4. Gawain 1.Headline-Suri
Makibahagi sa iyong pangkat, suriin ang larawan ng
headline naitalaga sa inyo. Sagutin ang tanong na:
Bakit ito ay maituturing na isyu o suliraning
panglipunan? Isulat ang sagot sa diagram.
5.
6. Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa
headline na napunta sa inyo?
2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang
ipinakikita ng bawat headline? Bakit?
3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang
isyung panlipunan?
7. Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa
artikulo ni Leile B. Salaverria tungkol sa antas ng
korapsyon sa Pilipinas.
8. Sa artikulong isinulat ni Leila B. Salaverria na nailathala sa Philippine Daily Inquirer
noong Disyembre 5, 2012, tinalakay niya ang resulta ng pag-aaral ng Transparency
International tungkol sa persepsyon ng korapsyon sa Pilipinas. Sa nasabing pag-
aaral, nagtala ang Pilipinas ng iskor na tatlumpu’t apat sa kabuuang 100 kung saan
ang 100 ay may deskripsyon na “very clean”.
Bahagyang tumaas ang marka ng Pilipinas noong 2013 sa iskor na tatlumpu’t
anim.Kung tutuusin, mababa pa rin ang markang ito kung ihahambing sa mga
bansang Denmark, Finland, New Zealand, Sweden, at Singapore na may matataas na
marka at itinuturing na “very clean”. Nagbibigay ito ng mensahe na ang Pilipinas ay
isa pa rin sa mga bansa sa daigdig na may malaganap na korapsyon sa pamahalaan.
Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa
artikulo ni Leile B. Salaverria tungkol sa antas ng
korapsyon sa Pilipinas.
9. Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa
artikulo ni Leile B. Salaverria tungkol sa antas ng
korapsyon sa Pilipinas.
Ang isyu ng korapsyon ay hindi lamang nararanasan sa
ating bansa. Sa katunayan, ayon sa nasabi ring pag-aaral,
higit na mataas ang marka ng Pilipinas kung ihahambing
sa mga karatig-bansa sa Asya tulad ng Vietnam,
Indonesia, Bangladesh, at ng North Korea na kasama
sa “five most corrupt countries” sa daigdig. Subalit hindi
ito dahilan upang itigil natin ang paglaban sa korapsyon.
Ayon kay Rosalinda Tirona, ang pangulo ng Transparency
International sa Pilipinas, kailangan pa ang mas maraming
pagkilos upang labanan ang korapsyon. Ngunit, hindi
lamang korapsyon ang dapat na bigyang pansin kundi
ang transpormasyon ng lipunang Pilipino upang makamit
ang tunay napagbabago.
10. Korapsyon
Ang korapsyon ay makikita sa mga simpleng serbisyong
pampamahalaan tulad ng pagkuha ng permit para sa
pagbubukas ng negosyo hanggang sa mga malawakan at
malakihang proyekto tulad ngpagpapagawa ng kalsada,
tulay, at mga gusaling pampubliko.
Maraming mamamayan ang nag-aakala na wala itong
direktang epekto sa kanila subalit, ang katotohanan lahat
tayo ay apektado nito.
Ganito rin ang persepsyon ng ibang mamamayan sa iba
pang isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa ating
bansa tulad ng paglabag sa karapatang pantao, malayang
kalakalan, pang-aabuso sa mga kababaihan, at mga
suliraning pangkapaligiran na dulot ng maling
pangangalaga sa kalikasan.
Bunga nito, hinihiwalay ng mga mamamayan ang
kanilang sarili sa mga isyu at hamong panlipunan upang
matugunan ang mga personal na hamon at
pangangailangan.
11. Korapsyon
Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak
na pangkapaligirankaalaman sa mga isyu at hamong
panlipunan upang maunawaan ang mga sanhi at
bunganito sa isang lipunan at sa bansa.
Mahalaga ring maunawaan na lahat tayo ay may
bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliraning
.
Mahalaga ring maunawaan mo ang epekto nito sa
indibiduwal, sa iba’t ibang pangkat ng tao, at sa lipunan
sa kabuuan.
Higit sa lahat, makatutulong din ito upang maging
aktibong bahagi ka ng mga programa at polisiya na
naglalayong bigyan ng katugunan ang mga suliranin.
Ang mga mamamayang mulat at tumutugon sa kanilang
mga tungkulin ay kailangan sa pagkamit ng ganap na
transpormasyon ng indibiduwal at lipunan.
14. Ang lipunan
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang
naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mga
sosyologo tungkol sa lipunan.Ilan sa kanila ay sina
Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley.
15. Emile Durkheim
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo
kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain.
Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon.
Ang maayos na lipunan ay makakamit kung
ang bawat pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang kanilang
tungkulin.”(Mooney, 2011)
16. Karl Marx
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan.
Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga
tao sa limitadong pinagkukunang- yaman
upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.
Sa tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon.
Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at
hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
17. Charles Cooley
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan.
Makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng
mga mamamayan.”(Mooney, 2011)
18. Magkakaiba man ang pagpapakahulugan sa lipunan,
makikita na ang mga sosyologong ito ay nagkakaisa na
ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon,
ugnayan, at kultura.
Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan mo kung
ano-ano ang bumubuo sa lipunan.
19. Ang Istrukturang
Panlipunan at Kultura
IPAGPALAGAY NA ANG LIPUNAN AY TULAD NG ISANG BARYA NA MAY
DALAWANGMUKHA: ANG ISANG MUKHA AY TUMUTUKOY SA MGA
ISTRUKTURA NG LIPUNAN AT ANG ISA NAMAN AY TUMUTUKOY SA
KULTURA. BAGAMA’T ANG DALAWANG MUKHA AY MAGKAIBA AT MAY
KANI-KANIYANG KATANGIAN, MAHALAGA ANG MGA ITO AT HINDI
MAAARING PAGHIWALAYIN TULAD NA LAMANG KAPAG PINAG-
UUSAPAN ANG LIPUNAN.
20. Mga Elemento ng
Istrukturang Panlipunan
Ang mga elemento ng istrukturang
panlipunan ay ang mga sumusunod:
1. INSTITUSYON
2. SOCIAL GROUPS
3. STATUS (SOCIAL STATUS)
4. GAMPANIN (ROLES)
21. Institusyon
LIPUNAN
Binubuo ng mga institusyon.
Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan
sa isang lipunan. (Mooney, 2011).
PAMILYA
Isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang
nahuhubog ang pagkataong is ang nilalang.
EKONOMIYA
Mahalaga ang ekonomiya salipunan dahil pinag-
aaralan dito kung paano matutugunan ang
mgapangangailangan ng mga mamamayan.
22. Social Group
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social
group.
Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may
magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa
at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng
social group:
PRIMARY GROUP at SECONDARY GROUP. (Mooney, 2011).
PRIMARY GROUP
Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal.
Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.
SECONDARY GROUP
binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.
Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri
ng ugnayang panlipunan.
Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng
kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga
manggagawa sa isa’t isa.
23. Social Group
Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan
ang mga bumubuo sa isang social group na
nagdudulot ng ilang isyu at hamong
panlipunan.
Halimbawa ang malawakang pagwewelga
ng ilang manggagawa ay isang isyung
panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng
hindi magandang ugnayan ng mga
manggagawa at may-ari ng kumpanya.
24. Status
Kung ang mga institusyong panlipunan
ay binubuo ng mga social groups, ang
mga social groups naman ay binubuo ng
iba’t ibang status.
Ang status ay tumutukoy sa posisyong
kinabibilangan ng isang indibiduwal
salipunan.
Ang ating pagkakakilanlan o identidad
ay naiimpluwensiyahan ng ating status.
May dalawang uri ng status: ito ay ang
ascribed status at achieved status .
25. Status
Paano nga ba nagkakaugnay ang dalawang uri ng
status?
Maaaring makaapekto ang ascribed status ng isang
indibiduwal sa kaniyang achieved status.
Halimbawa, ang isang indibiduwal ay ipinanganak na
mahirap.
Ang pagiging mahirap niya sa pagkakataong ito ay
maituturing na ascribed status.
Ang ascribed status na ito ay maaaring maging
inspirasyon sa kaniyang hangarin na makatapos ng pag-
aaral o kaya ay maging isang propesyunal upang
makaahon sa hirap ng buhay.
Ang pagiging isang college graduate o propesyunal ay
maituturing naachieved status.
26. Status
May mga isyu at hamong panlipunan na may
kaugnayan sa status ng tao sa lipunan.
Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak na
pagkakataon sa magandang kalidad ng edukasyon
ang mga taong ipinanganak na mayaman kung
ikukumpara sa mga mahihirap.
Sa kabila nito, mayroon din namang mga mahihirap
na naging tuntungan ang ganitong kalagayan
upang lalong magsumikap para mabago ang estado
sa buhay.
27. Gampanin (Roles)
May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social
group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o
roles.
Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan,
obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng
posisyon ng indibiduwal.
Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din
ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
Halimbawa, bilang isang mag-aaral inaasahang
gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-
aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang
kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at
pagbibigay ng pagsusulit sa klase.
28. Gampanin (Roles)
Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang
indibiduwal o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang
isyu at hamong panlipunan.
Halimbawa, ang isang mamamayan ay may tungkuling
dapat gampanan sa lipunan. Kung ito ay hindi
magagampanan nang maayos, magdudulot ito ng ilang isyu at
hamong panlipunan.
Tungkulin ng mga mamamayan na sumunod sa batas ng
pagtatapon ng basura.
Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay makapagdudulot
ng ilang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng polusyon na
banta sa kalusugan ng mga mamamayan.
29. Gampanin (Roles)
May mga pagbabago rin sa lipunan na magdudulot ng
pagbabago sa roles ng bawat isa. Isang magandang halimbawa
nito ang pagkakaroon ng mga househusband sa kasalukuyan.
Ito ay mga asawang lalaki na siyang gumagawa ng mga gawain
sa loob ng tahanan habang ang kaniyang asawang babae ang
naghah anapbuhay.
Marami ring pagkakataon na ang asawang lalaki at asawang
babae ay kinakailangang parehong magtrabaho upang
matugunan ang pangangailangan ng pamilya.
Makikita sa ganitong sitwasyon ang pagbabago ng gampanin
ng mga kalalakihan at kababaihan bilang tugon sa
nagbabagong panahon.
30. Gawain 2. Timbangin Mo
Basahin at unawain ang
mga pahayag. Isulat ang
A kung tama ang
nilalaman ng una at
ikalawang pahayag; B
kung tama ang nilalaman
ng unang pahayag at mali
ang ikalawa; C kung mali
ang nilalaman ng unang
pahayag at tama ang
ikalawa; D kung mali ang
nilalaman ng una at
ikalawang pahayag.
31. Gawain 3. Photo Essay
Sa isang oslo paper ay gumawa ng Photo Essay na
nagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamong
panlipunan na dulot ng mga elemento ng
istrukturang panlipunan.
Maaaring gumupit ng mga larawan sa magazine o
kumuha ng mga ito sa internet.
Gawing batayan ang rubric sa pagmamarka bilang
gabay sa pagtupad ng gawaing ito.
35. Katuturan ng Kultura
Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan
din ng pansin ang kultura.
Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang kultura ay
isang kumplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay
ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa
kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran
ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali
at ang mabuti sa masama.
36. Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang
kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng
pagsasabing “ito ang kabuuang konseptong sangkap
sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at
gawi, at ang kabuuang gawain ng tao”.
Ayon naman kayMooney (2011), ang kultura ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay
na naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang
ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay mula paggising hanggang bago
matulog ay bahagi ng ating kultura. May dalawang
uri ang kultura. Ito ay ang materyal na kultura at hindi
materyal na kultura.
Katuturan ng Kultura
39. Mga Elemento ng Kultura
Kung ang mga institusyong panlipunan ay
tumutukoy sa mga istruskturang bumubuo
sa isang lipunan, ang kultura naman ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa isang
lipunan.
Naglalarawan ito sa isang lipunan. Nag-iiba
ang paglalarawan ng bawat lipunan batay
na rin sa kultura nito.
Binubuo ang kultura ng mga paniniwala
(beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at
simbolo.
40. Paniniwala (Beliefs)
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag
tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na
totoo.
Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga
ng isang grupo o lipunan sa kabuuan.
Nakakaapekto sa mga isyu at hamong
panlipunan ang paniniwala ng isang
indibiduwal o pangkat ng tao.Halimbawa, ang
isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-
pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay
magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-
unlad ng tao anuman ang kasarian nito.
41. Pagpapahalaga (Values)
Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay
sa paniniwala ng isang lipunan.
Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi.
Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda
at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat(Mooney, 2011).Bagama’t may iba’t ibang
pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami sa
pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan.
Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag sa
mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o
hamong panlipunan.
42. Norms
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na
binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.
Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng
mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang
indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan.
Mauuri ang norms sa folkways at mores.
Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan
ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang
lipunan sa kabuuan.
43. Norms
Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy sa
mas mahigpit na batayan ng pagkilos.
Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng
mga legal na parusa (Mooney, 2011).
Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan
upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang
mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng
mga tao.
Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may
kaukulang kaparusahan.
44. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang
bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949)
Kung walang simbolo, walang magaganap na
komunikasyon at hindi rin magiging posible ang
interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga
pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na
nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.
Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang
pagmamano.
Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng
pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga
nakatatanda.
45. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang
bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949)
Kung walang simbolo, walang magaganap na
komunikasyon at hindi rin magiging posible ang
interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga
pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na
nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.
Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang
pagmamano.
Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng
pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga
nakatatanda.
46. Gawain 4. Modified True or False
Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung
ito ay mali, itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto
ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang. __________1. Ang
kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng
mga mamamayan sa isang lipunan.
__________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na
tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan
ng pagkilos sa isang lipunan.
__________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na
katanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan.
__________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay
may kaukulang kaparusahan o sanctions.
__________5. Ang kultura aynaglalarawan sa isang lipunan.
48. Ang Sociological Imagination
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan,
mahalaga ang pagunawa sa mga istrukturang
bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa
isang lipunan.
Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng
istrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng
mga suliranin at isyung panlipunan.
Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang
ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga
personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang
kanyang ginagalawan.
Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag
nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang
koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at
isyung panlipunan.
Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga
pangyayari sa ating buhay bilang isang indibiduwal at
sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating
ginagalawan.
49. Ang Sociological Imagination
Isang halimbawa nito ang problemang
kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping
pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at mga
karatig-lugar.
Sa simula, maaaring isisi sa tao ang
pagiging huli niya sa pagpasok sa
paaralan, subalit kung susuriin ang isyung
ito, masasabing ang palagiang pagpasok
nang huli ay bunga ng malawakang
suliraning pantrapiko.
Kung gagamitin ang Sociological
Imagination, maiuugnay na hindi lamang
personal na isyu ang dapat harapin kundi
isang isyung panlipunan na nakaaapekto
sa isang indibiduwal.
50. Ano nga ba ang kaibahan ng
isyung personal at isyung
panlipunan?
51. Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Ang mga isyung personal ay sinasabing
nagaganap sa pagitan ng isang tao at
ilang malalapit sa kanya.
Ang solusyon sa isang isyung personal ay
nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing
ang isyung ito na pribadong bagay na
nararapat solusyunan sa pribadong
paraan.
Samantala ang isyung panlipunan ay isang
pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay
ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong
panlipunan.
Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi
lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa
kabuuan.
52. Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Mahalagang malaman mo na sa kabila ng
pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan, ang dalawang ito ay
magkaugnay.
Isang halimbawa nito ay ang mga hamon
at isyung pangkapaligiran.
Ang makalat na bakuran ay isang
halimbawa ng isyung personal subalit kung
ang isang barangay o bayan ay magiging
makalat dulot ng kawalan ng maayos na
sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay
maituturing na isyung panlipunan.
Idagdag pa rito ang masamang epekto sa
kalusugan at ekonomiya ng isang lugar
kung ito ay mabaho, makalat, at walang
maayos na sistema ng pagtatapon ng
basura.
53. Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa
ekonomiya.
Isang magandang halimbawang ibinigay ni C.
Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung
personal at isyung panlipunan ay tungkol sa
kawalan ng trabaho.
Kung sa isang komunidad na may 100,000
mamamayang maaaring maghanapbuhay ay
may isang walang trabaho, maaring ituring ito
bilang isang isyung personal. Subalit kung sa
isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15
milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari
itong ituring na “isyung panlipunan”.
Sa malalim na pagtingin, maaaring maging
kongklusyon na may kakulangan sa lipunan o
istruktura nito na nagdudulot ng kawalan ng
trabaho ng maraming mamamayan dito.
54. Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Mayroon din namang ilang pangyayari na
maituturing na isyung panlipunan subalit makikita
ang epekto sa personal na buhay ng isang tao.
Ang mga digmaan ay maituturing na isyung
panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto
nito maging sa personal na buhay ng mga tao sa
lipunang puno ng kaguluhan at karahasan.
Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination,
bilang bahagi ng lipunang iyong ginagalawan,
mahalagang maunawaan mo na ang mga
personal na isyung nararanasan mo ay may
kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan.
Hindi rin maikakaila na mayroon kang
mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon
sa mga isyu at hamong kinahaharap ng lipunan
sa kasalukuyan.
55. Gawain 5. Personal o Panlipunan?
Gamit ang Venn diagram ay ibigay ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng isyung personal
at isyung panlipunan.
56. Gawain 6.
Pangatuwiranan mo!
Basahin ang mga
situwasyon sa unang
kolum. Ipaliwanag
ang sanhi at epekto
ng bawat
situwasiyon gamit
ang Sociological
Imagination.
Pagkatapos, punan
ng tamang sagot
ang kahon ng
paglalahat.