Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Ideolohiyang lumaganap sa Kanlurang at Timog Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang ideolohiyang lumaganap sa Kanlurang at Timog Asya.
AP 7 Lesson no. 21: Mga Ideolohiya na Lumaganap sa Kanlurang At Timog Asya
1. Lesson 21: Mga Ideolohiya na lumaganap sa Kanlurang at Timog Asya
Ideolohiya – ito ay ang kalipunan ng mga paniniwala na pinaniniwalaan ng isa o pangkat ng mga tao.
Dito binabatay ng pamahalaan ang paraan ng kanyang pamamahala sa ideolohiyang sinusunod nila.
Antoine Destutt de Tracy – Siya ang nakabuo ng salitang “ideology”.
Iba’t-ibang ideolohiya:
1. Demokrasya – Nagmula sa salitang “demoskratus” na ibig sabihin ay pamamahala ng mga tao. Ito ay
isang uri ng ideolohiya na pinamamahalaan ng sangkatauhan. Sa ideolohiyang ito, may nagaganap na
free elections.
Uri ng Demokrasya:
A. Direct Democracy – Ang mga tao mismo ang namamahala o gumagawa ng desisyon para sa
kanilang bansa. Sila din ang nag-aamyenda sa kanilang batas at gumagawa ng batas.
B. Representative Democracy – Ito ay isang uri ng demokrasya na pinamumunuan ng mga piling
opisyal na rinirepresenta ang kabuoang populasyon ng tao
2. Komunismo – Nagmula sa salitang Latin “communis” na ibig sabihin ay “pandaigdigan”. Ayon sa
ideolohiyang Komunismo,lahatng tao, Mayaman man o mahirap ay pantay-pantay. Kontrolado ng
pamahalaan ang produksyon.
Communist Party of Saudi Arabia – Ito ay itinatag noong Agosto 31, 1975. Pinupuna ng grupong
ito ang maling pamamalakad ng pamahalaan ng Saudi Arabia. Ngunit noong bumagsak ang Unyon
Sobyetnoong 1991, ay napilitang palitan ng organisasyon nito ang pangalan ng kanilang
organisasyon.
Iraqi Communist Party – Ito ay itinatag noong Marso 31, 1934 sa Baghdad, Iraq. Ang Iraqi
Communist Party ang nagbago sa pagtakbo ng kasaysayan atistruktura ng pulitika sa Iraq. Ngunit,
pinuna o kinalaban ng samu’t-saring grupo ang Iraqi Communist Party, lalo na noong panahon ng
pamamahala ni Saddam Hussein.
Communist Party of India – Ito ay itinatag noong Disyembre 25, 1925 sa New Delhi, India.
Communist Party of India (Marxism) – Humiwalay ito noong Nobyembre 7, 1964 sa Communist
Party of India. Ang kanilang pananaw ay ayaw nila sa konsepto ng globalisasyon atkapitalismo.
3. Liberalismo – Ito ay isang ideolohiya na tumatalakay sa kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ito ay
itinatag noong Age ofEnlightenment.
National Liberal Party (Lebanon) – Ito ay itinatag noong 1958 ni Presidente Camille Chamoun na
ngayon ay pinamumunuan na ng kanyang anak. Pinapapahalagahan nila ang Karapatan ng
malayong paglalahad at religious freedoms