Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng mga Opinyon at Mga Wastong paggamit ng mga Salita.
2. Opinyon
• Paliwanag lamang batay sa mga
makatotohanang pangyayari
• Saloobin at damdamin ng tao
• Hindi maaaring mapatunayan kung tama
o hindi
3. Bahagi na ng pang-araw-
araw na buhay ang
pagbibigay ng opinyon sa
mga pangyayaring
nagaganap o namamamalas
sa ating paligid
4. Sa pagbibigay ng opinyon,
makakabuti kung tayo ay may
sapat na kaalaman sa paksang
pinag-uusupan upang masusing
mapagtimbang-timbang ang
mga bagay at maging
katanggap-tanggap ang ating
mga opinyon.
5. Mga pahayag sa pagbibigay ng
Matatag na Opinyon
• Buong igting kong sinusoportahan
ang…
• Kumbinsido akong…
• Lubos kong pinaniniwalaan…
• Labis akong naninindigan na…
6. Mga pahayag sa pagbibigay ng
Neutral na Opinyon
• Kung ako ang tatanungin…
• Kung hindi ako nagkakamali…
• Sa aking palagay…
• Sa tingin ko…
• Sa totoo lang…
• Sa aking pananaw…
7. Sa pagbibigay ng
opinyon, mahalagang
matutuhan ang wastong
gamit ng mga salita
upang maging kapani-
paniwala o kahika-hikayat
ang pahayag
8. Nang at Ng
Nang
• Ginagamit bilang
pangatnig sa mga
pangungusap na
hugnayan
• Bilang pang-abay
• Sa gitna ng dalawang
salitang-ugat o
dalawang pandiwang
inuulit
Ng
• Bilang pananda sa
tuwirang layon ng
pandiwang palipat
• Bilang pagpapakita ng
pagmamay-ari ng isang
bagay o katangian
9. Din/Rin at Daw/Raw
Rin at Raw
• Kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa
patinig at malapatinig
na letrang w at y
Din at Daw
• Kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa
letrang w at y
10. Subukin at Subukan
Subukin
• Sumusuri at
nagsisiyasat sa uri, lakas
o kakayahan ng isang
tao o bagay
Subukan
• Kapag gustong
malaman kung ano ang
ginagawa ng isang tao o
bagay ng patago o
palihim