O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.
SUSTAINABLE
DEVELOPMENT
INIHANDA NI:
ELAINE JOY F. ANDAYA
TEACHER II
PAITE-BALINCAGUING NATIONAL HIGH
SCHOOL
ANG KONSEPTO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT
Ang sustainable development ay tumutukoy sa pag-unlad na
tumutugon sa mga panganga...
CONSUMERISM
Ang consumerism ay isang teorya o ideolohiyang panlipunan at
pangekonomiyang aspekto ng kapitalismo na kung sa...
MGA HAMON SA PAGTATAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: CONSUMERISM
Para sa mga kritiko ng consumerism, ito ay ipinalalagay na ...
MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG
CONSUMERISM
Ang consumerism ay balakid sa sustainable development dahil ito ang isa sa mga sa...
ENERGY SUSTAINABILITY
Ang energy sustainability ay sumasaklaw sa pagtugon sa
pangangailangan sa enerhiya ng kasalukuyang p...
MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: ENERGY SUSTAINABILITY
Sa kasalukuyan, laganap ang paggamit ng fossil fuel...
MGA ALTERNATIBONG MAPAGKUKUNAN
Ang solar energy ay ang pinakamalinis, pinakalaganap, at
pinakamahusay na
pinagmumulan ng r...
MGA PROYEKTO, PROGRAMA AT BATAS
Noong 2015, tinatayang may 2.8 bilyong tao sa mundo ang
wala pa ring access sa modernong m...
MGA PROYEKTO, PROGRAMA AT BATAS
Ang Renewable Energy Act of 2008 ay batas sa Pilipinas na
nakatuong gawing 50% -nakasalig-...
KAHIRAPAN
Ayon sa World Bank Organization ang kahirapan ay:
kagutuman,
kawalan ng tirahan,
pagiging masakitin at walang ka...
MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
1. MABABANG KALIDAD NG
EDUKASYON
MARAMING PAARALAN ANG
KULANG S...
MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
2. KAKULANGAN NG MGA
TRABAHO
NAKADEPENDE SA EKONOMIYA
AT KALAKA...
MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
3. TALAMAK NA GRAFT AND
CORRUPTION
MALAKI ANG KINALAMAN NG
MGA ...
MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
4. PAGTAMA NG MGA NATURAL
NA KALAMIDAD
ANG PILIPINAS AY KABILAN...
MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
5. PAGLAKI NG POPULASYON
ANG POPULATION GROWTH RATE NG
PILIPINA...
MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN
1. CONDITIONAL CASH
TRANSFER PROGRAM
BINIBIGYAN NG CASH
ASSISTANCE ANG MAHIHIRAP NA...
MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN
2. WASTE MANAGEMENT AT
REFORESTATION
ILAN LAMANG ANG MGA ITO SA
PROGRAMA NG PAMAHAL...
MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN
3. PAGSUPORTA SA KALUSUGAN
BINIBIGYANG-HALAGA NG GOBYERNO
ANG KALUSUGAN. DAHIL DITO...
MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN
PAGSUGPO SA KORUSPYON
PUSPUSAN NA RIN ANG
PAGTUGON NG PAMAHALAAN SA
GRAFT AND CORRU...
HEALTH INEQUALITIES OR INEQUITIES
Ayon sa World Health Organization, ang health
inequalities (o health inequities) ay tumu...
MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: HEALTH INEQUALITIES
Sa Buong Mundo
Ang benepisyo ng paglago ng ekonomiya ...
MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: HEALTH INEQUALITIES
Sa Pilipinas
May kakulangan sa pondong inilalaan para...
IBA’T IBANG ESTRATEHIYA AT POLISIYA SA
PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT
1. Integrasyon o pagsasama-sama ng layuning pang...
MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Integrasyon ng mga Polisiya
Ang sustainable development ay nakatuon ...
MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Malayuang Pananaw sa Polisiya
Mahalaga rin ang pagbabalanse sa
panga...
MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Pagsusuri at Pagtataya
Ang pagsusuri ay mahalagang sangkap sa
pagbab...
MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Pagtutulungan ng mga Institusyon
Malaki ang bahagi ng mataas na pagt...
MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Panlokal na Pamamahala
Ang mga pangunahing prinsipyo at direksiyon a...
MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Partispasyon ng mga Stakeholder
Ang aktibong pagsali ng mga stakehol...
MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Mga Indicator at Target
Ang paglalagay ng mga quantitative indicator...
MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Pagmamasid at Pagtataya
Ang mga pambansang estratehiya para sa susta...
MGA ESTRATEHIYA NG PILIPINAS SA PAGTAMO NG
SUSTAINABLE DEVELOPMENT
Integrasyon ng pangkapaligirang konsiderasyon sa
pagbuo...
SALAMAT SA PAKIKINIG!!!
MAG-ARAL NG MABUTI
UPANG
BUHAY AY BUMUTI…
Elaine Joy F. Andaya
TEACHER II
Próximos SlideShares
Carregando em…5
×

Sustainable development

kontemporaryong isyu - sustainable development

  • Seja o primeiro a comentar

Sustainable development

  1. 1. SUSTAINABLE DEVELOPMENT INIHANDA NI: ELAINE JOY F. ANDAYA TEACHER II PAITE-BALINCAGUING NATIONAL HIGH SCHOOL
  2. 2. ANG KONSEPTO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT Ang sustainable development ay tumutukoy sa pag-unlad na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan. May dalawang konseptong nakapaloob sa depinisyong ito: pangangailangan at limitasyon. Ang sustainable development ay tumutukoy rin sa paraan ng patuloy na pagaalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad ng bansa. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga likas na yaman sa kasalukuyan at pagtitiyak na may mga mapagkukunan pa rin sa hinaharap. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, natitiyak ang sustainable development dahil ang mga mamamayan sa hinaharap ay may masasandigan pa rin. Subalit, may mga hamon sa pagtamo ng sustainable development:
  3. 3. CONSUMERISM Ang consumerism ay isang teorya o ideolohiyang panlipunan at pangekonomiyang aspekto ng kapitalismo na kung saan ang sukatan ng isang sibilisadong lipunan ay naaayon sa laganap na pagbebenta, pamimili, at pagpapaikot ng pera sa ekonomiya. Sa pananaw na ito, ang mga mamamayan ay malalayang nakapamimili ng mga produkto at serbisyo sa mga merkado. Nailalarawan din ang consumerism ng patuloy na paghahanap ng mga tao ng mas bago, mas mahusay, o mas murang mga produkto at serbisyo; ang pagdagsa sa mga shopping mall; ang pagkain sa mga fast food at fine dining restaurant; at ang pagtangkilik sa mga mamahaling kagamitan o luxury goods. Sa USA, kung saan ito nagsimula, ang Black Friday Sale ay isang okasyon tuwing Nobyembre na kung saan ang mga mamimili ay dumadagsa sa mga pamilihan dahil ito ang panahong sila ay makabibili ng anumang kanilang naisin sa pinakamababang presyo.
  4. 4. MGA HAMON SA PAGTATAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: CONSUMERISM Para sa mga kritiko ng consumerism, ito ay ipinalalagay na pang- ekonomiyang materyalismo at makasariling pag-uugali. Diumano, ito ay walang kabuluhan at maaksayang paggamit ng salapi at mga likas na yaman. Nanganganib ang susunod na henerasyon dahil sa walang habas na shopping sprees; pagpapatayo ng mga shopping mall at mga katulad nito na nagpapakawala ng nakalalasong carbon dioxide; walang tigil na paggamit at pagdami ng mga sasakyang nagdudulot ng polusyon; maramihang paggawa ng mga produktong elektroniko, yari sa plastik, at mga kagaya nito na nakasisira sa kalikasan at kapaligiran; at sa sapilitang pagpaparami o pagpapalaki ng mga hayop upang matustusan ang pangangailangan ng mga fast food restaurant. Sa Pilipinas, ang consumerism ay binabatikos dahil sa epekto nito sa bansa. Halimbawa, ang pagtambak dito ng mga basurang mula sa mauunlad na bansang tulad ng Japan at Canada ay sinasabing epekto ng
  5. 5. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG CONSUMERISM Ang consumerism ay balakid sa sustainable development dahil ito ang isa sa mga sanhi kung bakit naisasantabi ang maraming banta sa kalikasan tulad ng climate change, kasalatan sa tubig, at pagkawala ng mga halaman, hayop at iba pang maybuhay. Ito ay paglabag sa pang-ekolohiyang limitasyon habang lumalago ang ekonomiya. Nauubos ang mga likas na yaman. Patuloy ang pagdaragdag ng mga kompanya ng mapaminsalang carbon footprint. Kinakalbo rin ang kagubatan upang bigyang-daan ang mga makabagong urban center, shopping mall, at mga bagong komunidad. Upang matupad ang minimithing sustainable development, ipinapayo at isinusulong ang mga kampanya at mga disiplinadong reaksiyon gaya ng pagtataguyod sa simpleng pamumuhay, pagtangkilik sa sariling produkto, at mga katulad nito na sa pangkalahatang pananaw ay makababawas ng labis na materyalismo at basura. Sa Pilipinas, sinimulang ipatupad ang Philippine Environment Code noong 1977 upang pangalagaan ang kapaligiran. Sa buong mundo, may malalaking kompanya ang nagsimulang tumutok sa proteksiyon ng lipunan at kapaligiran. Layunin ng kanilang corporate social responsibility na mapanatiling luntian ang kapaligiran, matustusan ang pangangailangan ng malinis na tubig at edukasyon ng mga mamamayan sa mahihirap na bansa, at gumawa ng mga produktong socially responsible na hindi nakasisira ng kalikasan.
  6. 6. ENERGY SUSTAINABILITY Ang energy sustainability ay sumasaklaw sa pagtugon sa pangangailangan sa enerhiya ng kasalukuyang panahon at pagtiyak na hindi maisasa-alang-alang ang kakayahan ng susunod na henerasyong tugunan ang kanilang pangangailangan. Ang sustainable energy ay tumutukoy sa kahit anong enerhiya na potensiyal na magagamit nang maayos sa hinaharap na hindi makapipinsala sa susunod na salinlahi. Ito ay may dalawang sangkap: renewable energy at energy efficiency. Ang renewable energy tulad ng solar, wind, geothermal, hydroelectric, at ocean energy ang nakikitang alternatibo sa fossil fuels, kaya, hinihikayat ang malawakang paggamit
  7. 7. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: ENERGY SUSTAINABILITY Sa kasalukuyan, laganap ang paggamit ng fossil fuels (karaniwang may kasamang karbon, langis, at natural na gas) bilang tagatustos ng enerhiya. Ang pagsusunog o paggamit ng fossil fuels ay nangangahulugang pagpapakawala ng carbon dioxide sa papawirin. Ang carbon dioxide ay greenhouse gas na nagdudulot ng climate change at global warming. Dahil dito, hindi makabubuting gawing pangmatagalang pinagkukunan ng enerhiya ang fossil fuels. Hindi nito matitiyak ang energy sustainability ng mga bansa dahil bukod sa banta sa kalusugan at kalidad ng buhay, ito ay limitado at hindi nagagamit sa lahat ng panig ng mundo. Isang mabigat na pasanin ng daigdig ang fossil fuels dahil sa negatibong epekto nito sa kalikasan, kapaligiran, at karagatan. Sanhi ng malawakang polusyon, ang paggamit ng fossil fuels ay maaaring kumitil ng maraming buhay. Upang matamo ang sustainable development, kailangang may ligtas na mapagkukunan ng enerhiya sa
  8. 8. MGA ALTERNATIBONG MAPAGKUKUNAN Ang solar energy ay ang pinakamalinis, pinakalaganap, at pinakamahusay na pinagmumulan ng renewable energy. Laganap na ang paggamit nito sa pamamagitan ng mga solar panels. Malawakan na rin ang paggamit ng wind energy na nakatutulong nang malaki sa mga mandaragat sa kanilang paglalayag. Marami nang kompanya ang namumuhunan sa paggawa ng windmills, wind farms, at energy grids upang maipalaganap ang paggamit ng enerhiyang ito. Ang geothermal energy ay nakukuha sa ilalim ng lupa sa pamamagitan ng geothermal energy stations. Bagaman limitado lamang ito (karaniwan ay malapit sa mga bulkan), ito ay mainam na tagatustos ng electric power. Dahil halos 70% ng mundo ay katubigan, mataas din ang potensyal ng
  9. 9. MGA PROYEKTO, PROGRAMA AT BATAS Noong 2015, tinatayang may 2.8 bilyong tao sa mundo ang wala pa ring access sa modernong mga serbisyong pang- enerhiya. Upang matugunan ang pangangailangang ito, may proyekto ang United Nations Development Programme (UNDP) hanggang 2030 na magbibigay ng pandaigdigang daan sa makabagong mga serbisyong pang-enerhiya. Itinataguyod ng samahang ito ang energy sustainability sa pamamagitan ng mga patakaran, pagsuportang pampananalapi, at paglikha ng kamalayan ukol dito. May mga komprehensibong programa din ang UNDP na tumututok sa energy access at energy efficiency. Ang mga ito ay daan sa malawakang pagunlad, low-carbon energy, luntiang ekonomiya, pagsupil sa kahirapan, at higit sa lahat, sa
  10. 10. MGA PROYEKTO, PROGRAMA AT BATAS Ang Renewable Energy Act of 2008 ay batas sa Pilipinas na nakatuong gawing 50% -nakasalig-sa-renewable energy ang enerhiya sa bansa sa taong 2030. Noong 2013, ang Climate Change Commission ay nagsimulang makipagtulungan sa Worldwatch Institute para sa isang Sustainable Energy Roadmap. Ito ay naglalayong gawing 100%-base-sa-renewable energy ang pinagkukunan ng suplay ng koryente sa bansa sa loob ng isang dekada. Sa pribadong sektor naman, ang Shell Philippines ay nangangako simula noong 1997 na mag-aambag sa sustainable development ng bansa sa pamamagitan ng responsableng pagbibigay ng serbisyong pang-enerhiya.
  11. 11. KAHIRAPAN Ayon sa World Bank Organization ang kahirapan ay: kagutuman, kawalan ng tirahan, pagiging masakitin at walang kakayahang magpagamot sa doktor, kawalan ng access sa paaralan at walang kakayahang bumasa, at kawalan ng hanapbuhay, may takot sa hinaharap, at nabubuhay lamang sa kasalukuyan. • Sa Pilipinas, base sa taunang survey na isinasagawa ng Philippine Statistics Authority, ang poverty incidence ay tumaas ng 1.2% sa unang semestre ng 2014 mula sa 24.6% noong unang anim na buwan ng 2013. • Ang kahirapan ay patuloy na nararanasan ng maraming Pilipino kung kaya nakikiisa ang Pilipinas sa pagpapatupad ng Millenium Development Goals (MDG). Upang patuloy na maibsan ang kahirapan sa Pilipinas, patuloy pa rin sa pagpapatupad ng bagong adyendang Sustainable Development Goals (SDG) para sa taong 2030.
  12. 12. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: KAHIRAPAN 1. MABABANG KALIDAD NG EDUKASYON MARAMING PAARALAN ANG KULANG SA KAGAMITAN AT PASILIDAD. KULANG RIN ANG KASANAYAN NG MGA GURO SAPAGKAT HINDI SAPAT ANG MGA OPORTUNIDAD SA PAGLINANG NG KANILANG KAALAMAN.
  13. 13. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: KAHIRAPAN 2. KAKULANGAN NG MGA TRABAHO NAKADEPENDE SA EKONOMIYA AT KALAKALAN ANG PAGKAKAROON NG MARAMING TRABAHO. MARAMING OFW ANG NAWAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA RECESSION.
  14. 14. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: KAHIRAPAN 3. TALAMAK NA GRAFT AND CORRUPTION MALAKI ANG KINALAMAN NG MGA ITO SA KAHIRAPAN SAPAGKAT HINDI NAGAGAMIT AT NAIPAMAMAHAGI NANG MAAYOS ANG YAMAN NG BAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG PAMUMUHAY NG BAWAT PILIPINO.
  15. 15. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: KAHIRAPAN 4. PAGTAMA NG MGA NATURAL NA KALAMIDAD ANG PILIPINAS AY KABILANG SA MGA BANSANG LAGING TINATAMAAN NG MGA KALAMIDAD. MILYONG- MILYONG ARI-ARIAN, PANANIM, AT KABUHAYAN ANG NAPIPINSALA DAHIL DITO.
  16. 16. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: KAHIRAPAN 5. PAGLAKI NG POPULASYON ANG POPULATION GROWTH RATE NG PILIPINAS AY 2.36% KADA TAON AT ANG MABILIS NA PAGTAA NITO AY NAGDUDULOT NG PROBLEMA SA GOBYERNO SAPAGKAT MAHIRAP MATUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN NG LUMALAKING POPULASYON GAMIT ANG MGA PAMPUBLIKONG SERBISYO SA KALUSUGAN, EDUKASYON, SUPLAY NG TUBIG, AT MARAMI PANG IBA.
  17. 17. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN 1. CONDITIONAL CASH TRANSFER PROGRAM BINIBIGYAN NG CASH ASSISTANCE ANG MAHIHIRAP NA PAMILYA KAPAG NAIPASOK NA NILA SA PAARALAN ANG KANILANG MGA ANAK. NATAMO NA RIN ANG MALAWAKANG REPORMA SA EDUKASYON SA PAMAMAGITAN NG KINDERGARTEN ACT OF 2012 AT
  18. 18. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN 2. WASTE MANAGEMENT AT REFORESTATION ILAN LAMANG ANG MGA ITO SA PROGRAMA NG PAMAHALAAN UPANG MAIWASAN ANG MASASAMANG EPEKTO NG MGA KALAMIDAD GAYA NG PAGBAHA, FLASH FLOOD, AT LANDSLIDE. BUKOD SA METRO MANILA, PINAUUNLAD RIN ANG IBANG LUNGSOD LALO NA ANG NASA REHIYON NG MINDANAO UPANG MATULUNGAN ANG MGA MAMAMAYANG MAGKATRABAHO AT MALINANG ANG KANILANG KAKAYAHAN.
  19. 19. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN 3. PAGSUPORTA SA KALUSUGAN BINIBIGYANG-HALAGA NG GOBYERNO ANG KALUSUGAN. DAHIL DITO, NATAMO NA ANG TARGET NA SIYAM MULA SA LABINLIMANG INDICATOR SA LARANGANG ITO KAUGNAY NG MDG. NABIGYANGPANSIN DIN ANG NATIONAL HEALTH INSURANCE PROGRAM PARA SA MAHIHIRAP NA SENIOR CITIZEN, MAYROON DING DIRECT HOUSING ASSISTANCE SA MAY 222,167 NA PAMILYA MULA 2011 HANGGANG 2013.
  20. 20. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN PAGSUGPO SA KORUSPYON PUSPUSAN NA RIN ANG PAGTUGON NG PAMAHALAAN SA GRAFT AND CORRUPTION, KAKULANGAN NG TRABAHO, PAGLOBO NG POPULASYON, DROGA, AT IBA PANG SALIK SA PAGLALA NG KAHIRAPAN NA HUMAHADLANG SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT.
  21. 21. HEALTH INEQUALITIES OR INEQUITIES Ayon sa World Health Organization, ang health inequalities (o health inequities) ay tumutukoy sa hindi pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kalusugan sa pagitan ng mga tao ng isang bansa at sa pagitan ng mga bansa. Ang kawalang katarungang ito ay maaaring maiwasan at malapatan ng karampatang solusyon. Ang panlipunan at pang-ekonomiyang kalagayan at ang mga epekto nito sa buhay ng mga tao ang nagdedetermina ng karamdaman at ang mga ginawang aksiyon upang maiiwas ang mga tao sa pagkakasakit. Halimbawa: Sa Pilipinas, mas mahaba ng limang taon ang inaasahang tagal ng buhay ng kababaihan kaysa sa kalalakihan.
  22. 22. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: HEALTH INEQUALITIES Sa Buong Mundo Ang benepisyo ng paglago ng ekonomiya sa nakaraang dalawampu’t limang taon ay hindi pantay na naipamamahagi. Halimbawa, noong 1990, ang pinakamayamang bansang may 10% ng kabuuang populasyon ng mundo ay may pambansang kita na animnapung ulit na mas malaki kaysa sa pinakamahirap na bansa. Ang pandaigdigang daloy ng tulong ay hindi sumasapat, mas mababa sa antas na ipinangako. Ang resulta, sa maraming pagkakataon, may mga financial outflow mula sa mas mahihirap hanggang sa mas mayayamang bansa. Ito ay nakaaalarmang pangyayari. Ang hindi maayos na estruktura ng mga organisasyon at palatuntunang may pagkiling sa kasarian ay may malaking epekto sa kalusugan ng kababaihan. Ang katayuan ng mga babae sa lipunan ay may kinalaman din sa kalusugan at
  23. 23. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT: HEALTH INEQUALITIES Sa Pilipinas May kakulangan sa pondong inilalaan para sa sa sistemang pangkalusugan at sa pagsasagawa ng mga reporma. Ang organisasyon ng mga serbisyong pangkalusugan ay hindi balanse sa pampribado at pampublikong sektor. Ang presyo ng mga gamot at iba pang kagamitang pangkalusugan pati na rin ang pamamahagi nito ay humahadlang sa pagkamit ng patas na kalusugan. Mas mahal pa ang mga gamot sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa Europa at Amerika. Ang mga serbisyong pangkalusugan ay desentralisado kung kaya hindi ito napamamahalaan nang maigi. Dahil dito, hindi
  24. 24. IBA’T IBANG ESTRATEHIYA AT POLISIYA SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT 1. Integrasyon o pagsasama-sama ng layuning pang- ekonomiya, panlipunan, at pangkapaligiran at pagbabalanse nito sa mga sektor, mga teritoryo, at mga henerasyon 2. Paninigurado ng malawak na partisipasyon at epektibong pagsasama-sama 3. Pagsusulong ng pag-aangkin at pagtatalaga sa mga programa 4. Paghuhubog ng kakayahan at ng isang kapaligirang nakahahalina
  25. 25. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG PRINSIPYO Integrasyon ng mga Polisiya Ang sustainable development ay nakatuon sa pagbabalanse ng mga layuning pangekonomiya, pangkapaligiran, at panlipunan para sa kasalukuyan at hinaharap. Halimbawa: Ang sustainable development ng New Zealand ay nagbibigay ng pantay na tuon sa social sustainable development na may espesyal na atensiyon sa demographic trends, mga bagong papel ng kababaihan sa lipunan (pagbabago sa kalusugan at pabahay), at
  26. 26. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG PRINSIPYO Malayuang Pananaw sa Polisiya Mahalaga rin ang pagbabalanse sa pangangailangan ng kasalukuyan at ng susunod na salinlahi. Ang ilang bansa ay bumuo ng mga polisiyang may mahabang time frame. Halimbawa: Sa usaping pang-ekonomiya, ang estratehiya ng Germany ay may kinalaman sa intergenerational equity. Iniiwasan nitong magkaroon ng mabigat na suliraning pinansiyal o pang-ekonomiyang pasanin ang susunod na henerasyon.
  27. 27. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG PRINSIPYO Pagsusuri at Pagtataya Ang pagsusuri ay mahalagang sangkap sa pagbabalanse ng mga layuning pangekonomiya, panlipunan, at pangkapaligiran sa paggawa ng mga polisiya at priyoridad sa sustainable development. Halimbawa: Isa sa mga sukatan ng pagsusuri na ginagamit ng mga bansa ay ang Environmental Impact Assessment (EIA). Sa Canada, ginagamit ito upang sukatin ang epekto ng mga polisiya sa kapaligiran
  28. 28. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG PRINSIPYO Pagtutulungan ng mga Institusyon Malaki ang bahagi ng mataas na pagtatalagang pulitikal, maayos at gumaganang mga institusyon, at pagkakaisa ng mga ahensiyang ito sa pagtamo ng sustainable development ng bawat bansa. Halimbawa: Ang responsable sa paghahanda at implementasyon ng pambansang estratehiya para sa sustainable development ay ang National Commission on Sustainable Development na pinamumunuan mismo ng punong ministro ng
  29. 29. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG PRINSIPYO Panlokal na Pamamahala Ang mga pangunahing prinsipyo at direksiyon ay dapat binubuo ng pambansang pamahalaan, subalit ang mas detalyadong pagpaplano, implementasyon, at pagsubaybay ay dapat nasa mababang antas ng pamahalaan kasama ang pagbibigay ng angkop na kapangyarihan at kagamitan o resources. Halimbawa: Ang UK ay may shared framework para sa sustainable development (ang One Future, Different Paths) na nagtatakda ng pare-parehong layunin para sa England, Scotland, Wales, at Northern Ireland, subalit hindi
  30. 30. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG PRINSIPYO Partispasyon ng mga Stakeholder Ang aktibong pagsali ng mga stakeholder tulad ng mga negosyante, unyon ng mga manggagawa, NGO, at mga katutubo sa mga pagbabago at implementasyon ng mga pambansang estratehiya para sa sustainable development ay dapat likas na katangian ng isang magandang polisiya. Halimbawa: Ang Government Council for Sustainable Development ng Czech Republic ay kinabibilangan ng mga pamahalaan, negosyante, iskolar, NGO, at ibang stakeholder at nagsisilbing umbrella group para sa pagbubuo, implementasyon, at pagbabago ng pambansang
  31. 31. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG PRINSIPYO Mga Indicator at Target Ang paglalagay ng mga quantitative indicator at target ay mahalaga at nakatutulong sa pag-alam ng tunay na kalagayan o sitwasyon. Halimbawa: Sa Ireland, kasama sa ginawa ng pamahalaan upang makabuo ng mga indicator ay ang paglalagay ng green national accounts at satellite accounting approaches para tulungan ang kanilang economic accounts.
  32. 32. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG PRINSIPYO Pagmamasid at Pagtataya Ang mga pambansang estratehiya para sa sustainable development ay dapat nag-eevolve habang dumarami ang impormasyon tungkol sa priyoridad, teknolohiya, at polisiya upang mapagtagumpayan ang mga problema. Halimbawa: Ang Austria ay may Learning Strategy na nagbibigay- pansin sa pag-uulat at pagpapahayag para mas malawak ang partisipasyon sa pagbabago at implementasyon ng pambansang polisiya para sa
  33. 33. MGA ESTRATEHIYA NG PILIPINAS SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT Integrasyon ng pangkapaligirang konsiderasyon sa pagbuo ng desisyon Wastong pangangalaga ng mga likas na yaman Reporma sa property rights Rehabilitasyon ng masamang-lagay ng ecosystem Pagpapatatag ng residual management sa industriya (pagkontrol sa polusyon) Integrasyon ng mga pampopulasyong malasakit at kagalingang panlipunan sa pagpaplano Paghikayat ng pag-unlad sa mga pook-rural Promosyon ng pangkapaligirang kaalaman Pagpapatatag ng pakikilahok ng mga mamamayan
  34. 34. SALAMAT SA PAKIKINIG!!! MAG-ARAL NG MABUTI UPANG BUHAY AY BUMUTI… Elaine Joy F. Andaya TEACHER II

×