O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa Lipunan

Ito ay isang powerpoint presentation na nakatuon sa pagtalakay ng mga teorya na nagpapaliwanag sa konsepto na nakapaloob sa paksang: gamit ng wika sa lipunan.

  • Seja o primeiro a comentar

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa Lipunan

  1. 1. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
  2. 2. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Ang wika ang sinasabing “sentro ng sangkatauhan” Ang wika ay umuusbong kasabay ng sangkatauhan sa paglipas ng panahon
  3. 3. MICHAEL ALEXANDER KIRKWOOD (M.A.K.) HALLIDAY Isang linguistiko mula Inglatera Nakapagtapos ng kursong Batsilyer ng Artes, major sa Modernong Wikang Chinese sa Unibersidad ng London Awtor ng maraming libro at sulatin ukol sa wika at gamit nito sa lipunan
  4. 4. PITONG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN (AYON KAY M.A.K. HALLIDAY) 1.Instrumental 2.Regulatoryo 3.Interaksyonal 4.Personal 5.Hueristiko 6.Representatibo 7.Imahinatibo
  5. 5. 1. INSTRUMENTAL Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba. Ginagamit ito sa pagtukoy sa isang preperensiya, kagustuhan at pagpapasiya ng tagapagsalita. Kailangang malinaw at tiyak ang gusto iparating
  6. 6. 2. REGULATORYO Kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba Ginagamit ito upang makapang-hikayat, mag-utos o maghiling sa kaniyang kausap Kalimitang nagbibigay ito ng patakaran, kautusan, palisi, babala o mga panuntunan
  7. 7. 3. INTERAKSYONAL Nagbubukas at nagpapanatili ng interaksiyon o relasyong sosyal Ito rin ay pwedeng gamitin sa paghubog ng ugnayan ng isang lipunan Pwedeng gumamit ng di-berbal na lenggwahe katulad ng kilos, tindig o kaya naman ng tuon o galaw ng mata
  8. 8. 4. PERSONAL Ginagamit ito upang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal Ipahayag ang kaniyang mga personal na saloobin, kuro-kuro, opinion, komento, atbp. Halimbawa: Pagsulat sa talaarawan (dyornal)
  9. 9. 5. HUERISTIKO Ginagamit ito sa pag-aaral, pagdiskubre o pagtuklas upang magtamo ng kaalaman o karunungan sa kapaligiran Nasa anyo ng pagtatanong, sarbey, o pagdedebate
  10. 10. 6. REPRESENTATIBO Ginagamit upang makapaghatid ng tamang impormasyon o datos Karaniwang nakikita sa mga libro, telebisyon at radyo
  11. 11. 7. IMAHINATIBO Ginagamit ito upang ipahayag o ipabatid ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro o malikhain sa gamit ng mga salita Halimbawa: Tula, maikling kwento, epiko, at iba pang uri ng panitikan

×