O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.
Macbeth
Isinulat ni: William Shakespeare
Kasaysayan ng Akdang
Macbeth
•Ito ay isang akdang isinulat ni William
Shakespeare na may tema ng trahediya
•Sinasabi na is...
Buod ng
Macbeth
Nagsimula ang dula sa labanan sa pagitan ng Scotland at sa mga
rebeldeng grupo sa Kagubatan ng Forres. Pinuntahan ni Thane...
Hindi lubusang maisip ni Macbeth kung ano ang aasahan niya pagkatapos
sabihin sa kanya ang propesiya. Kumain ng hapunan si...
Ang mga anak ni Duncan na sina Malcolm at Donalbain ay nagkubli sa
Inglatera at Ireland dahil sa takot na patayin sila ni ...
Bumalik si Macbeth sa mga mangkukulam sa isang kuweba. Binalaan nila si
Macbeth tungkol kay Macduff, isang marangal na tao...
Habang si Lady Macbeth ay sobra-sobrang nagsisisi sa kanyang nagawa
kaya humantong siya sa pagpatiwakal o “suicide” habang...
Mga Katanungan:
Bakit kaya gustong-gusto umupo sa trono
ng hari ng Scotland si Macbeth? Ano ang
kanyang nagawa para matupa...
Mga Katanungan:
Ipaliwanag ang katangian ni Lady
Macbeth bilang isang asawa. Ano ang
kanyang partisipasyon sa pagkaupo ni
...
Mga Katanungan:
Ipaliwanag ang pangyayari noong
nagpagkamatay si Lady Macbeth. Ano
ang simbolismo ng dugo sa kanyang
kamay...
Mga Katanungan:
Ano ang naging epekto ng pagkamatay ni
Lady Macbeth kay Macbeth? Ito ba ang
naging daan para pag-igihin an...
Mga Katanungan:
Ano ang gintong aral na iyong natutunan?
Ipaliwanag.
Próximos SlideShares
Carregando em…5
×

Filipino 10 Macbeth

8.346 visualizações

Publicada em

Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa akdang Macbeth na isinulat ni William Shakespeare. Dito din matatagpuan ang buod at mga katanungan patungkol sa akda.

Publicada em: Educação
  • Seja o primeiro a comentar

Filipino 10 Macbeth

  1. 1. Macbeth Isinulat ni: William Shakespeare
  2. 2. Kasaysayan ng Akdang Macbeth •Ito ay isang akdang isinulat ni William Shakespeare na may tema ng trahediya •Sinasabi na isinulat ito ni Shakespeare noong naging hari ng Inglatera si James I noong ika-17 na siglo
  3. 3. Buod ng Macbeth
  4. 4. Nagsimula ang dula sa labanan sa pagitan ng Scotland at sa mga rebeldeng grupo sa Kagubatan ng Forres. Pinuntahan ni Thane of Ross, ang hari ng Scotland na si Duncan para ibalita na natalo ng kanyang dalawang magaling na heneral na si Macbeth at Banquo ang mga rebeldeng mula Ireland at Norway. Ang pinuno ng mga rebelde mula Ireland ay si Macdonwald na itinuturing na traydor dahil kinampihan niya ang mga kalaban. Pagkatapos nila matalo ang mga rebelde, nakaharap nila ang mga mangkukulam. Hinirang nila si Macbeth bilang “Thane of Cowdor”. Nagbigay sila ng propesiya na magiging hari ng Scotland si Macbeth, at sinabihan din nila si Banquo na hindi man siya magiging hari ay ang kanyang mga anak ang magiging hari. Hindi maisip ni Banquo kung totoo ba o hindi ang kanyang narinig. Pagkatapos nito ay ang mga mangkukulam ay biglang naglaho. Binati sina Macbeth at Hanquo ng kanilang mga sundalo dahil napanalo nila ang kanilang laban.
  5. 5. Hindi lubusang maisip ni Macbeth kung ano ang aasahan niya pagkatapos sabihin sa kanya ang propesiya. Kumain ng hapunan sina Macbeth at Duncan sa Inverness, ang kastilyo ni Macbeth. Sinulatan din niya ang kanyang asawa na si Lady Macbeth kung ano ang mga nangyari sa kanya. Gustong-gusto ni Lady Macbeth na maging hari ang kanyang asawa at ang paraan para makuha niya ang trono ay patayin si Duncan. Noong nakarating na si Duncan sa Inverness, inudyukan ni Lady Macbeth ang kanyang asawa na patayin na ang hari. Plinano nina na lasingin ang dalawang chamberlains o alalay ni Duncan para kapag napatay na nila si Duncan ay mapupunta sa dalawang alalay niya ang sisi na wala din kalaban-laban. Pinatay ni Lady Macbeth si Duncan sa pamamagitan ng isang “dagger” o kutsilyo. Nang kinaumagahan ay nalaman na ang pagkamatay ni Duncan, kaya pinatay ni Macbeth ang dalawang alalay ni Duncan, at siya’y naging hari na ng Scotland.
  6. 6. Ang mga anak ni Duncan na sina Malcolm at Donalbain ay nagkubli sa Inglatera at Ireland dahil sa takot na patayin sila ni Macbeth. Nag-utos din si Macbeth na kumuha ng grupo na papatay sa kanyang kaibigan na heneral na si Banquo at si Fleance, ang kanyang anak para wala nang makaka- agaw sa kanyang trono. Noong papunta sila sa isang marangyang kapistahan ay napatay nila si Banquo pero hindi nila napatay si Fleance dahil siya’y nakatakas. Sobrang nagalit si Macbeth, at naisip niya na habang buhay pa si Fleance ay hindi pa sigurado ang kanyang panunungkulan bilang hari. Noong gabi ng pagpapakilala sa mga maharlika ay binisita ng kaluluwa ni Banquo si Macbeth, at nang nakita ni Macbeth ang kaluluwa ay nataranta at nagmayabang siya sa mga panauhin, partikular na ang mga Scottish nobility, kaya sinubukan ng kanyang asawa na pahinahon ang sitwasyon. Pero hindi niya ito nagawa.
  7. 7. Bumalik si Macbeth sa mga mangkukulam sa isang kuweba. Binalaan nila si Macbeth tungkol kay Macduff, isang marangal na tao na kumakalaban sa pag-upo ni Macbeth sa trono. Siya ay hindi nasasaktan ng sinumang lalaki na pinanganak ng isang babae, at siya’y magiging ligtas hanggang makarating ang Birnam Wood sa Dunsinane Castle. Natuwa si Macbeth dahil alam niya na lahat ng lalaki ay pinanganak ng mga babae at hindi kayang maglakad ang mga gubat. Nang nalaman niya na pumunta si Macduff sa Inglatera para makipagsanib-puwersa kay Prinsipe Malcolm ay inutusan niya ang kanyang mga sundalo na pabagsakin ang kastilyo ni Macduff, at ang asawa at ang mga anak ni Macduff ay dapat patayin. Nang nalaman ni Macduff ang nangyari, ay gustong-gusto niyang maghiganti kaya pumunta siya, kasama ang malaking puwersa niya at ni Prinsipe Malcolm sa Scotland para makipag-laban kay Macbeth. Tinatayang aabot sa sampung libong sundalo ang pinadala para makipag-laban kay Macbeth.
  8. 8. Habang si Lady Macbeth ay sobra-sobrang nagsisisi sa kanyang nagawa kaya humantong siya sa pagpatiwakal o “suicide” habang siya ay nagsisleep-walking, at may nakitang dugo sa kanyang mga kamay na hindi nahuhugasan ng tubig. Nang malaman ni Macbeth ang nangyari sa kanyang asawa ay sobra siyang nawalan ng pag-asa. Kahit ganoon ang nangyari ay hinintay pa rin niya ang mga kalaban at nang nalaman niya na parating na ang mga kalaban sa Dunsinane na nagpatatanggol ng mga boughs cut mula sa Birnam Wood, natakot siya na tama nga ang propesiya na ibinigay sa kanya. Sa larangan ng digmaan ay nakaharap ni Macbeth si Macduff at sinabi na siya’y hindi pinanganak ng isang babae ngunit siya ay tinanggal mula sa sinapupunan ng kanyang ina o tinatawag ngayon na “cesarian”. Nang mapagtanto niya na siya ay wala nang kawala ay nakipag- laban pa rin si Macbeth hanggang siya ay mapatay at pugutan ng ulo ni Macduff. Naging hari na ng Scotland si Malcolm, at inimbitahan ang lahat na mapanood ang pagputong ng korona sa kanyang ulo sa Scone.
  9. 9. Mga Katanungan: Bakit kaya gustong-gusto umupo sa trono ng hari ng Scotland si Macbeth? Ano ang kanyang nagawa para matupad ang adhikain niya?
  10. 10. Mga Katanungan: Ipaliwanag ang katangian ni Lady Macbeth bilang isang asawa. Ano ang kanyang partisipasyon sa pagkaupo ni Macbeth bilang hari ng Scotland?
  11. 11. Mga Katanungan: Ipaliwanag ang pangyayari noong nagpagkamatay si Lady Macbeth. Ano ang simbolismo ng dugo sa kanyang kamay na hindi puwede mahugasan ng tubig? Ipaliwanag.
  12. 12. Mga Katanungan: Ano ang naging epekto ng pagkamatay ni Lady Macbeth kay Macbeth? Ito ba ang naging daan para pag-igihin ang kanyang pakikidigma o ito ang naging sanhi para siya ay matalo sa labanan?
  13. 13. Mga Katanungan: Ano ang gintong aral na iyong natutunan? Ipaliwanag.

×