1. Pamanang Kalayaan
Ni Jundel L. Deliman
Sa bayan ng Calamba; sa kapuluan ng Pilipinas
Nabuhay ang tagapagligtas; sa inaaping Las Islas Filipinas.
Jose Protacio Rizal, s’ya ang ating bayani
Ang kanyang mga aral ay namamayani.
“Ang hindi magmahal sa sariling wika
Ay higit sa mabaho at malansang isda.”
Ito ang kanyang mga salitang iniwan
Sa ating mga kabataan.
Aming Rizal, aming bayani
Ika’y minamahal at nirerespeto namin.
Tinta ang tangi mong sandata
Upang labanan ang mapang-aping Espanya.
Katotohana’y itinago, kalaa’y ipinigkait
Sa mga Pilipinong mangmang na pagdurusa ang nakamit
Ngunit sistema’y binalikat at iyong iginiit
Ang ating kalayaang nais makamit.
2. Rizal, brilyante ang katulad mo.
Kalian ma’y di namin mababayaran ang utang namin sa iyo
Namatay ka man at lumisan sa aming piling
Pagmamahal mo sa bansang Pilipinas, nananatili sa puso namin.
Aming bayani, maraming salamat
Walang katulad ang aming kaligayahan
Kalian ma’y di namin mapapantayan
Ang pamana mong kalayaan.