O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 26 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Diapositivos para si (20)

Anúncio

Semelhante a Filipino (20)

Filipino

  1. 1.  Walong Pangunahing wika Bikolano Iligaynon Ilokano Kapampangan Tagalog Pangasinense Sebuano Waray
  2. 2. 1. Ginagamit sa sentro ng kalakalan at ng nakararaming pilipino. 2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang pilipino. 3. Wikang may pinakamaunlad na balangkas.
  3. 3.  Kapulungan ng wikang tagalog(1903)  layunin na magpadalisay at mapayaman ang wikang tagalog.  Samahan ng mga mananangalog(1908)  Aklatang Bayan(1900)  mapadali at mapalaganap ang panitikan  Akademya ng wikang Pilpino  mapayaman ang tagalog sa pamamagitan ng panghihiram
  4. 4.  Lope K. Santos  Faustino Aguilar  Patricio Mariano  Severino Reyes  Teodor Kalaw – isang mamamahayag ng panitikan.
  5. 5.  Jaime C. De Veyra – Tagapangulo  Cecilio Lopez – Kalihim Mga Kagawad :  Felimon Sotto  Santiago A. Fonancier  Felix S. Salas  Casimiro Perfecto  Hadji Butu
  6. 6.  Pinalitan sina Felimon Sotto at Hadji Butu sa kadahilanang kapansanan at pagkamatay.  Ipinalit sila Isidro Abad, Zoilo Hilario, Jose I. Zulueta at Lope K. Santos. Nang magbitaw si Lope K. Santos ay ipinalit sa Iñigo Ed Regalado.  Trinidad Pardo de Pilipino, Pedro Paterno At Benito Legarda ay ang mga Amerikanismo.
  7. 7.  Saligang Batas ng Biak na Bato (1897) -Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.  Batas ng Philippine Commission Blg. 74 -Gagawing panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles.
  8. 8.  Panukalang Batas Blg. 577 ng Philippine Legislature (1932) -Nag-uutos sa kalihim ng Public Instruction na gamitin bilang Panturong wika ang tagalog sa taong panuruan 1932-1933.  Saligang-Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 -Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na nasasalig sa isa sa mga wikang katutubo.Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles at Kastila ay magpapatuloy na wikang opisyal.
  9. 9.  Batas-Komonwelt Blg. 184 (1936) -Pagtatatag ng tanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa(SWP) at pagbibigay dito ng kapangyarihang gumawa ng pag-aaral sa lahat ng sinasalitang wika sa kapuluan.  Kautusang Tagapagpaganap blg. 134(1937) -Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
  10. 10.  Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263(1940) -Ang pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at ang Balarila ng Wikang Pambansa upang magamit sa mga paaralan sa buong kapuluan.  Sirkular Blg. 26 (1940) -Marapat na ituro ang Wikang Pambans sa mga mag-aaral na nasa ika-apat at ikalawang taon.
  11. 11.  Bulitin Blg. 26 (1940) -Ang pagkakaroon ng isang pitak ng Wikang Pambansa sa mga pahayagan ng iba’t-ibang mga paaralan.  Batas Komonwelt Blg. 570(1946) -Pagpapatibay na ang wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa ng wikang opisyal ng Pilipinas.
  12. 12.  Proklamasyon Blg. 12 (1954) -Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang isang kautusan na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 4 at araw ni Balagtas tuwing Abril 2, na kanya ring kaarawan , na naaayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
  13. 13.  Proklamasyon Blg. 186 (1955) -Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang susog ng Proklamasyon Blg. 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon- taon sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa.
  14. 14.  Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) - Ipinatupad sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero ang pagtawag sa wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinatawag ng Batas Komonwelt Blg. 570.  Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) - Ipinag-utos na simula sa taong- panuruan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino
  15. 15.  Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) -Nilagdaan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagtadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan sa pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
  16. 16.  Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) -Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino kalakip ang mga kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
  17. 17.  Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1968) -Nilagdaan ni Pangulong Marcos na nag- uutos sa lahat ng kagawaran, kawani, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon at pampamahalaang transakyon.  Memorandum Sirkular Blg. 227 (1968) -Ang noo’y Kalihin ng Edukasyon Ernesto Maceda ay nag-uutos na ang mga pinuno at kawani ng mga tanggapan ay dumalo sa seminar na idaraos kaugnay ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187.
  18. 18.  Resolusyon Blg. 70 (1970) -Ang wikang pambansa ay magiging wikang panturo sa antas ng elementarya.  Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon (1973) -Ang Ingles at Pilipino ay isasama sa kurikulum mula unang baitang ng mababang paaralan hanggang sa kolehiyo mapapribado man o pampublikong dalubhasaan.
  19. 19.  Saligang batas ng 1973, Artikulo XIV,Seksyon 3 -Ang Batasang pambansa ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.  Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) -Itinakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-1975.Ang patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit na Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura.
  20. 20.  Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987) -Isinasaad ang pagbabago sa patakarang Edukasyong Bilinggwal nang ganito… “Ang Patakarang Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa pilipino at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan ng pagtuturong dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.
  21. 21.  Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 - “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa mga maaaring ipasa ng kongreso, dapat maagsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo ng sistemang pang- edukasyon”
  22. 22.  Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7 - “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ingles. Ang mga wika ng rehiyon at mag- sisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.”
  23. 23.  Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 8 - “Ang konstitusyong ito ay dapat ipinahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga wikang panrehiyon, Arabic at kastila.”  Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 9 - “Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
  24. 24.  Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (1987) -Nilagdaan ng Pangulong Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas(LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.  Batas-Republika Blg. 7104 (1991) -Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino(KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng Saligang-batas ng 1987,ArtikuloXIV,Seksyon 9.
  25. 25.  Proklamasyon Blg.1041 (1997) -Nilagdaan ni pangulong Ramosang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31.  Ordinansa Blg. 74 ng Kagawaran ng Edukasyon(2009) -Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya o Mother Tongue-Based Multilingual Language Education (MTBMLE). Sinimulan ito sa isandaang paaralan sa bansa.

×