2. 2
“Maraming iba’t ibang wika sa daigdig at bawat isa’y may kahulugan. Ngunit kung
hindi ako marunong ng wikang ginagamit ng aking kausap, hindi kami
magkakaunawaan.”
-1 Korinto 14: 10-11
Kahulugan ng Wika
Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit
ang mithiin at adhikain niya sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay naipararating ng tao
ang mga impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba.
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Ayon naman kay Edgar Sturtevant, ang wika ay isang sistema ng mga
arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao.
Ang mga tunog at kahulugan ng mga salita ay magkakaugnay sa arbitraryong
paraan. Nangangahulugan ito na kung hindi mo pa naririnig ang isang salita o ang mga
tunog na bumubuo sa salitang ito ay hindi mo ito mauunawaan. Kung gayon, ang wika ay
isang sistema kung saan iniuugnay ang mga tunog sa kahulugan at kung alam mo ang
wika, alam mo ang sistema.
Kalikasan ng Wika – (Austero, et al., 1999)
1. Pinagsama-samang tunog. Ang wika ay pagsasama-sama ng mga tunog na
nauunawaan ng mga gumagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita.
Ang nabubuong salita mula sa mga tunog na ito ay may kahulugan.
2. May dalang kahulugan. Bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kanyang
sarili lalo‘t higit kung ginagamit na sa pangungusap.
3. May ispeling. Bawat salita sa iba‘t ibang wika ay may sariling ispeling o baybay.
Sa wikang Filipino, masasabing madali lamang ang ispeling ng mga salita dahil sa
katangian ng wikang ito na kung ano ang bigkas ay siya ring baybay.
4. May gramatikal istraktyur. Binubuo ito ng ponolohiya at morpolohiya
(pagsasama ng mga tunog upang bumuo ng salita), sintaks (pagsasama-sama ng
mga salita upang bumuo ng pangungusap); semantiks (ang kahulugan ng mga
salita at pangungusap); at pragmatiks (nagpapaliwanag sa pagkakasunud-sunod o
3. 3
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap), sa partisipasyon sa isang
kombersasyon at sa antisipasyon ng mga impormasyon na kailangan ng
tagapagsalita at tagapakinig.
5. Sistemang oral-awral. Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral) at pakikinig
(awral). Ang dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang
nagbibigay-hugis sa mga tunog na napapakinggan. Ang lumalabas na tunog mula
sa bibig ay naririnig ng tainga na binibigyang kahulugan ng nakikinig.
6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika. Maaaring mawala ang wika kapag di
nagagamit o wala nang gumagamit. Tulad din ito sa pagkawala ng salita ng isang
wika, halimbawa, ang salitang banggerahan na bahagi ng sinaunang ayos ng
kusina na lugar kung saan hinuhugasan at itinataob ang mga pinggan, baso, atbp.
ay hindi na alam ng maraming kabataan sa ngayon. Dahil nagkakaroon ng
pagbabagong istruktural ang bahay sa kasalukuyang panahon, darating ang
panahon at tuluyan nang di gagamitin ang salitang banggerahan kaya masasabing
mawawala na ito o papunta sa ekstinksyon.
7. Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus. Dahil sa ibat‘ ibang
kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng panig ng
mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming grupo at/o
etnikong grupo ang mga lahi o lipi.
Kahalagahan ng Wika (Buensuceso, et al. 1996)
Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-interaksyon na rin sa
kapwa at sa lipunan. Ginagamit sa pagkuha ng impormasyon, pagtatamo ng edukasyon,
gayon din sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. Sa wika napapabilis at
napagagaan ang isang gawain. Ang mga sumusunod ang maituturing na kahalagahan ng
pagkakaroon ng wika:
1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.
2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
3. Ang wika ay nagbibigay ng kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa
lipunan ng nagsasalita.
4. 4
4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng kanilang
karanasan.
5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng
kakaibang mga salitang hindi laganap.
6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit.
7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi.
8. Ang wika ay tagabigkis ng lipunan.
Pagkatuto ng Wika
Ang pag-iisip at ang wika ay magkalapit ang ugnayan at ang kanilang
debelopment ay magkasabay din. Ang mga batang matagumpay na nakasusunod/
nakagagawa ng mga gawaing kaugnay ng pag-iisip ay karaniwan na iyong may
kahusayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Halimbawa, ayon kay
Tompkins (1990, p. 2) ang pagsulong at pag-unlad sa pagsulat ng mga bata ay
maoobserbahan habang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang mga kompleks na
ideya o kaisipan sa kanilang mga sulatin.
Kaya nga, saan ba dapat magsimula kung magpaplano ng mga gawain para sa
isang pagtuturong pangwika. Dapat mag-ugat ang anumang pagpaplano sa pamamagitan
Wika
sa
lipunan
sa sarili
sa
kapwa
5. 5
ng isang tanong: ―Paano natutuhan ng mga bata ang wika?‖ Ang kasagutan dito ang
titiyak kung paano dapat ihanda ang kaligiran para sa pagtuturo at pagkatuto at ito rin ang
magtatakda kung anong uri ng mga gawain ang dapat na ilaan sa mga mag-aaral.
Marami nang mga pagpapaliwanag ang ating nabasa hinggil sa kung paano
natutuhan ang wika. Ngunit halos magkakaiba at minsan ay nagsasalungatan pa ang mga
ito sa isa‘t isa. Isang kampo ang naniniwala na ang pagkatuto raw ng wika ay isang likas
na kakayahan; may naniniwala naman na ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya
sa pagsasalita ng mga matatanda. At mayroon din nananalig na ang pagkatuto ng wika ay
isang proseso ng interaksyon sa kapwa at dapat bigyang pansin ang aktibong tungkulin
ng mga bata upang maranasan at matamo ang wika.
Hindi mapasusubalian ang naging papel ng pag-aaral sa sikolohiya hinggil sa
proseso ng pagkatuto. Malaki ang naging impluwensiya ng mga teoryang behaviorist,
innative at kognitib hinggil sa mga kinagawiang paraan sa pagtuturo ng wika. Ating
alamin ang ilang pangunahing teorya na nagkaroon ng malaking impluwensya sa
larangan ng pagtuturo at pagkatuto ng wika.
Mga Teorya ng Pagkatuto ng Wika
Teoryang Behaviorist
Ipinahahayag ng teoryang behaviorist na ang mga bata ay ipinanganak na may
kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng
mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay
dito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangang
―alagaan‖ ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-
sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang
gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng
pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para
maging isang doktor o isang abugado. Unti-unting ihahantad ang bata sa mga bagay at
gawaing kaugnay nito at palagi nang may angkop na pagpapatibay. Ang mga gurong
6. 6
umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring:
―Magaling.‖ ―Tama ang sagot mo.‖ ―Kahanga-hanga ka.‖ ―Sige, ipagpatuloy mo.‖
Ang teoryang behaviorist sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga
simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang audio-lingual method
(ALM) na naging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang
behaviorist. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba:
Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
Paggamit lamang ng target na wika;
Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro.
Teoryang Innative
Ang teoryang innative sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay
ipinanganak na may ―likas na salik‖ sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975, 1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang
habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na
ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural
na kaligiran kung saan ito nabubuo. Ito‘y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may
interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Inilarawan ni Chomsky ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang
likhang-isip na ―aparato‖ na taglay ng mga bata at tinawag niya itong language-
acquisition device (LAD). Ang LAD ang tumatanggap ng mga impormasyon mula sa
kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin
na sa isipan ang mga tuntunin. Ang mga tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap
ang mga bata. Ang LAD ay patuloy na ginagamit ng mga bata bilang sistema ng pagbuo
ng mga tuntunin hanggang sa marating nila ang kaganapan ng kanilang edad
(maturation).
7. 7
Teoryang Kognitib
Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang
mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang
pumapailalim na tuntunin at mailipat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na
pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa
pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng wika o di kaya nama‘y naiilapat
nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga kamalian sa paggamit ng
wika. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Ang pagkakamali ay
tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto.
Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pagkaklaseng batay sa teoryang kognitibist.
Nakapokus ito sa patuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at
pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng
ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatuklas sila ng isang
paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung
ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo
ng tuntunin, ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin
patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang kognitibist ay palaging
nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong prosesong kaisipan. Sa ganitong
pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong impormasyon kung saan ang
mga impormasyong ito‘y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang dating kaalaman. Sa
pagkatuto ng wika, kailangang himukin ng guro ang mag-aaral na mag-isip nang may
kamalayan at pag-usapan ang wika upang mapag-ibayo ang kanilang kakayahan sa
paggamit nito.
Ang teoryang kognitibist at teoryang innative ay magkatulad sa maraming
aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak
na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (Page at Pinnel, 1979). Ang
tanging pagkakaiba ng dalawang teoryang ito‘y may kinalaman sa implikasyon sa
pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa
pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matutuhan. Samantalang sa kampo ng mga
8. 8
kognitibist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa
pagkatuto ng wika.
Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng
mga bata at kung paano sila natututo. Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang
mga ito ang magsasabi ng mga tamang gawain sa pagtuturo. Ang paglilinaw ng iyong
posisyon hinggil sa mga teoryang ito‘y hindi ang isa-isang pagbabanggit ng ngalan ng
teorya o pagsasaulo ng mga paliwanag hinggil dito. Ang mahalaga ay ang sarili mong
paniniwala hinggil sa kung paano natuto at kung paano nakapagtatamo ng wika ang mga
bata.
Teoryang Makatao
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay din sa kahalagahan ng mga
salik na pandamdamin at emosyunal. Ito‘y nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto
ay mangyayari lamang kung angkop ang kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at
may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga
kondisyong ito‘y hindi matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay
maaaring hindi magbunga ng pagkatuto.
Kaya nga, sa larangan ng pag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin
ang mga mag-aaral sa wikang pag-aaralan, sa mga gumagamit ng wika at sa mga guro ng
wika. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa
klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam
na bawat mag-aaral ay malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang
natutuhan. Kailangan ding linangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-
aaral.
Pangunahing binibigyang pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral sa
anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-
aaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong
tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent
Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.
9. 9
Pagkatuto vs. Akwisisyon ng Wika
Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang paliwanag hinggil sa pagkakaiba ng
pagkatuto at akwisisyon ng wika. Ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung saan
pinag-aaralan ang wika sa isang organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak na
programa o silabus. Ang ganitong pagkatuto ay humahantong sa pag-alam ng mga
tuntunin sa paggamit ng wika at pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa isang
sistematiko at pormal na paraan.
Sa kabilang dako, ang akwisisyon ay nagaganap nang hindi namamalayan at
katulad ito halos kung paano natutuhan ang ating unang wika. Ito ay nagaganap sa isang
sitwayon na ang mag-aaral ay nahaharap sa maraming pagkakataon na natural na
ginagamit ang wika. ―Pinupulot‖ ng mag-aaral ang wikang kanyang naririnig na sa
palagay niya‘y kailangan sa pakikipag-usap sa mga tao sa kanyang paligid.
Mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika lalo‘t higit kung
pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbubuo ang dalawang ito sa isa‘t
isa.
Kung sisilipin natin ang nangyayari sa loob ng klasrum at sa loob ng tahanan
hinggil sa pagkatuto ng wika, makikita natin ang ganitong tanawin. Sa loob ng klasrum,
ipinalalagay na kailangang ituro sa mga bata ang mga tuntunin para matutuhan ang wika.
Sa halip na ihantad ang bata sa mayamang kaligiran ng wikang sinasalita, ang input ay
may hangganan at inihahanay nang may kontrol ayon sa paniniwala ng humuhubog ng
kurikulum. Ang pag-aaral ay nagsimula sa paglalahad ng mga titik at tunog patungo sa
pagbuo ng salita. Ang pokus ng pag-aaral ay ang wika sa halip ng mga makabuluhang
gawain o konteksto na kinapapalooban nito. Sa pagsagot ng mga bata, isa ng mahigpit na
batas na ang sagot ay sa kompletong pangungusap.
Sa loob ng tahanan, malaya ang bata sa kanyang pagkatuto. Walang mga tuntunin
na kailangan sundin. Walang kontrol ang dami ng wikang naririnig. Hindi ang pagkatuto
ng magkahiwalay na tunog at salita ang kanilang natutuhan kundi mga natural na wika na
kanilang naririnig at ginagamit araw-araw. Positibo palagi ang pidbak at walang
nagsasabi sa kanila na ―ulitin mo nga sa kompletong pangungusap.‖ Ayon kay Krashen,
ang ganitong kaligiran sa pag-aaral ng wika ay may ―low affective filter‖ kaya ang
pagkatuto ay madali at mablis.
10. 10
Ano ang implikasyon ng mga senaryong inilahad sa pagtuturo ng wika? Sa
epektibong pagtuturo ng wika, hindi sapat ang pag-alam lamang sa iba‘t ibang pamaraan
sa pagtuturo. Dapat ay may sapat na pagkaunawa ang guro sa mga teoryang linggwistika
at sikolohiya na pinagbabatayan ng mga pamaraan sa pagtuturo.
Mga Domeyn ng Pagkatuto ng Wika
Ang pagbubuo ng layunin sa pagtuturo ng wikang Filipino ay ang simula ng
paghahanda at pagbabalak ng aralin. Ito ang unang hakbangin sa pagtuturo na tuwirang
nakakaapekto sa pagpipili ng tiyak na kagamitang pampagtuturo at pamamaraang
gagamitin ng guro. Ang pagtukoy ng mga tiyak ng layunin ay kaagad na sinusundan ng
pagpapasiya kung anong gawain at karanasan ang idudulot sa mga mag-aaral sa
ikapagtatamo ng mga layuning binuo (Belvez 2000).
Mahalagang malaman ng isang magiging guro ng Filipino sa hinaharap ang
kahalagahan ng layunin sa pagtuturo ng wika na walang ibang pangkalahatang layon
kundi ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga esensyal na hakbangin tungo sa
ikauunawa ng epektibong pamamaraan ng pagbubuo ng layunin ay ang pagkakaroon ng
komprehensibong kaalaman sa tatlong domeyn ng layunin sa pagkatuto ng wika: domeyn
pangkabatiran o kognitib (cognitive domain); domeyn na saykomotor (Psychomotor
domain); at domeyn na pandamdamin (Affective domain). Ang bawat domeyn ay
kumakatawan sa isang partikular na set ng mga palagay at paniniwala tungkol sa kung
paano natututo, kumikilos at gumagalaw ang mga mag-aaral sa isang pagtuturong
pangklasrum.
Domeyn Pangkabatiran o Kognitib (Cognitive Domain)
Ang Domeyn Pangkabatiran o Kognitib ay natutungkol sa paglilipat o
transmisyon ng kabatiran o kaalaman. Ito ay mga layunin na lumilinang ng mga
kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Nahahati ito sa dalawa: ang
pagkalap ng kabatiran at paggamit sa kabatiran o impormasyon.
11. 11
Ang pagkalap ng kabatiran ay nauukol sa pagkatuto ng batayang kabatiran,
konsepto, paglalahat at mga teorya. Ang paggamit sa kabatiran o impormasyon naman ay
manipulasyon o proseso sa paggamit ng kabatiran sa mga sitwasyong lumulunas ng
suliranin.
Ang domeyn kognitib ay tumutukoy sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko o
intelektwal. Nasa isipan ng guro ang kognitib domeyn kung ang prayoridad ay ang
inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral sa mga aralin o paksang tatalakayin. Karamihan
sa mga kabatiran tungkol sa kognitib domeyn ay nag-uugat sa mga pag-aaral ni Benjamin
Bloom at iba pa niyang mga kasamahan na noong 1956 ay nagpalabas ng anim na antas o
lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip na inilalahad mula sa pinakapayak patungo sa
pinakasopistikadong proseso ng pag-iisip gaya ng nakalahad sa ibaba:
Talahanayan 1. Herarkiya ng Pag-iisip
1. Kaalaman (Knowledge) – ang lebel
na ito ng pag-iisip ay tumutukoy sa
simpleng paggunita o pag-alaala sa
mga natutuhang impormasyon.
Napatutungkol ito sa pagpapakita ng
dating kaalaman sa pamamagitan ng
pagbabalik-alaala (recalling) sa
katotohanan, termino, basikong
konsepto at sagot.
Ang mga salitang pangkagawian na
ginagamit sa lebel na ito ay: bigyang-
kahulugan, tukuyin, pangalanan,
alalahanin, piliin, ulitin.
Halimbawa:
Natutukoy ang mga bahagi
ng tula.
Nabibigyang-kahulugan
ang pangungusap.
2. Komprehensyon o Pag-unawa
(Comprehension) – binibigyang-diin
ang pag-unawa sa kahulugan ng
impormasyong natutuhan at
paguugnay sa mga dating alam na
impormasyon. Ito ay pagpapakita ng
pag-unawa sa mga katotohanan
(facts) at ideya sa pamamagitan ng
Ang mga salitang pangkagawian sa lebel
na ito ay: baguhin, ipaliwanag, lagumin,
talakayin, ilarawan, hanapin, ipahayag.
Halimbawa:
Naipaliwanag ang mga hakbang
kung paano ang isang panukalang batas ay
nagiging batas.
12. 12
pagsasaayos, paghahambing,
pagsasalin, interpreting, pagbibigay-
deskripsyon, at paglalahad ng
pangunahing ideya.
3. Paglalapat (Application) – ito‘y
paggamit ng natutuhan sa iba‘t
ibang paraan o konteksto. Ito ay
paglutas ng problema sa
pamamagitan ng pagkapit ng
natutuhang kaalaman, katotohanan,
teknik at tuntunin sa ibang paraan.
Ang mga salitang pangkagawian sa ilalim
nito ay: ilapat, pag-ibahin, paghambingin,
klasipikahin, idayag-ram, ilarawan, uriin,
markahan.
Halimbawa:
Nailalarawan ang mga pangyayari a
kwento sa tulong ng isang dayagram.
4. Pagsusuri (Analysis) – ito‘y
nangangailangan ng pag-unawa sa
ugnayan ng mga bahagi at
organisasyon ng natutuhan upang
makita ang kabuuan. Ito ay
natutungkol sa pag-eksamen at
paghahati-hati sa bahagi ng
impormasyon sa pamamagitan ng
pagkilala ng motibo o sanhi at
paggawa ng hinuha at paghanap ng
ebidensya sa suportang paglalahat.
Ang mga salitang pangkagawian na
ginagamit sa antas na ito ay: pag-uugnay-
ugnayin, tukuyin,(ang sanhi at bunga)
kilalanin (ang totoo/paktwal), bumuo (ng
hinuha), suriin, magbuod.
Halimbawa:
Napag-uuri-uri ang mga pahayag sa
isang babasahin sa pamamagitan ng
pagsulat ng letrang P para sa mga paktwal
na pahayag at O para sa mga opinyon.
5. Pagbubuod (Synthesis) – sa lebel na
ito, kailangan na mapag-ugnay ang
iba‘t ibang impormasyon upang
makalikha ng bagong kaalaman. Ito
ay natutungkol sa pagsasama-sama
ng mga impormasyon sa iba‘t ibang
paraan sa pamamagitan ng
pagsasama ng mga elemento sa
Ang mga salitang pangkagawian sa
ilalim nito ay: lumikha, bumuo,
bumalangkas, pag-ugnayin, idesenyo,
iplano, sumulat.
Halimbawa:
Mula sa tatlong paktwal na
pahayag, sumulat ng dalawang
talatang sanaysay na
13. 13
isang bagong patern o pagsulong ng
alternatibong solusyon; at paglikha
ng bago o orihinal sa paggamit ng
nariyan nang elemento.
kumikiling sa isang isyu at panindigan ang
sariling posisyon sa
tulong ng mga paktwal na pahayag.
6. Pagtataya (Evaluation) – ang
pagiisip sa lebel na ito‘y
nangangailangan ng pagbuo ng
sariling pagpapasiya sa liwanag ng
mga inilahad na mga krayterya. Ito
ay natutungkol naman sa
paghaharap at pagtatanggol ng mga
opinyon sa pamamagitan ng
paggawa ng pasya o hatol tungkol sa
impormasyon, validiti ng mga ideya
o kalidad ng trabaho batay sa isang
set ng kraytirya.
7. Ang mga salitang pangkagawian sa
lebel na ito ay pahalagahan,
kilatisin, pangatwiranan, suriin,
timbangin, punahin, magtangi,
paghambingin.
Halimbawa:
Mula sa dalawang artikulo na
naglalahad ng magkasalungat napananaw
sa isang maiinit na isyu, kilatisin kung alin
ang nagbibigay ng makatarungang
presentasyon at pangatwiranan ang sariling
opinyon.
Domeyn na Saykomotor (Psychomotor Domain)
Ang Domeyn na Saykomotor ay nahihinggil sa mga kasanayang motor at
kasanayang manipulatibo na nangangailangan ng koordinasyong nueromascular. Ang
sayko (Psycho) ay nangangahulugang ―isip‖ at ang motor ay ―galaw‖. Ito ay
kinapapalooban ng mga layunin na ang tinutungo ay ang paglinang ng mga kasanayang
motor at kasanayang manipulatib. Sa lubusang pagkamit sa domeyn na ito ng pagkatuto,
nilalayon ng guro ang pagkalinang ng mga kakayahang pisikal mula sa mga batayang
galaw ng katawan (paglakad, pagtakbo) hanggang sa mga kilos at galaw na
nangangailangan ng maraming pagsasanay upang matamo (pagtugtog ng piyano o gitara,
pagsayaw, paglangoy at iba pa). Ayon kay Simpson 1972, ang domeyn na ito ay may
pitong pangunahing kategorya: perception, set, guided response, mechanism, complex
overt response, adaptation, origination.
14. 14
Talahanayan 2. Pangunahing Kategorya ng Domeyn Saykomotor (Simpson 1972)
Perception Sinisimulang tantiyain ng mag-aaral ang
mga bagay-bagay, kung papaano ito
gagawin, kung ano ang magiging
kalalabasan, resulta o bunga.
Set Pagkakaroon ng kahandaang pisikal, mental
at emosyonal o ang tinatawag na mindset.
Guided Response Sinusubukan nang matutunan ng mag-aaral
ang saykomotor na gawain sa pamamagitan
ng paggaya o imitasyo at trial and eror.
Mechanism Bunsod ng paulit-ulit na pag-eensayo ay
unti-unti nang naisasagawa ang nais
matutunan nang tama at maayos, kasabay
ng pagkalinang ng kumpiyansa at tiwala sa
sarili na magagawa ito.
Complex Overt Response Matagumpay nang naisasagawa ang
ninanais na pagkatutong saykomotor kung
kaya buung-buo na ang tiwala at
kumpyansa sa sarili ng mag-aaral na
maisasakatuparan ang nais matutuhan. Sa
bahaging ito ay makikitang mas akma, tama
at hindi na nagkakamali ang mag-aaral.
Adaptation Naisasagawa na ng mag-aaral ang
natutunan sa kahit saan at kahit na anumang
pagkakataon, siya man ay nakapaghanda o
hindi at nagagawa na ring mamodipika ang
mga unang natutunan upang maging akma
sa ibang sitwasyon na paglalapat din ng
katulad na saykomotor na kasanayan.
Origination Dito na lumalabas ang pagkamalikhain ng
mag-aaral na kung saan, nakabubuo na siya
ng sariling maipagmamalaking teorya o
teknik sa pagsasagawa ng natutunan.
15. 15
Talahanayan 3. Antas ng Pagkatuto sa Domeyn na Saykomotor (Dave 1970)
Imitation Pagmamasid at panggagaya ng galaw o kilos mula sa iba
Manipulation Pagsasagawa ng mga kilos o galaw sa pamamagitan ng
pagsunod sa panuto at paulit-ulit na pag-eensayo
Precision Pagsasaayos ng mga galaw upang mas lalong maging
tama at maayos gaya ng inaasahan
Articulation Pagkakaroon ng harmonya at koordinasyon sa bawat
galaw o kilos; pagsasama-sama ng iba‘t-bang pagkatuto
Naturalization May mataas na antas ng pagkatuto hanggang sa naging
likas o natural na bahagi na lamang ito ng pang-araw-
araw na buhay.
Kung pagsasama-samahin ang mga teoryang nabanggit, apat ang mahihinuhang
pangkalahatang kategorya sa domeyn na saykomotor: observing o pagmamasid, imitating
o paggaya at pagsunod sa kilos at galaw, practicing o paulit-ulit na pag-ensayo at
adapting, ang huling hakbang upang perpektong maisakatuparan ang ganap na pagkatuto.
Domeyn na Pandamdamin o Afektib (Affective Domain)
Ang Domeyn na Pandamdamin ay nahihinggil sa paglinang ng mga saloobin,
emosyon, kawilihan at pagpapahalaga ng mga mag-aaral. Ito ay may limang kategorya:
Pagtanggap (receiving), Pagtugon (responding), Pagpapahalaga (Valuing), Pag-oorganisa
(organization) at karakterisasyon (characterization).
Talahanayan 4. Mga Kategorya ng Domeyn na Pandamdamin o Afektib
Pagtanggap
Kamalayan, kagustuhang
making
Halimbawa: Pakikinig sa guro at sa kaklase. Pakikinig
upang maalala ang pangalan ng bagong kakilala.
Keywords: nakakapagtanong, nakapipili,
nakalalarawan, nakasusunod, nakabibigay, nakatutukoy
16. 16
Pagtugon
Aktibong pakikilahok ng mga
mag-aaral sa isang partikular
na kaganapan.
Halimbawa: Pakikilahok sa talakayan sa klase.
Nakabibigay ng presentasyon. Nagtatanong ng mga
bagong ideya at konsepto upang lubusang maunawaan.
Alam at sinusunod ang mga patakaran.
Keywords: sumasagot, sumasang-ayon, bumabati,
tumatalakay, tumutulong, gumagawa, umaalalay,
umuulat, bumabasa, sumusulat, nagsasalita,
nagkukwento
Pagpapahalaga
Pagbibigay-halaga o
importansya sa isang tao na
may kaugnayan sa isang
partikular na bagay,
phenomena o kaasalan.
Halimbawa: Pagpapakita o pagpapahayag ng
paniniwala sa mga demokratikong kalakaran. Pagiging
sensitibo tungo sa indibidwal at kultural na pagkakaiba.
Keywords: pinupunan, pinapakita, nagpapaliwag,
sumusunod, bumubuo, nang-iimbita, sumasali,
nagbabasa, pumipili, umuulat, nag-aaral, nagtatrabaho.
Pag-organisa
Inoorganisa ang mga
pagpapahalaga ayon sa mga
prayoridad, sa gitna ng
pagkakaiba at salungatan ng
mga pagpapahalaga, paglutas
ng mga pagkakaibang ito at
pagbubuo ng isang sistema ng
pagpapahalaga. Ang diin ay
nasa pagkukumpara, pag-
uugnay at pagbubuod o
pagsasama-sama ng mga
pagpapahalaga.
Halimbawa: Nakikita ang pangangailangang
maibalanse ang kalayaan at responsbleng kaasalan.
Tinatanggap ang responsibilidad sa mga kaasalan ng
iba. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng sistematikong
pagbabalak o pagpaplano sa paglutas ng mga suliranin.
Tanggap at isinasabuhay ang pampropesyunal na
pamantayang etikal. Nakabubuo ng panghabambuhay
na plano na ikinokonsidera ang kanyang abilidad,
interes at paniniwala.
Keywords: sumusunod, binabago, inaayos, pinagsama-
sama, ikinukumpara, kinukumpleto o pinupunan,
ipinagtatanggol, pinapangatwiranan, iniuugnay, etc.
17. 17
Karakterisasyon
Mayroon nang sistema ng
pagpapahalaga na siyang
pinagbabatayan ng mga asal.
Ang kaasalan ay konsistent,
hindi basta-basta nababago, at
bahagi ng katangian ng isang
mag-aaral na gusting matuto.
Ang mga layunin ay
binibigyang-pansin ang
pangkalahatang pamamaraan
ng pakikibagay ng mga mag-
aaral sa kanilang kaligirang
sosyal at emosyonal.
Halimbawa: Naipapakita ang tiwala sa sarili habang
nagsasagawa ng mga gawain nang hindi nakadepende
sa iba. Nakikiisa tuwing may mga pangkatang gawain.
Ginagamit ang pagdulog na nakatuon sa layunin sa
paglutas ng suliranin. Pinapahalagahan ang iba batay sa
kung ano sila, hindi sa panlabas na kaanyuan.
Keywords: Gumagawa, ipinapakita,
nakaiimpluwensya, nakikinig, binabago, tinutupad o
sinusunod, nagtatanong, lumulutas.
19. 19
Pag-susulit Pangwika
Ang pagsusulit ay ang sistematikong paraan ng pagsukat ng kakayahan ng isang
indibidwal(Brown, 1991). Ang pagsusulit pangwika ay maaaring isagawa ng pasalita,
pasulat, kompyuter o isang silid kung saan ang kukuha ng pagsusulit ay kinakailangang
pisikal na gawin ang kanyang kaalaman at kakayahan.
Kahulugan ng Pagsusulit Pangwika
1. Ito ay ang pagsusulit na sumusukat sa kakayahang aplikasyon at kaalaman ng mga
mag- aaral tungkol sa wika.
2. Ito ay ang pagsusulit n isinasagawa upang mangolekta ng impormasyon at humusga sa
kakayahan ng mag- aaral kung paano ito gagamitin.
3. Ang pagsusulit pangwika ay grupo ng mga tanong na sumusukat sa tiyak na topiko o
kakayahan sa wika; ito ay ginawa upang ilahad sa isa o maraming mag- aaral sa isang
nakatakdang oras o araw.
4. Ito rin ay ang paraan upang determinahin kung tutuloy pa sa susunod na talakayan o
uulitin ang ginawang talakayan, natutunan ng mag- aaral at ang kahusayan ng guro sa
pagtuturo ng wika.
5. Ito rin ay ang paraan upang bigyan ng grado ang isang mag- aaral
Kahalagahan ng Pagsusulit Pangwika
1. Nagbibigay ng gabay sa pagpaplano, pagpapatupad at pagpapayaman ng paraan ng
pagtuturo ng wika at ang mga kagamitang pampagtuturo gagamitin.
2. Nakakamonitora ng pag- unlad ng kakayahan at kaalaman ng mag- aaral tungkol sa
wika
3. Nakatutulong upang hikayatin ang mga mag- aaral na matuto dahil sa kaalaman
tungkol sa resulta, kaalaman tungkol sa matagumpay na pagtatapos ng itinakdang
gawain, magandang grado at mga papuri.
20. 20
4. Sumusukat sa resulta ng pagtuturo.
5. Nagbibigay ng impormasyon sa mga magulang kung ano ang lagay ng kanilang mga
anak sa paaralan.
Layunin ng Pagsusulit Pangwika
1. Nagpapaalam sa guro ng naging pag- unlad ng kaalaman sa wika ng mag- aaral.
2. Nagpapaalam sa mga mag- aaral ng inunlad ng kanilang kaalaman sa wika.
3. Nagpapaalam sa mga magulang at ibang mga guro ng inunlad ng kaalaman at
kakayahan sa paggamit wika ng mga mag- aaral.
4. Nagbibigay ng impormasyon sa publiko.
Gamit ng Pagsusulit Pangwika
Ayon kay Eisner (1993):
1. Pagsukat ng kalagayan ng edukasyon.
Ang gamit ng pagsusulit ay nagbibigay pokus hindi sa kakayahan ng mag- aaral
bilang indibidwal kundi sa kalagayan ng edukasyon sa bansa.
2. Pagbibigay pokus sa pag- aaral.
Ang paggamit ng pagsusulit ay nakapagtuturo sa mga mag- aaral na pag- aaralan
o magpakabihasa sa mga espisipikong sangay o larangan na itinakda ng paaralan.
3. Pagbibigay impormasyon sa guro.
Ang paggamit ng pagsusulit ay nakapagbibigay impormasyon sa mga guro
tungkol sa kalidad ng kanilang pagtuturo.
4. Pagkamit ng itinakdang layunin.
21. 21
Ang paggamit ng pagsusulit ay nakakapagdetermina kung nakamit ba ang
itinakbang malaman ng mga mag- aaral o ang layunin sa pagtuturo ng asignatura.
5. Pagpupuri sa kakayahan ng mag- aaral.
Ang paggamit ng pagsusulit upang puriin o punahin ang kakayahan ng isang mag-
aaral.
Ang Gamit ng Pagsusulit Pangwika sa mga mag- aaral
1. Nagbibigay konsentrasyon sa atensyon ng mga mag- aaral sa mga espisipikong bahagi
o topiko ng asignatura.
2. Nagbibigay ng kinakailangang impormasyon tungkol sa kakayahan ng mag- aaral.
3. Nagbibigay impormasyon sa mga mag- aaral kung saan dapat ituon ang pansin upang
mahasa ang kaalaman at kakayahan.
4. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag- aaral upang mahasa o sanayin ang kanilang
kakayahan sa paggamit ng wika.
5. Nagbibigay impormasyon sa mga mag- aaral tungkol sa pag- unlad ng kanilang
kaalaman at kakayahan.
Pagsusulit vs. Pagsubok
Hindi masyadong malaki ang kaibahan ng pagsusulit (test) sa pagsubok (quiz)
dahil pareho lamang ang dalawa na sumusukat sa kakayahan (kalakasan at kahinaan) ng
mag- aaral at sa kalidad ng pagtuturo ng guro. Bagaman halos magkapareha ang dalawa
ay may kaibahan naman ito, ang pagsusulit ay isinasagawa pagkatapos o bago ang isang
malawak na aspekto ng isang asignatura samantalang ang pagsubok naman ay
isinasagawa sa loob ng maikling oras at may konting bilang ng tanong kaysa sa
pagsusulit at nakatuon lamang sa mas maliit at ispisipikong bahagi ng aspekto ng
asignaturang itinuturo. Ito ay kadalasang isinasagawa pagkatapos ng pagtuturo ng isang
topiko.
22. 22
Pagsusulit at Pagtuturo
Ang pagsusulit ay may malaking kaugnayan sa pagtuturo. Ang pagsusulit ay
binuo at isinasagawa upang masukat ang natutunan ng isang mag- aaral sa pagtuturo ng
kanyang guro. Ang pagsusulit ang siyang nagpapasya kung kalidad ba ang ginawang
pagtuturo ng guro, kung may natutunan ba ang mga mag- aaral sa itnuro, ilang porsyento
ng itinuro ang tumatak sa mga mag- aaral, ipagpapatuloy ba sa susunod na topiko ang
itinuro at kung uulitin ba ang ginawang pagtuturo. Maaaring sabihing nakadetermina sa
pagsusulit ang gagawin o ituturo ng isang guro sa kanyang mga mag- aaral.
Pagsusulit at Ebalwasyon
Ang ebalwasyon ay ang paraan ng pagmamarka at paghuhusga ng
kaalaman, kakayahan, pagsusulit, pagsubok, pag- uulat at gawa ng isang mag- aaral. Ito
ang ilan sa mga dapat tandaan sa ebalwasyon:
1. Ilarawan ang paraan ng pagmamarka sa mga mag- aaral bago magbigay ng panuto para
sa pagsusulit.
2. Ipaliwanag sa mga mag- aaral kung paanong ang ugali sa trabaho, gawain at oras ng
pagpapasa ng mga gawain ay huhusgahan o mamarkahan/ eebalwahin.
3. Kunin ang mga balidong ebidinsya sa ebalwasyon bilang basehan ng pagbibigay ng
marka.
4. Timbanging mabuti ang ibang mga nakamtang karangalan ng na kasali sa ebalwasyon.
5. Huwag babaan ang marka ng isang mag- aaral o apektuhan ang ebalwasyon ng isang
mag- aaral dahil sa pagiging huli sa oras ng klase, unang impresyon sa isang mag- aaral,
damdamin at kawalang modo.
6. Iwasan ang may kinikilingan, dapat irebisa ang mga ebidensya.
23. 23
Paghahanda ng Pagsusulit-Pangwika
Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa ng
kanyang mga estudyante. Ang pagsusulit ang pinakamabisang paraan para matamo ang
pangangailangang ito. Hindi lamang ito sumusukat sa kakanyahan ng isang estudyante,
malaki rin itong basihan kung naging maayos ba o hindi ang ginawang pagtuturo ng guro.
Mahalaga ang pagsusulit sa isang mag-aaral ng wika dahil: Una, ang pagsusulit na
mahusay ang pagkakagawa ay naktutulong upang magkaroon ng interes sa pag-aaral ang
isang bata. Dahil sa pidbak na dulot ng pagsusulit nagkakaroon ng katuparan ang mga
pagsisikap ng isang estudyante sa kanyan pag-aara. Ikalawa,nagiging daan din ang
pagsusulit sa lubusang pagkauto ng wika.
Para sa mga Guro, mahalaga rin ang pagsusulit. Ito‘y nagbibigay tugun sa mga
sumusunod: ―Naging mabisa ba ang pagtuturo?‖, ―Angkop ba ang aking aralin sa aking
mga estudyante?‖, ―Aling mga kasanayan ang dapat Bigyang diin?‖ at ―Alin ang
kailangang ituro muli?‖
Katangian ng Pagsusulit Pangwika:
Dalawang suliraning kinasasangkutan :
a. ang pagtiyak sa paksang susulitin.
b. pamamaraan sa pagsukat sa gagamitin.
Batayang Simulain ng Pagsusulit-Pangwika
1. Pagsusulit Panwika sa makabuluhang Pakikipaghatiran (Communicative Test)
2. Pagsususulit panwika sa mga bagay na kinapapalooban ng suliranin sa pagkatoto.
3. Ang sangkap at kasanayan sa wika ay dapat subukin sa tunay na pakikipag-usap o
pakikipaghatiran.
24. 24
4. Subukin ang mga kahirapan isa-isa lamang.
5. Subukin lamang ang naituro ng puspusan.
6. Hindi lamang ang batayang simulain ang isalang-alang gayon din ang pamantayan sa
pagpapahalaga sa pagsusulit.
Gabay sa Pagbubuo ng Pagsusulit Pangwika
Ang Paghahanda ng Pagsusulit (Badayos,1999)
Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan ang
mga ksanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at
paghahanda.
1. Pagplano ng pagsusulit
a. Tiyakan ang layunin ng pagsusulit.
b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.
c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga kasanayan
at kakayahang susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang kabuuang
saklaw ng pagsusulit.
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.
2. Paghahanda ng Pagsusulit
a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng ispesipikasyon bilang patnubay
hinggil sa kung ilang aytem ang bunuuin para sa bawat kasanayang susukatin.
25. 25
b. Suriin ang mga aytem. Makatutulong kung maipasusuri sa isa o dalawang kaguro ang
mga aytem. Magagamit ang sumusunod na mga tanong sa pagsusuri ng mga aytem.
1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayang kasama sa
talahanayan?
2. Akma ba sa sinusubok na kasanan ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit?
3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?
4. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang aytem.
5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng
pagsusulit?
6. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos ang pagkabalanse
at hindi magtutunton sa wastong sagot?
7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa
talahanayan ng ispesipikasyon.
8.Hindi ba kakikitan ng regular na padron ang paghahanay ng mga wastong
sagot?
c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit
1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.
2. Isayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang
madadaling aytem bago ang mahihirap na aytem.
d. Ihanda ang mga panuto.
1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapat magbigay ng
mga sumusunod na impormasyon:
a. Ang layunin ng pagsusulit.
b . Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit .
26. 26
c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng tamang sagot ang
isusulat o sisipiin ba sa sagutang papel ang sagot?
2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit, kailangang
magkaroon ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto para sa
bawat partikular na uri ng pagsusulit.
3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel
4. Pagpapahalaga ng pagsusulit
Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pagkamabisa ng mga aytem
1. Karirapan ng aytem (index of difficulty)
2. Kakayahang magtangi(discriminatory power)
3. Pagkamabisa ng bawat distaktor
5. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit.
Mga Dapat Isaisip ng guro sa paghahanda ng isang mahusay na Pagsasanay at
Pagsusulit (Castaneto at Abad,2001)
May mga bagay na dapat tandaan ang isang guro sa paghahanda ng pagsasanay at
pagsususlit. Ang ilang pinakamahalaga ay ang mga sumusunod:
1. Kailangang may ganap siyang kalaman sa paksang araling nasasaklaw ng pagsusulit na
ihahanda, nang sa gayo'y makabuo nang lalong mahalaga at makabuluhang tanong.
2. Kailangan niyang maunawaan ang kaunlaran sa pagkatuto at ang mga pamamaraang
sikolohiya ng mga batang gagamit upang maiangkop sa kanilang kakayahan ang
kahirapan ng tanong.
27. 27
3. Kailngan niyang magkaroon ng ganap na kasanayan sa pakikipagtalastsan(pasulat o
pabigkas) upang maging maikli subalit tiyak na malinaw ang mga bagay na binabanggit
sa mga katanungan.
4. Kailangang may sapat siyang kabatiran tungkol sa mga pamamaraan ng pagsulat at
pagbubuo ng tanong, sa iba't ibang uri at anyo ng mga tanong, sa iba't ibang uri at anyo
ng mga tanong, upang madali niyang makita ang kahit kaliit-liiting kamalian sa
paghahanda ng mga ito.
5. Kailangang mayroon siyang sapat na panahon sa paghahanda ng mga tanong upang
makatiyak sa kahusayan ng pagsubok.
6. Kailangan mag-angkin siya ng ganap na pagtitiwala sa sarili niyang kakayahan at
kabatiran sa paghahanda ng pagsususlit at nakauunawa sa kakayahan ng mahusay na
pagsukat ng mga kalamang pang-edukasyon.
7. Kailangang siya'y naniniwala na ang wika ay pinag-aaralan upang magamit na mabisa
sa pakikipagtalastasan.
Mga Simulain Sa Paghahanda ng Pagsasanay at Pagsusulit Pangwika
A. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga estudyante. Ang
mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba pang dadalawa lamang ang pagpipiliang sagot ay
nakakaakit sa mga estudyante subalit nagdudulot ng kinalabasang di naman
mapapaniwalaan.
B. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsasanay o pagsususlit nang sa
gayo'y masukat di-lamang ang kanilang kaalaman kundi pati na ang kakayahang
umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.
C. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsasanay o pagsususlit.
Itoy isang paraan upang lalong makatiyak sa kawastuan ng sagot sa bawat tanong.
Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto ,may pagkakataon siyang makita
ang mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na maaring makalito sa mga bata.
28. 28
D. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang ganitong
kasagutan ay bunga ng mga obhektibong tanong. ang pasanaysay na pagsusulit ay hindi
nagtataglay ng ganitong katangian. Hindi masasabing kapani-paniwala ang marka o iskor
sa mga pagsususlit na pasanaysay sapagkat ito'y nababatay o nasasalig sa kondisyon ng
tagapagwasto.
E. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naangkop sa kakayahan ng
nakararami. Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa'y walang maksagot masasabing
hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat sukatin nito.Kailangang
may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng mahihinang bata ang kanilang natutuhan
at maipakita rin naman ng mahuhusay ang kanilang kakayahan.
F. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong. Ang kaisipang napapaloob
ay kailangang maliwanag na mailalahad upang maunawaan ng mga bata ang hinihing ng
bawat tanong.
G. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga estudyante
at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng pagsusulit ay hindi rin
magiging kawalan para sa mga bata.
Pamantayan/ Katangian sa Pagsusulit Panwika :
1. Mabisa/Pagkabalido (validity)
-kung talagang sinusukat ng pagsusulit ang nais nitong sukatin
a. Criterion validity- pagsukat sa dapat na sukatin.
b. Content validity- kahusayan sa paggamit ng kalayan ng lawak ng paksa sa paggawa
ng konklusyon
c.Construct validity-antas ng paggamit ng mgavbatayang theoritikal sa paggawa ng
pagsusulit.
Mga katangiang sinusukat(Castaneto at Abad):
29. 29
1. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang mga bagay na hangad sukatin.
2. Ang mga bagay na karaniwang itinuro na ang sinusukat nito.
3. Ang maingat na pagsasaayos ng mga nilalamang saklaw nito ay isang paraan ng
pagiging mabisa mg pagsusulit.
4. Kailangang ikinalat ang mga tanong nang maayos.
5. Hindi sapat na ang pagsususlit ay sumusukat lamang sa mga kalamang natamo ng mga
estudyante kundi pati na ang pang-unawa at paggamit sa mga kaalamang ito.
6. Nararapat na iangkop ang kakayahan ng mga estudyante.
7. Hindi makatarungang isang set lamang ng pagsusulit ang gagamitin.
8. Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa layuni,paksa at kakayaham ng mga
estudyante.
2. Mapanghahawakan( reability)
- ang pagsususlit ay makapagtitiwalaan kung ito'y may kaugnan sa katatagan sa isang
antas ng mag-aaral.
3.Pagiging praktikal(practicality)
- hindi magugol sa salapi at panahon: maaling ibigay, iwasto at bigyan ng interpretasyon
mg iskor.
Item analysis
Isang proseso upang malaman ang kakayan ng estudyante sa isang aytem sa
pagsusulit. Ito ay kailangan para malaman kung madali o mahirap ba ang katanungan o
kung dapat ba itong panatilihin o palitan.
Sa paghahanda ng pagsusulit, nilalayong makakuha ng average difficulty.
31. 31
Index of Item Difficulty Index of Discrimination
Df= (Pu+Pl)/2 Ds= Pu-Pl
Q1 0.70
0.20
Q2 0.27
0.13
Q3 0.97
0.07
Q4 0.57
0.60
Q5 0.80
0.27
Index of Difficulty- ang porsento ng mga estudyante na nakakuha ng tamang aytem.
Iterpretasyon ng Difficulty Index:
.00-.20= Mahirap
->Baguhin o tanggalin
.21-.80= Average
->Panatilihin
.81-1.00=Madali
->Baguhin o tanggalin
Index of Discrimination- makikita dito ang pagkakalayo ng mga nakakuha ng mataas at
ng mababa.
Desisyon (Ebel, 1965)
Panatilihin= kung ang diff index ay average at index of discr. Ay positibo.
Palitan- kung ang diff index ay madali t index of discr. Ay negatibo o zero.
Baguhin- kung ang diff index ay average at disc index ay negative
32. 32
Talahanayan ng Ispesipikasyon(Table of Specification):
Ang Talahanayan ng Ispisipikasyon ay isang plano sa pagsusulit kung anong topiko o
konsepto ang ilalagay sa pagsusulit. Isa itong matrix na kung saan ay may mga
espisipikong topiko o kasanayan at anf layunin nito'y nakabatay sa Bloom's taxonom.
Tinatawag din itong: blueprint sa pagsusuli
t, test grid o content validity chart.
Kahalagahan ng Talahanayan sa Pagausulit:
1. Magbigay halaga sa mga topikong nilaanan ng maraming oras at topikong
mahalaga.
2. Humahango sa aytem ng pagsusulit sa layunin ng pag-aaral
3. Hindi nakakaligtaan ang isang topiko.
Hakbang sa paggawa ng Talahanayan ng ispesipikasyon:
1. Isulat ang mga topikong kasali sa gagawing pagsusulit.
2. Alamin ang layunin basi sa Bloom's taxonomy.
3. Alamin ang porsyento ng alokasyon ng mga aytem sa bawat topiko.
33. 33
Halimbawa:
Talahanayan ng Ispesipikasyon sa Filipino Grade7
Paksang Aralin/
Topiko
Layunin ng Pag-aaral
Kaalaman Pag-
unawa
Paglalapat Pagsusuri Kabuuan
Katangian ng
wikang Filioino
10
(22.2%)
10
(22.2%)
Mga varayti ng
wika
6
(13.3%)
3
(6.7%)
1
(2.2%)
10
(22.2%)
Klasipikasyon ng
mga wika
1
(2.2%)
12
(26%)
1
(2.2%)
14
(31.1%)
Kasaysayan ng
Wikang Filipino
2
(4.4%)
6
(13.3%)
2
(4.4%)
1
(2.2%)
11
(24.3 %)
Kabuuan 19
(42.2%)
21
(46.7%)
2
(4.4%)
3
(6.7%)
45
(100%)
35. 35
MGA URI NG PAGSUSULIT AYON SA PAMAMARAAN
Ayon sa Dami ng Sinusukat na Kakayahan
A. Pagsusulit na Discrete Point
Sinusubok nito ang iisa lamang kakayahan sa bawat aytem. Sa ganitong uri ng
pagsusulit, ang wika ay nabubuo dahil sa konteksto. Ang pagsusulit na discrete point ay
dumaan sa mga kritisismo dahil sa mga makabagong pananaw tungkol sa wika maging sa
layunin at komunikatibong kalikasan nito.
Mga halimbawa ng pagsusulit na discrete point:
a. Phoneme Recognition
b. Yes or No and True or False
c. Spelling
d. Word Completion
e. Grammar Items
f. Multiple Choice
B. Pagsusulit na Integrative
Sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika. Nilalayon ng pagsusulit
na integrative na masubok ang iba‘t-ibang kakayahan ng isang indibidwal sa bawat
aytem. Hindi lamang iisang kakayahan ang masusubok sa bawat aytem, kundi maaaring
higit pa.
Mga halimbawa ng pagsusulit na integrative:
a. Cloze Test
b. Dictation
c. Translation
d. Essays
e. Oral Interview and Conversation
f. Reading
36. 36
Ayon sa Layunin ng Pagsusulit
A. Diagnostic Test
Ang pagsusulit na ito ay ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang
kasanayan upang matiyak kung taglay na ng mga mag-aaral ang mga panimulang
kakayahan (pre-requisite skills).
Ito ay ginagamit upang malaman ang kaalaman at mga bahagi ng kailangan
linangin sa mga mag-aaral sa isang partikular na asignatura. Nagbibigay ito ng mga
detalyadong datos na tumutulong sa mga guro upang makabuo ng pamamaraang
nararapat tungo sa mabisang pagkatoto ng mga mag-aaral.
Katangian ng isang Diangnostic Test
1. Sinusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na asignutara.
2. Binubuo ng sapat na bilang ng mga tanong na makakapagbigay ng makatwiran at
tamang datos sa kasanayan at kaalaman ng mag-aaral.
3. Inilalahad ng malinaw kung ano ang sinusukat ng pagsusulit.
4. Hindi masyadong kumplikado o hindi nangangailangan ng mahabang oras.
Mga Layunin ng Diagnostic Test:
1. Para alamin ang kaalaman at kahinaan sa kasanayan ng mga mag-aaral.
2. Para magbigay ng impormasyon sa mga guro tungkol sa kaalaman o prior
knowledge ng mga estudyante.
3. Para magbigay ng puna o komentaryo sa mga kumuha ng pagsusulit at
rekomendasyon para sa mas mabisang paraan ng pagkatoto.
Gamit ng Diagnostic Test
1. Sinusukat ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral na sumagot sa isang
partikular na asignatura.
2. Ginagamit ito ng guro upang alamin ang lakas at kahinaan ng kanyang mag-aaral
sa kanyang ituturong leksyon. Sa pamamagitan ng diagnostic test nababatid ng
37. 37
guro kung ano nalalaman ng mga estudyante at kung ano pa ang dapat nilang
malaman.
3. Ginagamit ang diagnostic test upang ipakita sa mag-aaral ang pag-unlad ng
kanyang pagkatoto.
Ang epektibong gamit ng datos mula sa resulta ng Diagnostic test:
Sinisigurado na ang pamamaraan ng pagtuturo ay napupunan ang kahinaan ng
estudyante.
Naiiwasang sayangin ang oras estudyante sa pagtuon sa mga paksang hindi
nakakatulong sa kanyang pagkatoto.
Nababawasan ang posibilidad na ang isang estudyante ay mabigo sa isang gawain.
B. Proficiency Test o Pagsusulit sa Kakayahan
Ang Proficiency Test o Pagsusulit sa Kakayahan ay naglalayong malaman ang
kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi isinasaalang-alang ang anumang
kasanayan na taglay niya sa wikang ito. Ang nilalaman ng ganitong pagsusulit ay hindi
ibinabatay sa nilalaman o mga layunin ng mga kursong pangwika na maaaring napag-
aralan na ng taong kukuha ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay batay sa isang espisipikasyon
ng mga gawaing dapat na maisagawa ng isang kukuha ng pagsusulit para sabihing may
kakayahan siya sa wika.
Ipinakilalani Jim Cummins (1979) ang mga akronim na BICS at CALP bilang
pagtataya sa pagkakaiba ng pagkatuto o katatasan sa wika sa pangkaraniwang sitwasyong
pangkomunikatibo at sa akademikong antas. Ayon sa pag-aaral ni Cummins, may mga
mag-aaral na bagama‘t masasabing matatas sa pakikipag-usap o may tinatawag na basic
fluency ngunit batay sa mga pagsusulit ay nagpapakita ng mababang antas sa
akademikong gawain at sa kanilang kakayahang mag-isip o sikolohikal na pagtaya
(psychological assessments). Tunghayan ang dalawang aytem mula sa instrumento kung
saan nahirapan angmga estudyante:
1. Iyon ang tawag sa kanya ng balana.
38. 38
a. sinuman b. masa c. mayayaman d. anuman
Ang tamang sagot ay a. sinuman. Ibig sabihin ng balana ay lahat ng tao kaya kung
susuriin hindi masa ang sagot dahiltumutukoy lamang ito sa mga taong nasa
nakabababang antas sa lipunan at hindi naman mayayaman dahil sila naman ang
nakatataas sa lipunan kung antas ng ekonomiya ang pag-uusapan at lalong hindi anuman
dahil tumutukoy lamang ito sa bagay. Sa pagsusuri, pagbubuod at pagtataya ng
pinakatamang sagot ang sinuman ang tumutukoy sa lahat ng tao maging anumang antas
sa lipunan. Kaya masasabing hindi nakaabot sa mas malalim na pag-iisip ang mga
estudyante sa unang bilang pa lamang ng aytem sa pagsusulit dahil 28% lamang ang
nakakuha nito nang tama.
2. May tila bahaw na alingawngaw sa kanyang dibdib.
a. mahinang tinig b.di mawari
c. malamig na pakiramdam d. kaba
Ang tamang sagot ay a. mahinang tinig. Karaniwang iniuugnay sa kaning lamig
ang salitang ―bahaw.‖ Subalit sa pangungusap kasunod ito ng salitang―alingawngaw‖ na
maiuugnay sa tunog. Kung gayon hindi maaaring di mawari, malamig na pakiramdam at
kaba dahil pawang mga damdamin ito at walang kinalaman sa tunog. Ang di mawari ay
maaaring kaugnay sa pag-iisip din ngunit wala pa ring kinalaman sa tunog na kaugnay
naman ng salitang alingangaw. Masasabing idyomatiko ang pangungusap na isa pa ring
paraan ng pagpapakahulugan sa salita sa linggwistika at ang pagsusuri at pagtataya ay
nasa antas ng CALP. Sa item analysis, 13% lamang ng respondente ang nakakuha nito
nang tama. Ang mga aytem sa mga bahagi ng wastong gamit, ponolohiya at morpolohiya
ay nangangailangan lamang ng batayang kaalaman sa wika kung gayon ay nasa antas ng
BICS lamang subalit maaaring hindi nagkaroon ng pag-alala sa dating kaalaman kung
kaya‘t mababa rin ang bilang ng mga estudyanteng nakakuha nito nang tama maliban sa
bahaging ponolohiya kung saan lahat ng aytem ay madali sa mga respondente.
39. 39
C. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Achievement test
Ang pagsusulit na ito ay isang uri ng pagsusulit na batay sa mga kakayahang
itinuro na napapaloob sa silabus ng guro. Ito ay isang pagsusulit na pangwakas. Nilalayon
nito na malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-aaral, sa mga
layuning itinakda para sa isang tiyak na panahon.
Ang pagsusulit sa natamong kabatiran o achievement test ay may itinatakdang
pamantayan at layunin nitong masukat ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa
mga aralin tulad ng Ingles, Filipino, Matematika, Siyensiya, Araling
Panlipunan. Sinusukat ang kakayahan ng isang indibidwal sa kanyang kaalaman sa isang
partikular na bagay. Nakapokus ang achievement test sa kung gaano kalaki o kalawak ang
ang nalalaman ng mag-aaral sa isang espisipikong paksa o asignatura.
Ang pagsusulit na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang masukat ang
kanilang kasalukuyang kaalaman sa isang partikular na aralin. Sa pamamagitan rin nito
ay nasusukat ang epektibo ng pagkatuto ng estudyante at pagtuturo ng isang guro.
Sa pagbibigay ng pagsusulit na ito, bawat mag-aaral ay binibigyan ng pare-
parehong pagsusulit o mga katanungan at pare-parehong oras na gugugulin dito. Ang
magiging iskor ng mag-aaral ay ikokompara sa iba pa niyang mga kapwa mag-aaral na
kumuha ng pagsusulit.
Ang resulta ng pagsusulit ng mag-aaral ay sumasalamin sa pagiging epektibo at
kalidad ng kanilang Edukasyon. Ang magiging resulta ay magsisilbing gabay upang
mapabuti ang kalidad ng edukasyon at mabigyan ng karampatang atensyon ang mga mag-
aaral. Gagamitin ang resulta sa pagsuri kung naging epektibo ang mga paaralan sa
pagtuturo ng mga kasanayang itinakda ng kagawaran.
Ang pinaka-komon na porma ng achievement test ay ang standardized test,
sinusukat nila ang kaalaman ng estudyante base sa paghahambing sa malaking bahagi ng
populasyon ng mga mag-aaral. Tinataya ng pagsusulit na ito kung anong mga kaalaman
ang natamo ng mga mag-aaral.
40. 40
Ang Standardized Achievement test ay kilala sa pagiging maaasahan o
mapanghahawakan (reliability) nito. Kompyuter ang pangunahing ginagamit sa
pagbibigay ng grado sa ganitong uri ng pagsusulit kung kaya nagiging malimit ang
tsansa/chance na magkamali at nagbibigay rin ng patas na sistema ng pagbibigay ng
grado.
D. Aptitude Test
Ang pagsusulit na ito ay nagsasabi kung kakayaning matutunan ng isang mag-
aaral ang isang wika. Sinusukat nito ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak
(Badayos, 1999). Inaalam nito kung ano o hanggang saan ang makakayanang matutuhan
o malinang ng isang indibidwal. Tinutulungan nitong mailabas ng isang indibidwal ang
kanyang natural na talent, kalakasan, at limitasyong taglay.
Ito ay ibinibigay upang mabatid kung ang isang mag-aaral ay may kakayahan o
kawilihan sa isang partikular na kurso o career o bokasyon (Belvez, 2000).
Ang pagsusulit na ito ay dinesenyo upang malaman ang kakayahang mangatwiran
lohikal o ang kakayahang mag-isip. Ito ay binubuo ng mga tanong na may pagpipilian
(Multiple Choice Question) at ang tipikal na oras na ito ay kinukuha at tatlumpung
minuto para sa tatlumpo o sobra pang katanungan.
Ang sinusukat sa kakayahang berbal ay ang kakayahan nito sa ispeling,
gramatika, makaintindi ng palasurian, at sumunod sa mga panutong nakasaad.
Ang konsepto sa likod na pagsusulit na ito ay ang bawat katanungan ay may
iisang kasagutan lamang at kayang-kayang sagutan ninuman.
Magkakaroon lamang ng pagkakaiba sa mga resulta ng mga kumuha ay sa kung
gaano kabilis o kabagal sinagutan ang mga katanungan sa pagsusulit. Ito ang dahilan
kung bakit ang pagsusulit na ito ay inoorasan.
Ang pagsusulit ay maaaring binubuo ng mga sumusunod: non-verbal reasoning
test, verbal reasoning test, numerical/mathematical ability, at mechanical reasoning.
41. 41
Ayon sa Gamit ng Kinalabasan ng Pagsusulit
A. Pagsusulit na Criterion-referenced
Ang pagsusulit na criterion-referenced ay may itinatakdang pamantayan na dapat
mapagtatagumpayan ng eksameni. Kailangang makaabot ang mag-aaral sa pamantayang
ito upang masabing naipasa niya ang pagsusulit.
B. Pagsusulit na Norm-Referenced
Sa pagsusulit na norm referenced inihambing angbawat mag-aaral. Ang resulta ng
ganitong pagsusulit ang ginagamit na batayan ng mga marka sa isang kurso. Ang
pagsusulit sa natamong kabatiran ay norm-referenced.
Halimbawa:
Tanong: Ano ang Wika ?
Sagot ng mga mag-aaral Criterion-
referenced
Norm-referenced
Mag-aaral #1:
Ang wika ay isang likas at makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.
Ang sagot na ito ay
TAMA.
Ang sagot na ito
hindi kasingkaaya-
ayang sagot ni Mag-
aaral #2.
Mag-aaral #2:
Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang
arbitraryo.
Ang sagot na ito ay
TAMA.
Ang sagot na ito ay
mas kaaya-aya di
tulad sa sagot ni
mag-aaral #3.
Mag-aaral #3:
Ang wika ay nangangahulugan ng kabuuang
pagpapahalaga, kaugalian, pamantayan, kaisipan
at mga simbolo na may kaugnayan sa lipunan
Ang sagot na ito ay
MALI.
Ang sagot na ito ay
hindi kaaya-aya di
tulad sa sagotni mag-
aaral #2 at #3.
Ayon sa Kakayahang Sinusubok
A. Pakikinig
42. 42
Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pandinig. Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanggap na tunog,
nauunawaan, natatandaan.
A. May iba‘t-ibang anyo ng pagsusulit sa pakikinig dahil sa magiging
napakahirap para sa isang mag-aaral ng pangalawa o banyagang wika ang
pakikinig sa mahabang salaysay o usapan, maaaring ang mga pagsusulit sa
pakikinig para sa mga unang yugto ng pag-aaral ay maikling pahayag o
usapan na binubuo ng dalawa o tatlong linya.
1. Paglalahad o Pahayag
2. Mga Tanong
Bagamat ang ganitong uri ng pagsusulit ay isang pagtatangka na
gayahin ang tunay na usapan, maaaring sabihing artipisyal pa rin ang
dating. Gayunpaman, magagamit ang ganitong pagsusulit sa elementarya.
3. Maikling Usapan
B. Pagtukoy sa kayariang pambararila o leksikal
Pariringgan ang buong klase ng isang seleksyon at ipatutukoy ang mga kayariang
pambalarila o leksikal; na nakapaloob dito. Maaaring maikling dayalog na babasahin
minsanan.
Bagamat binibigyang- pansin sa pakikinig ay mga detalyeng panggramatika, ang aytem
ay may konteksto. Natututo ang mga mag-aaral na makita ang kahulugang nagbubuhat sa
konteksto at sa istruktura.
C. Pagtatala ng mga detalyeng semantiko
Makikinig ang buong klase sa isang seleksyon at ipagawa ang alinman sa mga
sumusunod:
● itatala ang ilang partikular na detalye
● bubuo ng isang talahanayan, graph, tsart, atb .; at
43. 43
●bubuo ng isang dayagram o mapa ayon sa panutong ibinigay.
A. Mga tanong na Pang-unawa
Makikinig ang mga mag-aaral sa isang artikulo o seleksyon at sasagutin ang mga tanong
(tama o mali, pagbubuo; o tanong na may pinagpipiliang sagot) tungkol sa nilalamn ng
artikulo o seleksyon batay sa hinuhang mabubuo nila.
B. Pagtukoy sa mga salik sosyolinggwistik
Makikinig ang mga mag-aaral ng isang pangungusap at sasagutin ang ilang tanong na
magpapatunay kung nauunawaan nila ang kontekstong sosyolinggwistik.
B. Pagsasalita
Ang Pagsasalita ay naka-tinig na anyo ng komunikasyon ng tao. Karaniwang
ginagamit ang pagsasalita sa araw-araw na pamumuhay. Dahil sa pagsasalita nabibigyan
ng mga posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o ipahiwatig sa iba.
Nakakatulong din ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang pagsasalita
ay pagbibigay, pagbabahagi ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong
tunog, tamang gramatika upang malinaw na maipahayag ang damdamin at kaisipan.
Ito ang kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala
at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
Ito ang komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong
nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita. Ito ang kahusayan o kapangyarihan ng isip sa
pananalita na nangungusap o mga salita upang maipahayag ang mga kuru-kuro.
Uri ng Gawi ng Pagsasalita
1.Ang Kumakatawan – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa pag-iba ng
mga antas patungo sa tamang preposisyon na dapat nilang sinabi; panunumpa, paniniwala
at pag-uulat.
Halimbawa: Ipinapangako ko na aking pagyayamanin lalo ang mga naiwan ng
aking mga magulang.
44. 44
2. Direktibo – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa paghimok sa mga
tagapakinig na gumawa ng kahit na ano; mag-utos, makiusap, makipagtalo.
Halimbawa: Gawin mo ang lahat ng aking ipinagagawa at huwag ka nang
magtanong ng ano pa man.
3. Commissive – kung saan ang mga nagsasalita ay gumagawa ng alinmang pag-iba sa
mga antas patungo sa aksyon; mangako, sumumpa o mga gawain.
Halimbawa: Gagawin ko ang bagay na iyong gusto, ano man ang iyong ipagawa.
4. Deklarasyon – kung saan sa pamamagitan ng nagsasalita na baguhin ang estado ng
mga gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi ng pagsasalita.
Halimbawa: Ipinababatid ko sa inyong lahat na ang sinuman ang lumabag sa
aking batas ay magkakamit ng parusa.
5. Ekspresibo – kung saan ang tagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang pag-uugali;
pagbati o paghingi ng paumanhin.
Halimbawa: Siya ay humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa at akin namang
pinagbigyan.
Tatlong (3) Sangkap ng Gawi sa Pagsasalita
1.Lokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – ito ay paglalarawan kung ano ang sinasabi ng
nagsasalita.
Halimbawa: Si Ana ang pinakamagandang dilag sa nayon.
2. Ilokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – ang layunin ng gawi ng pagsasalita sa
pagbigkas ng pangungusap kabilang ang paglalahad, pangangako, humihingi ng
paumanhin. Ito ay pagpapahayag ng kung ano ang nais gawin ng nagsasalita.
Halimbawa: Pakikuha ang baso sa lamesa.
3. Perlokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – bisa ng sinasabi ng nagsasalita sa nakikinig
o epekto ng sinasabi ng nagsasalita sa nakikinig. Literal at Di-Literal na Gawi ng
Pananalita Literal o masasabi nating literal ang isang gawi ng pananalita kung sa
45. 45
pangungusap ay gumagamit ng mga salitang may eksaktong kahulugan o kung may tiyak
na konteksto o kitang-kita o lantad na ang nais iparating ng isang naglalarawan.
Halimbawa: Nakakasama ng kalooban ang mga masasakit na salitang kanyang
binitawan. Di-literal o kung di kaagad mailalarawan ang konteksto na nais ipahayag at
nangangailangan pa ng masusing pa-iisip o kung sa pangungusap ay gumagamit ng mga
matatalinghagang salita.
Pagsasalita
A. Monolog
Bibigyan ng guro ang mga mag- aaral ng dalawa o tatlong paksang
nakasulat sa mga kard. Ang bawat kard ay may pamatnubay na tanong
upang matulungan ang mag-aaral sa pagbalangkas ng sasabihin.
Ang pagtataya ng monolog ay ibabase sa ilang pamantayan o krayterya
tulad ng daloy ng pagpapahayag, dami ng impormasyon, kalinawan ng
mensahe, kawastuhang panlingwistika, bokabularyong ginagamit at iba pa.
ang mga ito ay gagamitin ng rating scale.
B. Pagsasatao (roleplaying)
Nagiging daan ito para sa paglinang ng kakayahan sa pag- arte at
preparasyon para sa malakihang pagtatanghal. Maaaring dalawang tao ang
makilahok. Bibigyan sila ng sitwasyon at bahala silang magtanungan o
mag- usap ayon sa sitwasyon.
Katulad ng sa monolog, ang ebalwasyon ay gagamitin ng krayterya gaya
ng kaangkupan ng mga istrakturang ginamit, bigat ng impormasyon,
kalinawan ng ipinapahayag,atb.
C. Interbyu
Katulad din ito ng pagsasatao. Ang guro lamang ang lumabas na palaging
nagtatanong. Maaaring ang iskoring ng interbyu ay parang sa discrete-
point kung titingnang isa- isa ang tugon sa bawat tanong. Kung ang
titingnan ay ang panglahatang kasanayan kailangang gumamit uli ng
rating scale.
D. Pagtatalo o Debate
46. 46
Magandang paraan ito para sa pagpapahayag ng mga sariling opinion.
Bagay ito sa mga mag- aaral na may lubos nang kasanayan sa wika.
Maaari silang pumili ng kanilang paksa at sariling posisyon sa isyung
tatalakayin.
C. Pagbasa
Ang pagbasa ay isang pasibong gawain (passive) at walang interaksyong
nagaganap sa pagitan ng mag-aaral at teksto, o sa guro at kapwa mag-aaral. Nakatuon
lamang pansin sa pag-alam kung may natandaan ang mga mag-aaral sa mga detalyeng
tinalakay sa akda.sa mga mag-aaral nama‘y maaring mabuo sa kanilang isipan na ang
pagbasa ay pagsasaulo ng mga tauhan, tagpuan, banghay at iba pang elemento ng akda.
Ang kabiguan o tagumpay ng mga mag-aaral sa pagbasa ay repleksyon ng
kanilang mga istratehiya; ang mga istratehiyang ito ay repleksyon naman ng kanilang
ganap na pag-unawa kung ano ang pagbasa;
Sinabi ni Goodman (1967,1971,1973)na ang pagbasa ay isang ―pysholingguistic
guessing game‖ na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensaheo
kaisipang hango sa tekstong binabasa. Kay Goodman, ang gawaiang ito ng pagbibigay
kahulugan ay issang patuloy na prosesong siklikal zbuhat sa teksto, sariling paghahaka o
paghula, pagtataya, pagpapatunay pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan. Sa
ganitong pagpapakahulugan, hindi na kailangan pang basahing lahat ang teksto upang
maunawaan ito, lalo na kung higit na magaling ang tagabasa sa paghula o pagbibigayng
haka.kaya nga, ang isang tagabasa na magaling sa pagbibigay ng tamang prediksyon,ay
nakababasa nang higit na mabilis kaysa iba dahil hindi niya kailangang basahin nang isa-
isa ang bawat salita.
siCoady (1979) ay nagbiibigay ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman sa
pagbasa. Ayon kay Coady, para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang ang
dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga
konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa
teksto.
47. 47
Ilang Kabatiran sa mga Layunin at Proseso sa Pagbasa
1. mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na kalakaran/konbersyon sa
pagsulat.
2. Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe ay ang pag-unawa sa
mensahe na nakapaloob sa isang teksto. Ang pagpapatunog ng mga salita ay isang
bahagi lamang ng proseso sa pagbasa.
3. Bahagi ng pag-unawa ng teksto ang pag-unawa sa wikakung saan ito nasulat.
4. Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating alam (tungkol sa daigdig, sa
kultura, sa paksang tinatalakay, mga kalakaran atb.)
5. Ang pagbasa ay isang prosesong pag-iisip.
6. Ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo.
7. Ang pagbasa ay isang sistema ng pagtataguyod ng ating buhay.
8. Gumagamit tayo sa pagbasa ng maraming kasanayan (multiple skill) at iniangkop
natin ang mga ito sa iba‘t-ibang uri ng teksto upang matugunan ang ating mga
layunin sa pagbabasa.
9. Mahalaga ang malawak na karanasan sa pagbabasa ng isang partikular nateksto
para sa tamang pag-unawa nito sa isang tiyak na pagkakataon.
10. Kailangang magkuro gn isang tao na ang pagbasa ay makabuluhan at kawili-wili.
Kung hindi, walang mangyayaring pagbasa sa labas ng silid-aralin.
Iba’t-ibang Pananaw sa Proseso ng Pagbasa
Napakahalaga para sa guro ng pagbasa na magkaroon ng isang matibay na pag-unawa
sa proseso ng pagbasa. Ang mga paniniwala o pananaw tungkol sa proseso ng
pagbasa ay mapapangkat sa tatlo:
1. Ang Teoryang “Bottom-Up”
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo(stimulus) upang maibigayang katumbas nitong tunog(tugon
oresponse). Malinaw na masisilip sa teoryang ito na ang pagbasa ay nagsisimula sa
48. 48
sintesis ng mga letra upang makabuo ng salita, ng mga salita sa pagbuo ng mga
pangungusap hanggang sa makabuo nang sapat na rami ng teksto na magbibigay-daan sa
tagabasa upang maunawaan kuna ano angisinulat ng awtor.
Ang isang tao na umaayon sa sa pananaw ng bottom-up ay naniniwala na ang pagbasa
ay ang ―pagkilala ng mga salita‖ ---at ang teksto ang pinakamahalagang salik sa pagbasa.
Mapapansin din sa teoryang ito na ang pagpapakahulugan sa binasa ay nasa huling yugto.
Ang tagabasa ay itinuturing na isang pasibogn partisipang sa proseso ng pagbasa at ang
tanging tungkulin ay maulit ang lahat ng mga detalye sa binasang teksto. Tinatawa ito ni
Smith (1983)na outside-in o data driven ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi
nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.
2. Ang Teoryang “Top-Down”
Binibigyang diin ng teoryang ―top-down‖ na ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan
ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang papapasimula ng pakilala niya sa teksto
at kun wala ito, hindi niya mabibigyang-kahulugan ang anumang babasahin. Upang lubos
namaunawaan ang pananaw na ito, mahalagang alamin na ang nakalimbag na teksto ay
nagtataglay ng tatlong impormsyon:
Impormasyong Semantika oimpormasyong pangkahulugan na kasama rito ang
pagpapakahulugan na kasama rito ang pagpapakahulugan sa mga salita at
pangungusap.
Impormasyong sintaktik o impormasyon sa istruktura ng wika,
ayimpormasyon tungkol sa pagkakaayos at istruktura o kayarian ng wika.
Impormasyong Grapho-phonic ay impormasyong tungkol sa ugnayan ng mga
letra(grapheme) at mga tunog (phonemes) ng wika. Kasama rito ang
impormasyon sa pagbaybay na naghuhudyat ng kahulugan.
Sa kabuuan ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out o conceptually driven sa
dahilang ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
Ito ay nagaganap kung ang mambabasa ay gimagamit ng kanyang dating kaalaman st
mga konsepto na nabuona sa kanyang isipan batay sa kanyang karanasanat pananaw sa
paligid.
49. 49
3. Teoryang Interaktib
Ang teoryang ―Interaktib‖ ay naniniwala na ang teksto ay kumakatawan sa wika at
kaisipan ng aawtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating
kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan.dito nagaganap ang interaksyon ng
mambabasa at awtor. Isang malaking kontribusyon ng teoryang interektib sa pagtuturo ng
pagbasa ay ang pagbibigay diin nito sa pag-unawa bilang isang prosesoat hindi isang
produkto. Sa loob ng mahabang panahon, tinatanaw natin ang komprehensyon bilang
isang produkto. Sa kasalukuyan , dahil ang pag-unawa ay tinatanaw bilang isang proseso,
ang tuon ng pagsusuri ng mga sagot sa pag-unawa ay ang proseso. Kailangang alaminng
guro kung paano nabuo ng mga mag-aaral ang kanilang mga kasagutan sa mga tanong.
D. Pagsulat
Sinusubok ang kakayahan at kasanayan sa paggamit ng bantas at wastong baybay
ng mga salita.
Paghahandang Pasalita
Kailangang magkaroon ng sapat na kahandaan ang mag-aaral bago pasulatin. Sa
paghahandang pasalita ay magkakaroon ang mga batang makapagpalitan ng kuro-kuro at
malinang ang maunlad na talasalitaang kakailanganin sa pagsulat.
1. Paglikha ng sitwasyon sa pagsulat (Creating a writing situation)
Walang mag-aaral na makakasulat ng magandang katha kung walang
nabubuong paksa sa kanyang kaisipan. Ang paksa ay maaaring maging bunga ng
liksyon o bunga na pag-iisip ng mag-aaral na ginganyak ng guro sa tulong ng
makabuluhang larawan, aktwal na pagmamasid, o kaya‘y paglalakbay. Maaaring ito‘y
tungkol sa kawili-wiling tauhan sa kwentong nabasa o napakinggan. Dili kaya ay
tungkol sa isang kawili-wili niyang karanasan o isang magandang insedente sa
kanyang buhay.
2. Pagpukaw at pagganyak sa kaisipan o ideya (Stimulating ideas)
50. 50
Ang mapamaraang pagtatanong ng guro ay mabisang paraan ng
pagganyak sa mga batang mag-isip ng mga bagay o ideya hinggil sa paksang
susulatin. Sikaping sa pagsagot ng bata sa mag tanong ay makagamit sila ng
talasalitaang kakailanganin at makabuo ng balangkas na gagamitin.
3. Pag-aaral ng mga modelo (studying models)
Ang pagbibigay sa mga bata ng modelo na mapag-aaralan ay isang
malaking tulong sa pagbubuo ng mga hagap o kaisipan. Isaalang-alang ang
nilalaman, istilo at wika ng modelo. Ito ba ay napapaloob sa kawilihan at
kakayahan ng mag-aaral? Ang paksa ba nito ay kawili-wili? Mahusay ba ang
pagkakabuo? May wastong gamit ban g wika? Wasto ba ang anyo ng pagkasulat?
4. Paglinang nng talasalitaan (Development of the vocabulary)
Nasa mayamang talasalitaan ng mga mag-aaral ang susi ng kanilang
mabisang pagpapahayag ng kaisipan. Nararapat linangin sa mag-aaral ang
maunlad na talasalitaan sa pagsasalita at pagsulat.
5. Pagpili ng angkop na pamagat (Choosing a suitable title)
Sa pagbibigay ng pamagat sa katha ay bayaang ang mag-aaral ang pumili.
Papagbigyan ang klase ng kanilang mungkahing pamagat, sa kathang nais niyang
sulatin. Ipagunita na ang isang pamagat ay dapat na maging maikli, kawili-wili,
gumigising na interes, kapana-panabik, hindi palasak at hindi nagbubunyag ng
wakas.
6. Pagbabalak at pagbabalangkas (Planning and outlining)
Sa pagsulat ng anumang uri ng sulatin ay kailangan ang pagbabalak at
pagbabalangkas. Maaaring gawin ng buong klase ang paghahanda ng balangkas.
Sa balangkas ay kailangang maitala nila ang mga makahulugang hagap at
kaisipan.
51. 51
7. Pasalitang patatalakayan (Oral discussion)
Kailangang magkaroon ng pagtatalakayang impormal ang klase ukol sa
paksa upang makahagap ang mga mag-aaral sa paksa at mabibigyan sila ng
pagsasanay na sundin ang kanilang balangkas na isinasaalang-alang ang ga
katangian ng mabuting paksa at paggamit ng mga angkop na pahayag.
8. Pamantayan sa pagsulat ng katha (Setting the standards for writing)
Nagiging maingat ang mag-aaral sa nilalaman at pagbubuo ng sulatin kung
may mga nakatakdang pamantayang kanilang susundin. Kailangang isaisip ng
mag-aaral bilang batayan sa pagbibigay-halaga sa gawain ang sumusunod na
tanong:
a. Malinaw ba ang kaisipan? Kung hindi, paano ito mapalilinaw?
b. Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng kaisipang inilahad?
c. Ang pangungusap ba sa bawat talata ay nagsasaad lamang ng tungkol sa
iisang bagay o paksa?
d. Kawili-wili ba ang pambungad na pangungusap?
e. Lahat ba ng pangungusap sa katha ay tumutulong sa kabuuan ng
komposisyon?
f. May magandang wakas ba ang mga komposisyon?
g. Wasto ba ang pagkakagamit ng mga bantas?
h. Wasto ba ang lahat ng baybay ng salita?
i. Wasto ba ng pagkakagamit ng malaking titik?
j. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel?
k. Maayos ba ang pagkakasulat ng komposisyon?
9. Pagsasanay sa mga sangkap na kakailanganin sa komposisyon (Drills on
items needed in the composition)
52. 52
Nagiging mabisa ang mga gawaing pasulat kung naglalaan ng guro ng
sapat na panahon para sa pagsasanay sa wikang kasangkot sa komposisyon.
Maaaring magtala ang guro ng mga karaniwang kamalian at maghahanda ng mga
pagsasanay batay doon.
Paghahanda ng Burador
1. Pagsulat ng burador (Writing the draft)
Bago sulatin ang burador, magandang gawin ang balikan ang mga
pamantayan sa komposisyon. Dapat isulat ng mga mag-aaral ang burador sa
paaralan upang mapatnubayan sila ng guro. Sanayin ang mga mag-aaral na
basahing mabuti ang mga burador bago ito ibigay sa guro. Ito‘y makatutulong
upang makaugaliang basahin muna ang anumang isinulat bago ito ibigay sa guro
at mabasa ng ibang tao.
2. Pagpapabuti sa burador (Improving the draft)
Mabisang paraan sa pagpapabuti sa burador na isulat ang isa sa mga
sinulat ng mag-aaral at ipawasto at pagbutihin ito ng buong klase. Maganda ring
paraan ang pagpapalitan ng burador ng mga mag-aaral pang maiwasto. Kailangan
ang pamamatnubay ng guro sa pagbibigay-halaga sa sinulat na katha. Bigyan-diin
ang pagbabantas, palabaybayan, aspekto ng pandiwa, ang palugit at ang panlahat
na porma ng komposisyon.
3. Pagsulat na muli ng burador (Rewriting the draft)
Matapos na maiwasto ang burador, ito ay dapat na muling sulatin ng mag-
aaral. Kailangang mabatid nila kung bakit sila namali sa unang burador at nang sa
gayon ay hindi na maulit ang pagkakamali. Ipaunawa rin na kung minsan ang
dahilan ng pagkakamali sa pagsulat ay ang kawalang-ingat at hindi pag-uukol ng
buong pansin sa isinusulat.
53. 53
Pagsulat ng Pangwakas na Katha
Ang pagsulat sa pangwakas na katha ay dapat gawin sa paaralan sa ilalim
ng pamamatnubay ng guro. Bago sumulat, ipagunita ang pamantayan sa pagsulat
nang maayos, walang mali at malinis na kathang sulatin o komposisyon.
Ang guro ay may kaparaanan sa pagtuturo ng pagsulat para sa mga
magsisiumula pa lamang sa gawaing pasulat. Hindi natin mabibigla ang mga mag-
aaral sa pagsulat ng magaba agad o magandang-maganda na agad na sulatin.
Maaari natin silang pasulatin ng komposisyong supil.
Kontroladong Pagsulat
Ito‘y binubuo ng mga gawain sa pagsulat na naglalaan sa mga mag-aaral
ng iba‘t-ibang pagsanay sa pagsulat ng mga pangungusap o talata na walang
kamalian.
Ito ang unang hakbang tungo sa pagsulat ng komposisyon at tinatayang
makatutulong ng malaki para sa mag-aaral na limitado ang kaalaman sa wika. Sa
kontroladong pagsulat, mas higit ang input ng titser kaysa sa mag-aaral.
1. Ang paggamit ng substitution table
Pinapabuo ng kommposisyon ang mga mag-aaral sa tulong ng talahanayan
ng mga salita at parirala na maaaring pagsama-samahin.
2. Tumbasang Pagsulat (Parallel Writing)
Ang antas ng pagkontrol sa pagsulat ay maaring mapag-iiba-iba sa
pamamagitan ng tumbasang pagsulat. Sa pinakamahabang antas maaaring ang
isagawa lamang ng bata ay ang pagpapalit ng mga salita (panggalan, panghalip
atb.). Sa mas mataas na antas ng pagkatuto, dapat ipaalam sa mga mag-aaral na
ang isang pagpapalit ay maaaring mangailangan ng iba pang pagpapalit upang
magkaroon ng kaisahan ang ipahahayag na kaisipan.
54. 54
3. Teknik na Tanong at Sagot
Ang teknik na ito‘y maaaring mamagitan mula sa kontrolado hanggang
malayang pagsulat. Sa puntong kontrolado, ang mga mag-aaral ay bibigyan ng
mga tala o di kaya‘y tekstong babasahin, pagkatapos ay pasusulatin sila ng mga
sagot para sa isang serye ng mga tanong.
4. Pagpuno ng mga Puwang
Isang karaniwang teknik sa kontroladong pagpapasulat ay ang pagpuno ng
puwang. Ang mga salitang ipupuno sa puwang ay batay sa mga aralin sa pagsulat
o balarila na natutuhan ng mga bata.
5. Padiktang Pagsulat
Ang teknik na padikta ay mahusay na gawain sa pagsulat sapagkat
mahahantad ang mga mag-aaral sa iba‘t ibang halimbawa o modelo ng kayarian
ng mga pangungusap at maayos na pagbubuo ng teksto. Sa gawaing ito‘y
nahahasa rin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbaybay at paggamit ng iba‘t
ibang bantas. Ilan sa mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng teksto para sa
pagsulat na padikta ay ang mga sumusunod:
1. Haba. Katamtaman lamang ang haba ng teksto at kailangang
kawili-wili at makabuluhan.
2. Antas ng Kahirapan. Ang talasalitaan at istilo ng
pagkakasulat ay nararapat na angkop sa lebel ng mga mag-
aaral.
3. Uri ng teksto. Upang maging makabuluhan ang gawain, ang
mga teksto ay dapat na kumakatawan sa mga bagay na
karaniwang idinidikta natin sa tunay na buhay gaya ng
memoramdum, liham pangangalakal, mga panuto, at iba pa.
55. 55
4. Ang teksto. Kinakailangang may kaugnayan ang tekstong
gagamitin sa mga paksa o temang binabasa o tinatalakay na sa
klase.
Mga Hakbang sa Padiktang Pagsulat
1. Unang pagbasa. Basahin ang buong teksto sa normal na bilis upang
magkaroon ang mga mag-aaral ng kabuuang ideya tungkol saan ang
teksto.
2. Sa ikalawang pagbasa ng teksto, basahin ito nang may wastong
paglilipon ng mga salita/parirala sa normal na bilis, huminto ng
bahagya sa katapusan ng bawat lipon ng mga salita/parirala upang
maisulat ito ng mga mag-aaral. Ulitin kung hinihiling ng klase upang
tanawin ng mga bata na ang padiktang pagsulat ay isang magiliw ng
gawaing interaktibo, at hindi pagsulat.
3. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na basahin ang kanilang isinulat
at hayaang iwasto ang mga kita-kitang kamalian. Pagkatapos basahin
muli ang buong teksto upang maiwasto ng mga mag-aaral ang
anumang pagkakamali.
4. Idikit sa pisara ang orihinal na teksto upang maiwasto ng mga mag-
aaral ang kanilang isinulat. Maaaring magpalitan ng papel dahil
minsan ay mahirap makita ang sariling mga pagkakamali.
56. 56
Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit
A. True or False Test o Pagsusulit na Tama o Mali
Ang pagsusulit na Tama o Mali ay isang uring papalit na pagsusulit na dalawa
lamang ang pamimilian ng gumaganap. Pinakapayak at pinakamarami ang anyo ay ang
wasto- mali at oo- hindi. Tiyak na nag- aanyaya sa paghuhula.
May modified na anyo ito, iyong ipatukoy ang bahaging mali, kung mali nga ang
pangungusap. Dili kaya‘y sagutin nang sang- ayon o hindi sang- ayon. At kung ang sagot
ay hindi sang- ayon, ipabago ang salita o bahagi ng pangungusap upang maging sang-
ayon o tama ang sagot.
Mga Uri ng Papalit
a. Simpleng tama o mali- simpleng pagtukoy lamang kung tama o mali ang
pahayag.
b. Modified true or false- uri ng tama o mali na tinutukoy kung tama ang pahayag
at kung mali naman ay sinasalungguhitan ang salita o lipon ng mga salita na
nagpapamali sa pahayag.
c. True or False with Correction- pagtukoy kung tama ang pahayag at kung mali
naman ay isulat ang tamang sagot sa maling salita.
d. Cluster true or false- uri ng tama o mali na sinasalungguhitan lamang ang T
kung ito ay tama at M kung ito ay mali.
e. True or False with Option- uri ng tama o mali na inilalagay sa pagpipilian ang
tamang sagot kung ito ay mali.
B. Error Recognition Test o Pagtukoy sa Mali
Ito ay isang uri ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusubok nito ang
pangkalahatang kasanayan sa wika. Iba‘t iba ang maaaring maging anyo ng pagsusulit na
ito:
a. Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay may
salungguhit at may nakasulat na titik sa ibaba.
57. 57
b. Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghating pangungusap.
c. Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalungguhitan.
d. Ang mali sa pangungusap ay maaaring isang salita o bahagi ng salita na nawala.
e. Maari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali.
C. Multiple Choice Test o Uring Papili
Ang pagsusulit na ito ay nabibilang sa uring pakilala binubuong pahayag na di-
ganap at sinusundan ng mula sa tatlo hanggang limang kasagutan.Isang sagot lamang ang
pipiliin na siyang pamuno sa pangungusap. Ang bawat aytem dito ay binubuo ng
dalawang bahagi: ang stem na maaaring pangungusap na hindi tapos, o pangungusap na
may patlang, o pangungusap na nagtatanong. Ang ikalawang bahagi ay ang mga opsiyon
o ang mga pamimilian ng sagot. Isa sa apat na opsyon ang tamang sagot, iyong ibang
opsyon ay tinatawag na distractor o joker. Sa paghahanda ng mga opsyon, tiyakin ang
alinman sa kanila ay aangkop na idugtong sa stem. Sa pagpili ng isasamang distractors,
tiyaking ito ay sadyang balanse at hindi naglalahad agad ng sagot.
Ang multiple choice aytem ay maaaring nasa anyong pangungusap na hindi tapos,
pangungusap na may puwang, pangungusap na buo o pangungusap na nagtatanong gaya
ng mga sumusunod:
a. Pangungusap na hindi tapos
b. Pangungusap na may puwang
c. Pangungusap na buo
d. Pangungusap na nagtatanong
D. Completion Test o Pagsusulit na Pagpupuno sa Patlang
Ito ay ang pagpupuno ng mga nawawalang salita o lipon ng mga salita sa isang
pangungusap o talata. Ito ay pagsusulit na obhektibo na sa halip na pinamimili ang mag-
aaral sa wastong sagot ay ipinabibigay ang tamang sagot.
58. 58
E. Cloze Test
Ito ay isang uri ng pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang
para sa mga kinaltas na salita. Ang pagkaltas ay maaaring tuwing ikalima, ikaanim,
ikapito o ikawalong salita.
Ang Cloze Test ay hango sa ―closure‖ sa Gestalt Theory. Ito ay sumusukat ng
pangkalahatang kasanayan sa wika, gayon din sa kaalamang linggwistika at kaalaman sa
kaugnayan ng salitang kinaltas at sa buong teksto.(Belvez, 2000)
Mayroong tatlong uri ang Cloze test ito ay ang basic type ng cloze test, modified
cloze test at ang pagsusulit-C. Sa uring basic type ng cloze test ay maaaring fixed-ratio
deletion o dili kaya‘ variable-ratio deletion.
Kung ang pagkaltas ay laging ikalima, ikasampu o anumang ―ratio‖ na napili,
tinatawag itong ―fixed-ratio deletion‖. Kung ang pagkaltas ay walang sinusunod na
―ratio‖ dahil pangngalan o mga pandiwa ang kinakaltas, ito ay tinatawag na ―variable-
ratio deletion‖.
Isa ring uri ng cloze test ay ang modified closed test. Sa pagsusulit na modified
cloze, ang bawat bilang ay may mga opsyon na pagpipiliian, na isinusulat sa ilalim ng
talata.
F. Pagsusulit-C
Ito ay isa pang uri ng cloze test. Iniiwang buo ang unang pangungusap ng teksto.
Simula sa ikalawang pangungusap, tuwing ikalawang salita ay kinakaltas ang ilang
59. 59
titik.(Depende sa haba ng salita ang bilang ng letrang kakaltasin.) Ang pag-iwang buo sa
una at huling pangungusap ay magsisilbing gabay sa pagsagot ng mga mag-aral.
IBA PANG URI NG PAGSUSULIT
A. Dikto-Kom
Ang dikto-komp ay pinagsamang pagdikta at komposisyon. Ito‘y ginagamit upang
sanayin ang mga mag-aaral sa pagbuo ng isang tekstong idinikta. Ito‘y ginagamit upang
mahimok ang mga mag-aaral na gumamit ng tiyak na anyo ng mga pangungusap at upang
makabuo ng tiyak na uri ng teksto sa pagsulat—tulad ng pasalaysay, palarawan,
panghihikayat, eksposisyon at pangangatwiran.
Ginagamit ang Dikto-Komp bilang paraan sa pagsukat sa kakayahan ng
estudyante na maalala ang mga pangunahing ideya sa teksto sa paraang kronolohikal at
lohikal na ayos at bilang panukat rin sa pang-unawa. Masusukat ng guro ang pagkaunawa
ng mag-aaral sa orihinal na teksto sa kung paano nila ito kayang isulat muli ayon sa
lohikal na ayos.
Mga hakbang sa Dikto-komp:
1. Pumili ng isang teksto na nagtataglay ng mga kayariang sintaktik na nais mong
mapagsanayang gamitin ng mga mag-aaral.
2. Basahin ang buong teksto sa karaniwang bilis sa pagbasa. Hayaang mapakinggan
itong mabuti ng buong klase. Sa ikalawang pagbasa, sabihin sa klase na kailangan
nilang magtala ng mahahalagang salita o parirala.
3. Pagkatapos, hayaang magpares-pares ang mga mag-aaral at ipabuo muli ang
tesktong napakinggan sa tulong ng mga itinalang salita at/o parirala.
4. Mula sa dalawahan, pagpangkat-pangkatin muli ang mga mag-aaral (4-7 kasapi sa
bawat pangkat) at hayaang ilahad ng bawat kasapi ng pangkat ang binuong
60. 60
komposisyon. Paghambing-hambingin ang mga binuong komposisyon at pabuuin
muli ang mga pangkat ng isang pinal na komposisyon.
5. Ipakita ang orihinal na teksto nang buong-buo o di kaya‘y isa-isang ilahad ang
mga pangungusap sa buong teksto. Ipahambing ang binuong teksto sa orihinal.
Mga dapat ikonsidera ng mga guro
1. Wika (Bokabolaryo at balarila)
2. Haba at kompleksidad (halimbawa, maikli at pamilyar na kwento sa mga bata)
3. Background knowledge at interes ng mag-aaral
Hindi dapat magdikta o magsalita ng masyadong mabagal. Ang nais ay hayaan
ang mga estudyante ng magsulat ng mga importanteng salita mula sa teksto upang
maisulat nilang muli ito, hindi yaong kokopyahin ang bawat salita. Ipabatid sa mga
estudyante na hindi mo inaasahang isulat nila ang bawat salita sa teksto.
Ebalwasyon ng Gawain
Nagawa ba ng mga estudyante na irekonstrak ang teksto na naglalaman pa rin ng
mga importanteng ideya?
Nakikipagtalakayan ba ang mga estudyante sa kaklase para sa tamang balarila at
nilalaman?
B. Dictation
Sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalitaan, kayarian, at maaari ring
sa pagbaybay at wastong paggamit ng malaking titik at ng bantas. Ang dalawang uri ng
pagsusulit na idinikta ang “standard dictation” at ang “partial dictation.” Sa “standard
dictation,” isinusulat ng mga mag-aaral ang buong talatang idinidikta. Sa “partial
dictation,” ang mag-aaral ay binibigyan ng sipi ng talatang idinidikta, pero ito ay may
kaltas na mga parirala o pangungusap. Pupunan na lamang niya ang mga puwang upang
mabuo ang talata.
61. 61
Ayon sa kakayahang sinusubok
1.Pakikinig
a. pagkilala ng mga tunog
b. pag-unawa sa pinakinggang teksto
2. Pagsasalita
a. pagbigkas ng mga tunog
b. pakikipag-usap
3. Pagbasa
a. pagkilala at pag-unawa ng salita
b. pag-unawa ng seleksyon
c. kasanayan sa pag-aaral
4. Pagsulat
a. pagsulat ng komposisyon
b. paggamit ng bantas, wastong baybay, malaking titik
Pagbasa
Pagsusulat
C. Direct & Indirect Test
Pangunahing saligan ng Pamaraang Direct ang Series Method ni Gouin at
nanalig din ito sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad
din ng pag-aangkin ng unang wika- may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika,
walang pagsasalin sa pagitan ng una at ikalawang wika at halos walang pagsusuri sa mga
tuntuning pambalarila.
Narito ang lagom ng mga simulain sa pamaraang Direct (Richard at Rogers 1986:9-10).
a. Ang pagkaklase ay nagaganap na target na wika lamang ang ginagamit.
b. Mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang itinuturo.
c. Ang mga kasanayang pasalita ay nililinang sa pamamagitan pasalitang tanong at sagot
sa pagitan ng guro at mag-aaral.
d. Itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang pabuod.
e. Ang mga bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmomodelo at pagsasanay.
62. 62
f. Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa pamamagitan ng mga tunay na bagay
at mga larawan samatalang ang mga abstraktong bokabularyo at itinuturo sa pag-uugnay
ng mga ideya.
g. Parehong binibigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
h. Binibigyang-diin din ang wastong pagbigkas at balarila.
Sinasabing sa pamamagitan ng Direct Test ang isang mag-aaral ay sinusubok sa
isang partikular na kakahayan. Ito ay isang Performance Test. Halimbawa, kung gusto
mong malaman na ang isang mag-aaral ay marunong gumawa ng isang pang-
akademikong sanaysay, hayaan mong gumawa siya. Kung sa pagsasalita naman, ang
pakikilahok ng mga mag-aaaral sa oral na talakayan sa klase.
Samantalang ang Indirect Test ay isang uri ng pagsusukat ng kaalaman ng isang
mag-aaral sa isang partikular na paksain. Ang pukos ay ang kaalaman ng isang mag-aaral
hindi sa aktwal na paggamit nito o ang kanyang performance sa wika. Hindi nito
sinusukat ng direkta ang kakayahan ng mag-aaral sa kawastuan sa pagbigkas ng salita na
sumusubok sa pasalitang pamamaraan lamang.
Ang dalawang uri ng pagsusulit ay hindi nagkakalayo sa isa‘t isa kaya‘t maaring
ipagsanib ang dalawa upang lubusang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral.
D. Formative Test
Ginagamit ng guro upang magkaroon ng partisipasyon ang mga mag-aaral.
Maaaring magbigay ng maikling pagsusulit o quiz sa katapusan ng aralin bawat araw.
Ang mga quiz ay may lima hanggang sampung aytem lamang at nilalayong sukatin ang
pagkatuto sa kasanayang itinuro sa loob ng apatnapung minuto o isang oras. Ito ang
tinatawag na panubaybay na pagsusulit (formative test).
Ang palagiang pag-oobserba, pagbibigay ng pagsusulit ay nagiging daan ng isang
guro upang malaman ang kapasidad ng isang mag-aaral at kakayahan.
Kabutihang naidudulot sa mga guro:
1. Nasusukat ang hanganan ng kamalayan ng isang mag-aaral.
2. Natutukoy ang dapat rebisahin o baguhin sa estratehiyang kanyang pagtuturo.
63. 63
3. Nakakagawa ng angkop na aktibidades.
4. Napapabatid sa mag-aaral ang kanilang kasalukuyang progresso.
Nagkakaroon di naman ng magandang epekto ang ganitong pagsusulit sapagkat
nahahasa ang isang mag-aaral na magsumikap upang matuto.
E. Grammar and Vocabulary Test
Gramatika (balarila)= ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan
ng mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita
(morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging
makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o
kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita.
Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong
paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay
at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan,
palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga
aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga
kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.
Grammar test = ang pagsusulit na ito ay sinusukat ang kaalaman ng mga estudyante sa
pagbuo ng pangungusap, wastong kabalangkasan, pag-aayos ng mga salita upang maging
makabuluhan ang pangungusap, tamang paggamit ng mga salita.
Vocabulary o Tasalitaan= Ang talasalitaan (Ingles: vocabulary), na tinatawag ding
Vocabulary o bukabularyo, ay ang pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na
pamilyar sa isang tao. Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad,
at nagsisilbing isang gamitin at pundamental na kasangkapan para sa komunikasyon at
pagkakamit ng kaalaman. Ang pagkakamit ng malaki at malawak na talasalitaan ay isa sa
pinaka malaking hamon sa pagkatuto ng isang pangalawang wika. Sa pangkaraniwan,
ang talasalitaan ay binibigyang kahulugan bilang ang "lahat ng mga salitang nalalaman at
ginagamit ng isang partikular na tao". Sa kasawiang palad, ang kahulugang ito ay hindi
sumasaklaw sa mga paksang kasangkot sa pag-alam ng isang salita.
64. 64
Talasalitaan or Vocabulary test= Ang pagsusulit na ito ay sinusukat ang kaalaman ng
mga estudyante na nauukol sa kahulugan ng salita at ayon sa pagkakaugnayan nito sa iba
pang salita.
F. IQ Test
Intelligence Quotient Test ay isang pagsusulit na sinusukat ang kakayahang
pangkaisipan ng isang tao kumpara sa iba na may kapareho niyang lebel o edad.
Ang orihinal na kahulugan ng IQ sa pagsukat ng katalinuhan ng isang bata ay: IQ
is a ratio of the mental age to the physical age multiplied by 100. Ang mental age ay
nakukuha batay sa average na resulta ng pagsusulit.
Ito‘y pagsusulit na hindi kinakailangan na paghandaan o pag-aralan dahil hindi
nito sinusukat ang dami ng nalalaman ng isang tao kundi sinusukat nito ang kabuuang
pangkaisipang kakayahan ng tao sa pag-unawa ng ideya kumpara sa ibang tao.
Uri ng IQ test
1. Verbal/ Berbal
Ito ang uri ng IQ test na kung saan nasusukat ang kakayahan ng
isang tao na pag-aralan ang impormasyon at lutasin ang mga problema
gamit ang language-based reasoning.
2. Non-verbal/ Di-berbal
Ito naman ang uri ng IQ test na kung saan nasusukat ang
kakayahan ng isang tao na pag-aralan ang impormasyon at lutasin ang
problema gamit ang visual and hands-on reasoning.
Mga kilalang IQ Tests
Stanford- Binet (SB)
Ang pinakakilalang intelligence test na ginagamit sa mga bata.
Binubuo ito ng mga subtest na inayos batay sa edad ng mga bata.
Sinusukat ng Stanford- Binet ang limang salik ng kakayahang
65. 65
pangkaisipan: fluid reasoning, knowledge, visual- spatial processing, and
working memory.
Age Type of Item
2 Three-hole form Board Blockbuilding
Tower
3 Blockbuilding Bridge
4 Naming Objects from Memory
Picture Identification
7 Similarities
Copying a Diamond
8 Vocabulary
9 Verbal Absurdities
Digit Reversal
Average adult Vocabulary Proverbs Orientation
Woodcock- Johnson Test
Isang standardized na pamamaraan na sinusubok ang
pangkalahatang kakayahan ng intelektwal ng isang tao.
Wechsler Adult intelligence Scale (WAIS)
Sinusukat nito ang katalinuhan ng mga taong may nasa tamang
edad na at ng mas matanda pa. Binubuo ng malawak na subtests na
pinangkat sa dalawang kategorya: verbal at performance.
G. Lecturette
Ang lecturette ay isang maikling pagsasalita (short lecture). Ito ay mahalaga para
sa katamtamang pagbabahagi o pagpapadala ng impormasyon. Nakasalalay ang
tagumpay nito kung may pagsasanay at sa pag-oorganisa ng sasabihin at may sinsiridad
ang pansamantalang guro.
66. 66
Ang Lecturette ay maikling pagsasalita na kung saan malalaman ang kakayahan
sa pagharap sa maraming tao.
Sa kabuuan, ang lecturette ay gagawin sa loob ng sampu hanggang dalawampung
minutong pagsasalita. Maaaring gumamit ng ―outline‖ o mga ―handout‖. Bago
magsimula ang magpresenta.
H. Mastery Test
Ang pagsusulit na ito ay nagsusukat ng kaalaman ng bawat mag-aaral matapos
talakayin ang isang buwanang topiko. Ang nasabing pagsusulit ay hindi nagkukumpara
ng mga marka mula sa mga estudyante para malaman kung sino ang nangunguna sa
klase. Ang nakuhang mga marka ng bawat mag-aaral ay makapagsasabi kung lubos na ba
itong naunawaan ang mga naituro sa kanya ng guro. At kung handa na ba siya para sa
Periodical Test.
Isinasagawa ang Mastery Test bago ang Periodical Test na kung saan bago
magtatakda ng pangkabuuang pagsusulit ay inaasahan na ang mga mag-aaral ay handa na
para sa naturang Periodical Test.
Ang pagmamarka sa mastery test ay iba sa periodical test. Mas malaki ang
pursyento ng periodical test sapagkat ang pagsusulit na ito ay pangkalahatang kaalaman
matapos ang isang mahabang talakayan o tinatawag na pangkabuuang pagsusulit.
Ginaganap ang periodical test pagkatapos ang mastery test. Ang mastery test ay
nagsisilbing paghahanda para sa darating na periodical test.
I. Maze Test
Ang Maze Test ay isang uri ng pagsusulit sa mga mag-aaral na sumusukat sa
lawak ng kanilang talasalitaan.
67. 67
Dahil sa pagsasakatuparan ng Patakarang Bilinggwal sa bias ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 25 ng taong 1994, ang pagtuturo ng Filipino at Ingles ay napag-
ukulan ng diin sa mga paaralan sa lahat ng kapantayan nito. Dahil sa ang layunin ay
magamit ang wika sa mabisang pakikipagtalastasan at maangkin ang kakayahan sa
paggamit ng wika sa aktwal na kalagayan o sitwasyon, nararapat na ituro ang paggamit sa
wika at hindi ang tungkol sa wika. Ang ibig-sabihin, ituro ang pagsasalita nito at maging
sa pasulat man. Hindi mahalagang malaman at bigyang diin ang pagsasaulo ng maraming
depinisyon at tuntunin tungkol sa balarila. Magiging kapaki-pakinabang ang mga
pagsasanay sa mga gawaing tulad ng pagsulat ng iba‘t-ibang uri ng liham, pagbuo ng
talata at iba pa.
Nararapat na isaalang-alang ng isang guro ng wika ang uri ng mga mag-aaral na
kayang tinuturuan. Para sa mga mag-aaral na tagalong, hindi na marahil magiging
gaanong suliranin ang pagpapalawak ng talasalitaan sa Filipino subali‘t para sa mga di-
tagalog, maaaring maging suliranin nila ang kadahupan ng talasalitaan. Mangyari pang
mahihirapan ang di-tagalog sa mabisa at madulas na pagpapahayag sa Filipino dahil sa
maghahanap pa sila ng angkop na salitang gagamitin.
J. Pagsasaling-wika
Ang pagsasalin-wika ay ang paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa
panimulaang wika papunta sa tunguhang wika
Ang pagsasalin-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag , pasalita man
o pasulat , ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad din ang kahulugan
sa isang dati nang umiiral na pahaya sa ibang wika .
Ang pagsasalin-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika ,
unay batay sa kahulugan , at ikalaway batay sa istilo.
Ang pagsasalin-wika ay paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamlapit na
katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin.
68. 68
Ang pagsasalin (pagsasalinwika) ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga
kahulugan ng panitik (teksto), at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto – na
tinatawag na salinwika – na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika.
Tinatawag na pinagmumulang teksto ang panitik na isasalin, samantalang ang
patutunguhang wika ay tinatawag naman na puntiryang wika. Ang pinakaprodukto ay
tinatawag na puntiryang teksto.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsaling-wika.
A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin:
B. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin:
C. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin:
Mga Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling-wika
Napakaraming iba‘t ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay
nagsasalungatan. Mahalagang mabatid natin ang mga ito upang maging mabisa angating
pagsasalin. Upang higit na maging malinaw sa iyo ay basahin at pag-aralan mo muna ang
mga paliwanag na aking ilalahad
A. Salita laban sa Diwa
B. Himig-orihinal laban sa Himig-salin
C. Estilo ng Awtor laban sa Estilo ng Tagapagsalin:
D. Panahon ng Awtor laban sa Panahon ng Tagapagsalin
E. ―Maaaring Baguhin‖ laban sa ―Hindi Maaaring
Baguhin‖:
F. ―Tula-sa-Tula‖ laban sa ―Tula-sa-Prosa‖:
Mga Simulain sa Pagsasalin sa Filipino Mula sa Ingles
A. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.
B. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan
C. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang tanggapin ng
pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.
D. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng bayan