Ito ay isang powerpoint presentation patunkol sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangang Asya (China at Japan), Japan bilang Imperyalistang Bansa, Mga Digmaang Japanese
5. Dinastiyang Qing:
Pagkaraang bumagsak ng Dinastiyang
Ming noong 1644; pinamunuan ng Manchu
ang China mula 1644 hanggang 1912
Pinakahuling dinastiyang sa China.
6. Ang mga Europeo sa China:
Naging aktibo ang mga misyoneryong
Jesuit sa China noong ika-17 siglo.
Matteo Ricci – kauna-unahang Europeong
inanyayahang makapasok sa Forbidden
City.
7. Mga Digmaang Opyo:
Opyo – nakakalangong droga mula sa
opium poppy.
Noong 1839, kinumpiska at sinunog ng
mga Tsino ang mahigit 20,000 na baul ng
opyo ng mga British sa Guangzhou.
Nagalit ang mga British at nagdeklara ng
digmaan.
8. Open Door Policy sa China:
Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang
Opyo ay naging sanhi ng higit na
agresibong pagkilos ng mga Kanluraning
Bansa.
Iminungkahi ni U.S. Secretary of State
John Hay noong 1899, ang pagsang-ayon
ng mga Bansang Europeo sa Open Door
Policy.
9. Open Door Policy
Ito ang patakaran na nagsasaad ng
magkakaroon ng pantay na karapatang
makipag-kalakalan sa China.
12. Pagdating ng U.S. sa Japan
Sa gitna ng ika-19 siglo, hindi na napigil ng
mga lider ng Tokugawa ang pagdating ng
mga impluwensiyang Kanluranin.
Noong 1853, dumating ang hukbo ng U.S
sa Japan sa pamumuno ni Commodore
Matthew Perry.
13. Meiji Restoration
Pagkaraan ng pamamahala ng Tokugawa
Shogunate, nalululok sa trono si Mutsuhito
noong 1868.
Tinawag ito na Meiji Period na tumagal
hanggang 1912.
14. Digmaang Sino-Japanese
Noong 1894, sumiklab ang marahas na
laban sa pagitan ng Japan at China na
tinawag na Sino-Japanese War.
Matinding pagkatalo ang naranasan ng
mga Tsino sa kamay ng mga Hapones.
15. Digmaang Ruso-Japanese
Noong 1904, sinalakay ng puwersang
Hapones ang panghukbong-dagat na base-
militar ng Russia sa Port Arthur, sakop na
lugar ng Russia na matatagpuan sa China.
Ito ang hudyat o simula ng Ruso-Japanese
War (1904-1905).
Ikinagulat at ikinamangha ng daigdig ang
tagumpay ng mga Hapones sa mga
digmaang kinasangkutan nito laban sa
China at Russia.
Kinalala ang Japan bilang isang regional
power.