SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 11
I. LAYUNIN
A. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere.
B. Naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula.
C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Kabanata 7 ng Noli Me Tangere
(Suyuan sa Asotea)
Kompetensi: F9PB-IVd-58, F9PN-IVd-58
Sanggunian:
Kagamitang Pampagtuturo: Lobo, laptop, ispiker, gitara, sipi, cellphone at visual aids
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda
1. Panimulang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
 Pagbati
Magandang umaga sa lahat.
Magsiupo ang lahat.
 Pagtala ng Liban
Sino ang liban sa umagang ito?
2. Pagbabalik-Aral
Bago tayo dadako sa ating bagong talakayan
ngayong umaga, ano nga ulit ang ating
(Lahat ay tatayo)
Sa ngalan ng ama, ng anak … Amen.
Magandang umaga po Bb. Dela Cruz.
Magandang umaga po mga guro.
Magandang umaga mga kaklase.
Salamat po.
Wala po.
tinalakay noong nakaraang araw?
Sige ikaw Eva Mae.
Tama! Paano nga ba inilarawan si Kapitan
Tiyago sa kabanatang ito? Karylle.
Magaling! Ano pa ang mga mahahalagang
bagay na natuklasan niyo tungkol kay Kapitan
Tiyago at anak nitong si Maria Clara?
Gabriel.
Mahusay! Talagang nakinig kayo sa ating
talakayan kahapon.
3. Pagganyak (5-10 minuto)
Sa umagang ito ay magkakaroon tayo ng
gawain. Meron akong apat na lobo dito. Sa loob
ng lobo ay may mga hugis puso na may nakasulat
na mga pick up line ng mga sikat na loveteam sa
ating henerasyon ngayon. Ang gagawin niyo ay
ipapasa niyo ito sa mga kaklase niyo habang may
ipinapatugtog akong musika. Kung sino ang may
hawak ng pang-apat na lobo paghinto ng kanta
ay siyang magpapaputok nito. Pagkatapos ay
pumili ng kapares upang isabuhay o isadula kung
ano ang nakasulat dun.
Maliwanag ba ang mekaniks sa gawain ninyo?
Kung ganon ay simulan na natin.
( Ang mga linyang isasabuhay ng mga mag-aaral:
1. Boy: Nag-review ka na ba?
Girl: Bakit?
Mam.
Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol
sa kabanata 6 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang “Si Kapitan Tyago”.
Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang
isang magandang lalaki, may morenong
pangangatawan, pandak, at bilugan ang
mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng
pananabako at pag-nganga nito.
Ma’am!
Nalaman po namin na hindi pala tunay
na anak ni Kapitan Tiyago si Maria
Clara. Nang dahil sa ginawang
panggagahasa ni Padre Damaso kay
Donya Pia ay nagkaanak sila. Yun po ay
si Maria Clara.
Maliwanag po.
(Ipapasa ang mga lobo hanggang
hihinto ang kanta)
(Magsasadula)
Boy: Kasi mamaya, pasasagutin na kita.
2. Girl: Alam mo, ‘pag kasama kita mayaman
ako.
Boy: Bakit?
Girl: kasi mahirap kapag wala ka.
3. Boy: KAPE ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi ginigising mo ang natutulog
kong puso!
4. Boy: Hindi mo na kailangan ng RELO,
Girl: Bakit?
Boy: Kasi handa kong ibigay lahat ng
ORAS ko sayo!)
Ang unang pares na magsasadula ay sina Alyza at
Pete. Tunghayan natin ang kanilang
pagsasabuhay sa linyang nakuha.
Palakpakan natin ang mahusay na pagganap nina
Alyza at Pete. Magaling!
Ang pangalawa… ang pangatlo…at pang-apat.
Palakpakan natin ang lahat ng mga nagsadula
dito sa harapan. Napakagaling ng kanilang
pagganap.
Ano ang naramdaman niyo habang pinapanood
ang mga kaklase niyo na nagsadula kanina?
Ikaw Marialyn?
Okay. Eh, ikaw naman Julie?
Syanga. Talagang nakakadala ang kanilang
kagalingan. Nakaramdam tayo ng kilig at saya
habang pinapanood sila. Saan ba natin kalimitang
naririnig aat natutunghayan ang mga linyang ito?
Sige Marian.
Tama! Ano pa?
Ma’am.
Kinikilig po ako habang pinapanood ko
sila kanina.
Tuwang-tuwa po ako mam kasi nadala
talaga ako sa mga linya na kanilang
sinabi at nadala rin po ako sa kanilang
pag-arte. Sobrang galing po nila.
Mam!
Tuwing dumidiskarte po ang lalaki sa
babae.
Tumpak! Ano ba kalimitan ang ginagawa o
sinasabi ng mga lalaki sa babae tuwing nanliligaw
o nanunuyo? Joy.
Magaling! Ang ganitong uri ba ng suyuan ay
ginagawa pa rin ng mga magkakasintahan ngayon
o ng mga nagliligawan ngayon?
Tama! Ganun din ba kayo?
Mabuti naman kung ganon.
Kaya naman may ideya na ba kayo kung tungkol
saan ang kabanata na tatalakayin natin ngayon?
Tama. Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa
kabanata 7 ng Noli Me Tangere na pinamagatang
“Suyuan sa Asotea”. Tunghayan natin ang
nilalaman ng nasabing kabanata. Alamin rin natin
kung paano nga ba naiiba ang pagsusuyuan noon
at ngayon at tingnan natin anong kaugaliang
Pilipino ang dapat nating panatilihin.
B. Paglalahad
1. Pagahahawan ng Sagabal
Bago ninyo babasahin ang buod ng
Kabanata 7, bibigyan muna ninyo ng
kahulugan ang mga mahihirap na salita at
gamitin ito sa pangungusap. Tingnan ninyo
ang nasa pisara. Kung makikita ninyo, may
nakasampay na mga pang-itaas na damit na
may nakadikit na salita dito. Ang gagawin
niyo ay pipiliin ninyo ang kahulugan ng mga
salitang ito sa mga nakadikit na pang-
ibabang damit na nakadikit rin dito sa
ibabang bahagi ng pisara.
Tuwing nanliligaw o sinusuyo po ng mga
lalaki ang mga babae mam.
Sinasabihan po ng lalaki ang mga babae
ng mga matatamis na salita o di naman
kaya ay nagbibigay ng sulat, bulaklak at
hinaharanahan nila ang mga babae..
Hindi po lahat mam. Kasi ngayon isang
text o isang chat lang pwede na. Hindi
na gaanong pinaghihirapan pa nung
lalaki para maipakita niya ang
pagmamahal o sagutin siya ng babae.
Mam hindi po.
Opo. Tungkol po sa pagliligawan ma’am
at pagsusuyuan.
Sino ang gustong sumagot sa una?
Sige ikaw Charie.
Tama! Magaling!
2. Napatda –natigilan
3. Natatalos –nakaaalam
4. Mag-ulayaw –mag-usap
5. Nagtulos –nagtirik
Suriin natin kung tama ba ang inyong mga
kasagutan. Tama ba?
Okay, magaling!
Ngayon ay gagamitin naman natin sa
pangungusap ang mga salita.
Oh Arian.
Tama.
Sa pangalawa…pangatlo…
Magaling at nabigyan ninyo ng kahulugan
at halimbawang pangungusap ang mga
salita.
2. Pagbasa ng Kabanata ng Nobela
Meron akong mga sipi dito na ibibigay sa
inyo. Sa loob ng tatlong minuto ay
babasahin ninyo nang tahimik ang buod ng
Kabanata 7 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang “Suyuan sa Asotea”. Pero
bago ang lahat ay basahin muna ninyo ang
idinikit kong mga gabay na katanungan dito
sa harapan upang magabayan kayo sa mga
dapat malaman at maunawaan habang
binabasa ang kabanata. Basahin ng sabay-
sabay.
Mam!
Nagpapasikdo-nagpapatibok.
Tama po.
Ang maamo mong mukha ang
nagpapasikdo ng malakas sa puso ko
tuwing nakikita kita.
(Magbabasa ang mga mag-aaral)
Mga gabay na katanungan:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang
kabanata?
2. Bakit maagang nagsimba sina Maria
Clara at Tiya Isabel?
3. Paano pinatuyan nina Ibarra at Maria
Clara na hindi nila nalimot ang isa’t-isa?
4. Anong pagpapahalagang Pilipino ang
ipinamalas ni Ibarra? Ni Maria Clara?
5. May pagkakaiba ba ang paraan ng
panunuyo noon at ngayon? Patunayan.
Alin sa dalawang paraan ang higit na
kasiya-siya?
3. Pagtalakay sa Binasa
Tapos na ba ninyong basahin ang
kabanata?
Kung ganon ay tingnan natin ano nga ba
ang naunawaan ninyo sa binasa. Sa ilalim
ng inyong mga armchair ay may nakadikit
na mga hugis puso. Kung sino ang nakakuha
ng mga hugis puso na iba ang kulay bukod
sa pula ang siyang sasagot sa mga ibinigay
kong katanungan. Paalala lang, huwag niyo
munang itapon ang mga hugis puso
sapagkat may isusulat kayo diyan mamaya.
Ngayon ay simulan nating suriin kung ano
ba ang naintindihan ninyo sa binasa. Ang
ating unang tanong ay, “Sinu-sino ang mga
tauhan sa binasang kabanata?” Sino sa inyo
dito ang nakakuha ng dilaw na puso?
Kung ganun, maaari mo bang basahin ulit
ang unang katanungan at bigyan ng
kasagutan?
Tama! Sino naman ang nakakuha ng
berdeng puso?
Tapos na po.
Ako po mam.
Opo mam.
Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang
kabanata?
Ang mga tauhan po sa kabanata 7 ay
sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara,
Tiya Isabel at Kapitan Tiyago.
Mam.
Maaari mo bang sagutan ang pangalawang
katanungan?
Tama rin. Hana, dahil ikaw ang
nakakuha ng hugis puso na kulay
bughaw, paano naman pinatunayan ni
Ibarra at Maria Clara na hindi nila nalimot
ang isa’-isa?
Magaling. Maaari niyo bang ilahad kung
paano sinariwa nina Ibarra at Maria Clara
ang kanilang pag-iibigan? Sige nga Angelika.
Tumpak! Ganun nga. Sa nakakuha ng kulay
puting puso? Pakibasa at sagutan ang mga
katanungan.
Tama! Ano pa?
Maaga pong nagsimba sina Maria Clara
at Tiya Isabel sa araw na iyon sapagkat
magkikita sila Maria Clara at kasintahan
nitong si Crisostomo Ibarra.
Sinariwa po nila ang mga alaala ng
kanilang pag-ibig.
Sinariwa po nina Ibarra at Maria Clara
ang pag-iibigan sa pamamagitan ng pag-
babasang muli sa sulat na bigay ni
Ibarra kay Maria Clara bago ito umalis
papuntang Europa at sinariwa din nila
ang mga alaala ng kanilang
kamusmusan. Yung pag-aaway at
pagbabati rin naman nila agad.
Ano ang pagpapahalagang Pilipino ang
ipinamalas ni Ibarra at ni Maria Clara?
Ang mga pagpapahalaga pong ipinakita
nina Maria Clara at Ibarra ay una, ang
pagkamatiisin ng mga Pilipino. Tiniis nila
ang pangungulila sa isa’t-isa upang
matupad ang pangarap nila sa buhay at
unahin ang kagustuhan ng kani-kanilang
mga magulang. Naghintay sila ng
mahabang panahon para magkitang
muli. Pangalawa po ay ang kakayahang
umangkop ng mga Pilipino saan mang
lugar mapadpad gaya ng ipinakita ni
Ibarra. Nakaya niyang makihalubilo sa
ibang lahi na hindi nawawala ang
pagmamahal sa bayan.
Mam. Naipamalas po nina Maria Clara
at Ibarra ang tunay at wagas na
pagmamahal sa magulang, sa
kasintahan at para po sa bayan.
Tama! Puntong-punto mo! Sa anong
paraan ba nila ipinakita ang pagmamahal
sa bayan?
Sige Aristone.
Tama! Napakahusay! Para sa magulang
naman?
Magaling! Sa kasintahan naman? Ikaw
Charie.
Talaga ngang napakawagas ng
pagmamahalan nina Maria Clara at
Ibarra.
Sino naman dito sa inyo ang sasagot ng
panghuling katanungan?
Mam!
Malinaw po sa kabanata kung bakit
kailangang magpakasakit ang isang
Pilipino upang makapag-aral. Ito’y
upang harapin ang panahong darating o
isipin ang hinaharap at ang kanyang
tungkulin –ang pag-aralan ang
karunungan ng buhay at
mapakinabangan ng inang bayan balang
araw.
Ipinakita po ni Ibarra ang pagmamahal
sa magulang noon pong sinunod niya
ang kagustuhan ng ama na mag-aral sa
ibang bansa.
Nanatili po siyang tapat kay Maria Clara
kahit na wala ito sa kanyang tabi.
Napapaligiran man siya ng
magagandang babae ay si Maria Clara
pa rin ang laman ng kanyang isipan.
Ganun din po sa parte ni Maria Clara.
Ako po mam.
May pagkakaiba ba ang pagsusuyo
noon at ngayon? Patunayan.
Marami pong pagkakaiiba ang suyuan
noon at ngayon na ipinakita sa
kabanata. Una, noon, ang mga lalaki
ang kalimitang pumupunta sa bahay ng
mga babae sapagkat konserbatibo po
ang mga babae noon. Samantalang
ngayon, kalimitan ang mga babae na
ang pumupunta sa bahay ng mga lalaki.
Tapos, noon, mahiyain ang mga
babaeng magparamdam ng kanilang
mga damdamin samantalang ngayon
sila pa ang nanliligaw sa mga lalaki.
Kuhang-kuha mo! Sang-ayon din ako sa mga
sinabi mo. Sang-ayon din ba kayo?
Natutuwa ako dahil napakahusay at
napakagaling ng inyong mga kasagutan at
pagpapaliwanag.
Talagang naunawaan ninyo ang inyong
binasa.
Dun naman sa mga hugis puso na nakuha
ninyo ay mag-isip kayo ng isang pangungusap
na maaari ninyong iugnay o natutunan sa
binasang kabanata.
Kung tapos na kayong magsulat ay ipasa niyo
dito sa harapan.
C. Pagsasanay
Ngayon naman ay magkakaroon tayo
ng pangkatan. Ito ang unang pangkat…
pangalawa … at pangatlo.
Mag-isip kayo ng tila isang status update sa
inyong natutunan sa binasang kabanata.
Pero, ibabahagi niyo iyan sa pamamagitan
ng isang yell o jingle. Ang isusulat niyo lang
dito sa ibibigay kong facebook status box ay
ang malikhaing hashtag at hugot line na
naisip ninyo para kay Maria Clara at Ibarra.
Maliwanag ba?
Mahusay naman kung ganun. Kaya, ang
Tatlong minutong paghahanda ninyo ay
magsisimula na ngayon.
Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang
bawat pangkat na nagtanghal. Napakahusay
ng inyong ginawa.
Kaya mas mainam po ang uri ng suyuan
noon kesa ngayon dahil makikita mo
talaga ang sinseridad ng lalaki kapag
nanliligaw kasi pumupunta talaga siya
sa bahay ng babae samantalang ngayon
sa text na lang o sa chat. Hindi na
pinaghihirapan ng mga lalaki ang
pangliligaw.
Opo mam.
Opo mam.
(Matapos ang limang minuto ay
nagkakaroon nang pagtatanghal ang
bawat pangkat)
D. Paglalapat
Sa puntong ito ay hahatiin ko ulit kayo sa
dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay
magtatanghal ng dula-dulaan na
magpapakita ng pagkakaiba sa suyuan noon
at ngayon. Ang unang pangkat ay
magtatanghal ng halimbawa ng suyuan
noon samantalang halimbawa ng suyuan
naman ngayon ang pangalawang pangkat.
Kung makikita ninyo may dalawang
malaking strip ng Cartolina ako dito.
Nakasulat ang “NOON” at “NGAYON”sa
bawat isa nito. Ibibigay ko sa unang
pangkat ang “NOON’’ at “NGAYON” sa
ikalawang pangkat.
Mamarkahan ang inyong pagtatanghal sa
pamamagitan ng mga sumusunod na
pamantayan:
Rubriks sa Gagawing Pagtatanghal
Kagalingan sa
pagganap
50%
Angkop na
ekspresyon ng
mukha sa
ipinapakitang
emosyon o sa
damdaming
pinalilitaw.
15%
Nilalaman 25%
Mahusay at
malinaw na
pagkakabitiw ng
mga pahayag
10%
Kabuuan = 100%
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto
para makapaghanda.
Nakuha niyo ba klas?
Kung ganun ay simulan niyo na ang
paghahanda.
Opo mam.
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili
sapagkat napakagaling ng inyong ginawang
pagtatanghal.
D. Paglalahat
Ang tanging permanenteng bagay lamang
sa mundo ay pagbabago. Sa pag-usbong ng
bagong milenyo, maraming kapansin-pansing
pagbabago ang ganap na nangyari sa lipunan. At
isa na rito ang panliligaw. Bagama’t maraming
pagbabagong nagaganap sa istilo ng panliligaw
mula noon hanggang ngayon, sana’y manatili ang
tunay na kabuluhan nito, ang maipakita ng
manliligaw ang sinseridad at malinis na
paghahangad sa kanyang nililigawan.
(Pagkatapos ng limang minuto ay
magtatanghal ang bawat pangkat)
IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa kalahating papel.
1. Anong katangian ni Ibarra o ni Maria Clara ang nagustuhan at nais mong sundin? Bakit?
2. Inamin mismo ni Ibarra na iisa ang pag-ibig niya kay Maria Clara at sa bayan. Ano ang
pagkakatulad ni Maria Clara sa bansang Pilipinas?
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Magsaliksik at basahin ng pauna ang kabanata 8 ng Noli Me Tangere na pinamagatang
“Ang mga Alaala”.
Inihanda ni:
Bb. Krystal Pearl L. Dela Cruz

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoTEACHER JHAJHA
 
Mga layunin sa pagkatuto sa filipino
Mga layunin sa pagkatuto sa filipinoMga layunin sa pagkatuto sa filipino
Mga layunin sa pagkatuto sa filipinoJohn Anthony Teodosio
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Tos filipino unang markahan grade 8
Tos filipino  unang markahan grade 8Tos filipino  unang markahan grade 8
Tos filipino unang markahan grade 8Evelyn Manahan
 
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...Mila Saclauso
 
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Eldrian Louie Manuyag
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalPagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalIrah Nicole Radaza
 
Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Elvira Regidor
 
Pakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikulaPakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikulaLaila Dinolan
 
Mga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaMga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaRovelyn133
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
Lesson Plan for Demo (Filipino)
Lesson Plan for Demo (Filipino)Lesson Plan for Demo (Filipino)
Lesson Plan for Demo (Filipino)Joeffrey Sacristan
 
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)Olhen Rence Duque
 

Mais procurados (20)

Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
 
Mga layunin sa pagkatuto sa filipino
Mga layunin sa pagkatuto sa filipinoMga layunin sa pagkatuto sa filipino
Mga layunin sa pagkatuto sa filipino
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
 
Tos filipino unang markahan grade 8
Tos filipino  unang markahan grade 8Tos filipino  unang markahan grade 8
Tos filipino unang markahan grade 8
 
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
 
Banghay Aralin
Banghay AralinBanghay Aralin
Banghay Aralin
 
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
 
Detalyadong banghay aralin
Detalyadong banghay aralinDetalyadong banghay aralin
Detalyadong banghay aralin
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
 
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalPagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
 
Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino
 
Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
 
Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)
 
Pakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikulaPakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikula
 
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptxESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
 
Mga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaMga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtataya
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
Lessonplan demo epiko
Lessonplan demo epikoLessonplan demo epiko
Lessonplan demo epiko
 
Lesson Plan for Demo (Filipino)
Lesson Plan for Demo (Filipino)Lesson Plan for Demo (Filipino)
Lesson Plan for Demo (Filipino)
 
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
 

Semelhante a Filiipino 9 detailed lesson plan

DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSJayRomel1
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismodionesioable
 
Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
 Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dulamontezabryan
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoMichael Gelacio
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)GinalynMedes1
 
filipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptxfilipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptxcatherinegaspar
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...MaryGraceRafaga3
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxcyrindalmacio
 
3 mga bahagi ng pangungusap katangian ng mga tauhan
3   mga bahagi ng pangungusap katangian ng mga tauhan3   mga bahagi ng pangungusap katangian ng mga tauhan
3 mga bahagi ng pangungusap katangian ng mga tauhannelita gumata
 
Mahabang banghay ng pagtuturo sa Filipino7
Mahabang banghay ng pagtuturo sa Filipino7Mahabang banghay ng pagtuturo sa Filipino7
Mahabang banghay ng pagtuturo sa Filipino7Rosalie Orito
 
MTBdemo.pptx
MTBdemo.pptxMTBdemo.pptx
MTBdemo.pptxSerGibo2
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikaldionesioable
 
analohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxanalohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxCyrisFaithCastillo
 

Semelhante a Filiipino 9 detailed lesson plan (20)

power point Co2.pptx
power point Co2.pptxpower point Co2.pptx
power point Co2.pptx
 
DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSS
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
 Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang Pilipino
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
Buhay ni RIzal.docx
Buhay ni RIzal.docxBuhay ni RIzal.docx
Buhay ni RIzal.docx
 
filipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptxfilipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptx
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
 
Epiko 2
Epiko 2Epiko 2
Epiko 2
 
3 mga bahagi ng pangungusap katangian ng mga tauhan
3   mga bahagi ng pangungusap katangian ng mga tauhan3   mga bahagi ng pangungusap katangian ng mga tauhan
3 mga bahagi ng pangungusap katangian ng mga tauhan
 
Mahabang banghay ng pagtuturo sa Filipino7
Mahabang banghay ng pagtuturo sa Filipino7Mahabang banghay ng pagtuturo sa Filipino7
Mahabang banghay ng pagtuturo sa Filipino7
 
MTBdemo.pptx
MTBdemo.pptxMTBdemo.pptx
MTBdemo.pptx
 
Tapos na sa wakas. (1)
Tapos na sa wakas. (1)Tapos na sa wakas. (1)
Tapos na sa wakas. (1)
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
 
Demo for ed12
Demo for ed12Demo for ed12
Demo for ed12
 
Mt lm q4 tagalog
Mt   lm q4 tagalogMt   lm q4 tagalog
Mt lm q4 tagalog
 
Mt lm q4 tagalog
Mt   lm q4 tagalogMt   lm q4 tagalog
Mt lm q4 tagalog
 
analohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxanalohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docx
 

Último

AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanJoannaJoyMercado
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxSundieGraceBataan
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxBlessGely
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptxjemarabermudeztaniza
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 

Último (20)

AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 

Filiipino 9 detailed lesson plan

  • 1. I. LAYUNIN A. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere. B. Naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula. C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Kabanata 7 ng Noli Me Tangere (Suyuan sa Asotea) Kompetensi: F9PB-IVd-58, F9PN-IVd-58 Sanggunian: Kagamitang Pampagtuturo: Lobo, laptop, ispiker, gitara, sipi, cellphone at visual aids III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Paghahanda 1. Panimulang Gawain  Panalangin Magsitayo ang lahat para sa panalangin.  Pagbati Magandang umaga sa lahat. Magsiupo ang lahat.  Pagtala ng Liban Sino ang liban sa umagang ito? 2. Pagbabalik-Aral Bago tayo dadako sa ating bagong talakayan ngayong umaga, ano nga ulit ang ating (Lahat ay tatayo) Sa ngalan ng ama, ng anak … Amen. Magandang umaga po Bb. Dela Cruz. Magandang umaga po mga guro. Magandang umaga mga kaklase. Salamat po. Wala po.
  • 2. tinalakay noong nakaraang araw? Sige ikaw Eva Mae. Tama! Paano nga ba inilarawan si Kapitan Tiyago sa kabanatang ito? Karylle. Magaling! Ano pa ang mga mahahalagang bagay na natuklasan niyo tungkol kay Kapitan Tiyago at anak nitong si Maria Clara? Gabriel. Mahusay! Talagang nakinig kayo sa ating talakayan kahapon. 3. Pagganyak (5-10 minuto) Sa umagang ito ay magkakaroon tayo ng gawain. Meron akong apat na lobo dito. Sa loob ng lobo ay may mga hugis puso na may nakasulat na mga pick up line ng mga sikat na loveteam sa ating henerasyon ngayon. Ang gagawin niyo ay ipapasa niyo ito sa mga kaklase niyo habang may ipinapatugtog akong musika. Kung sino ang may hawak ng pang-apat na lobo paghinto ng kanta ay siyang magpapaputok nito. Pagkatapos ay pumili ng kapares upang isabuhay o isadula kung ano ang nakasulat dun. Maliwanag ba ang mekaniks sa gawain ninyo? Kung ganon ay simulan na natin. ( Ang mga linyang isasabuhay ng mga mag-aaral: 1. Boy: Nag-review ka na ba? Girl: Bakit? Mam. Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa kabanata 6 ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Si Kapitan Tyago”. Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito. Ma’am! Nalaman po namin na hindi pala tunay na anak ni Kapitan Tiyago si Maria Clara. Nang dahil sa ginawang panggagahasa ni Padre Damaso kay Donya Pia ay nagkaanak sila. Yun po ay si Maria Clara. Maliwanag po. (Ipapasa ang mga lobo hanggang hihinto ang kanta) (Magsasadula)
  • 3. Boy: Kasi mamaya, pasasagutin na kita. 2. Girl: Alam mo, ‘pag kasama kita mayaman ako. Boy: Bakit? Girl: kasi mahirap kapag wala ka. 3. Boy: KAPE ka ba? Girl: Bakit? Boy: Kasi ginigising mo ang natutulog kong puso! 4. Boy: Hindi mo na kailangan ng RELO, Girl: Bakit? Boy: Kasi handa kong ibigay lahat ng ORAS ko sayo!) Ang unang pares na magsasadula ay sina Alyza at Pete. Tunghayan natin ang kanilang pagsasabuhay sa linyang nakuha. Palakpakan natin ang mahusay na pagganap nina Alyza at Pete. Magaling! Ang pangalawa… ang pangatlo…at pang-apat. Palakpakan natin ang lahat ng mga nagsadula dito sa harapan. Napakagaling ng kanilang pagganap. Ano ang naramdaman niyo habang pinapanood ang mga kaklase niyo na nagsadula kanina? Ikaw Marialyn? Okay. Eh, ikaw naman Julie? Syanga. Talagang nakakadala ang kanilang kagalingan. Nakaramdam tayo ng kilig at saya habang pinapanood sila. Saan ba natin kalimitang naririnig aat natutunghayan ang mga linyang ito? Sige Marian. Tama! Ano pa? Ma’am. Kinikilig po ako habang pinapanood ko sila kanina. Tuwang-tuwa po ako mam kasi nadala talaga ako sa mga linya na kanilang sinabi at nadala rin po ako sa kanilang pag-arte. Sobrang galing po nila. Mam! Tuwing dumidiskarte po ang lalaki sa babae.
  • 4. Tumpak! Ano ba kalimitan ang ginagawa o sinasabi ng mga lalaki sa babae tuwing nanliligaw o nanunuyo? Joy. Magaling! Ang ganitong uri ba ng suyuan ay ginagawa pa rin ng mga magkakasintahan ngayon o ng mga nagliligawan ngayon? Tama! Ganun din ba kayo? Mabuti naman kung ganon. Kaya naman may ideya na ba kayo kung tungkol saan ang kabanata na tatalakayin natin ngayon? Tama. Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Suyuan sa Asotea”. Tunghayan natin ang nilalaman ng nasabing kabanata. Alamin rin natin kung paano nga ba naiiba ang pagsusuyuan noon at ngayon at tingnan natin anong kaugaliang Pilipino ang dapat nating panatilihin. B. Paglalahad 1. Pagahahawan ng Sagabal Bago ninyo babasahin ang buod ng Kabanata 7, bibigyan muna ninyo ng kahulugan ang mga mahihirap na salita at gamitin ito sa pangungusap. Tingnan ninyo ang nasa pisara. Kung makikita ninyo, may nakasampay na mga pang-itaas na damit na may nakadikit na salita dito. Ang gagawin niyo ay pipiliin ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito sa mga nakadikit na pang- ibabang damit na nakadikit rin dito sa ibabang bahagi ng pisara. Tuwing nanliligaw o sinusuyo po ng mga lalaki ang mga babae mam. Sinasabihan po ng lalaki ang mga babae ng mga matatamis na salita o di naman kaya ay nagbibigay ng sulat, bulaklak at hinaharanahan nila ang mga babae.. Hindi po lahat mam. Kasi ngayon isang text o isang chat lang pwede na. Hindi na gaanong pinaghihirapan pa nung lalaki para maipakita niya ang pagmamahal o sagutin siya ng babae. Mam hindi po. Opo. Tungkol po sa pagliligawan ma’am at pagsusuyuan.
  • 5. Sino ang gustong sumagot sa una? Sige ikaw Charie. Tama! Magaling! 2. Napatda –natigilan 3. Natatalos –nakaaalam 4. Mag-ulayaw –mag-usap 5. Nagtulos –nagtirik Suriin natin kung tama ba ang inyong mga kasagutan. Tama ba? Okay, magaling! Ngayon ay gagamitin naman natin sa pangungusap ang mga salita. Oh Arian. Tama. Sa pangalawa…pangatlo… Magaling at nabigyan ninyo ng kahulugan at halimbawang pangungusap ang mga salita. 2. Pagbasa ng Kabanata ng Nobela Meron akong mga sipi dito na ibibigay sa inyo. Sa loob ng tatlong minuto ay babasahin ninyo nang tahimik ang buod ng Kabanata 7 ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Suyuan sa Asotea”. Pero bago ang lahat ay basahin muna ninyo ang idinikit kong mga gabay na katanungan dito sa harapan upang magabayan kayo sa mga dapat malaman at maunawaan habang binabasa ang kabanata. Basahin ng sabay- sabay. Mam! Nagpapasikdo-nagpapatibok. Tama po. Ang maamo mong mukha ang nagpapasikdo ng malakas sa puso ko tuwing nakikita kita. (Magbabasa ang mga mag-aaral)
  • 6. Mga gabay na katanungan: 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang kabanata? 2. Bakit maagang nagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel? 3. Paano pinatuyan nina Ibarra at Maria Clara na hindi nila nalimot ang isa’t-isa? 4. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinamalas ni Ibarra? Ni Maria Clara? 5. May pagkakaiba ba ang paraan ng panunuyo noon at ngayon? Patunayan. Alin sa dalawang paraan ang higit na kasiya-siya? 3. Pagtalakay sa Binasa Tapos na ba ninyong basahin ang kabanata? Kung ganon ay tingnan natin ano nga ba ang naunawaan ninyo sa binasa. Sa ilalim ng inyong mga armchair ay may nakadikit na mga hugis puso. Kung sino ang nakakuha ng mga hugis puso na iba ang kulay bukod sa pula ang siyang sasagot sa mga ibinigay kong katanungan. Paalala lang, huwag niyo munang itapon ang mga hugis puso sapagkat may isusulat kayo diyan mamaya. Ngayon ay simulan nating suriin kung ano ba ang naintindihan ninyo sa binasa. Ang ating unang tanong ay, “Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang kabanata?” Sino sa inyo dito ang nakakuha ng dilaw na puso? Kung ganun, maaari mo bang basahin ulit ang unang katanungan at bigyan ng kasagutan? Tama! Sino naman ang nakakuha ng berdeng puso? Tapos na po. Ako po mam. Opo mam. Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang kabanata? Ang mga tauhan po sa kabanata 7 ay sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Tiya Isabel at Kapitan Tiyago. Mam.
  • 7. Maaari mo bang sagutan ang pangalawang katanungan? Tama rin. Hana, dahil ikaw ang nakakuha ng hugis puso na kulay bughaw, paano naman pinatunayan ni Ibarra at Maria Clara na hindi nila nalimot ang isa’-isa? Magaling. Maaari niyo bang ilahad kung paano sinariwa nina Ibarra at Maria Clara ang kanilang pag-iibigan? Sige nga Angelika. Tumpak! Ganun nga. Sa nakakuha ng kulay puting puso? Pakibasa at sagutan ang mga katanungan. Tama! Ano pa? Maaga pong nagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel sa araw na iyon sapagkat magkikita sila Maria Clara at kasintahan nitong si Crisostomo Ibarra. Sinariwa po nila ang mga alaala ng kanilang pag-ibig. Sinariwa po nina Ibarra at Maria Clara ang pag-iibigan sa pamamagitan ng pag- babasang muli sa sulat na bigay ni Ibarra kay Maria Clara bago ito umalis papuntang Europa at sinariwa din nila ang mga alaala ng kanilang kamusmusan. Yung pag-aaway at pagbabati rin naman nila agad. Ano ang pagpapahalagang Pilipino ang ipinamalas ni Ibarra at ni Maria Clara? Ang mga pagpapahalaga pong ipinakita nina Maria Clara at Ibarra ay una, ang pagkamatiisin ng mga Pilipino. Tiniis nila ang pangungulila sa isa’t-isa upang matupad ang pangarap nila sa buhay at unahin ang kagustuhan ng kani-kanilang mga magulang. Naghintay sila ng mahabang panahon para magkitang muli. Pangalawa po ay ang kakayahang umangkop ng mga Pilipino saan mang lugar mapadpad gaya ng ipinakita ni Ibarra. Nakaya niyang makihalubilo sa ibang lahi na hindi nawawala ang pagmamahal sa bayan. Mam. Naipamalas po nina Maria Clara at Ibarra ang tunay at wagas na pagmamahal sa magulang, sa kasintahan at para po sa bayan.
  • 8. Tama! Puntong-punto mo! Sa anong paraan ba nila ipinakita ang pagmamahal sa bayan? Sige Aristone. Tama! Napakahusay! Para sa magulang naman? Magaling! Sa kasintahan naman? Ikaw Charie. Talaga ngang napakawagas ng pagmamahalan nina Maria Clara at Ibarra. Sino naman dito sa inyo ang sasagot ng panghuling katanungan? Mam! Malinaw po sa kabanata kung bakit kailangang magpakasakit ang isang Pilipino upang makapag-aral. Ito’y upang harapin ang panahong darating o isipin ang hinaharap at ang kanyang tungkulin –ang pag-aralan ang karunungan ng buhay at mapakinabangan ng inang bayan balang araw. Ipinakita po ni Ibarra ang pagmamahal sa magulang noon pong sinunod niya ang kagustuhan ng ama na mag-aral sa ibang bansa. Nanatili po siyang tapat kay Maria Clara kahit na wala ito sa kanyang tabi. Napapaligiran man siya ng magagandang babae ay si Maria Clara pa rin ang laman ng kanyang isipan. Ganun din po sa parte ni Maria Clara. Ako po mam. May pagkakaiba ba ang pagsusuyo noon at ngayon? Patunayan. Marami pong pagkakaiiba ang suyuan noon at ngayon na ipinakita sa kabanata. Una, noon, ang mga lalaki ang kalimitang pumupunta sa bahay ng mga babae sapagkat konserbatibo po ang mga babae noon. Samantalang ngayon, kalimitan ang mga babae na ang pumupunta sa bahay ng mga lalaki. Tapos, noon, mahiyain ang mga babaeng magparamdam ng kanilang mga damdamin samantalang ngayon sila pa ang nanliligaw sa mga lalaki.
  • 9. Kuhang-kuha mo! Sang-ayon din ako sa mga sinabi mo. Sang-ayon din ba kayo? Natutuwa ako dahil napakahusay at napakagaling ng inyong mga kasagutan at pagpapaliwanag. Talagang naunawaan ninyo ang inyong binasa. Dun naman sa mga hugis puso na nakuha ninyo ay mag-isip kayo ng isang pangungusap na maaari ninyong iugnay o natutunan sa binasang kabanata. Kung tapos na kayong magsulat ay ipasa niyo dito sa harapan. C. Pagsasanay Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng pangkatan. Ito ang unang pangkat… pangalawa … at pangatlo. Mag-isip kayo ng tila isang status update sa inyong natutunan sa binasang kabanata. Pero, ibabahagi niyo iyan sa pamamagitan ng isang yell o jingle. Ang isusulat niyo lang dito sa ibibigay kong facebook status box ay ang malikhaing hashtag at hugot line na naisip ninyo para kay Maria Clara at Ibarra. Maliwanag ba? Mahusay naman kung ganun. Kaya, ang Tatlong minutong paghahanda ninyo ay magsisimula na ngayon. Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang bawat pangkat na nagtanghal. Napakahusay ng inyong ginawa. Kaya mas mainam po ang uri ng suyuan noon kesa ngayon dahil makikita mo talaga ang sinseridad ng lalaki kapag nanliligaw kasi pumupunta talaga siya sa bahay ng babae samantalang ngayon sa text na lang o sa chat. Hindi na pinaghihirapan ng mga lalaki ang pangliligaw. Opo mam. Opo mam. (Matapos ang limang minuto ay nagkakaroon nang pagtatanghal ang bawat pangkat)
  • 10. D. Paglalapat Sa puntong ito ay hahatiin ko ulit kayo sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay magtatanghal ng dula-dulaan na magpapakita ng pagkakaiba sa suyuan noon at ngayon. Ang unang pangkat ay magtatanghal ng halimbawa ng suyuan noon samantalang halimbawa ng suyuan naman ngayon ang pangalawang pangkat. Kung makikita ninyo may dalawang malaking strip ng Cartolina ako dito. Nakasulat ang “NOON” at “NGAYON”sa bawat isa nito. Ibibigay ko sa unang pangkat ang “NOON’’ at “NGAYON” sa ikalawang pangkat. Mamarkahan ang inyong pagtatanghal sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan: Rubriks sa Gagawing Pagtatanghal Kagalingan sa pagganap 50% Angkop na ekspresyon ng mukha sa ipinapakitang emosyon o sa damdaming pinalilitaw. 15% Nilalaman 25% Mahusay at malinaw na pagkakabitiw ng mga pahayag 10% Kabuuan = 100% Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para makapaghanda. Nakuha niyo ba klas? Kung ganun ay simulan niyo na ang paghahanda. Opo mam.
  • 11. Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili sapagkat napakagaling ng inyong ginawang pagtatanghal. D. Paglalahat Ang tanging permanenteng bagay lamang sa mundo ay pagbabago. Sa pag-usbong ng bagong milenyo, maraming kapansin-pansing pagbabago ang ganap na nangyari sa lipunan. At isa na rito ang panliligaw. Bagama’t maraming pagbabagong nagaganap sa istilo ng panliligaw mula noon hanggang ngayon, sana’y manatili ang tunay na kabuluhan nito, ang maipakita ng manliligaw ang sinseridad at malinis na paghahangad sa kanyang nililigawan. (Pagkatapos ng limang minuto ay magtatanghal ang bawat pangkat) IV. PAGTATAYA Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa kalahating papel. 1. Anong katangian ni Ibarra o ni Maria Clara ang nagustuhan at nais mong sundin? Bakit? 2. Inamin mismo ni Ibarra na iisa ang pag-ibig niya kay Maria Clara at sa bayan. Ano ang pagkakatulad ni Maria Clara sa bansang Pilipinas? V. TAKDANG ARALIN Panuto: Magsaliksik at basahin ng pauna ang kabanata 8 ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang mga Alaala”. Inihanda ni: Bb. Krystal Pearl L. Dela Cruz