3. Ano-ano ang mga uri ng
Pang-abay?
Pang-abay na pamaraan
Pang-abay na pamanahon
Pang-abay na panlunan
4. Ano ang kahulugan ng Pang-abay
na pamaraan?
Ito ay sumasagot sa
tanong na paano.
Ginagamit itong panuring
sa Pandiwang pang-uri
at kapwa pang-abay.
5. Tatlong Uri ng Pang-abay na
Pamaraan
Panuring sa pandiwa
Halimbawa: Taimtim na nananlagin ang mga tao.
Panuring sa Pang-uri
Halimbawa: Sadyang masigla ang panamaw sa
buhay ng lola niya.
Panuring sa kapwa pang-abay
Halimbawa: Talagang mabilis umunlad ang buhay
ng mga taong matitiyaga.
6. Ano ang kahulugan ng Pang-abay
na Pamanahon?
Ito ay mga salitang
naglalarawan kung kalian
naganap kilos o Gawain.
Sumasagot ito sa tanong
na kailan.
7. Apat na Uri ng Pang-abay
na Pamanahon
Payak: bukas, mamaya, ngayon
Maylapi: kagabi, samakalawa
Inuulit: araw-araw, gabi-gabi
Parirala: noong nagdaang lingo,
sa darating na bakasyon
8. Ano ang kahulugan ng pang-abay na
panlunan?
Ito ay tumutukoy sa
lugar na pinangyarihan
ng kilos. Sumasagot ito
na saan.
9. Ang pang –abay na Panlunan ito
rin ay pinangungunahan ng
katagang sa.
Halimbawa: Sa silong ng bahay.
Sa gitna ng daan.
10. Ano ang pang-Uri?
Ito ay naglalarawan ng pangngalan.
Halimbawa ng Pang-uri:
Mainit ang kape.
Maganda si Ana.
13. Pamagat ng Kwento
Ang Ati-Atian sa Kalibo, Aklan
Taun-taon ay ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang
pagkaksundo ng mga Ati o Ita at mga Malayo.
Ang mga Ita ang unang naninirahan sa Panay bago dumating
ang mga Malayo. Tumira naman sa kabundokan ang mga Ati.
Mahirap ang mga Ati sa kabundokan. Samantala, umunlad naman
ang buhay ng mga Malayo. Kaya nagalit sa kanila ang mga Ati.
Nilusob nila ang mga Malayo. Matalino ang mga Malayo. Naglagay
sila ng uling sa buong katawan. Katulad na rin sila ng mga Ati
kaitim. Nakipag-usap sila nang maayos. Nagksundo ulit sila.
Nagdiwang ang lahat. Masaya silang naglundagan at nagsayawan sa
tuwa. Iyan ang ginugunita taon-taon kung pista ng Ati-atian.
14. Simula noon, ipanakikita ng mga taga Aklan ang kanilang kasiyahan sa pamamagitan ng
pagsayaw at paglulundagan sa daan sa saliw ng iba’t ibang tugtog. Sadyang mahuhusay sumayaw
ang mga tao ng Ati-atihan. Nagpapahid sila ng makapal na uling sa katawan at nagsusuot sila ng
makukulay na damit at naglalagay ng sari-saring palamuti.
Masiglang pinagdarayo ng mga tao kung taga-saang lugar ang pista sa Kalibo Aklan.At sadyang
pinaghahandaan ng mga taga kalibo ang kapistahan tuwing unang lingo ng Enero at sila ay nagsasaya
bilang pasasalamat sa patrong Santo Nino.
Kaya taun-taon ay umuwi ako sa Pilipinas at sama-sama kaming mag-anak na dumadalaw sa
Kalibo, Aklan sa mga lola ko at tuloy nakipagsaya sa kapistahan.
19. 1. Alin sa mga salungguhit ang naglalarawan sa pook,panahon at paraan?
a. Taun-taon ay ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang pagkakasundo ng mga Ati at Ita at
mga Malayo.
b. Ang mga Ita ay unang naninirahan sa Panay bago dumating ang mga Malayo.
c. Nakipag-usap nang maayos ang mga Malayo sa mga Ati.
2. Ano ang inilarawan ng mga salitang may salungguhit?
a. Matulungin ang pamilyang Dela Cruz.
b. Makapal ang kanyang buhok.
c. Magaling gumuhit ng mga tanawin ang kapatid ko.
d. Talagang mabilis ang mga Kuneho.
20. Ano ang napansin ninyo
sa paggamit ng mga
salitang Matulungin at
Makapal?
Mga Pang-uri ang mga ito,
dahil ang tinturingan nito
ay mga pangngalan.
21. Ano ang napansin ninyo sa
salitang Magaling at
Talagang?Ito ay mga pang-
abay sapagkat
tinuturing nito ay
Pandiwa at Pang-Uri.
22. Tukuyin kung ang salitang
may salungguhit ay Pang-uri
o Pang-abay.a. Mabagal kumilos ang Pagong.
b. Malakas kumain ng kanin ang aking kapatid.
c. Masarap ang pagkain na niluto ni Inay.
d. Malambing magsalita ang bunso niyang
kapatid.
e. Malabo ang mga mata ni Inay kaya’t
kinakailangan na niyang magsuot ng
salamin.
23. Magkaiba ang Pang-uri at Pang-abay. Ang pang-uri ay Paglalarawan na tinuturing sa pangngalan
o panghalip samantalang ang Pang-abay ay tumuturing sa Pandiwa, Pang-Uri at kapwa Pang-abay.
Mayroong mga salita na maaring maging Pang-uri at Pang-abay.
Halimbawa: Masarap
Masarap ang Ice Cream na binibenta ni Mang Jose sa may kanto.
Masarap kumain nang Ice Cream na tinda ni Mang Jose sa may kanto.
24. Isulat kung ang mga salitang nakahilig ay Pang-uri o
Pang-abay sa bawat pangungusap.
1. Malamig na ang kape na inihain ni Inay para sa
mga Bisita.
2. Mabilis tumakbo ang mga tinutugis na mga
magnanakaw.
3. Ang mga bata ay masiglang naglalaro nang
tumbang preso sa bakanteng lote.
4. Madilim na nang umuwi si Carla galling sa
eskwelahan.
5. Mahirap ang mga magulang ni Celia ngunit
25. Takdang Aralin:
Gumawa ng isang talata
tungkol sa mga taong may
kapansanan subalit may
nagawang kabayanihan o nagging
matagumpay sa buhay. Bilugan
ang mga Pang-uri at ikahon ang
mga Pang-abay na ginagamit.