit ang nanay ko. Kailangang maayos ang pintura nito."
"Sige na, patikim lang. Aayusin ko. O, ibibigay ko sa iyo ang trumpo ko, pagpintahin mo lang ako."
"O, sige na nga." Naupo si Zandrey sa isang tabi at hinayaang magpintura ang kababata. Habang pinapanood
niya si Vince, nabuo sa isipan niya ang isang balak para mapadali ang trabaho niya at makaipon pa siya ng mga
regalo.
Nang umalis na ang napagod nang si Vince, sumunod namang naisahan ni Zandrey si Armel. Binigyan siya nito
ng yoyo kapalit ng pagpipintura sa bakod. Sumunod naman dito si Erick, saka si Ethan, si Alexander, si
Richard.
Nang matapos ang araw, malaking kayamanan ang inisa-isang bilangin ng matalinong si Zandrey - may yoyo,
trumpo, tatlong malalaking sigay, kandadong walang susi, larawan ni Batman at Robin, komiks na Superman,
mahabang tali ng borador, plastic na baril-barilan, singsing na tanso....
Pinagmasdan niya ang bakod na pininturahan. May makapal, may manipis, may paayon, pasalungat, may
kulang-kulang na pintura. Ngunit sa paningin ni Zandrey, ang bakod ay napakaganda, dahil ni-kaunti man ay di
siya napagod at nakakamal pa siya ng maraming yaman.
Bakit Mataas Ang Langit
Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang
langit? Narito sa kuwento na ito ang mga sagot. Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahaykubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat
niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw
nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.
"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.
"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.
"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."
"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino
sa tubig.
"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas.
Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo
na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.
"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababangmababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.
"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na pagkatapos ko
nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay
at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa
lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang
kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas.
Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling
mabayo ang palay.
Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo naman ay
tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang
kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.
Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay
umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya
ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga
gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At anong kinang ng
mga butil ng aking kuwintas!"
Maikling kwento

More Related Content

What's hot

Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
anariza94
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorah
Rose Espino
 

What's hot (20)

Alamat ng Bundok kanlaon
Alamat ng Bundok kanlaonAlamat ng Bundok kanlaon
Alamat ng Bundok kanlaon
 
ELEMENTO NG ALAMAT
ELEMENTO NG ALAMATELEMENTO NG ALAMAT
ELEMENTO NG ALAMAT
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Transitional devices at pangatnig
Transitional devices at pangatnigTransitional devices at pangatnig
Transitional devices at pangatnig
 
Parabula ng banga
Parabula ng bangaParabula ng banga
Parabula ng banga
 
Kaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uriKaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uri
 
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PAMANAHONPANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PAMANAHON
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
Palaisipan
PalaisipanPalaisipan
Palaisipan
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Pamahalaan ng Pilipinas
Pamahalaan ng PilipinasPamahalaan ng Pilipinas
Pamahalaan ng Pilipinas
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
Ang Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibigAng Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibig
 
Ikalimang Bahagi -Mga Pagsubok na Hinarap ni Don Juan
Ikalimang Bahagi   -Mga Pagsubok na Hinarap ni Don JuanIkalimang Bahagi   -Mga Pagsubok na Hinarap ni Don Juan
Ikalimang Bahagi -Mga Pagsubok na Hinarap ni Don Juan
 
SANHI AT BUNGA.pptx
SANHI AT BUNGA.pptxSANHI AT BUNGA.pptx
SANHI AT BUNGA.pptx
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
PAGONG AT MATSING PART 2
PAGONG AT MATSING PART 2PAGONG AT MATSING PART 2
PAGONG AT MATSING PART 2
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorah
 

Similar to Maikling kwento

Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongSang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
rizaldymargate
 
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongSang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
rizaldymargate
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
jennytuazon01630
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Julemie
 
Isang araw habang palakad
Isang araw habang palakadIsang araw habang palakad
Isang araw habang palakad
Jhanine Cordova
 
SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf
SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdfSI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf
SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf
irvingrei gamit
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Neri Zara
 

Similar to Maikling kwento (20)

10-Tagalog Simple Short Stories for Kids.pdf
10-Tagalog Simple Short Stories for Kids.pdf10-Tagalog Simple Short Stories for Kids.pdf
10-Tagalog Simple Short Stories for Kids.pdf
 
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongSang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
 
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongSang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
 
Ang kuneho at ang pagong
Ang kuneho at ang pagongAng kuneho at ang pagong
Ang kuneho at ang pagong
 
Alamat ni tungkung
Alamat ni tungkungAlamat ni tungkung
Alamat ni tungkung
 
Ang pasaway na palaka
Ang pasaway na palakaAng pasaway na palaka
Ang pasaway na palaka
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
 
Alamat ng langgam
Alamat ng langgamAlamat ng langgam
Alamat ng langgam
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
 
Ang Alamat ng Alingawngaw
Ang Alamat ng AlingawngawAng Alamat ng Alingawngaw
Ang Alamat ng Alingawngaw
 
Isang araw habang palakad
Isang araw habang palakadIsang araw habang palakad
Isang araw habang palakad
 
SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf
SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdfSI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf
SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf
 
Fil9-Q3_Parabula.pptx
Fil9-Q3_Parabula.pptxFil9-Q3_Parabula.pptx
Fil9-Q3_Parabula.pptx
 
I am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdoI am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdo
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Alamat ng langka
Alamat ng langkaAlamat ng langka
Alamat ng langka
 

More from Shaw Cruz

Lesson 1 history of computer (grade 1)
Lesson 1 history of computer (grade 1)Lesson 1 history of computer (grade 1)
Lesson 1 history of computer (grade 1)
Shaw Cruz
 
Lesson 1 desktop (grade 1) 4th qtr
Lesson 1 desktop (grade 1) 4th qtrLesson 1 desktop (grade 1) 4th qtr
Lesson 1 desktop (grade 1) 4th qtr
Shaw Cruz
 
Pagsusulit 1
Pagsusulit 1Pagsusulit 1
Pagsusulit 1
Shaw Cruz
 
Maikling pagsusulit sa filipino 3
Maikling pagsusulit sa filipino 3Maikling pagsusulit sa filipino 3
Maikling pagsusulit sa filipino 3
Shaw Cruz
 
Gmrc 3rd monthly 2012
Gmrc 3rd monthly 2012Gmrc 3rd monthly 2012
Gmrc 3rd monthly 2012
Shaw Cruz
 
Gmrc 1st monthly 2012
Gmrc  1st  monthly 2012Gmrc  1st  monthly 2012
Gmrc 1st monthly 2012
Shaw Cruz
 
Filipino iv 4th qtr
Filipino iv   4th qtrFilipino iv   4th qtr
Filipino iv 4th qtr
Shaw Cruz
 
Filipino iv 3rd qrt
Filipino iv   3rd qrtFilipino iv   3rd qrt
Filipino iv 3rd qrt
Shaw Cruz
 

More from Shaw Cruz (11)

Lesson 2 understand the powerpoint environment
Lesson 2 understand the powerpoint environmentLesson 2 understand the powerpoint environment
Lesson 2 understand the powerpoint environment
 
Lesson 1 history of computer (grade 1)
Lesson 1 history of computer (grade 1)Lesson 1 history of computer (grade 1)
Lesson 1 history of computer (grade 1)
 
Lesson 1 desktop (grade 1) 4th qtr
Lesson 1 desktop (grade 1) 4th qtrLesson 1 desktop (grade 1) 4th qtr
Lesson 1 desktop (grade 1) 4th qtr
 
Pagsusulit 1
Pagsusulit 1Pagsusulit 1
Pagsusulit 1
 
Maikling pagsusulit sa filipino 3
Maikling pagsusulit sa filipino 3Maikling pagsusulit sa filipino 3
Maikling pagsusulit sa filipino 3
 
Gmrc 3rd monthly 2012
Gmrc 3rd monthly 2012Gmrc 3rd monthly 2012
Gmrc 3rd monthly 2012
 
Gmrc 1st monthly 2012
Gmrc  1st  monthly 2012Gmrc  1st  monthly 2012
Gmrc 1st monthly 2012
 
Filipino iv
Filipino ivFilipino iv
Filipino iv
 
Filipino iv 4th qtr
Filipino iv   4th qtrFilipino iv   4th qtr
Filipino iv 4th qtr
 
Filipino iv 3rd qrt
Filipino iv   3rd qrtFilipino iv   3rd qrt
Filipino iv 3rd qrt
 
Quiz
QuizQuiz
Quiz
 

Maikling kwento

  • 1. PAGONG AT KUNEHO Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. "Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya. Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan. Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong. Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng kanyang mga Kuneho sa buhay.
  • 2. PALAKA AT UWANG Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala. Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang. Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, Hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa. Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka. "Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin." Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay doon. "Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang kanyang pakpak. Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa. Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos. "Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy," pakiusap ni Uwang. Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at Susuhong. "Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang Hindi na matanaw si Uwang. Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.
  • 3. BAGONG KAIBIGAN (Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali) May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel. Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay. “Gising na anak, may pasok ka ngayon” “Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!” “Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“ Ang Aral ng Damo May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan. "G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel. "Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak." Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?" "Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!" Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang masasabi mo sa iyong halimuyak?" "Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!" Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G. Saging, kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?" "Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!" Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?" "Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito'y nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra. Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?" "Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!"
  • 4. Ang Matalinong Pintor Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang brotsang gagamitin sa pagpipintura. Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, "Huwag kang aalis, Zandrey, dahil may ipagagawa ako sa iyo." "Ano po iyon, inay?" tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan nilang mga magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga. "Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng pinturang puti at brotsa at maaari mo nang masimulan pagkakain mo." Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga utos niya ay parang utos ng reyna na di mababali. Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pag-iisip niya ang tiyak na nasa laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa pag-aantay sa kanya, o di kaya'y naglalaro na at hindi na siya hinintay. Isinawsaw niya ang brotsa sa lata ng pintura at dahan-dahang idinampi sa isang sulok ng mahabang bakuran. "Sa lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi," wika niya sa sarili. "Binabalak pa naman namin ni James na ilampaso ngayon sina Henry." Nang walang kagana-ganang isasawsaw na uli ang brotsa sa lata ng pintura, natanaw niyang dumarating ang kapwa bata ring si Vince. "Hoy, Zandrey!" Di siya lumingon at kunwari ay walang narinig. Binilisan niya ang paghahaplos ng pintura sa bakod. "Ano ang ginagawa mo, Zandrey?" Wala pa rin siyang narinig. Humakbang siya sa likod at sinipat ang napinturahan na. "Kawawa ka naman, Zandrey. Nagpipintura ka." "Oy, nandiyan ka pala, Vince. Di kita napansin." Isinawsaw na uli ni Zandrey sa lata ang brotsa at ganadong-ganadong itinuloy ang pagpipintura. Maya't-maya'y sinisipat ang napintahan na. Sisipol-sipol siya at tila tuwang-tuwa sa ginagawa. Si Vince ay nakatungangang nagmamasid. "Papinta rin nga," maya-maya'y pakiusap, nito. "Titikman ko lang magpintura." "Ay, huwag! Baka hindi mo kaya. At saka, magagalit ang nanay ko. Kailangang maayos ang pintura nito." "Sige na, patikim lang. Aayusin ko. O, ibibigay ko sa iyo ang trumpo ko, pagpintahin mo lang ako." "O, sige na nga." Naupo si Zandrey sa isang tabi at hinayaang magpintura ang kababata. Habang pinapanood niya si Vince, nabuo sa isipan niya ang isang balak para mapadali ang trabaho niya at makaipon pa siya ng mga regalo. Nang umalis na ang napagod nang si Vince, sumunod namang naisahan ni Zandrey si Armel. Binigyan siya nito ng yoyo kapalit ng pagpipintura sa bakod. Sumunod naman dito si Erick, saka si Ethan, si Alexander, si Richard. Nang matapos ang araw, malaking kayamanan ang inisa-isang bilangin ng matalinong si Zandrey - may yoyo, trumpo, tatlong malalaking sigay, kandadong walang susi, larawan ni Batman at Robin, komiks na Superman, mahabang tali ng borador, plastic na baril-barilan, singsing na tanso.... Pinagmasdan niya ang bakod na pininturahan. May makapal, may manipis, may paayon, pasalungat, may kulang-kulang na pintura. Ngunit sa paningin ni Zandrey, ang bakod ay napakaganda, dahil ni-kaunti man ay di siya napagod at nakakamal pa siya ng maraming yaman.
  • 5. Bakit Mataas Ang Langit Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa kuwento na ito ang mga sagot. Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahaykubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. "Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina. "Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos. "Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing." "Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. "Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan. "Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababangmababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas. "Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas." Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay. Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito. Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin. "Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"